Share

CHAPTER 107

Hindi namalayan ni Nadja na magsisimula na ng pasukan ng mga bata. Hindi pa kompleto ang mga gamit nila dahil sobrang busy din niya. Kapag wala siyang schedule, she often spent it sleeping all day at nagbabawi ng tulog sa pagod at puyat niya.

Minsan na lang niyang abutang gising ang mga bata sa loob ng kanyang kuwarto.

"Ma’am, ipapaaalala ko lang po. Walang gamit sina Holly at Mackie. Sabi ninyo kasi noong nakaraang wala kayong schedule eh lalabas po kayo." Napapagod siya sa biyahe. Hindi rin tuloy sila makalabas ng mga bata. Hindi tulad dati, anytime ay makakalabas sila ng hindi niya iniisip na baka sila pagkaguluhan ng mga tao. Mas inaalala niya ay kasama ang mga bata sa pagpunta sa mall.

"Sige lalabas kami ngayon. Teka, nag-almusal na ba sila?"

"Kumakain pa lang po." Inabutan niyang kumakain ang mga ito ng paborito nilang pancake.

"Nessa, nagluto ka ba ng pancake?" Umiling kaagad ang babae. Saktong papasok si Cogie.

"Ma’am, hindi po pinabayaran ng RBR 'yung pina-deliver ninyo.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status