Mhelcah's POV
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Agad akong bumangon para lumabas. Mabilis kong hinanap si Light."Light, nasaan kana?" Tawag ko sa kanya.Narinig ko naman na tumahol ito kaya napangiti ako. Naglakad ako palabas sa silid ko. Ang bango may naamoy akong masarap na pagkain."Good morning sa 'yo Mhelcah," narinig kong sabi ni Simon. Teka lang tama na ako si Simon ba talaga ang narito ngayon sa bahay."S-Simon? Ikaw ba 'yan?" Tanong ko sa kanya."May iba pa bang pumupunta rito?" Nahimigan ko ang inis sa boses niya."Wala naman, nagtataka lang kasi ako kung bakit ka narito. Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa paglalakad papunta sa may banyo namin.Nais kong maghilamos dahil nahihiya ako baka kasi may dumi ako sa mukha."Mamaya pa ang trabaho ko. Wala kasi akong kasama sa bahay kaya pumunta ako dito. Nais ko kasing sabay tayong mag-almusal.""Ganu'n pala," sagot ko sa kanya habang naghihilamos ako ng mukha ko dito sa banyo.Paglabas ko ay bigla niyang pinunasan ng towel ang mukha ko. Dahil sa ginawa niya ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok niya na halos naririnig ko na ito."Are you okay?" Tanong na naman niya sa akin."Okay lang ako Simon," sagot ko sa kanya."Kumain na tayo, may dala akong pagkain. Si tita pala maaga siyang umalis kanina maglalabada daw siya.""Oo maaga pa umaalis lagi si inay. Tanging si Light lang ang kasama ko rito. Mukhang masarap ang pagkain ngayon. Naamoy ko kasi ang bango," sabi ko sa kanya."Talaga? Lagi akong magdadala niyan kapag nagustuhan mo. Sa ngayon tikman mo muna," utos niya sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ang kutsara o ang tinidor sa kamay ko. Inilapit rin niya ito sa bibig ko.Kumagat ako at nalasahan ko ito. Medyo maalat pero masarap siya. Kaya nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa naubos ko ito."Kumusta ang lasa nagustuhan mo ba?""Oo nagustuhan ko masarap siya. Ano ba ang tawag dito?" Tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagkain."Luncheon meat ang tawag dito. Hayaan mo sa sahod ko bibili ako ng marami nito," masayang sabi niya."Huwag na alam ko na mahal ito. Ang alam ko kapag masasarap na pagkain ay mahal. At ayaw ko na gumastos ka. Alam ko na may pamilya ka rin na binubuhay. Salamat Simon hindi man kita nakikita alam ko na mabuting tao ka," mahabang bulalas ko sa kanya.Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa pisnge ko."Kumain ka lang ng kumain. Samahan muna kita rito dahil mamaya may pasok na ako sa trabaho," aniya sa akin."Salamat Simon, kumain kana rin." Nakangiting sabi ko sa kanya.Nabusog talaga ako kaya pakiramdam ko ang laki ng tiyan ko. Ngayon lang ata ako naparami ng kain."Simon ako na ang maghuhugas ng mga plato," ani ko sa kanya dahil naririnig ko ang tunog ng mga plato namin."Just stay there, i can handle this."Iyan na naman siya. Nagsasalita na naman siya ng ingles. Baka nga sanay lang talaga siya kagaya ng sinabi niya na ingles ang salitang ginagamit ng boss niya.Nanatili na lang ako sa upuan ko. Tanging tunog ng mga gamit at lagaslas ng tubig ang naririnig ko."Ahm.. Simon malayo ba dito ang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya nabibingi kasi kaso sa katahimikan.Sanay ako na tahimik ang bahay pero hindi ako sanay na tahimik ngayon lalo't may iba akong kasama."Medyo," iyon lang ang naging tugon niya. Ang tipid ng sagot niya siguro ay ayaw niya akong kausap.Hinihimas ko ang balahibo ni Light. Napapangiti ako tuwing ginagawa ko ito. Sa tagal na naming magkasama ay siya ang nabibigay ng saya sa akin ara-araw."I need to go now," rinig kong sabi sa akin ni Simon."Sige ingat ka," sagot ko naman sa kanya.Narinig ko ang pagsara ng pintuan hudyat na umalis na ito. Kami na lang ni Light ang naiwan dito sa bahay. Kinuha ko ang walis tambo at sinimulan kong walisan ang sahig. Kahit na hindi ko alam kung may dumi ba akong nawawalis. Nakasanayan ko na kaya araw-araw koo ng ginagawa."Light puwede ba tayong pumunta sa park ngayon? Pero 'wag mo gagawin 'yung ginawa mo nakaraan," paalala ko sa kanya.Narinig ko naman na tumahol ito kaya napangiti naman ako."Good boy," sabi ko sa kanya at naglakad ako papunta sa silid ko. Maliligo muna ako bago kami pumunta sa park.Nang matapos ako ay kinuha ko ang stick ko para mas mabilis kong malaman kung may akaharang sa daanan.Ayaw ko ng maulit pa ang nanyari noon. At naalala ko ulit 'yung masungit na lalaki na iyon."Ano ba Mhelcah? Hayaan mo na nga 'yun. Siguro pangit 'yun dahil pangit rin ang ugali niya." Saad ko sa sarili.Kapag kasi naaalala ko kumukulo na kaagad ang dugo ko sa inis. Naglakad ako palabas ng bahay habang hawak ko ang tali ni Light at ang stick ko.Kabisado ko ang daan papunta doon. Naalala ko palagi akong nasa park. Lalo na kapag pakiramdam ko ay nalulungkot ako.Napangiti ako dahil alam kung narito na kami sa park. Malambot na kasi ang naapakan ko kaya alam ko na mga damo na ito.Medyo masakit ang sikat ng araw dahil patanghali na."Light puwede ba tayong umupo sa malilim na bahagi?"Medyo binilisan niya ang lakad niya kaya nahila ako ng kaunti. Alam ko na papiubta kami ngayon sa malilim na bahagi.Nang makarating kami ay umupo ako sa damuhan. May puno pala ng kahoy kaya sumandal ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising ako sa tahol ni Light. Pakiwari ko ay inabot na kami ng gabi. Kaya tumayo ako kaagad dahil baka hinahanap na kami ni inay.Habang nasa daan ay maay bigla na lang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko."Ang ganda mo naman Miss, puwede ka bang makipaglaro sa akin?" Bulong ng boses ng isang lalaki.MHELCAH'S POVNanlaki ang mga mata ko at binalot ng takot ang buong pagkatao ko noong marinig ko ang boses ng lalaki na nagtakip sa bibig ko.Wala akong makita at tanging boses lang niya ang naririnig ko. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko sa takot.Hinihila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko ay nakalayo na kami sa park. Si light nasaan si light? Iyon agad unang pumasok sa isipan ko. Nasaan na ang aso ko. Nais ko man siyang tawagin ay hindi ko magawa. Sana ay walang nanyari sa kanya. Hawak ko lang siya kanina pero nabitawan ko ang tali niya ng bigla akong kaladkarin ng lalaking ito.Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil kusa na lang itong nagsipatakan. Takot na takot ako at hindi ko alam kung may tutulong ba sa akin."Ang ganda-ganda mo Miss. H'wag ka ng umiyak dahil maglalaro lang naman tayo. Sigurado ako na magugustuhan mo ito. Mabait ako kaya 'wag kang matakot sa akin," bulong nito sa akin. Na lalong nag
SIMON'S POVMaaga akong nagising. Kumportable naman ako dito sa bahay na inu-upahan ko. Napangiti ako dahil balak kong pumunta muna sa bahay nila Mhelcah bago ako pumasok sa opisina.Nahihirapan ako sa pagbabalat kayo ko pero sa tingin ko ay masasanay rin ako. Kahapon ay nagpabili ako ng mga grocery sa secretary ko.Balak kong ibigay ang mga grocery kay Mhelcah. Hindi ko lang magawa dahil baka magtaka sila ni inay kung saan ko kinuha.Nais kong malaman nila na mahirap lang ako. Hindi ko nais na magpakilala sa kanila bilang isang Simon Blake. Kahit ang apelyido ko ay pinalitan ko.Masaya akong naglalakad papunta sa bahay nila. Nahirapan pa akong iluto ang spam. Hindi naman kasi ako sanay na magluto."Sh*t Simon! Why are you doing this to yourself?" Bulalas ko sa sarili.Parang hindi na kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang maamong mukha ni Mhelcah. Hindi ko maiwasang hindi napangiti.Nang makarating ako ay nakita ko si inay na naghahanda ng bag niya. Kumatok ako sa ma
MHELCAH'S POV"Huwag po!" Biglang sigaw ko. Nagising ako na masakit ang katawan ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na umiyak.Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. "Parang awa niyo na po. 'Wag po!" Umiiyak na sigaw ko."Anak, ako ito. Anak si nanay ito," rinig kong sabi sa akin ng tao sa paligid.Bumuhos ang luha ko nang malaman ko na nasa tabi ko na si inay."Inay, natatakot po ako. Tulungan niyo po ako," umiiyak na saad ko kay inay habang nanginginig ako sa takot."Anak, ligtas kana. H'wag ka ng umiyak anak," rinig kong sabi ni inay na may kasama g paghikbi.Niyakap niya ako. At pareho kaming umiiyak ngayon. Hindi ko alam pero inaantok na naman ako kaya natulog ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako habang natutulog ako.Natatakot na akong gumising dahil pakiramdam ko ay nasa paligid ko lang ang lalaking 'yon. Naiisip ko pa lang ay takot na takot na ako kaagad.Hindi ko alam kong ilang oras akong tulog. Ang sakit ng paa ko. Nagpapasalamat ako dahil bulag ako at hindi ko nak
Mhelcah's POVSa bawat araw na lumilipas ay paulit-ulit lang ang nanyayari sa akin. Tuwing gabi ay palagi akong nakakaramdam ng takot. Kahit na wala naman ang lalaking 'yun ay pakiramdam ko nasa paligid lang siya.Pakiramdam ko mababaliw ako. Ilang araw naring wala dito sa bahay si Simon. Si inay naman ay kailangan ring umalis at madalas ay ginagabi na ito sa pag-uwi.Palagi akong nagmomokmok dito sa silid ko. Madalas ay nakikinig ako ng music. Napapansin ko na kapag malungkot ako ay nababawasan kapag may musika.Nagkakaroon na ako ng pag-asa. Sinusubukan kong sumabay sa tugtugin. Sa una ay nahirapan ako hanggang sa nakabisa ko na abuong liriko. Napapangiti ako kapag naririnig ko ang pag-awit MDT. Isang sikat na mang-aawit. Napakaganda ng boses niya.Bigla akong nagkaroon ng pangarap. Na kahit sa katulad kong bulag ay umaasa ako na balang araw ay naipapakita ko rin sa iba ang talento na mayroon ako.Araw-araw kong kinakabisa ang bawat sulok ng bahay. At masasabi ko na may improvement
Mhelcah's POVNagising ako dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Dumilat ako pero wala naman akong makita dahil nga bulag ako. Tanging amoy, tunog at nakikiramdam ang tanging magagawa ko.Naamoy ko ang pabango ni Simon kaya alam ko na nasa malapit lang siya. Nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kasi nang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya."Simon!" Tawag ko sa kanya."Yes, Mhel?" Tanong niya sa akin."Ang aga mo yatang umuwi ngayon?" Tanong ko sa kanya."Tapos na kasi ang trabaho ko," sagot niya sa akin."Okay," tipid na sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti dahil naiilang ako sa kanya. Hindi ko alam pero simula kahapon ay parang natatakot na akong dumikit o lumapit sa kanya.Hindi ko siya gaanong kinakausap. Madalas nasa loob lang ako ng silid ko. Ilang araw na siyang narito sa bahay. Hindi ko alam pero wala siguro siyang pasok sa trabaho.Nahihiya rin kasi akong magtanong sa kanya. Kagaya ng
Mhelcah's POVNagulat ako sa narinig ko. Alam ko ang ibig sabihin nang i like you. Hindi ko naman nakikita kung gising o tulog ba siya. Nanatili akong tahimik.Ayaw kong mag-isip nang kung ano. Dahil sabi nang teacher ko dati ay marami ang kahulugan ng salitang, i like you.Inalis ko ang kamay niya sa tiyan ko at bumangon na ako. Kinapa ko ang suklay ko. Kagabi ay nilagay ko ito sa mesa katabi nang higaan namin.Nang makuha ko na ay sinimulan ko nang suklayin ang buhhok ko. Pero nagulat ako nang biglang inagaw sa kamay ko ang suklay."Good morning Mhel, ako na ang magsusuklay sa 'yo." Rinig kong sabi ni Simon."G-Good morning rin sa 'yo. Ako na lang kaya ko naman," sagot ko sa kanya.Pero hindi ito nakinig atpatuloy lang sa pagsuklay nang buhok ko. Naramdaman ko ang pagpatong nang baba niya sa balikat ko habang nakayapos sa akin."Magbreakfast na tayo. Diba nais mong maligo sa dagat?" Pabulong na sabi niya sa tenga ko.Naghatid naman iyon ng kakaibang init sa katawan ko. Nanatili lang
Mhelcah's POVNaging tahimik si Simon pagkatapos nang nangyari. Kahit ako nahihiya rin sa kanya alam ko na napakabuti niya sa akin. Pero hindi ko kayang ilagay siya sa sitwasyon na mahihirapan siya.Hindi na rin siya tumabi sa akin matulog. Kaya puyat ako kakahintay sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon pauwi sa Maynila. Naiinip ako dahil pakiramdam ko mapapanis ang laway ko pero nahihiya naman akong makipag-usap sa kanya.Noong makarating na kami sa bahay ay umalis rin ito kaagad. Hindi siya nagpaalam sa amin ni inay."Anak, may nangyari ba? Para kasing may kakaiba kay Simon," tanong sa akin ni inay."Hindi ko po alam inay," pagsisinungaling ko dahil ayaw ko ng pag-usapan pa."Siguro ay pinatawag ito ng boss niya," sabi naman ni inay.Tahimik na lang ako at pumasok ako sa silid ko para magpahinga. Nakatulog ako dahil na rin siguro napuyat ako kagabi.May narinig akong tunog ng motorsiklo. Masaya na sana ako dahil balak kong humingi ng sorry kay Simon. Pero hindi pala siya an
Mhelcah's POVPag-alis ni Attorney ay niyakap ako ni inay. Masaya siya pero naroon ang takot. Natatakot siyang baka mahirapan ako kapag nagtrabaho na ako sa magiging amo ko. "Inay, alam ko po na nag-aalala kayo sa akin pero magtiwala po kayo. Kakayanin ko po kung ano man 'yon. Siguro mabait silang tao at ramdam ko po iyon." Sabi ko kay inay dahil umiiyak ito."Pero sana anak pinag-isipan mo muna sana," aniya sa akin."Alam ko po, pero desperada na po ako inay. Sorry po pero pagod na po akong maging bulag. At gusto kong makita ang mundo, gusto rin kita makita," umiiyak na sabi ko."Ako rin anak, nais ko rin na makita mo ang mundo." Sagot niya sa akin."Pero inay, wala po si Simon. Iniwan na po niya ako. Ang sakit po dahil nasanay na ako na nand'yan siya. Mali po ba na tinanggihan ko siya? Siguro nga po mali ako." Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya."Hindi kita masisi anak. Pero sa tingin ko may pagtingin ka rin sa kanya." Rinig kong bulalas ni inay.Hindi ako sumagot dahil tama si inay
MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad
WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong
SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang
"Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa
"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my
"What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an
"Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si
Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya