SIMON'S POV
Maaga akong nagising. Kumportable naman ako dito sa bahay na inu-upahan ko. Napangiti ako dahil balak kong pumunta muna sa bahay nila Mhelcah bago ako pumasok sa opisina.Nahihirapan ako sa pagbabalat kayo ko pero sa tingin ko ay masasanay rin ako. Kahapon ay nagpabili ako ng mga grocery sa secretary ko.Balak kong ibigay ang mga grocery kay Mhelcah. Hindi ko lang magawa dahil baka magtaka sila ni inay kung saan ko kinuha.Nais kong malaman nila na mahirap lang ako. Hindi ko nais na magpakilala sa kanila bilang isang Simon Blake. Kahit ang apelyido ko ay pinalitan ko.Masaya akong naglalakad papunta sa bahay nila. Nahirapan pa akong iluto ang spam. Hindi naman kasi ako sanay na magluto."Sh*t Simon! Why are you doing this to yourself?" Bulalas ko sa sarili.Parang hindi na kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang maamong mukha ni Mhelcah. Hindi ko maiwasang hindi napangiti.Nang makarating ako ay nakita ko si inay na naghahanda ng bag niya. Kumatok ako sa may pintuan at agad namang napatingin sa direksyon ko si inay."Magandang umaga po inay," binati ko siya."Magandang umaga rin sa 'yo Simon. Tulog pa si Mhelcah," saad ni inay sa akin."Okay lang po inay, aalis na po ba kayo?" Tanong ko rito."Oo anak, may labada kasi ako ngayong araw at gagabihin na ako sa pag-uwi.""Sakto po inay may pandesal po ako rito at ulam. Baka nais niyo po'ng magbaon?" saad ko."Nakakahiya naman iho. Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong nito sa akin."Mayro'n po, pero mamaya pa ho iyon.""May iniwan na akong pagkain para kay Mhelcah. Ikaw na ang bahala dito iho, aalis na ako. Sa iyo ko ipagkakatiwala ang anak ko," nakangiting sabi sa akin ni inay."Sige po inay, ingat ho kayo."Nang makaalis na si inay ay umupo muna ako sa kahoy na upuan. Habang nakatingin ako sa paligid ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Kaya swerte kami dahil lumaki kami sa marangyang pamumuhay.Ipinikit ko muna ang mata ko dahil nakakaramdam ako ng antok habang hinihintay kong magising si Mhelcah. Narinig kong bumukas ang pintuan ng silid niya.Napangiti ako dahil ang ganda niya kahit na bagong gising pa lang siya. Mabilis na lumapit sa akin si light. Binuhat ko naman ito, mabait ang aso niya at cute.Naalala ko tuloy 'yung aso ko na nawala dati. Kakulay rin niya si Light. Binati ko si Mhelcah.Pumasok ito sa banyo paglabas niya ay basa ang mukha niya. Mabilis kong kinuha ang malinis na towel at pinunasan ko ang mukha niya.Hindi ko maiwasang hindi mapalunok. Ang ganda kasi niya lalo na sa malapitan. Ang pula ng labi niya na sa tingin ko ay kay sarap tikman. Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung ano na naman ang naiisip ko. Bigla akong nag-alala ng hinawakan nito ang dibdib niya.Nakahinga naman ako ng maayos dahil okay lang siya. Inayos ko ang pagkain at inaya ko na siya. Napangiti ako dahil alam ko na nagustuhan niya ang ulam.Ako naman ang kumainn ng ulam na niluto ni inay na kahit hindi pamilyar sa akin ay kinain ko. Nasarapan ako sa ulam.Pagkatapos aming kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato. Alam ko na hindi ito mapakali sa kina-uupuan niya pero hindi ako pumayag na siya ang maghugas.Tumingin ako sa relo ko and I'm getting late. Kaya nagpaalam na ako sa kanya. Sinulyapan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.Sumakay ako sa motorsiklo ko at pumunta sa condo ko para magpalit ng damit na pang-opisina."Good morning Sir," binati ako ng secretary ko."What's my schedule today?" Tanong ko rito."You have a lunch meeting at Griffin's Diner Sir," sagot naman sa aking ng secretary ko."Okay, thanks." Sagot ko sa kanya. Nakatulala pa ito ngayon sa akin."Are you okay?" Tanong ko sa ko."Yes, Sir." Sagot nito bago lumabas sa office ko.Ako naman ay umupo na swivel chair ko para simulan ang trabaho ko. Marami akong kailangan i-review na mga documents bago pirmahan.Hindi ako basta-basta na lang nagpipirma ng hindi ko sisilip ang nasa papel. Ganito ako ka hands-on sa negosyo namin.Nais kong magtayo ng sarili kong kumpanya. Ngunit hindi ko magawa. Walang may gustong humawak sa company ni lolo.Si Daddy may sarili ring company at si ate Blair ang nagha-handle. Mahilig rin kasi ito sa perfumes.Sumapit ang lunch at nagmaneho ako papunta sa Restaurant ni papa Jeff. Doon ako lagi nakikipag lunch meeting dahil masarap ang mga pagkain doon at maganda rin ang ambiance.Hindi ko inaasahan na sasama si Antonette sa lunch namin ng daddy niya. Mag i-invest kasi ang dad niya sa company.Kahit na ayaw ko sa presinsya niya ay pinilit ko na tapusin ang meeting. Naunang lumabas ang daddy niya kaya kami na lang dalawa ang naiwan."Pumunta ako sa condo mo but you're not there," naiinis na turan nito sa akin."Nasa mansiyon ako," sagot ko lang sa kanya."Two nights kang wala," dagdag pa nito."I'm here for business Antonette," seryosong pahayag ko sa kanya.Biglang naging maamo ang mukha nito ngayon."I miss you," pahayag niya at hahalikan sana ako pero umiwas ako. Tumalikod ako para umalis na.Pero bago pa ako makaalis ay sumigaw ito."I Hate You Simon!"Hindi ko pinansin at sumakay na aako sa kotse ko para bumalik sa kumpanya. Ang bilis ng oras at hindi ko namalayan na pagabi na pala.Isinuot ko na ang coat ko at lumabas na sa company. Balak kong bumili ng doughnuts para pasalubong kay Mhelcah. Dumaan muna ako sa condo ko. Doon ko kasi iniiwan ang motor ko.Dumiretso ako sa bahay nila. Saktong kakarating lang din ni inay."Kaawaan ka ng Diyos anak," saad sa akin ni inay. Nagmano kasi ako sa kanya."Nasaan po si Mhelcah inay?" Tanong ko kay inay."Hindi ko alam iho, kakarating ko lang din. Saan kaya iyon pumunta? Delikado pa naman sa labas kapag gabi na," nag-aalalang saad ni inay."Lalabas ho ako inay para hanapin siya. Baka pumunta lang ho siya sa park," sabi ko sa kanya."Ako na lang iho alam ko naman na pagod ka sa trabaho.""I insist po, ako na lang po inay. Magpahinga na lang po kayo rito," sabi ko sa kanya at lumabas ako sa bahay nila.Tinahak ko ang daan papunta sa may park. Nang bigla kong makasalubong si Light na tumatakbo.Tumigil ito sa paanan ko at kinakagat ang suot kong pantalon."Light, Nasaan si Mhelcah? " Tanong ko dahil pansin ko na parang may iba sa kanya.Tumahol ito ng tumahol. Pagkatapos ay tumakbo sa direksyon ng park. Sumunod naman ako sa kanya.Nang makarating kami ay wala akong makitang Mhelcah kaya nabahala na ako."Light, anong nangyari kay Mhelcah? Nasaan siya?" Tanong ko sa aso na kahit alam ko na hindi ito sasagot sa akin.Inamoy amoy nito ang daan. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Medyo malayo na kami sa may park at napansin ko na nasa isang abandonadong lugar na kami.Mabato at may lumang building na sira na. Binudol na ng kaba ang dibdib ko. Patuloy lang ako sa pagsunod kay Light.Hanggang sa natanaw ko ang isang lalaki na nagsisimula ng maghubad ng damit. Dumako ang tingin ko sa babaeng walang malay.Bumangon ang galit sa loob ko. Tumakbo ako at mabilis kong tinadyakan ang lalaki."Sino ka? Abala ka sa ginagawa ko! T*ngina mo!" galit na sigaw nito sa akin.Bumangon ito at kumuha ng kutsilyo at itinutok sa akin."Walanghiya ka! Pati ba naman bulag! Magbabayad ka sa ginawa mo g*go ka!" Galit na gallit na sigaw ko sa kanya. Sinugod ko siya kahit na may hawak siyang kutsilyo. Mabilis ko siyang inatake at namilipit ito sa sakit."Langhiya kang bata ka!" Sigaw nito habang pinipilit na bumangon.Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makatayo dahil sinipa ko ulit siya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Mabilis akong tumawag ng pulis at dinaluhan si Mhelcah."Mhelcah, wake up. Please.. Wake up," Ginigising ko siya, pero tulog na tulog ito. Parang gusto kong pat*yin ang lalaking gumawa nito sa kanya.Ang daming dugo sa paa niya at may pasa rin ang mukha niya. Mabuti na lang at dumating kaagad ang ambulansya ganu'n rin ang mga pulis.Isinakay si Mhelcah sa ambulance habang si inay ay walang tigil sa pag-iyak."Anak, gumising ka na. Hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako. Anak..."Awang-awa ako sa sinapit ni Mhelcah at naikuyom ko ang kamay ko sa galit."Magiging okay rin siya inay at sisiguraduhin ko na magbabayad ang gumawa nito sa kanya," saad ko kay inay."Sana nga iho, hindi na sila na awa sa anak ko." Umiiyak na turan ni inay.Pagkarating namin sa ospital at ayaw pa sana asikasuhin ng mga doktor dahil may mga nauna daw at kailangan ng downpayment."Subukan mong hindi unahin ito at mawawalan ka na ng trabaho ngayon din," seryosong sabi ko sa doktor."At sino ka para magsabi niyan? Hindi puwede rito ang mahirap na kagaya niyo. Ang lakas ng loob mong pagbantaan ako," mayabang na sabi pa nito sa akin.Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang kaibigan ko.Kinausap ko ito at nakita ko na natakot ang doktor sa narinig niya. Ilang sandali pa ay nag-unahan ang ibang doktor na asikasuhin si Mhelcah."And you, what are you waiting for? You're fired!" Kalmadong sabi ko sa kanya."At sino ka para magsabi niyan sa akin? Hindi ikaw ang boss ko!" Galit na sabi nito sa akin.Tinignan ko lang siya ng masama sabay ngisi sa kanya. Narinig kong tinawag ang pangalan niya.Namutla ito at parang alam na niya ang susunod na mangyayari sa kanya. Mabilis akong pumunta sa emergency room para alamin ang kalagayan ni Mhelcah.Maraming test ang ginawa sa kanya para makasigurado na maayos ang kalagayan niya. Mabuti at walang naging problema maliban sa mga pasa at sugat niya sa paa.Iniwan ko muna saglit si inay dahil tinawagan ko ang abogado ko na pumunta sa presinto. At para sampahan ng kaso ang lalaki. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan.Bumalik ako kay inay at lumapit kay Mhelcah."Gumising kana, nag-aalala na kami sa iyo." Kausap ko sa kanya.Maraming salamat po sa pag-add sa library n'yo. Sana po ay samahan niyo ako hanggang sa wakas. Ingat po kayo palagi.
MHELCAH'S POV"Huwag po!" Biglang sigaw ko. Nagising ako na masakit ang katawan ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na umiyak.Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. "Parang awa niyo na po. 'Wag po!" Umiiyak na sigaw ko."Anak, ako ito. Anak si nanay ito," rinig kong sabi sa akin ng tao sa paligid.Bumuhos ang luha ko nang malaman ko na nasa tabi ko na si inay."Inay, natatakot po ako. Tulungan niyo po ako," umiiyak na saad ko kay inay habang nanginginig ako sa takot."Anak, ligtas kana. H'wag ka ng umiyak anak," rinig kong sabi ni inay na may kasama g paghikbi.Niyakap niya ako. At pareho kaming umiiyak ngayon. Hindi ko alam pero inaantok na naman ako kaya natulog ako. Pakiramdam ko ay ligtas ako habang natutulog ako.Natatakot na akong gumising dahil pakiramdam ko ay nasa paligid ko lang ang lalaking 'yon. Naiisip ko pa lang ay takot na takot na ako kaagad.Hindi ko alam kong ilang oras akong tulog. Ang sakit ng paa ko. Nagpapasalamat ako dahil bulag ako at hindi ko nak
Mhelcah's POVSa bawat araw na lumilipas ay paulit-ulit lang ang nanyayari sa akin. Tuwing gabi ay palagi akong nakakaramdam ng takot. Kahit na wala naman ang lalaking 'yun ay pakiramdam ko nasa paligid lang siya.Pakiramdam ko mababaliw ako. Ilang araw naring wala dito sa bahay si Simon. Si inay naman ay kailangan ring umalis at madalas ay ginagabi na ito sa pag-uwi.Palagi akong nagmomokmok dito sa silid ko. Madalas ay nakikinig ako ng music. Napapansin ko na kapag malungkot ako ay nababawasan kapag may musika.Nagkakaroon na ako ng pag-asa. Sinusubukan kong sumabay sa tugtugin. Sa una ay nahirapan ako hanggang sa nakabisa ko na abuong liriko. Napapangiti ako kapag naririnig ko ang pag-awit MDT. Isang sikat na mang-aawit. Napakaganda ng boses niya.Bigla akong nagkaroon ng pangarap. Na kahit sa katulad kong bulag ay umaasa ako na balang araw ay naipapakita ko rin sa iba ang talento na mayroon ako.Araw-araw kong kinakabisa ang bawat sulok ng bahay. At masasabi ko na may improvement
Mhelcah's POVNagising ako dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Dumilat ako pero wala naman akong makita dahil nga bulag ako. Tanging amoy, tunog at nakikiramdam ang tanging magagawa ko.Naamoy ko ang pabango ni Simon kaya alam ko na nasa malapit lang siya. Nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kasi nang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya."Simon!" Tawag ko sa kanya."Yes, Mhel?" Tanong niya sa akin."Ang aga mo yatang umuwi ngayon?" Tanong ko sa kanya."Tapos na kasi ang trabaho ko," sagot niya sa akin."Okay," tipid na sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti dahil naiilang ako sa kanya. Hindi ko alam pero simula kahapon ay parang natatakot na akong dumikit o lumapit sa kanya.Hindi ko siya gaanong kinakausap. Madalas nasa loob lang ako ng silid ko. Ilang araw na siyang narito sa bahay. Hindi ko alam pero wala siguro siyang pasok sa trabaho.Nahihiya rin kasi akong magtanong sa kanya. Kagaya ng
Mhelcah's POVNagulat ako sa narinig ko. Alam ko ang ibig sabihin nang i like you. Hindi ko naman nakikita kung gising o tulog ba siya. Nanatili akong tahimik.Ayaw kong mag-isip nang kung ano. Dahil sabi nang teacher ko dati ay marami ang kahulugan ng salitang, i like you.Inalis ko ang kamay niya sa tiyan ko at bumangon na ako. Kinapa ko ang suklay ko. Kagabi ay nilagay ko ito sa mesa katabi nang higaan namin.Nang makuha ko na ay sinimulan ko nang suklayin ang buhhok ko. Pero nagulat ako nang biglang inagaw sa kamay ko ang suklay."Good morning Mhel, ako na ang magsusuklay sa 'yo." Rinig kong sabi ni Simon."G-Good morning rin sa 'yo. Ako na lang kaya ko naman," sagot ko sa kanya.Pero hindi ito nakinig atpatuloy lang sa pagsuklay nang buhok ko. Naramdaman ko ang pagpatong nang baba niya sa balikat ko habang nakayapos sa akin."Magbreakfast na tayo. Diba nais mong maligo sa dagat?" Pabulong na sabi niya sa tenga ko.Naghatid naman iyon ng kakaibang init sa katawan ko. Nanatili lang
Mhelcah's POVNaging tahimik si Simon pagkatapos nang nangyari. Kahit ako nahihiya rin sa kanya alam ko na napakabuti niya sa akin. Pero hindi ko kayang ilagay siya sa sitwasyon na mahihirapan siya.Hindi na rin siya tumabi sa akin matulog. Kaya puyat ako kakahintay sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon pauwi sa Maynila. Naiinip ako dahil pakiramdam ko mapapanis ang laway ko pero nahihiya naman akong makipag-usap sa kanya.Noong makarating na kami sa bahay ay umalis rin ito kaagad. Hindi siya nagpaalam sa amin ni inay."Anak, may nangyari ba? Para kasing may kakaiba kay Simon," tanong sa akin ni inay."Hindi ko po alam inay," pagsisinungaling ko dahil ayaw ko ng pag-usapan pa."Siguro ay pinatawag ito ng boss niya," sabi naman ni inay.Tahimik na lang ako at pumasok ako sa silid ko para magpahinga. Nakatulog ako dahil na rin siguro napuyat ako kagabi.May narinig akong tunog ng motorsiklo. Masaya na sana ako dahil balak kong humingi ng sorry kay Simon. Pero hindi pala siya an
Mhelcah's POVPag-alis ni Attorney ay niyakap ako ni inay. Masaya siya pero naroon ang takot. Natatakot siyang baka mahirapan ako kapag nagtrabaho na ako sa magiging amo ko. "Inay, alam ko po na nag-aalala kayo sa akin pero magtiwala po kayo. Kakayanin ko po kung ano man 'yon. Siguro mabait silang tao at ramdam ko po iyon." Sabi ko kay inay dahil umiiyak ito."Pero sana anak pinag-isipan mo muna sana," aniya sa akin."Alam ko po, pero desperada na po ako inay. Sorry po pero pagod na po akong maging bulag. At gusto kong makita ang mundo, gusto rin kita makita," umiiyak na sabi ko."Ako rin anak, nais ko rin na makita mo ang mundo." Sagot niya sa akin."Pero inay, wala po si Simon. Iniwan na po niya ako. Ang sakit po dahil nasanay na ako na nand'yan siya. Mali po ba na tinanggihan ko siya? Siguro nga po mali ako." Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya."Hindi kita masisi anak. Pero sa tingin ko may pagtingin ka rin sa kanya." Rinig kong bulalas ni inay.Hindi ako sumagot dahil tama si inay
Mhelcah's POVNgayon ang araw na pinakahihintay ko. Naiinip ako kahapon dahil gustong-gusto ko na talagang umuwi. Habang pauwi kami sa bahay hindi na maalis alis sa labi ko ang ngiti. Namamangha talaga ako sa bawat nadadaanan namin. Sobrang saya ko talaga dahil nakikita ko na ang mga tao sa paligid ko.Nakasakay kami sa kotse ni Doc. Sabi niya kasi ay idadaan niya kami sa bahay. Pauwi na rin kasi siya kaya isinabay na raw niya kami.Pero tumigil kami saglit sa isang malaking bahay, pero parang hindi rin. Kasi ang laki at ang taas nito. Siguro ito 'yung mall na sinasabi nila."Inay, mall po ba iyan?" Tanong ko kay inay sabay turo doon."Gusali iyan anak, diyan nagtatrabaho ang mga tao." Sagot niya sa akin."Pasensiya na kayo ha. Daanan ko lang ang kuya ko kasi nasira ang sasakyan niya kaya sasabay na siya sa atin. Okay lang po ba?" Biglang tanong ni Doc."Naku! Okay lang doc kami nga ang dapat mahiya sa inyo dahil nagiging abala pa kami sa lakad niyo," si inay na ang sumagot.Tama si in
Mhelcah's POV"Good morning Simon," masayang bati ko sa larawan niya.Tuwing umaga ay palagi ko siyang binabati. Kapag nakikita ko siya ay napapangiti talaga ako kaagad. Bumangon na ako para magluto ng almusal. Simula noong nakakakita na ako ay tinuruan ako ni inay sa mga gawaing bahay ng paunti-unti.Unti-unti na akong nasasanay sa mga nakikita ko. Araw-araw ay lagi na lang akong napapangiti dahil nakakakita na talaga ako. Parang panaginip lang pero totoo talaga na nakakakita na ako.Ang sarap sa pakiramdam dahil sa tingin ko ay kaya ko ng gawin ang lahat ng bagay. Tumutulong na rin ako kay inay sa paglalabada. Ngayon kasi si inay pumupunta na sa mga building na malapit sa amin.On-call na siya sa paglalabada. Ngayon ay ako ang pupunta sa condo ng isa sa mga nagpapalabada kay inay. Magiging practice ko na rin ito kapag pumasok ako sa house keeping.Maaga ako ngayon para maaga ako matapos. Nakakapagod lang dahil ang taas pala ng unit no'ng tao na 'yun. Siguro pagod na pagod si inay. Tu
MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad
WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong
SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang
"Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa
"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my
"What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an
"Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si
Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya