"Oh, Ma'am Roxanne! Dito ka rin ba naghapunan?" Nasira ang moment ng dalawa nang biglang sumulpot si Secretary Kenneth at sumimangot si Devon. "Oo, kasama ko ang best friend kong si Grace, nag-celebrate kami ng friendship anniversary namin." Tugon ni Roxanne. Lumabas naman si Grace sa comfort room at nagliwanag ang mukha na makita si Devon. "Hello, Sir Devon!" Bati ni Grace. "Pauwi na kayo? Sumabay nalang kayo sa'min? Pwede ko kayong ihatid sa mga bahay niyo." Anyaya pa ni Kenneth. "Thank you pero dala ng kaibigan ko ang sasakyan niya." "Ah sige, pero pwede bang patingin muna ako dito." Turo ni Kenneth kay Devon na nakatitig pa rin kay Roxanne. "Nakainom kasi ng marami. Mukhang normal lang 'yang tingnan pero wala na 'yan sa sarili." Pagbibiro pa ni Kenneth at natawa si Roxanne. Umalis naman si Kenneth at sumabay sa kanya si Grace para kunin ang sasakyan nila sa parking lot. Naiwan si Roxanne at Devon na nakatayo sa gilid habang naghihintay sa kanilang mga kas
Parehong pumasok ang dalawang sekretarya na sina Kenneth at Brian sa loob ng office at parehong nakita ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. "S-sir Jameson, nakausap ko na po ang photographer at burado na po ang pi-nost niyang mga larawan sa internet." Balita ni Brian. "Good job." Tinapunan ni Jameson ng tingin ang kapatid bago umalis. Naglakad na siya papalabas ng gusali at sumusunod sa kanyang likuran ang sekretarya. Kumukulo pa rin ang dugo nito dahil walang balak si Devon na sumunod sa kanyang gusto na layuan ang kanyang asawa. Tanghali na at nakaramdam ng gutom si Roxanne. Balak niyang lumabas na sa opisina para pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch pero nasurpresa siya ng makita si Jameson na nakatayo sa pinto. May dala itong bulaklak at paperbag na naglalaman pagkain. "Honey, I came here to gave you this." Nakangiting sabi ni Jameson, lumapit siya at niyakap ang asawa sa harapan ng mga workmates niyang kinikilig. Maliban kay Elaine na inirapan silang mag-asawa
Nakatayo si Fred Devilla sa tapat ng ATM machine at nakita na ang laman ng credit card na naglalaman ng tatlong milyon na ipinangako ni Elaine ngunit hindi niya ito ma-withdraw. May usapan sila na dapat niya munang gawin ang ang misyon na dukutin si Roxanne at dalhin sa isang lugar na walang sino mang nakakaalam. Pagkatapos nito, makukuha niya ang pin code ng credit card. Walang magawa si Fred kundi kumapit sa patalim para matulungan ang asawa na nag-aagaw buhay at ang anak na nasa kulungan. Ngunit wala siyang ideya na naghuhukay rin siya ng sariling libingan dahil kung hindi siya nagtagumpay, ililigpit siya ni Elaine kasama si Roxanne. Alas tres na ng hapon, nagpatuloy si Roxanne at Tricia sa ginagawang experiment pero tinawag siya bigla ni Miss Perez na pumunta sa taas. Itinanggal ni Roxanne ang suot na white mask at naglakad papunta sa office ng kanilang manager. "I have a good new for you, Roxanne." Nakangiting sabi ni Miss Perez. "Ano po 'yun, Ma'am?" Napaupo si
Tanghali na at nagpunta si Roxanne sa cafeteria para bumili ng pagkain gamit ang meal card. Namamangha pa rin siya sa cafeteria nila dahil mas nagmukha itong restaurant. Sumulyap siya sa menu board at maraming mga masasarap na pagkain kaya nahirapan siyang mamili. Naka-order naman siya ng masasarap na western foods kaya kinuha niya ang numero ng kanyang order at naghanap ng mauupuan sa mezzanine dahil puno ang mga mesa sa baba. Pagdating ng mga pagkain, kaagad siyang kumain at napapikit siya sa sarap dahil pang five-star restaurant ang mga ito at mura pa. Sa sobrang tutok niya sa pagkain, hindi niya napansin ang mga tao sa paligid na pinag-uusapan siya. Kumalat na rin sa kanila ang chismis tungkol kay Roxanne na nagmula sa Laurell company na inilipit muna sa kanila para sa isang project. Bumalik na rin si Roxanne sa laboratory at sa paglalakad niya, medyo naiilang siya na pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan sa paligid. Habang nakatanaw sa kanya si Devon na nasa sa
Aalis na sana si Roxanne pabalik sa loob ng hospital pero hinarangan siya ni Jameson. "Do it! Pagsisihan mo ang gagawin mo at luluhod ka sa harapan ko para magmakaawa." Hinarap ni Roxanne ang asawa at malakas na sinampal kaya lumitaw ang marka ng kanyang palad sa pisnge nito. "How dare you hit me?!" Napahawak si Jameson sa pisnge niyang humahapdi. "Nasampal mo na nga rin ako, kaya kwits lang tayo. At para 'yun sa pagsisinungaling mo sa harap ni papa. Pinamukha mo pang ako ang nagtataksil? Saan ka ba kumukuha ng kapal ng mukha mo ha??" "Ginawa ko iyon para umiwas ka na kay Devon, dahil ayaw kong sa susunod malaman kong may mangyari na naman sayong masama at wala ako para tulungan ka." Pagkaklaro ni Jameson. "Lapitan mo ulit si papa, sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa panloloko mo sa'kin. Tama na ang pagkukunwari mo, Jameson. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason na kamuhian ka." Inayos ni Roxanne ang kanyang magulong buhok na tinatanggay ng hangin. "Subukan m
Sa kabilang linya, nakatayo si Elaine sa terrace ng kanilang mansyon habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagtatampisaw sa swimming pool sa ibaba. "Bago ko ibigay ang pera, siguraduhin mo munang nalagutan na siya ng hininga." Sabi ni Elaine. "Nilibing ko na siya, kaya ano pa bang hinihintay mo?! Kung pinagloloko mo lang ako, mapipilitan akong ibunyag itong lahat!" Pananakot ni Fred. Nagdududa na ito na baka wala itong balak para ibigay ang pera. "Calm down, Fred. Ang atat mo talaga pagdating sa pera. Mapapasaiyo rin 'yan basta patay na si Roxanne." Pinatay bigla ni Fred ang tawag at pinigilan ang mga kasamahan niya sa paglilibing dahil biglang nagbago ang kanyang isipan. Gagawa siya ng paraan para makuha ang pera ng walang napapatay na inosenteng tao. Sa loob ng box, nanatiling mahinahon si Roxanne at narinig niya ang kanilang mga pag-uusap. Nagulat siya na malaman na si Elaine Garcia pala ang nag-utos na ipapatay siya. Inisip niyang nababaliw na nga ang babaeng iyo
Nang malaman ni Devon na nawawala si Roxanne, kaagad siyang nakipag-ugnayan sa pulisya at nalaman nilang dinukot siya ng mga lalaking naka-maskara. Nahagip din sa CCTV ng malapit na departamento ang isang hindi lisensyadong itim na van na ginamit ng mga kidnapper. "Gawin ninyo ang lahat para hanapin siya." Seryosong sabi ni Devon, hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan at natatakot siya na baka may mangyaring masama kay Roxanne. Mayamaya pa, may nakuha silang lead at isa iyong tawag na nagmumula sa malayong kakahuyan na papalabas na ng lungsod. Isa iyong posibilidad na baka ang tumawag ay ang biktima kaya rumesponde kaagad sila habang may oras pa. Paglabas naman ni Roxanne sa abandonadong bahay, kaagad niyang pinaandar ang sasakyan gamit ang susi para makaalis. Umandar naman ito kaya mabilis siyang umalis doon pero nakita niyang hinahabol siya nina Elaine. Ngunit mapag-isa na si Elaine dahil nasaksak ang kanyang dalawang kasama ng mga kasamahan ni Fred. Binaril niya an
Bumulagta si Elaine sa batuhan at hindi makagalaw dahil sa lakas ng pagkakatama ng kanyang katawan. Ngunit kahit mabalian siya ng mga buto, isa siyang masamang damo na matagal na mamamatay. Nakaligtas naman si Roxanne na tinulungan ng mga pulis at inilabas siya sa abandonadong bahay upang dalhin sa ambulansya kasama ang ibang sugatan. Tumakbo rin papalapit sa kanya si Devon na parang manghihina nang makita ang duguan niyang pagmumukha. "Roxanne..." Tawag niya rito. Nanlambot ang puso ni Roxanne nang bigla siya nitong yakapin. Isa iyong kakaibang yakap na parang ipinapadamang ligtas siya sa kanyang mga bisig. Kumalas si Devon matapos ang ilang segundo at kinausap siya, "P-pasensya na kung natagalan ako." Aniya. "Ayos lang. Ang mahalaga dumating ka." Sinamahan ngayon ni Devon si Roxanne papuntang hospital para kaagad na magamot ang kanyang mga natamong sugat. Habang inaasikaso ng mga pulis ang mga salarin at dinakip nila si Elaine Garcia na nilagay sa stretcher. Naka
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m
Nadala si Devon sa bugso ng damdamin at nalimutan na agad ang kanyang limitasyon. Naging malikot ang kanyang mga kamay na pumasok na sa loob ng palda ni Roxanne. "Devon!" Suway ni Roxanne na tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang hita. "Sabi kong tama na." Pinandilatan niya rin ito ng mata. Natakot naman si Devon na baka makagat nito kaya siya umayos. "S-sorry, nadala lang." Aniya at napakamot sa ulo. Inayos agad ni Roxanne ang kanyang nagusot na damit at napatingin sa salamin para ayusin ang kanyang nagulong lipstick. "Kalmahan mo nga, Devon. Hindi tama na gumawa tayo ng ganito sa publiko." Seryosong sabi ni Roxanne, hindi ibig sabihin ay wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba, kailangan pa rin nilang maging maingat sa kanilang mga galaw. *** Sa kabilang banda, bumalik si Jameson sa kanyang sariling bahay at pagpasok niya, nakita niya si Savannah na nakaupo sa couch habang nanonood ng telebisyon. "Ano? Nakabalik ka na ba sa kompanya?" Tanong ni Savannah na nanatili
Napalingon si Devon sa kanya at ngumiti. "Oo naman? At bakit parang ayaw mong maniwala?" "Nakakapagtaka lang kasi nga, sino ba naman ako para piliin mo kaysa sa iyong pamilya." Usal ni Roxanne. "Tsaka, hindi ka tuloy makakatanggap ng mana nang dahil sa akin." "Huwag mo na iyong problemahin, wala na sa akin ang bagay na 'yon. Kung gusto mong malaman kung anong dahilan kung bakit kita pinili, iyon ay dahil mahal kita." Seryoso niyang sabi at kinuha bigla ang isang kamay ni Roxanne at hinalikan. Napatulala ang babae na napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na sila na nitong gwapong nilalang at ngayon hawak ang kanyang kamay. "Ang bilis kasi ng lahat, nalilito ako kung trip mo lang ba ito para inisin si Jameson o seryoso ka ba talaga sa akin??" Inagaw ni Roxanne ang kanyang kamay para mapakamot sa ulo. Napansin naman ni Devon ang kanyang pagkalito kaya handa na siyang magpaliwanag. "Seryoso ako sayo, Roxanne. But I want to
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab
Napairap si Roxanne dahil sa kalandian nitong si Devon. "Sure ka ba talaga d'yan? Huwag kang umasa baka ma hopia ka lang sa huli." Dikta niya. Matapos mag-umagahan ng dalawa, agad silang naghanda at nagbihis para pumunta sa kompanya. Pagkarating nila sa tapat, nagdadalawang isip si Roxanne na lumabas mula sa sasakyan. "Hmm? What's the matter?" Napansin ni Devon na hindi siya komportable. "Ayaw ko lang kasi na makita tayo ng ibang tao na magkasama. Alam mo na, may masasabi na naman silang masama sa atin." Pag-aalala niya. "Who cares what other people says?" Nakataas kilay na sabi ni Devon. "I know I shouldn't care about what they'll say, but obvious naman na gagawan tayo ng issue. Kaya we should be careful with our actions." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "What actions??" May pagtataka sa mukha ni Devon kaya kumunot ang kanyang noo. Napaisip ng ilang segundo si Roxanne tsaka napalunok ng laway bago sumagot. "You know what I mean..'yung mga yaka
Nakarating kina Jameson ang kumakalat na articles sa social media tungkol sa kataksilan niya at agad niyang tinawagan si Roxanne pero hindi niya na ito maabot. "Humanda ka sa aking babae ka." Galit na usal ni Jameson habang umiinom ng alak. Nagluluto naman si Roxanne ng kanyang hapunan sa kusina pero napahinto siya sa ginagawa nang marinig na may kumakatok sa pinto. Naglakad siya papalapit doon at sumilip sa peephole para macheck kung sino ang taong bumisita. Nakita niyang si Devon lang pala kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. "Want some dinner?" Nakangiting tanong ni Devon habang pinakita sa kanya ang dalang pagkain. "Nagluto ako, eh." Sabi ni Roxanne tsaka pinapasok ito. Namangha si Devon na naglakad papasok at naaamoy ang masarap nitong niluluto na kaldereta. Naupo siya agad sa mesa habang naghahanda si Roxanne ng plato at kutsara. Bago kumain, nagdasal muna ang dalawa at pagkatapos nilagyan ni Roxanne ng kaldereta ang bowl. "Marunong ka rin palang magluto, ah."