Share

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND
Author: Lanie

Chapter 1

MAHIMBING pa ring natutulog si Cearina Guzman nang maramdaman niya ang marahang yugyog sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita si Abigail, ang kanyang kaibigan at kasama sa apartment, na nakatayo sa gilid ng kama niya.

"Cearina, gumising ka na. Hiring ngayon sa SummitBridge Global, baka ma-late ka," mahina pero may bahid ng pag-aalala ang boses ni Abigail.

Napabalikwas si Cearina mula sa kanyang pagkakahiga. Ngayon na nga iyon—ang araw na matagal na niyang inihahanda ang sarili. Walang pag-aalinlangan, bumangon siya at agad na naghanda, pero habang nakatitig sa salamin, hindi maiwasang bumalik sa kanyang isipan ang mga alalahanin.

Kailangan niyang makahanap ng trabaho. Wala na siyang ibang option, wala na rin siyang matatakbuhan. Wala na siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya. Simula nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa sakit, natutunan niyang maging isang independent woman. Ang kanyang ama? Bumuo na ng sariling pamilya at tila wala na siyang puwang sa buhay nito.

Mabilis na naglaro sa kanyang isip ang lahat ng nangyari sa nakaraang tatlong taon. Sa edad na bente anyos ay nakapagtapos siya sa kursong Business Administration, ngayong bente tres na siya hindi naging madali ang paghahanap ng trabaho. Ang mundo niya ay lumiliit—ang ipon niya, halos paubos na. Ang tanging alam niya, kailangan niyang magtagumpay ngayon o tuluyan na siyang mawalan ng pangarap at tahanan.

Pagdating niya sa SummitBridge Global, halos bumagsak ang balikat niya. 

Ang haba ng pila. Napakarami nilang aplikante—lahat handang makipagsapalaran para sa iisang trabaho. SummitBridge Global ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas, at ngayong nandito na siya, halos hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Ano ba ang laban niya sa mga ito?

"Kaya ko ba talaga ‘to?"

Pero wala na siyang ibang choice. Kailangan niyang subukan.

Habang nakapila, hawak niya ang mga dokumento nang mahigpit, pilit na pinapatahan ang kabang nararamdaman. Nang tinawag ang pangalan niya, ramdam niyang bumigat ang mga paa niya. Pero walang atrasan. Nagsimula siyang maglakad papasok ng opisina.

Pagbukas ng pinto—parang tumigil ang mundo ni Cearina.

Si Ezekiel Wang. 

Siya.

Tatlong taon. Tatlong taon mula nang naghiwalay sila. Iniwan niya ng walang kahit anong salita. Ang tanging iniwan niya kay Ezekiel ay sakit. Si Ezekiel, ang dating minahal niya nang buong puso, at iniwan niya kahit ayaw niya—para sa pangarap nito. Pero ano ang alam ng lalaki? Walang alam si Ezekiel kung bakit siya nawala. Walang alam sa sakripisyo na ginawa niya.

Mula sa kanyang kinatatayuan, malamig na tinitigan siya ni Ezekiel. Walang bakas ng emosyon. Ang init ng mga dating alaala ay napalitan ng lamig na parang yelo. Tila ba wala na siyang halaga para sa kanya.

“Ms. Guzman,” malamig na bati nito, walang pag-aalinlangan sa boses. “You’re here for the assistant position?”

Natulala si Cearina sandali bago niya muling naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang dating Ezekiel na minahal niya ay nakatayo sa harapan niya, ngayon ay ibang-iba na. Tumango siya. Walang masabi.

"So, tell me," malamig na tanong ni Ezekiel. “What makes you think you’re qualified for this role?”

Huminga siya nang malalim.

“Nagtapos ako ng Business Administration at may experience na rin ako sa pagiging assistant…” Malakas na kabog ng puso niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili, pero ramdam niyang hindi mapigil ang pagkakaba niya.

Alam niya kung bakit ganoon magtanong si Ezekiel. Alam niyang may natitirang galit ito sa kanya. Ang mga mata nito, tila may laman. Alam niyang si Ezekiel ang tipo ng taong hindi basta nakakalimot. Iniwan niya ito. Hindi na siya nagpakita. Ngayon, eto siya, nag-aapply sa kumpanyang hindi niya inakalang pagmamay-ari nito.

Nagpatuloy si Ezekiel, malamig ang mga tanong. “But do you really think you can handle the pressure here? SummitBridge is no joke, Ms. Guzman.”

Sa bawat tanong nito, nararamdaman ni Cearina ang galit na tila tinatago sa bawat salita. Hindi lang ito isang ordinaryong interview. Ito ang muling pagkikita nilang dalawa—ang ex-boyfriend na minahal niya noon, ngayon ay isang boss na tila handa siyang gapiin.

At wala siyang magawa kundi harapin ang lahat.

“Handa po ako,” sagot niya, sinusubukang gawing matatag ang boses. “Gagawin ko po ang lahat para patunayan na kaya ko.”

Tumango si Ezekiel, pero ang mga mata nito ay sinusukat siya.

“Prove it, then.” Ang bawat salita nito ay tila may bigat. “SummitBridge isn’t for the weak. I hope you know what you're getting yourself into.”

Alam ni Cearina ang nararamdaman ng lalaki. Galit. Tama si Ezekiel, hindi ito basta-bastang kumpanya. Pero handa siya. Kailangang patunayan niya sa sarili at kay Ezekiel na kaya niya. Pero sa bawat sagot niya, alam niyang may distansya pa rin sa pagitan nila—isang distansyang gawa ng kanilang nakaraan.

Lumabas siya ng opisina na parang nabunutan ng tinik sa dibdib, pero ang sakit at bigat ay nananatili. Ang muling pagkikita nila ni Ezekiel ay hindi naging madali, at kahit pa anong pilit niya, hindi niya kayang itago ang katotohanang mahal pa rin niya ito.

Habang papalayo siya sa SummitBridge, pakiramdam niya ay mas lalo siyang bumibigat sa bawat hakbang.

Lahat ng alaala, parang isang pelikulang bumalik bigla sa isipan ni Cearina—lahat ng masasayang sandali, mga pangakong akala niya'y panghabangbuhay na. Pero ngayon, ang dami nang nagbago. Siya pa rin pala ang talo sa huli, kahit na iniwan niya si Ezekiel para sa ikabubuti ng kinabukasan nito.

Huminga siya nang malalim at pabulong na nagtanong sa sarili, "Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?"

Pagdating niya sa kanyang apartment, halos bumagsak siya sa sofa. Pagod—hindi lang sa pisikal, kundi sa emosyon. Pinipilit niyang maging kalmado, pero hindi maiwasang maramdaman ang bigat ng lungkot at sakit sa dibdib. Nang makita siya ng kaibigan niyang si Abigail, agad itong lumapit, ang mga kilay ay nakakunot sa pag-aalala.

"Cearina, anong nangyari? Mukhang hindi maganda," tanong nito habang nauupo sa tabi niya.

Napatingin si Cearina sa sahig, parang sinusubukan i-process ang mga nangyari. “Na-interview ako sa SummitBridge Global kanina... at si Ezekiel ang nag-interview sa akin.”

Halos humigpit ang dibdib ni Cearina nang bigkasin ang pangalan ni Ezekiel. "Ang sakit, Abigail. Akala ko kaya ko, pero nung makita ko siya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Lahat ng alaala namin, bumalik. Yung mga masasaya, pati yung mga sakit."

“Galit pa rin ba siya sa’yo?” tanong ni Abigail, nakatingin nang maigi, halatang curious at nag-aalala para sa kaibigan.

“Oo, siguro. Hindi ko masabi. Pero alam ko na para sa kanya, ako ang nang-iwan. Ako yung babaeng bumitaw, at wala siyang ideya na ginawa ko lang ‘yon para sa kapakanan niya. Para sa future niya.”

Napatigil si Abigail, nag-isip bago sumagot. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Cearina. Hindi mo kailangan maghabol ng validation mula sa kanya. Atsaka, baka wala na siyang pakialam sa past."

“Pero iba pa rin ‘yun eh,” sabat ni Cearina, tila naguguluhan. "What if ma-hire ako? Paano kung araw-araw ko siyang makita? Paano kung maging constant reminder siya ng lahat ng mga nangyari sa amin?"

Huminga siya nang malalim, parang pinipilit intindihin ang sitwasyon. "Okay lang naman sa akin kung hindi ako matanggap. Hindi naman ako umaasa na matatanggap ako sa trabaho, lalo na kung siya pa ang boss."

Pero kahit anong pilit niyang sabihin iyon, alam niyang hindi ganun kadali. Hindi lahat ng bagay kayang takasan.

"Sakaling hindi ako matanggap, edi hanap na lang ng ibang kumpanya. Marami namang opportunities, diba?" tuloy niya, pilit na ini-aassure ang sarili.

Tahimik lang si Abigail, nakatingin sa kaibigan niyang halatang aligaga. "Mahal mo pa rin siya, no?"

Parang kinurot ang puso ni Cearina sa tanong ni Abigail. "Oo eh. Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit ko, hindi ko kayang itago ‘yung nararamdaman ko.”

Nakita ni Abigail ang pangingilid ng luha sa mata ni Cearina. Tumayo siya at yumakap, pinapakalma ang kaibigan. “Cearina, hindi mo kailangan itago ‘yang nararamdaman mo. Pero tandaan mo rin, hindi dapat umikot ang buhay mo sa isang tao lang.”

"Alam ko, pero... paano kung mali ang naging desisyon ko? Paano kung siya pa rin talaga ang para sa akin?" tanong ni Cearina, ang boses niya ay puno ng panghihinayang.

“Tama na. Nandito ako, hindi ka nag-iisa,” sagot ni Abigail, pinipilit ang kaibigan na tingnan ang mas malawak na perspektibo. "Buksan mo ulit ang puso mo, Cearina. Huwag kang magpakulong sa past."

Nagpasalamat si Cearina, pero alam niyang kailangan niya ng mas maraming oras para sa sarili. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang luha, at nagdesisyong subukan mag-move on, kahit masakit.

Binuksan niya ang laptop, at para bang nadala ng curiosity, sinubukan niyang i-search si Ezekiel sa F******k. Nang makita niya ang mga litrato nito, kasama ang isang babae, parang bigla siyang natulala. Mala-artista ang itsura ng kasama ni Ezekiel—at ang saya nila.

Halos maramdaman niya ang inggit na unti-unting bumabalot sa puso niya. Parang bumalik ang pakiramdam na hindi na siya sapat. "Akala ko ba nakamove on na ako?" tanong niya sa sarili.

Tumingin siya sa kisame, pilit na inaayos ang kanyang damdamin. "Kung masaya na siya, okay na ‘yun," pabulong niyang sabi. Pero kahit pilitin niyang magpakatatag, hindi niya maiwasang maramdaman na naiiwan siya sa lahat ng plano at pangarap na dati, silang dalawa ang bumubuo.

Humiga siya sa kama, pinikit ang mga mata, at pinakawalan ang mga luha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status