Share

MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire
MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire
Author: CALLIEYAH JULY

Chapter 1

last update Last Updated: 2022-11-26 09:57:10

MHELCAH'S POV

Nakaupo ako sa bench dito sa isang parke. Habang nakaupo ako ay kasama ko ang alaga kong aso na si Light. Kahit saan ako magpunta ay siya ang kasama ko.

Siya ang gabay ko at nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Isa akong bulag simula ng isinilang ako ay kadiliman na ang nakikita ko. Sa loob ng dalawampung taon ay hindi ko pa nasilayan ang mundo. Hindi ko rin alam kung may pag-asa pa ba akong makakita.

Malapit lang ang parke na ito sa aming barong-barong. Ngayon ay sinisimulan kong kumilos na parang isang normal tao. Gusto kong maranasan na maging normal kahit na wala akong nakikita.

Ang maglakad ng hindi gumagamit ng stick. Tanging si light lang ang gumagabay sa akin. Nagulat ako ng biglang bumaba si Light. Tumakbo ito at ako naman ay bigla na lang din natangay.

"Light.. Saan ka pupunta? Sandali!" Tawag ko sa kanya.

Tumatahol lang ito at patuloy sa pagtakbo. Nakaramdam na ako ng kaba dahil hindi ko kabisado ang tinatahak namin na daan. Bulag ako at wala pang dala na stick para sana gumabay sa akin.

"Light, tumigil kana natatakot na ako." Mahinang usal ko habang hawak parin ang tali niya. Gusto ko ng maiyak dahil natatakot na ako.

"What the h*ll! Are you blind?" Rinig kong sabi ng baritong boses. Boses pa lang niya ay nakakatakot na. Nasagi ko kasi ito kaya nagalit agad siya sa akin. Halata sa boses niya.

"Pasensya na po kayo Sir," hingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi ito sumasagot kaya sa tingin ko ay umalis na siya.

Nagsimula na ako ulit humakbang pero bumangga lang ako sa matigas na bagay na nasa harapan ko.

"Arayy! Light balik na tayo sa bahay. Ang sakit ng noo ko. Ang tigas kasi ng pader na ito," kausap ko sa aso ko.

Kinapa kapa ko pa ang nasa harapan ko. Pero napakunot ako ng noo ng may tela akong nahahawakan. Para itong damit ng tao.

"Are you really blind?" Tanong ulit sa akin ng lalaki.

"O-Opo Sir," natatakot na sagot ko sa kanya.

"Alam mo pa lang bulag ka bakit ka pagala-gala at pakalat-kalat dito sa kalye!" Galit na sabi niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang luha ko. Sanay na ako na may nagsasabi sa akin ng mga ganoong salita pero iba ang epekto sa akin ng mga sinabi niya.

"D*mn it! Bahala ka nga d'yan!" Sabi nito at narinig ko na umalis na siya. Pinunasan ko ang luha ko.

Napa-upo ako at hinawakan ko ang aso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa lalaking 'yon lang ako nasaktan. Maliban sa masakit ang noo ko dahil sa pagkabangga ay masakit rin ang puso ko.

Tumahol si Light at alam ko na gusto na niyag umuwi. Umikot ako para bumalik kami sa dinaanan namin.

Hindi ko alam kong malapit na ba kami sa parke pero may mga naririnig akong ugong ng sasakyan. Patuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang bumuhat sa akin kasabay no'n ang lakas ng busina ng sasakyan.

"F*ck! Magpapakamatay ka ba?" Galit na bulalas sa akin ng pamilyar na boses.

"Maraming salamat po Mr." pasasalamat ko sa kanya.

"Next time you better stay at home. Mamatay ka ng maaga sa ginagawa mo," galit parin na sabi niya sa akin.

"Opo, pasensiya na po kayo." Saad ko sa kanya.

"I gotta go now. Sa tingin ko kaya mo na ang sarili mo," nahihimigan ko ang inis sa boses niya.

"Opo, maraming salamat po ulit sa inyo." Pasasalamat kong muli sa kanya.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ako umaalis.

"D*mn it! Saan ba ang bahay niyo at ihahatid na lang kita?" Tanong niya sa akin.

"Naku, H'wag na po kaya ko na po'ng umuwi mag-isa." Sagot ko sa kanya.

"Tsk! Puwede ba 'wag kana mag-inarte d'yan!"

Sa pagkakataong ito ay napaiyak na naman ako. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit galit ito. Panay bulyaw pa siya sa akin na para akong bata na pinapagalitan ng kanyang ama.

"Alam mo kanina kapa ganyan! Bakit ka ba galit sa akin? Ano ba ginawa ko sa 'yo? Porket ba bulag ako puwede mo na akong sigawan!" Inis na sabi ko sa kanya.

Naging tahimik ang paligid. Dahil sa bulag ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Pinunasan ko ang luha ako at nagsimula akong humakbang paalis sa lugar kung saan naroon ang antipatikong lalaki na 'yon.

"Light, mas mabuti kung nasa bahay na laang tayo. Saka 'wag mo ng uulitin ang ginawa mo ha. May tiwala ako sa 'yo pero sa mga tao sa paligid natin wala," kausap ko sa aso ko habang patuloy kami sa paglalakad. Tumahol naman ito bilang sagot sa akin.

"Mhelcah anak! Saan ba kayo pumunta? Akala ko ba sa parke lang kayo?" Tanong sa akin ni inay. Bakas sa boses niya na nag-alala siya sa akin.

"Sinubukan lang po namin maglakad papunta doon," sagot ko sa kanya sabay turo sa direksyon na pinagmulan namin.

"Siguro hinila kana naman ni Light," saad ni inay sa akin.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Palagi kasing ganito kapag napapalayo kami ay dahil sa hinihila ako ni Light.

"Ikaw talaga Light nagiging pasaway kana," sabi ni inay sa aso ko.

Tumahol lang ito kaya tumawa na lang kami ni inay. Naglakad na kami pauwi sa barong-barong namin. Kami dalawa lang ni inay ang magkasama sa buhay. Ang sabi ni inay ay maagang napatay ang aking ama.

Naglalabandera si inay, iyon ang bumubuhay sa amin. Kahit na nahihirapan siya ay pinag-aral niya ako sa paaralan ng mga bulag. Marami rin akong natutunan doon. Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba akong makakita pero tanggap ko na ganito na ako.

Hindi ko lang maaiwasang hindi maawa kay inay. Lahat ay ginagawa niya para sa akin pero ako wala man lang nagagawa para sa kanya. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok ako sa aking silid.

Habang nakaupo ako sa aking higaaan ay naalala ko ulit ang lalaking panay sigaw sa akin kanina. Biiglang sumagi sa isipan ko na, "Hindi kaya baliw ang lalaki na 'yon?" Ani ko sa isipan ko. Pero naisip ko rin na baka may dahilan ito kaya galit sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Oh my— baka may dala itong kape at natapon ko," usal ko sa sarili.

Naalaala ko kasi na may na-aamoy akong kape kanina. Pero naalala ko rin ang mabangong pabango ng lalaki na 'yon. Hindi masakit sa ilong ang gamit niyang pabango. Katunayan ay masarap itong langhapin, nakakarelax sa pakiramdam pero iyong lalaki lang ang hindi ka matutuwa.

Pero maganda ang boses niya kahit na galit ito magsalita. Ano kaya ang itsura niya? Sana huwag ng magtagpo ang landas namin hindi ko na siya nais na makaharap. Pero may kung ano sa loob ko na gusto siyang makita. Pero nalungkot din ako dahil naalala ko na bulag pala ako. Na kahit kailan wala ng pag-asa na maasilayan ko ang ganda ng mundo.

Ginulo ng misteryosong lalaki ang isipan ko. Kaya buong gabi ay hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kanya.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Salamat Ms. Callieyah
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH JULY
hi po, pwede po kayong mag ipon ng bunos at ads po, para i-unlock ang story. thank you po
goodnovel comment avatar
Cherry Evangelista
pa onlick pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 2

    MHELCAH'S POVNang dahil sa nanyari ay isang linggo akong nanatili sa bahay. At hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang lalaking masungit. Bumabalik pa rin sa akin ang mga nangyari.Araw ng linggo at kasama ko si inay na pumunta sa simbahan. Tahimik lang akong nakikinig sa misa. Pero noong palabas na kami ni inay ay may dumaan at naamoy ko ang pabango niya.Ang pabango na isang linggo ko nang naaamoy. Hindi ko alam pero ayaw mawala sa sistema ko. Baka kapareho lang nito ang amoy nang lalaking arogante."Inay uuwi na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya."Oo anak pero hintayin mo ako rito dahil bibili lang ako ng bibingka," sabi sa akin ni inay. "Sige po inay, kasama ko po si light." Sagot ko sa kanya."Light 'wag kang tumakbo ha," paalala ni inay sa aso namin. Tumahol naman ito bilang sagot."Umupo ka muna d'yan anak," sabi sa akin ni inay.Umupo naman ako. Habang nakaupo ako ay may tumabi sa akin at naamoy ko na naman ang pabango ng lalaking arogante."Gusto mo," rinig kong nagsalita an

    Last Updated : 2022-12-14
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 3

    SIMON'S POVToday, i don't want to go to work. Alam ko na wala akong masyadong trabaho ngayon. Gusto kong maglakad-lakad. Bumili muna ako sa isang coffee shop bago ako pupunta sa isang park.Nagsuot ako ng sumbrero para walang makakilala sa akin. Alam ko na madalas akong mapagkamalang kakambal ko dahil sikat itong artista sa buong bansa.I have a twin brother at magkaiba kami sa lahat ng bagay pati na sa ugali. Sikat rin ako pero sa business world hindi ako mahilig magpa-interview kaya hindi ako gaanong nakikita sa social media o sa ano mang mga pahayagan.I don't want an attention. Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay. At my age, i'm not yet ready to enter serious relationship. "Good day Sir," bati sa akin ng cashier.Hindi ko ito binati at sinabi ko lang ang order ko na kape. Nang maibigay niya ay agad akong lumabas sa coffee shop.Habang naglalakad ako ay may bumangga sa akin na babae. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bulyawan siya dahil napaso ako ng coffee ko.Akala ko ay n

    Last Updated : 2022-12-14
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 4

    Mhelcah's POVNagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Agad akong bumangon para lumabas. Mabilis kong hinanap si Light."Light, nasaan kana?" Tawag ko sa kanya.Narinig ko naman na tumahol ito kaya napangiti ako. Naglakad ako palabas sa silid ko. Ang bango may naamoy akong masarap na pagkain. "Good morning sa 'yo Mhelcah," narinig kong sabi ni Simon. Teka lang tama na ako si Simon ba talaga ang narito ngayon sa bahay."S-Simon? Ikaw ba 'yan?" Tanong ko sa kanya."May iba pa bang pumupunta rito?" Nahimigan ko ang inis sa boses niya. "Wala naman, nagtataka lang kasi ako kung bakit ka narito. Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa paglalakad papunta sa may banyo namin.Nais kong maghilamos dahil nahihiya ako baka kasi may dumi ako sa mukha."Mamaya pa ang trabaho ko. Wala kasi akong kasama sa bahay kaya pumunta ako dito. Nais ko kasing sabay tayong mag-almusal.""Ganu'n pala," sagot ko sa kanya habang naghihilamos ako ng mukha ko dito sa banyo.Paglabas ko

    Last Updated : 2022-12-15
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 5

    MHELCAH'S POVNanlaki ang mga mata ko at binalot ng takot ang buong pagkatao ko noong marinig ko ang boses ng lalaki na nagtakip sa bibig ko.Wala akong makita at tanging boses lang niya ang naririnig ko. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko sa takot.Hinihila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko ay nakalayo na kami sa park. Si light nasaan si light? Iyon agad unang pumasok sa isipan ko. Nasaan na ang aso ko. Nais ko man siyang tawagin ay hindi ko magawa. Sana ay walang nanyari sa kanya. Hawak ko lang siya kanina pero nabitawan ko ang tali niya ng bigla akong kaladkarin ng lalaking ito.Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil kusa na lang itong nagsipatakan. Takot na takot ako at hindi ko alam kung may tutulong ba sa akin."Ang ganda-ganda mo Miss. H'wag ka ng umiyak dahil maglalaro lang naman tayo. Sigurado ako na magugustuhan mo ito. Mabait ako kaya 'wag kang matakot sa akin," bulong nito sa akin. Na lalong nag

    Last Updated : 2022-12-21
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 6

    SIMON'S POVMaaga akong nagising. Kumportable naman ako dito sa bahay na inu-upahan ko. Napangiti ako dahil balak kong pumunta muna sa bahay nila Mhelcah bago ako pumasok sa opisina.Nahihirapan ako sa pagbabalat kayo ko pero sa tingin ko ay masasanay rin ako. Kahapon ay nagpabili ako ng mga grocery sa secretary ko.Balak kong ibigay ang mga grocery kay Mhelcah. Hindi ko lang magawa dahil baka magtaka sila ni inay kung saan ko kinuha.Nais kong malaman nila na mahirap lang ako. Hindi ko nais na magpakilala sa kanila bilang isang Simon Blake. Kahit ang apelyido ko ay pinalitan ko.Masaya akong naglalakad papunta sa bahay nila. Nahirapan pa akong iluto ang spam. Hindi naman kasi ako sanay na magluto."Sh*t Simon! Why are you doing this to yourself?" Bulalas ko sa sarili.Parang hindi na kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang maamong mukha ni Mhelcah. Hindi ko maiwasang hindi napangiti.Nang makarating ako ay nakita ko si inay na naghahanda ng bag niya. Kumatok ako sa ma

    Last Updated : 2022-12-22
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 7

    MHELCAH'S POV"Huwag po!" Biglang sigaw ko. Nagising ako na masakit ang katawan ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na umiyak.Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. "Parang awa niyo na po. 'Wag po!" Umiiyak na sigaw ko."Anak, ako ito. Anak si nanay ito," rinig kong sabi sa akin ng tao sa paligid.Bumuhos ang luha ko nang malaman ko na nasa tabi ko na si inay."Inay, natatakot po ako. Tulungan niyo po ako," umiiyak na saad ko kay inay habang nanginginig ako sa takot."Anak, ligtas kana. H'wag ka ng umiyak anak," rinig kong sabi ni inay na may kasama g paghikbi.Niyakap niya ako. At pareho kaming umiiyak ngayon. Hindi ko alam pero inaantok na naman ako kaya natulog ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako habang natutulog ako.Natatakot na akong gumising dahil pakiramdam ko ay nasa paligid ko lang ang lalaking 'yon. Naiisip ko pa lang ay takot na takot na ako kaagad.Hindi ko alam kong ilang oras akong tulog. Ang sakit ng paa ko. Nagpapasalamat ako dahil bulag ako at hindi ko nak

    Last Updated : 2022-12-27
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 8

    Mhelcah's POVSa bawat araw na lumilipas ay paulit-ulit lang ang nanyayari sa akin. Tuwing gabi ay palagi akong nakakaramdam ng takot. Kahit na wala naman ang lalaking 'yun ay pakiramdam ko nasa paligid lang siya.Pakiramdam ko mababaliw ako. Ilang araw naring wala dito sa bahay si Simon. Si inay naman ay kailangan ring umalis at madalas ay ginagabi na ito sa pag-uwi.Palagi akong nagmomokmok dito sa silid ko. Madalas ay nakikinig ako ng music. Napapansin ko na kapag malungkot ako ay nababawasan kapag may musika.Nagkakaroon na ako ng pag-asa. Sinusubukan kong sumabay sa tugtugin. Sa una ay nahirapan ako hanggang sa nakabisa ko na abuong liriko. Napapangiti ako kapag naririnig ko ang pag-awit MDT. Isang sikat na mang-aawit. Napakaganda ng boses niya.Bigla akong nagkaroon ng pangarap. Na kahit sa katulad kong bulag ay umaasa ako na balang araw ay naipapakita ko rin sa iba ang talento na mayroon ako.Araw-araw kong kinakabisa ang bawat sulok ng bahay. At masasabi ko na may improvement

    Last Updated : 2022-12-27
  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 9

    Mhelcah's POVNagising ako dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Dumilat ako pero wala naman akong makita dahil nga bulag ako. Tanging amoy, tunog at nakikiramdam ang tanging magagawa ko.Naamoy ko ang pabango ni Simon kaya alam ko na nasa malapit lang siya. Nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kasi nang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya."Simon!" Tawag ko sa kanya."Yes, Mhel?" Tanong niya sa akin."Ang aga mo yatang umuwi ngayon?" Tanong ko sa kanya."Tapos na kasi ang trabaho ko," sagot niya sa akin."Okay," tipid na sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti dahil naiilang ako sa kanya. Hindi ko alam pero simula kahapon ay parang natatakot na akong dumikit o lumapit sa kanya.Hindi ko siya gaanong kinakausap. Madalas nasa loob lang ako ng silid ko. Ilang araw na siyang narito sa bahay. Hindi ko alam pero wala siguro siyang pasok sa trabaho.Nahihiya rin kasi akong magtanong sa kanya. Kagaya ng

    Last Updated : 2022-12-28

Latest chapter

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    SPECIAL CHAPTER |||

    MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    SPECIAL CHAPTER ||

    WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    SPECIAL CHAPTER

    SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    WAKAS

    "Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 70

    "Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 69

    "What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 68

    "Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 67

    "Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si

  • MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire    Chapter 66

    Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya

DMCA.com Protection Status