Sa kabilang linya, nakatayo si Elaine sa terrace ng kanilang mansyon habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagtatampisaw sa swimming pool sa ibaba. "Bago ko ibigay ang pera, siguraduhin mo munang nalagutan na siya ng hininga." Sabi ni Elaine. "Nilibing ko na siya, kaya ano pa bang hinihintay mo?! Kung pinagloloko mo lang ako, mapipilitan akong ibunyag itong lahat!" Pananakot ni Fred. Nagdududa na ito na baka wala itong balak para ibigay ang pera. "Calm down, Fred. Ang atat mo talaga pagdating sa pera. Mapapasaiyo rin 'yan basta patay na si Roxanne." Pinatay bigla ni Fred ang tawag at pinigilan ang mga kasamahan niya sa paglilibing dahil biglang nagbago ang kanyang isipan. Gagawa siya ng paraan para makuha ang pera ng walang napapatay na inosenteng tao. Sa loob ng box, nanatiling mahinahon si Roxanne at narinig niya ang kanilang mga pag-uusap. Nagulat siya na malaman na si Elaine Garcia pala ang nag-utos na ipapatay siya. Inisip niyang nababaliw na nga ang babaeng iyo
Nang malaman ni Devon na nawawala si Roxanne, kaagad siyang nakipag-ugnayan sa pulisya at nalaman nilang dinukot siya ng mga lalaking naka-maskara. Nahagip din sa CCTV ng malapit na departamento ang isang hindi lisensyadong itim na van na ginamit ng mga kidnapper. "Gawin ninyo ang lahat para hanapin siya." Seryosong sabi ni Devon, hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan at natatakot siya na baka may mangyaring masama kay Roxanne. Mayamaya pa, may nakuha silang lead at isa iyong tawag na nagmumula sa malayong kakahuyan na papalabas na ng lungsod. Isa iyong posibilidad na baka ang tumawag ay ang biktima kaya rumesponde kaagad sila habang may oras pa. Paglabas naman ni Roxanne sa abandonadong bahay, kaagad niyang pinaandar ang sasakyan gamit ang susi para makaalis. Umandar naman ito kaya mabilis siyang umalis doon pero nakita niyang hinahabol siya nina Elaine. Ngunit mapag-isa na si Elaine dahil nasaksak ang kanyang dalawang kasama ng mga kasamahan ni Fred. Binaril niya an
Bumulagta si Elaine sa batuhan at hindi makagalaw dahil sa lakas ng pagkakatama ng kanyang katawan. Ngunit kahit mabalian siya ng mga buto, isa siyang masamang damo na matagal na mamamatay. Nakaligtas naman si Roxanne na tinulungan ng mga pulis at inilabas siya sa abandonadong bahay upang dalhin sa ambulansya kasama ang ibang sugatan. Tumakbo rin papalapit sa kanya si Devon na parang manghihina nang makita ang duguan niyang pagmumukha. "Roxanne..." Tawag niya rito. Nanlambot ang puso ni Roxanne nang bigla siya nitong yakapin. Isa iyong kakaibang yakap na parang ipinapadamang ligtas siya sa kanyang mga bisig. Kumalas si Devon matapos ang ilang segundo at kinausap siya, "P-pasensya na kung natagalan ako." Aniya. "Ayos lang. Ang mahalaga dumating ka." Sinamahan ngayon ni Devon si Roxanne papuntang hospital para kaagad na magamot ang kanyang mga natamong sugat. Habang inaasikaso ng mga pulis ang mga salarin at dinakip nila si Elaine Garcia na nilagay sa stretcher. Naka
Nagmamaneho si Jameson papunta sa tinitirhan ni Savannah na apartment dahil hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Pagdating niya doon, naabutan niya itong nagbibilang ng maraming pera na nag kalat sa sahig. "Jameson? A-anong ginagawa mo dito?" Natataranta siyang iniligpit ang mga pera sa ilalim ng kama. Inayos niya rin ang sarili tsaka hinarap ang lalaki na matalim ang tingin. "Madami ka ng nahablot na pera sa lolo ko ah?" Sarkastikong tanong ni Jameson. Napayuko si Savannah na mayroong maduming sekreto dahil nakakatanggap siya ng pera mula kay Lolo Gerald na pinag-uutusan siya. Minsan binebenta niya na rin ang katawan para pasayahin ang matanda. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi na tumawag ang asawa ko??" Seryosong tanong ni Jameson. Natakot si Savannah na tingnan ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit, "T-tumawag siya p-per-" "Anong sinabi niya?!" Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ng lalaki. "S-sinabi niyang kinidap siya pero hindi naman kapani-paniw
"Huwag niyo pong ikuwenta sa akin ang nagawa mong tulong dahil hindi naman namin hiningi iyon. Ikaw ang nagkusang lumapit sa amin at nagpapasalamat ako nun pero hindi ibig sabihin ay may utang na loob ako sayo." Pagkaklaro ni Roxanne, hindi niya nagustuhan na binanggit nito ang kondisyon ng ama. Nanunuyo ang lalamunan ni Madame Evelyn at magsasalita pa sana siya pero nakita niyang may pumasok na matangkad na lalaki. "A-anong ginagawa mo dito, Sir Devon?" Tanong niya. Kilala niya na ito ang CEO ng Pharma Nova at kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa. "I'm her brother-in-law, at sino po ba kayo?" Tugon ni Devon. Napakagat-labi si Grace na pinipigilang matawa dahil na back-to-you ang babae na ginanon siya kanina. "Hindi niyo po ba ako maalala? A-ako ang asawa ni Robert Garcia." Pangiti-ngiti si Evelyn na tinignan siya mula ulo hanggang paa. Namamangha sa sobrang gwapo na parang lumabas mula sa libro. Naalala naman ni Devon na nais ipatalsik ni Jameson ang asawa niyang si
Narinig ni Roxanne ang kanyang mga sinabi, tumigil na rin siya sa pagpapanggap kaya iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang asawa na nasurpresa sa kanyang kinauupuan. "Iyon ba talaga ang ikinakatakot mo, Jameson? Ang mahulog ako sa kapatid mo??" Seryoso niyang tanong. "O-oo, dahil intensyon niyang kunin ang loob mo kaya ginagawa niya itong lahat para mapaniwala kang mabait siyang tao pero pinagtatakpan niya lang ang totoo niyang kulay." Paninira ni Jameson at wala siyang pakialam kung maririnig man siya ng kapatid sa labas. "Ang lakas mong manghusga sa ibang tao no? Pero hindi ka makatingin sa sarili mong repleksyon para makita mong ikaw ang kasuklam-suklam. Habang ang sinisiraan mo, narito para sa akin, nagmamalasakit ng walang kapalit." Bumigat ang pakiramdam ni Jameson dahil sa paraan na tingnan siya ng asawa, "Gumagawa rin naman ako ng paraan na makabawi pero binabalewala mo lang. Mas pabor ka pa nga kay Devon kaya ano ang ibig sabihin nun? Binibigyan mo siya ng mot
Lumabas na si Roxanne sa presinto at naglakad siya papunta sa kalsada para pumara ng sasakyan nang biglang may paparating na malaking truck na nawalan ng preno at patungo ito sa kanyang direksyon. Wala sa katinuan si Roxanne na nanigas lang sa kanyang kinatatayuan pero may humila sa kanyang tao papalayo sa disgrasya. "Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ng lalaking napadaan lang din sa tabi. Nakatulala si Roxanne na tumingin sa tao tsaka bumalik siya sa reyalidad, "S-salamat." Mahina niyang sabi. Dahan-dahan siyang tumayo at nakita ang truck na mabuting tumama lang sa puno. "Maging maingat ka naman miss, muntik ka ng mahagip ng truck kanina." Sabi naman ng lalaki tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Habang pumara na si Roxanne ng taxi at nagpahatid papunta sa hospital na kung nasaan nagpapagaling pa ang ama. Pagdating niya doon, nasurpresa si Tita Martha na makita siyang nakalabas na pala, "Pamangkin!" Nilapitan siya nito at niyakap. "Mabuting magaling ka na." "Opo, tita. Tsa
Itinanggal ni Roxanne ang suot na earphones dahil nasurpresa siyang marinig ang sinabi ng asawa. Nakaramdam din siya ng ginhawa dahil magagamit kaagad ang ama niya doon sa hospital para masiguro ang kanyang paggaling. "S-salamat, Jameson." Naiinis man kay Jameson pero parang gumaan ang loob niya ng kaunti kaya may naisip siyang bagay para makipag-ayos pero hindi ibig sabihin ay makikipag-balikan siya sa kanya. "Pasensiya na rin kung naging malamig ako sa iyo. N-nahihirapan pa rin kasi akong patawarin ka pero susubukan ko ng paunti-unti. Gusto ko lang din na matigil na ang pag-aaway natin." Kumislap ang mga mata ni Jameson at abot-tengga ang kanyang pagkakangiti, "Seryoso ka, Roxanne?" Akala niya ay galit pa rin ito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan na makikipag-ayos ito ngayon. Tumango si Roxanne, "Yep, kahit hindi pa kita napapatawad ng lubusan, naisip ko ring mali na lagi nalang tayong nag-aaway. Tapos, naisipan ko rin na umuwi na sa mansyon sa susunod na araw k-kasi tama