"Sinasadya mo bang isama ang asawa ko?!" Galit na galit si Jameson at hinila si Roxanne papalabas ng van. "Jameson! Ano ba?? Nasisiraan ka ba ng ulo??" Kumawala si Roxanne sa kanyang pagkakahawak habang bumaba naman si Devon sa kabila para harapin ang kapatid. "Gusto mo bang idala kita sa mental?? Ang dumi na ng utak mo na kahit trabaho ng asawa mo, pinag-iisipan mo ng masama." Dikta ni Devon. "Hindi ako baliw! At hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ikinikilos mo. Alam kong kinukuha mo ang atensyon ng asawa ko habang nagkakalabuan kaming dalawa." Walang emosyon ang mukha ni Devon na tiningnan siya sa mata. "Iyon ba ang kinakatakot mo?? Then I'll assure you na trabaho lang ang punto ko, wala ng ibang dahilan." Seryoso niyang sabi, pero hindi iyon matanggap ni Jameson. "Ang gusto ko lang ay dumistansya ka sa asawa ko, a-ayaw kong pag-usapan kayo ng mga tao at gawan ng haka-haka." Dagdag pa ni Jameson at tumaas ang kilay ni Devon na pinipigilang matawa. "Ah, w
Napaatras si Devon at tumayo, sinapo niya ang noo dahil nadadala na naman siya sa bugso ng damdamin. Kinuha naman ni Roxanne ang kanyang phone na nasa gilid at nakitang si Jameson pala ang tumatawag. "Sasagutin mo ba?" Napatingin din si Devon sa phone niya na ayaw tumigil sa pag-ring. Umiling si Roxanne at pinatay ang kanyang phone, ayaw niyang makausap ang lalaki at hayaan itong mabaliw kakaisip. "Bahala siya sa buhay niya." Itinago niya ang phone sa drawer. "Uhmm, aalis na ako. Magpahinga ka na rin para preparado ka bukas and good luck." Paalam ni Devon at lumabas sa kwarto. Napasandal si Roxanne sa likuran ng pintuan habang kinakalma ang sarili, napahawak din siya sa labi dahil muntikan na siyang halikan ni Devon kanina. Nasa mansyon ngayong gabi si Jameson at galit na galit ito dahil hindi sinasagot ng asawa ang lahat niyang tawag. Umabot na sa 50 missed calls at sobrang dami niyang ti-next pero wala ni isang reply na natanggap kay Roxanne. Sa sobrang inis, iniha
Dumating ang baristang si Daniel sa tapat ng kwarto ni Roxanne dala ang malaking paperbag na naglalaman ng jacket. Pinagbuksan naman siya kaagad ni Roxanne. "Hello Ma'am, here's your jacket." Nakangisi nitong sabi at iniabot ang dala. Pagtanggap ni Roxanne ay tiningnan niya rin ang loob nito at nanlaki ang mata niya dahil jacket niya nga ito pero sigurado siyang hindi niya ito dinala papuntang Singapore. "S-sigurado ka bang naiwan ko ito?" Tanong niya sa lalaki pero wala itong maintindihan dahil hindi pala ito pinoy. "Uhm, what I mean is, did I really leave this jacket behind?" Pag-translate niya sa wikang ingles. "Yes, ma'am, you have your ID in its pocket, so it belongs to you." Sagot ng lalaki pero nagdududa si Roxanne at hindi niya masabi kung bakit. "O-okay, thank you so much." Bago niya ito pinaalis, binigyan niya ito ng tip. Bumalik siya sa loob at pinagmasdan ang jacket, kinapa niya rin ang mga bulsa nito at nagulat siya na may nakuhang isang lumang camera rec
Sa sumunod na araw, nanumbalik na ang lakas ni Roxanne at nakabalik sa laboratory ng VitaCure company para sumuri ng medicinal materials. Mga pinoy ang iba niyang kasamahan kaya maaring niyang gamitin ang sariling lengguwahe. Mahalaga na masuri ngayon ni Roxanne ang mga medisina upang mapanatili ang kaligtasan, kalusugan at kahusayan ng mga produkto at serbisyo para sa mga tao. Kailangan nilang bigyan ng proteksyon ang publiko at naglalayon na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa. Nasa kabilang banda si Devon na nakatingin sa direksyon ni Roxanne na nakita niyang seryoso sa ginagawa. Napatitig siya dito na parang siya lang ang taong nakikita niya sa paligid. Nakikipag-usap lang si Devon kay Mr. Chen na hinihikayat siyang bumili sa kanilang mga medisina. "You will not regret cooperating with us. Mahigpit ang ipinapatupad naming pamantayan at kalidad sa paggawa ng aming mga medisina. Maari kaming mag-produce ng maraming medisina kung kailan mo gusto." "Yes, maganda nga an
"Do you think Mr. Delgado has the intention to cooperate with us?" Kausap ngayon ni Mr. Chen ang isa sa kanilang executive manager na si Miss Wong. Naiinip na siya ngayon kay Devon Delgado dahil maraming beses na niyang binabanggit ang tungkol sa pagpirma ng kontrata ngunit lagi itong lumilihis sa usapan. Pansin niyang nagdadalawang-isip pa rin ito sa kabila ng mga panghihikayat niya. Sinisiguro niyang mangyayari itong project kasama ang Pharma Nova para dumoble ang kanilang kita ngayong taon. "I'm not sure about this, Mr. Chen. He's still hesitant and we need to come up with something convincing." Sagot ni Ms. Wong. Napaisip si Mr. Chen habang hinahaplos ang kanyang bigote. "What if we approached, Ms. Guevarra? She's his sister-in-law. We can offer a persuasion incentive. In simple words, we bribe her." Medyo nagitla si Ms. Wong dahil isa iyong masamang plano pero sumusunod lang siya sa mga utos niya. "I think she's not a type who can be swayed by money." "I can give he
"Kenneth, hanapin mo nga si Roxanne." Utos ni Devon, napapansin niyang ilang minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. "Kasama po niya si Ms. Wong na pumasok sa banyo, babalik rin sila." Sabi ni Kenneth na nakikiinom. Tumango si Devon pero hindi siya panatag, masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya alam kung bakit. Binaling niya ang atensiyon kay Mr. Chen na lasing na lasing na rin sa kanyang kinauupuan. "I said, find her." Pag-uulit ni Devon at sumunod na si Kenneth dahil may bakas na ng galit sa boses ng boss. Pumunta si Kenneth sa palikuran ng mga babae at bukas naman ang pinto kaya sumilip siya saglit pero wala siyang makikitang tao sa loob. Kinuha niya nalang ang phone sa bulsa at di-nial ang numero ni Roxanne, nag-ring ito pero hindi sumasagot. Narinig naman ni Devon na may tumunog na phone sa kanyang gilid at nakitang pagmamay-ari ito ni Roxanne. Bumalik din si Kenneth sa kanyang boss para ipaalam na hindi niya mahanap si Roxanne kah
"A-ayos lang ako...H-hayaan mo na siya." Naiiyak na sabi ni Roxanne. Natatakot siya na baka patayin niya ang tao. Tumayo si Devon at naglakad papalapit sa kanya. "I'm sorry." Tumulo ang mga luha ni Roxanne na makita ang mga kamao nitong nagkasugat-sugat. "N-nilagtas mo na naman ako...dapat akong magpasalamat sayo." Napahagulhol si Roxanne at napasandal sa kanyang dibdib. Niyakap din siya ni Devon na nakaginhawa ng maluwag dahil hindi siya nahuli sa oras ngunit nasasaktan siya na maranasan niya ang ganitong bagay. "Hindi ito mangyayari kung hindi kita isinama dito." Mahinang niyang sabi, sinisisi ang sarili. "Naalala mo ba 'yung sinabi mo sa'kin? Na huwag sisihin ang sarili sa mga bagay na hindi mo kasalanan?" Ani ni Roxanne. May mga dumating na pulis sa loob ng hotel at hinuli ang lalaking isa palang wanted habang dinala ni Devon si Roxanne papuntang ospital pagkatapos nilang makipag-usap sa mga pulis. Nagamot na ang mga natamong sugat ni Roxanne sa katawan na pu
"Honey...P-please. Let me stay here kahit saglit lang." Pagmamakaawa ni Jameson. Naihampas ni Roxanne ang kutsilyo sa chopping board at huminga ng malalim. "Ang tigas talaga ng pagmumukha mo. Nagpupunta ka rito na parang wala lang? Nakakasuka. Tapos pa as if kang concern sa'kin, eh muntik mo na rin akong gahasain!" Nakokonsensiya si Jameson na makita ang sakit sa mata ng asawa. Naaalala niya rin ang gabing iyon na iginapos niya ito sa kama at pinuwersang makipagtalik para buntisin. "Alam ko ring pinapasundan mo ako, ikaw ang nagpadala ng jacket at cam recorder. Para ano? Mag-reminisce ng masasayang nakaraan? If you only know para akong nanonood ng horror movie na makita ang mga video nating dalawa. Kinikilabutan akong marinig ang mga pinangako mo na kahit isa, walang natupad." Sabi pa ni Roxanne tsaka pinahinaan niya ang apoy sa stove. Natahamik ng ilang segundo si Jameson na pinapanood siyang kumilos sa kusina pero bigla niyang nilihis ang usapan. "Kaya kita pinigilan ng a