Share

CHAPTER 31

NAKAHANAP ng resort si Nadja kung saan magsi-celebrate ng kanyang kaarawan. Pinili niyang mag-out-of-town para maipasyal sa tabing-dagat si Inigo. She is taking Nessa’s suggestion. Baka nga makatulong.

Sa may Blue Lagoon sa San Juan, Batangas ang beach resort. Gusto rin niyang maipasyal ang kambal pati na ang kanyang kasambahay at driver. Siya ang nagmaneho from Cavite to Batangas habang kasunod ang puting van na minamaneho ni Cogie.

Walang traffic ng madaling araw kaya mabilis naman silang nakarating. Sinamantala nila ang malamig pa ang simoy ng hangin ng umagang iyon. Magliliwanag pa nga lang. Huni lang ng mga ibon ang sumalubong sa kanila.

“Ang dami mo pang comment. You are overthinking. Pasyente ka at alalay mo lang ako. Asawa kaagad? Magulo kang kausap.”

“Bakit ambilis mong mapikon? Ayoko pa naman sa babae ang pikon.”

“Doon tayo sa banda roon.” Iniba ni Nadja ang usapan.

Madalas talagang mauwi sa diskusyon ang ilan sa usapan nilang dalawa bukod sa mga pagkakataon nakakalim
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status