“Bakit hindi mo sinabing kakain tayo sa labas? Nagsuot man lang sana ako ng maayos na damit,” bulong ng lalaki. “Mayaman ka talaga siguro at kahit simpleng kain lang sa labas eh, kailangan mo pang magdamit ng todo. ” tugon ni Nadja. “Bakit ba parang negative kaagad ang dating sa iyo ng mga sinasabi ko? You see, hindi naman ako nagreklamo nang isuot ko ang damit ng binili mo kahit hindi ito ang tatak ng mga damit ko.” “Nasa nagdadala lang 'yan. Hindi naman mukhang cheap. I cannot afford your clothing, Sir. Eh kung gusto mo kapag gumaling ka, umuwi kaagad sa inyo. Go back to the kind of life that you have. No problem. Isuot mo lahat ang mga damit na na-miss kong isuot. Kainin mo lahat ang mga pagkain na hindi mo nakain sa amin. Go ahead!” “You’re terrible! Absolutely insane!” “Mommy, Tito Inigo, are you quarrelling?” Narinig yata ng kambal na mataas ang boses nilang dalawa. “NO!” sabay nilang sabi. Nag-volunteer si Holly na itulak ang wheelchair ngunit hindi niya kinaya. Nakitulak
“Pinagalitan mo ba ang mga bata? Bakit hindi na lang ako ang pagalitan mo? Sa akin mo ibuhos ang galit mo kumbakit tinatanong nila ang kanilang ama. Iyon ba ang dahilan kumbakit ka nagagalit sa kanila at hindi mo sila pinapayagang pumunta sa akin!” Seen-zoned lang ni Nadja. Ayaw na niyang patulan ang mga ganoong reklamo ni Inigo. Hindi lang naman iyon ang naging problema niya pagdating sa mga bata. Nasaktan na niya ang lalaki noon. Sa bandang huli ay nagsisisi siya. Hindi niya ugaling manakit. Iniwasan niya si Inigo tulag ng dati. “Iiwasan mo na naman ako. Ganyan ka naman eh.” “Tsss, huwag mo akong daanin sa mga mensahe, Inigo.” Makahulugan ang kanyang mga ngiti. Matapos mag-almusal ay nagtungo si Nadja sa ikatlong palapag ng kanyang bahay. Pumasok siya sa loob ng recording booth niya. Para lang itong karaoke booth sa mga malls. Kahit maliit lang ang bahay ni Nadja, hindi pa iyon napupuntahan ni Inigo dahil hirap itong umakyat sa mga hagdan. Hindi pumasok si Nadja ng araw na iyo
Nagkatinginan sina Nadja at Rosanna sa matinding iskandalo na iyon. Hindi nila inasahan na mangyayari iyon maging lugar na katulad ng Re-Bistro Resto. Napakibit-balikat silang pareho. “Huwag mo akong hawakan. Aalis ako kung gusto ko! Magtutuos kami ng Victor na iyan!” Umiwas din ang staff sa panggigigil ng babae. “Normal na lang ang mga iskandalong ganyan, Anna. Sa katunayan, sa mundong kinagagalawan ko, iyan ang mga eksenang hinihintay ng media. Diyan sila kumikita ng malaki.” “It has become a poor industry. You entertain using your talents but later you become part of the entertainment. It is such a distasteful manner.” “Alam mo, totoo ‘yan. Instead of showing your true self, you hid yourself behind a mask and become what others want you to be.” “What are you thinking right now?” “Ano namang magagawa ng iniisip ko?” “What is the best thing to do?” “I don’t know if it is the best. Anghirap mag-decide.” “So, maybe that’s really the best.” “Ha!” Napakunot-noo si Rosanna. “You
Hindi siya makapaniwala sa tono ng pananalita nito. Matapang at alam mong buo ang loob. That’s the real Max Victor Peralta. Hindi maitatago ni Victor ang katotohanan. His situation right now is different from Victor’s life before. “Hindi ko ugaling magpaliwanag sa ibang tao, Nadja. Hindi ko nakasanayang magpaalam. Hindi ko rin iniisip na may taong maghihintay sa pag-uwi ko. I care only for myself.” “Balak mo bang magkaroon ng pamilya, balang- araw?” tanong ni Falcon, one of his closest friends in Harvard. University. “I care only for my business. I only care for my women and my own concerns. Sino ka ba? Bakit ko sasabihin sa iyo kung kailan ako uuwi at kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko?” “And maybe that’s really who you are.” “This is really who I am.” “Hindi ko pa lang alam ang pangalan mo but I dislike you even more. I dislike your attitude. Masyado kang bossy. Hindi ka na boss ngayon, Inigo. Masyadong high ang expectation mo sa mga bagay-bagay. Look at you right now
NAKAHANAP ng resort si Nadja kung saan magsi-celebrate ng kanyang kaarawan. Pinili niyang mag-out-of-town para maipasyal sa tabing-dagat si Inigo. She is taking Nessa’s suggestion. Baka nga makatulong. Sa may Blue Lagoon sa San Juan, Batangas ang beach resort. Gusto rin niyang maipasyal ang kambal pati na ang kanyang kasambahay at driver. Siya ang nagmaneho from Cavite to Batangas habang kasunod ang puting van na minamaneho ni Cogie. Walang traffic ng madaling araw kaya mabilis naman silang nakarating. Sinamantala nila ang malamig pa ang simoy ng hangin ng umagang iyon. Magliliwanag pa nga lang. Huni lang ng mga ibon ang sumalubong sa kanila. “Ang dami mo pang comment. You are overthinking. Pasyente ka at alalay mo lang ako. Asawa kaagad? Magulo kang kausap.” “Bakit ambilis mong mapikon? Ayoko pa naman sa babae ang pikon.” “Doon tayo sa banda roon.” Iniba ni Nadja ang usapan. Madalas talagang mauwi sa diskusyon ang ilan sa usapan nilang dalawa bukod sa mga pagkakataon nakakalim
Huminto si Victor at halos sabunutan ang ulo. He was tongue-tied for that. Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman kahit ilang beses ng nagdikit ang kanilang mga labi. Alas siyete ang serve ng breakfast sa Blue Lagooon. Fried rice, d***g na tuyo, sunny side -up egg with hotdogs and other sausages ang nakahanda sa buffet table. Kakaiba naman ang tingin ni Inigo at alam niyang nakakaisip na naman itong mag-green joke tungkol sa jumbo sausage. Mukha kasi itong malaswang tingnan lalo pa at kulay brown. Nagtama ang kanilang paningin. Alam niya ang iniisip nito sa klase ng kanyang ngiti. Naglakad silang apat sa aplaya ng umagang iyon. Nakaakbay si Inigo kay Nadja at nag-i-imagine na pamilya niya ang mga ito. He felt good about it. “Holly, Mackie! Huwag kayong masyadong lalayo sa amin.” “Yes, Mommy. Come and get me, Holly!” Hinabol ng kapatid ang lalaki. “Holly, careful!” Nadapa ang babae ngunit mabilis siyang tinulungan ni Mackie. Hindi naman ito masasaktan sa buhangin. “Are your fe
Bago umalis si Victor at binuklat niya ang kanyang wallet. Nandoon pa ang singsing ni Cheddar. Napailing siya. Masyadong desperado ang kanyang Tita Maura at Tito Jayson. Baka akala nila ay napatay na talaga siya.“Masamang damo ito. Walang basta makapapatay kay Victor.”Nandoon pa naman ang mahahalaga niyang government and identification cards. Wala talaga siyang paper bills.Kailangan rin niyang gumawa ng paraan upang makita ang ina. Kailangan niyang gumaling bago magpasko.Sosorpresahin niya ang ina. Ipinangako niya sa sarili na mananatili sa mansion kasama ang ina hanggang sa araw na siya ay makapangasawa. Kukumustahin rin niya si Victoria at kung may pagkakataon, dadalaw sila ng kanyang mama. Tiyak na matutuwa iyon.Makikita na rin niya ang kanyang mga pamangkin pati na si Bayaw.“Kailangan ko pang sapitin ang ganitong kalagayan bago ako matauhan.”sabi niya sa sarili.Marami siyang plano sa kanyang pagbabalik.“Bakit hindi mo puntahan si Peter? I tell you, that woman has a perfect
“You shut up!” “Sinabi mo bang disgrasyada ka at iniwan ka pa ng dalawang souvenir?” “Wala kang karapatan na ganyanin ako sa sarili kong pamamahay. Huwag mong dalhin dito ang bulok mong ugali. Get out! Get out! I don’t need you!” Kinaladkad niya ang babae palabas ng kanilang gate. Napaiyak ito sa sobrang inis. Pinahid niya ang kanyang luha bago umakyat ng ikalawang palapag ngunit dumiretso pa siya sa ikatlong palapag. Tumunog kaagad ang kanyang cellphone. “Yes, Tita!” Mabilis pa sa alas kuwarto ang tawag ng kanyang Tita Minerva. “NO, hindi po ‘yan totoo. Hindi pa po ako nag-aasawa. Iyon po ba nag ipinunta dito ni Abby para mag-espiya sa aking kung nag-asawa na ba ako?” Hindi na nagsalita si Inigo. Tiningnan na lang niya ang babae habang paakyat ito. Nakikipagtalo na naman siya sa ibang tao. Napabuntung-hininga na lang siya. Mahirap talagang kaaway ang mga kamag-anak. Proven na rin ‘yun ni Victor. Tinawag n ani Nessa si Victor sa kanyang kuwarto para kumain. “Sir Inigo, baba na