Sa sumunod na araw, nanumbalik na ang lakas ni Roxanne at nakabalik sa laboratory ng VitaCure company para sumuri ng medicinal materials. Mga pinoy ang iba niyang kasamahan kaya maaring niyang gamitin ang sariling lengguwahe. Mahalaga na masuri ngayon ni Roxanne ang mga medisina upang mapanatili ang kaligtasan, kalusugan at kahusayan ng mga produkto at serbisyo para sa mga tao. Kailangan nilang bigyan ng proteksyon ang publiko at naglalayon na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa. Nasa kabilang banda si Devon na nakatingin sa direksyon ni Roxanne na nakita niyang seryoso sa ginagawa. Napatitig siya dito na parang siya lang ang taong nakikita niya sa paligid. Nakikipag-usap lang si Devon kay Mr. Chen na hinihikayat siyang bumili sa kanilang mga medisina. "You will not regret cooperating with us. Mahigpit ang ipinapatupad naming pamantayan at kalidad sa paggawa ng aming mga medisina. Maari kaming mag-produce ng maraming medisina kung kailan mo gusto." "Yes, maganda nga an
"Do you think Mr. Delgado has the intention to cooperate with us?" Kausap ngayon ni Mr. Chen ang isa sa kanilang executive manager na si Miss Wong. Naiinip na siya ngayon kay Devon Delgado dahil maraming beses na niyang binabanggit ang tungkol sa pagpirma ng kontrata ngunit lagi itong lumilihis sa usapan. Pansin niyang nagdadalawang-isip pa rin ito sa kabila ng mga panghihikayat niya. Sinisiguro niyang mangyayari itong project kasama ang Pharma Nova para dumoble ang kanilang kita ngayong taon. "I'm not sure about this, Mr. Chen. He's still hesitant and we need to come up with something convincing." Sagot ni Ms. Wong. Napaisip si Mr. Chen habang hinahaplos ang kanyang bigote. "What if we approached, Ms. Guevarra? She's his sister-in-law. We can offer a persuasion incentive. In simple words, we bribe her." Medyo nagitla si Ms. Wong dahil isa iyong masamang plano pero sumusunod lang siya sa mga utos niya. "I think she's not a type who can be swayed by money." "I can give he
"Kenneth, hanapin mo nga si Roxanne." Utos ni Devon, napapansin niyang ilang minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. "Kasama po niya si Ms. Wong na pumasok sa banyo, babalik rin sila." Sabi ni Kenneth na nakikiinom. Tumango si Devon pero hindi siya panatag, masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya alam kung bakit. Binaling niya ang atensiyon kay Mr. Chen na lasing na lasing na rin sa kanyang kinauupuan. "I said, find her." Pag-uulit ni Devon at sumunod na si Kenneth dahil may bakas na ng galit sa boses ng boss. Pumunta si Kenneth sa palikuran ng mga babae at bukas naman ang pinto kaya sumilip siya saglit pero wala siyang makikitang tao sa loob. Kinuha niya nalang ang phone sa bulsa at di-nial ang numero ni Roxanne, nag-ring ito pero hindi sumasagot. Narinig naman ni Devon na may tumunog na phone sa kanyang gilid at nakitang pagmamay-ari ito ni Roxanne. Bumalik din si Kenneth sa kanyang boss para ipaalam na hindi niya mahanap si Roxanne kah
"A-ayos lang ako...H-hayaan mo na siya." Naiiyak na sabi ni Roxanne. Natatakot siya na baka patayin niya ang tao. Tumayo si Devon at naglakad papalapit sa kanya. "I'm sorry." Tumulo ang mga luha ni Roxanne na makita ang mga kamao nitong nagkasugat-sugat. "N-nilagtas mo na naman ako...dapat akong magpasalamat sayo." Napahagulhol si Roxanne at napasandal sa kanyang dibdib. Niyakap din siya ni Devon na nakaginhawa ng maluwag dahil hindi siya nahuli sa oras ngunit nasasaktan siya na maranasan niya ang ganitong bagay. "Hindi ito mangyayari kung hindi kita isinama dito." Mahinang niyang sabi, sinisisi ang sarili. "Naalala mo ba 'yung sinabi mo sa'kin? Na huwag sisihin ang sarili sa mga bagay na hindi mo kasalanan?" Ani ni Roxanne. May mga dumating na pulis sa loob ng hotel at hinuli ang lalaking isa palang wanted habang dinala ni Devon si Roxanne papuntang ospital pagkatapos nilang makipag-usap sa mga pulis. Nagamot na ang mga natamong sugat ni Roxanne sa katawan na pu
"Honey...P-please. Let me stay here kahit saglit lang." Pagmamakaawa ni Jameson. Naihampas ni Roxanne ang kutsilyo sa chopping board at huminga ng malalim. "Ang tigas talaga ng pagmumukha mo. Nagpupunta ka rito na parang wala lang? Nakakasuka. Tapos pa as if kang concern sa'kin, eh muntik mo na rin akong gahasain!" Nakokonsensiya si Jameson na makita ang sakit sa mata ng asawa. Naaalala niya rin ang gabing iyon na iginapos niya ito sa kama at pinuwersang makipagtalik para buntisin. "Alam ko ring pinapasundan mo ako, ikaw ang nagpadala ng jacket at cam recorder. Para ano? Mag-reminisce ng masasayang nakaraan? If you only know para akong nanonood ng horror movie na makita ang mga video nating dalawa. Kinikilabutan akong marinig ang mga pinangako mo na kahit isa, walang natupad." Sabi pa ni Roxanne tsaka pinahinaan niya ang apoy sa stove. Natahamik ng ilang segundo si Jameson na pinapanood siyang kumilos sa kusina pero bigla niyang nilihis ang usapan. "Kaya kita pinigilan ng a
"Oh, Ma'am Roxanne! Dito ka rin ba naghapunan?" Nasira ang moment ng dalawa nang biglang sumulpot si Secretary Kenneth at sumimangot si Devon. "Oo, kasama ko ang best friend kong si Grace, nag-celebrate kami ng friendship anniversary namin." Tugon ni Roxanne. Lumabas naman si Grace sa comfort room at nagliwanag ang mukha na makita si Devon. "Hello, Sir Devon!" Bati ni Grace. "Pauwi na kayo? Sumabay nalang kayo sa'min? Pwede ko kayong ihatid sa mga bahay niyo." Anyaya pa ni Kenneth. "Thank you pero dala ng kaibigan ko ang sasakyan niya." "Ah sige, pero pwede bang patingin muna ako dito." Turo ni Kenneth kay Devon na nakatitig pa rin kay Roxanne. "Nakainom kasi ng marami. Mukhang normal lang 'yang tingnan pero wala na 'yan sa sarili." Pagbibiro pa ni Kenneth at natawa si Roxanne. Umalis naman si Kenneth at sumabay sa kanya si Grace para kunin ang sasakyan nila sa parking lot. Naiwan si Roxanne at Devon na nakatayo sa gilid habang naghihintay sa kanilang mga kas
Parehong pumasok ang dalawang sekretarya na sina Kenneth at Brian sa loob ng office at parehong nakita ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. "S-sir Jameson, nakausap ko na po ang photographer at burado na po ang pi-nost niyang mga larawan sa internet." Balita ni Brian. "Good job." Tinapunan ni Jameson ng tingin ang kapatid bago umalis. Naglakad na siya papalabas ng gusali at sumusunod sa kanyang likuran ang sekretarya. Kumukulo pa rin ang dugo nito dahil walang balak si Devon na sumunod sa kanyang gusto na layuan ang kanyang asawa. Tanghali na at nakaramdam ng gutom si Roxanne. Balak niyang lumabas na sa opisina para pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch pero nasurpresa siya ng makita si Jameson na nakatayo sa pinto. May dala itong bulaklak at paperbag na naglalaman pagkain. "Honey, I came here to gave you this." Nakangiting sabi ni Jameson, lumapit siya at niyakap ang asawa sa harapan ng mga workmates niyang kinikilig. Maliban kay Elaine na inirapan silang mag-asawa
Nakatayo si Fred Devilla sa tapat ng ATM machine at nakita na ang laman ng credit card na naglalaman ng tatlong milyon na ipinangako ni Elaine ngunit hindi niya ito ma-withdraw. May usapan sila na dapat niya munang gawin ang ang misyon na dukutin si Roxanne at dalhin sa isang lugar na walang sino mang nakakaalam. Pagkatapos nito, makukuha niya ang pin code ng credit card. Walang magawa si Fred kundi kumapit sa patalim para matulungan ang asawa na nag-aagaw buhay at ang anak na nasa kulungan. Ngunit wala siyang ideya na naghuhukay rin siya ng sariling libingan dahil kung hindi siya nagtagumpay, ililigpit siya ni Elaine kasama si Roxanne. Alas tres na ng hapon, nagpatuloy si Roxanne at Tricia sa ginagawang experiment pero tinawag siya bigla ni Miss Perez na pumunta sa taas. Itinanggal ni Roxanne ang suot na white mask at naglakad papunta sa office ng kanilang manager. "I have a good new for you, Roxanne." Nakangiting sabi ni Miss Perez. "Ano po 'yun, Ma'am?" Napaupo si
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin
Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n