Hi po, maraming salamat po sa pagbabasa ng story na ito. Sana po ay subaybayan niyo ito hanggang dulo. Maraming salamat po Miss Nemia sa mga gems. God bless po at ingat po kayo palagi. :) :)
Mhelcah's POVNaging tahimik si Simon pagkatapos nang nangyari. Kahit ako nahihiya rin sa kanya alam ko na napakabuti niya sa akin. Pero hindi ko kayang ilagay siya sa sitwasyon na mahihirapan siya.Hindi na rin siya tumabi sa akin matulog. Kaya puyat ako kakahintay sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon pauwi sa Maynila. Naiinip ako dahil pakiramdam ko mapapanis ang laway ko pero nahihiya naman akong makipag-usap sa kanya.Noong makarating na kami sa bahay ay umalis rin ito kaagad. Hindi siya nagpaalam sa amin ni inay."Anak, may nangyari ba? Para kasing may kakaiba kay Simon," tanong sa akin ni inay."Hindi ko po alam inay," pagsisinungaling ko dahil ayaw ko ng pag-usapan pa."Siguro ay pinatawag ito ng boss niya," sabi naman ni inay.Tahimik na lang ako at pumasok ako sa silid ko para magpahinga. Nakatulog ako dahil na rin siguro napuyat ako kagabi.May narinig akong tunog ng motorsiklo. Masaya na sana ako dahil balak kong humingi ng sorry kay Simon. Pero hindi pala siya an
Mhelcah's POVPag-alis ni Attorney ay niyakap ako ni inay. Masaya siya pero naroon ang takot. Natatakot siyang baka mahirapan ako kapag nagtrabaho na ako sa magiging amo ko. "Inay, alam ko po na nag-aalala kayo sa akin pero magtiwala po kayo. Kakayanin ko po kung ano man 'yon. Siguro mabait silang tao at ramdam ko po iyon." Sabi ko kay inay dahil umiiyak ito."Pero sana anak pinag-isipan mo muna sana," aniya sa akin."Alam ko po, pero desperada na po ako inay. Sorry po pero pagod na po akong maging bulag. At gusto kong makita ang mundo, gusto rin kita makita," umiiyak na sabi ko."Ako rin anak, nais ko rin na makita mo ang mundo." Sagot niya sa akin."Pero inay, wala po si Simon. Iniwan na po niya ako. Ang sakit po dahil nasanay na ako na nand'yan siya. Mali po ba na tinanggihan ko siya? Siguro nga po mali ako." Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya."Hindi kita masisi anak. Pero sa tingin ko may pagtingin ka rin sa kanya." Rinig kong bulalas ni inay.Hindi ako sumagot dahil tama si inay
Mhelcah's POVNgayon ang araw na pinakahihintay ko. Naiinip ako kahapon dahil gustong-gusto ko na talagang umuwi. Habang pauwi kami sa bahay hindi na maalis alis sa labi ko ang ngiti. Namamangha talaga ako sa bawat nadadaanan namin. Sobrang saya ko talaga dahil nakikita ko na ang mga tao sa paligid ko.Nakasakay kami sa kotse ni Doc. Sabi niya kasi ay idadaan niya kami sa bahay. Pauwi na rin kasi siya kaya isinabay na raw niya kami.Pero tumigil kami saglit sa isang malaking bahay, pero parang hindi rin. Kasi ang laki at ang taas nito. Siguro ito 'yung mall na sinasabi nila."Inay, mall po ba iyan?" Tanong ko kay inay sabay turo doon."Gusali iyan anak, diyan nagtatrabaho ang mga tao." Sagot niya sa akin."Pasensiya na kayo ha. Daanan ko lang ang kuya ko kasi nasira ang sasakyan niya kaya sasabay na siya sa atin. Okay lang po ba?" Biglang tanong ni Doc."Naku! Okay lang doc kami nga ang dapat mahiya sa inyo dahil nagiging abala pa kami sa lakad niyo," si inay na ang sumagot.Tama si in
Mhelcah's POV"Good morning Simon," masayang bati ko sa larawan niya.Tuwing umaga ay palagi ko siyang binabati. Kapag nakikita ko siya ay napapangiti talaga ako kaagad. Bumangon na ako para magluto ng almusal. Simula noong nakakakita na ako ay tinuruan ako ni inay sa mga gawaing bahay ng paunti-unti.Unti-unti na akong nasasanay sa mga nakikita ko. Araw-araw ay lagi na lang akong napapangiti dahil nakakakita na talaga ako. Parang panaginip lang pero totoo talaga na nakakakita na ako.Ang sarap sa pakiramdam dahil sa tingin ko ay kaya ko ng gawin ang lahat ng bagay. Tumutulong na rin ako kay inay sa paglalabada. Ngayon kasi si inay pumupunta na sa mga building na malapit sa amin.On-call na siya sa paglalabada. Ngayon ay ako ang pupunta sa condo ng isa sa mga nagpapalabada kay inay. Magiging practice ko na rin ito kapag pumasok ako sa house keeping.Maaga ako ngayon para maaga ako matapos. Nakakapagod lang dahil ang taas pala ng unit no'ng tao na 'yun. Siguro pagod na pagod si inay. Tu
Mhelcah's POV"What the h*ll are you doing?!" Sigaw niya sa akin at itinulak niya ako bigla."Ugh!" Biglang tumama ang likod ko sa basang sahig. Nakaramdam rin ako ng sakit, pero hindi ko ipinahalata sa kanya. "Sorry po, sorry po Sir," hingi ko ng paumanhin sa kanya."What's happening here?" Biglang may dumating na magandang babae.Nakita ko na bumangon si Sir sungit habang ako nakahiga pa rin. Pinilit kong bumangon kahit na ang sakit nang likod koSinalubong ng babae si sungit at hinalikan sa labi. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. Hindi ko alam pero may kunting kir*t sa puso ko."Who are you?" Tanong sa akin nang babae."She's cleaning here. What brings you here Antonette?"Antonette pala ang pangalan nito. Bagay sa kanya dahil ang ganda niya. "I miss you Sy," rinig kong sabi nang babae. "I'm busy right now," sagot naman ni Sir Sy."Hindi ka pumasok sa office at bakit basa kayo pareho? May ginawa ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Antonette."I'm just helping her, napatid si
Mhelcah's POVNagulat ako sa sinabi ni inay na nasa labas si Sir Sungit. Jusko ano ba ang gagawin ko? At bakit siya nandito?"I-Inay, Bakit po siya nandito?" Tanong ko kay inay."Hindi ko rin alam anak, ayaw naman niyang pumasok. May ginawa ka ba sa condo niya?" Tanong sa akin ni inay."Wala ho inay!" Mabilis kong sagot sa kanya."Saka inay alam niyo po ba na siya ang boss niyo?" Tanong ko sa kanya."Oo anak, at nakalimutan kong sabihin sa iyo kanina." Sabi nito sa akin.Napabuntong hininga naman ako sa narinig ko. Ano na lang ang gagawin ko? Kinakabahan man ako ay lumabas pa rin ako para harapin siya. Wala naman kasi akong magagawa.Paglabas ko ay nakasandal ito sa kotse niya na para bang naiinip na naiinis. Basta hindi ko mawari ang mukha niya. Pero gwapo pa rin siya. Sinaway ko na naman sarili ko dahil pinuri ko ito.Pagkarating ko sa harapan niya ay tumingin ito sa akin. "Hop in," utos niya sa akin."Po?""Sakay," utos nito sa akin."Bakit po?" Tanong ko sa kanya."Puwede ba 'wag
Mhelcah's POVNagsimula na ang araw ng training ko sa trabaho. Pagod man ako pero masaya naman ako dahil may mga naging kaibigan na ako doon."Uuwi kana ba Mhel?" Tanong sa akin ni Carl."Oo," sagot ko kay Carl."Sabay-sabay na tayo," saad naman ni Pearl."Sige," nakangiti ko namang sagot.Sumakay kami sa jeep. Pero habang nasa biyahe kami ay nagkukwentuhan kaming tatlo. Masaya silang kausap at halos kaedaran ko lang sila. Naunang bumaba si Pearl kaya kami na lang ni Carl ang magkasama ngayon. Nalaman ko rin na malapit lang sa amin ang bahay nila. Nasa kabilang kanto lang pala.Bumaba na kami sa jeep at sabay na naglakad. "Mhel kumain muna tayo ng fishball doon sa may gilid," yaya niya sa akin."Sige, gusto ko ring i-try na kumain doon." Sagot ko sa kanya.Lumapit kami doon at medyo marami na ang mga tao. Kaya naghintay lang kami ng kaunti dahil kakasalang pa lang ulit ng tindero. Masaya kaming kumakain ni Carl. Hindi naman kami nagtagal doon at umuwi rin kami kaagad.Pagpasok ko sa b
Mhelcah's POVNapasinghap ang lahat ng tao na nasa paligid nang sabihin niya ito sa akin. Hindi ko pa sana naintindihan kong hindi ko nakita sa mata niya ang galit sa akin.Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Na halos manlabo na ang paningin ko. Ang bigat ng mga paa ko pero pinilit ko na ihakbang ito. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang papalayo ako sa kanya. Akala ko ay mabait na siya ng kaunti pero mas nakakatakot pala talaga siya.Malinaw na sa akin na tinatanggal na ako sa trabaho. Kahit na papaumpisa pa lang sana ako. Hindi ako gumamit ng elevator. Naghagdan ako pababa. Malaya kong pinakawalan ang mga luha ko habang pababa ako.Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako sa ginawa niya. Na hindi ko alam kung bakit ganu'n na lang niya ako tanggalin sa trabaho. Kung sa bagay CEO pala siya at lahat kaya niyang gawin ng walang kahirap-hirap.Umahon ang galit sa puso ko. Siya ang unang taong kinamuhian ko ng ganito. Pakiramdam ko at sasabog ang puso ko sa sobrang g
MHELCAH'S POVNgayon ang huli naming araw dito Paris at masasabi ko na talagang nag-enjoy ako. Gusto ko na sa susunod naming pagbalik dito ay kasama ko na ang mga anak ko. "Baby, parang ayaw ko pang umuwi." Pabulong na sabi sa akin ni Simon."Baby, we need to go home now. Hindi mo ba namimiss ang anak mo? Sigurado ako hinahanap kana ni Zach." Saad ko sa kanya."Sorry, baby. Masyado akong nag-enjoy sa bakasyon natin." Natatawa na saad niya sa akin."Next time kasama na natin ang mga anak natin." Nakangiti na sabi ko sa kanya.Niyakap niya ako ta halatang naglalambing na naman. Gabi-gabi na lang ay may nangyayari sa amin pero hindi yata siya nagsasawa. Pero hindi na katulad noong unang araw namin na overtime siya. Mabuti at paisa-isa na lang talaga siya at hindi na humihirit ng round two."Baby, maligo kana nga doon. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko." Utos ko sa kanya."Baby, tinatamad akong maligo." Parang bata na sagot niya sa akin."Baby, baka ma-late tayo sa flight natin." Saad
WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK...HONEYMOON AFTER WEDDING!MHELCAH'S POV"Sa tingin mo okay lang kaya si Zach?" Nag-aalala na tanong ko kay Simon. Hindi kasi ako sanay na ganito. Na mapalayo sa kanya ng ilang araw."Don't worry, baby. Okay lang ang anak natin. He's a smart kid at alam ko na malilibang naman siya sa bahay. And marami ang mag-aalaga sa kanya." Sagot naman sa akin nang asawa ko."Okay po, nag-aalala lang kasi ako." Saad ko sa kanya."I love you, baby. Let's enjoy this trip." Malambing na bulong niya sa akin."You're right, I love you too." Malambing rin na sagot ko sa kanya.He kissed me in my lips kaya napangiti ako. Mahaba pa ang biyahe namin kaya pumikit muna ako para matulog na muna. Dahil nga sa buntis ako ay talagang inaantok na naman ako.Ginising lang ako ng asawa ko dahil kakain daw muna kami. I enjoyed the food kasi masarap siya. Pasok sa taste buds ko. Lately kasi ay sobrang maselan ang panlasa ko. Halos wala akong kinakain dahil madalas akong
SIMON'S POV"Justin, I need your help." Sabi ko sa pinsan ko. Pumunta ako dito sa hospital nila para kausapin siya ng personal."Tungkol saan kuya?" Tanong niya sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit pumunta ako dito."Puwede bang ikaw ang maging doktor ni Mhel?" Tanong ko sa pinsan ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na kaya niyang pagalingin si Mhel."Who's Mhel? Kuya, girlfriend mo ba?" Tanong niya sa akin."My wife?" Mabilis na sagot ko sa kanya."What?! Your what?!" Hindi makapaniwalang tanong nang pinsan ko sa akin. Napatayo pa ito sa swivel chair niya sa pagkabigla.."My wife," nakangiting sagot ko ulit sa kanya."Nagbibiro ka lang diba? Kailan ka nag-asawa ng hindi namin alam? Isa pa wala ka namang girlfriend." Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Justin."Believe me, my asawa na ako. At ikaw na ang bahala sa kanya.""Kuya, alam mo hindi magandang joke 'yan. Kilala ka sa pamilya natin na babaero at malihim pero ngayon may asawa kana kaagad. Kailangan mo ba talagang
"Baby, saan tayo pupunta?" Tanong ni Mhel kay Simon habang may nag memake-up sa kanya."Sa kasal nang kaibigan ko baby," sagot ni Simon sa kanyang asawa."Okay, pero bakit white itong suot ko?" Tanong ulit ni Mhel."Baby, bisita lang tayo doon. Kaya please lang 'wag kana panay tanong sa akin.""Naiinis ka ba? Kapag naiinis ka hindi na ako sasama." Naiinis na sabi ni Mhel. Dahil buntis ito kaya madalas na itong naiinis at nagagalit."Baby, hindi po ako galit. Love you, hintayin kita sa kotse." Paalam ni Simon at hinalikan si Mhel sa pisngi."May bisita ba na ganito ka bongga ang suot?" Pabulong-bulong na sabi ni Mhel."Malay po ninyo madam, kasing yaman rin ni Sir ang ikakasal." Sabi naman ni Girly kay Mhel."Siguro nga, salamat Girly. Ikaw talaga ang dabest na make-up artist for me." Nakangiting sabi ni Mhel."Thank you rin madam, sige na po baka hinihintay na kayo ni Sir." Malawak ang ngiti sa labi ni Mhel.Ngumiti naman si Mhel at naglakad na palabas sa kanilang silid. Habang pababa
"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon.Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan.Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon."What are you talking about? I'm your wife, and she's your mistress!" Galit na sigaw ni Antonette."You're not my wife Antonette. Our marriage was fake. Ginawa ko lang 'yun para kunin ang ninakaw ng daddy mo sa akin. Mhel is my
"What are you doing here?" Tanong ni Mhel kay Antonette. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair na para bang ito ang boss."I'm your customer," sagot ni Antonette kay Mhel."Sorry, pero hindi ako inform na need pala umupo ng customer sa upuan ko, dito sa office ko.. Kaunting respeto na lang sana," naiinis na sabi ni Mhel sa babae."Eh ikaw, hindi ka ba nahihiya? Ikaw ang kabit ng asawa ko diba? Kaya pala ayaw niyang umuwi sa bahay namin. Namatay na si Mhel pero kamukha niya pa rin ang pinalit ni Simon. Sa tingin mo ba mahal ka ng asawa ko?" Sarcastic na tanong ni Antonette kay Mhel."Ano sa tingin mo? At ikaw, mahal ka ba? Ako kasi mahal niya ako." Nakangiting sabi ni Mhel kay Antonette para galitin ito."Ang lakas ng loob mo! Kahit anong gawin mo kabit ka pa rin. Walang magbabago doon!" may diin na sa bawat salita ni Antonette habang nanlilisik ang mga mata nito."Hindi ako kabit, katunayan fiance niya ako. Ang ganda nito diba? Ikaw ba binigyan ka man lang ba dati ng ganito? O ikaw na an
"Kumusta ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sassy sa kanyang anak. Kakauwi lang nila Mhel galing sa ospital."Maayos na po ang pakiramdam ko mommy. Mom— t-thank you, for everything." Biglang pahayag ni Mhel sa kanyang mommy."Lahat gagawin ko para sa 'yo. Nawala ang galit ko sa kanila dahil inalagaan ka nila. Nasaktan lang ako sa nalaman ko na nabulag ka. Siguro kung kasama kita hindi ka nahirapan ng ganito," parang naiiyak na pahayag ni Sassy sa kanyang anak."Mommy, kalimutan na po natin ang lahat. Ang mahalaga po ay masaya ako, masaya tayo. Mahal na mahal ko po kayo, at ang lahat ng mga panahon na hindi tayo magkasama ay babawi ako. Pagkatapos po ninyo asikasuhin ang lahat sa Amerika ay bumalik po kayo dito." Nakangiting saad ni Mhel sa kanyang ina."Babalik ako anak, aalagaan ko kayo ng mga apo ko." Nakangiting sabi ni Sassy sa kanyang anak. Kailanagan lang niyang bumalik sa Amerika para ayusin ang mga negosyo niya."Mommy, nag-iisa pa lang po si Zach p
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki kay Mhel."Kilala ba kita?" Tanong ni Mhel sa lalaki."Buhay ka Mhel, thanks God." Sabi nito sabay yakap kay Mhel."I'm sorry but I'm not Mhel," sagot ni Mhel sa lalaki at itinulak niya ito dahil hindi siya kumportable sa pagyakap nito. Higit sa lahat hindi niya ito kilala."Pero magkamukha kayo."Giit pa ng lalaki."I'm sorry Mr. Pero Samantha ang pangalan ko." Mahinahon na sabi ni Mhel."Baka nga nagkamali lang ako. Ako nga pala si Franco Peterson." Pakilala nang lalaki kay Mhel sabay lahad ng kanyang kamay."Samantha Gray," pakilala naman ni Mhel. Kinailangan niyang magsinungaling dahil hindi niya alam kung sino ang mga nanakit sa kanya sa nakaraan."Anak mo?" Tanong ni Franco kay Mhel."Yeah, ano pala ang nangyari? Bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" Mahinahon na tanong ni Mhel sa lalaki."Sorry kung napalakas ang boses ko. Binangga kasi ng anak mo ang anak ko." Sagot ni Franco kay Mhel."Mga bata pa sila at hindi naman siguro nila si
Masayang sinalubong ni Zach ang kanyang mga magulang. Niyakap ito kaagad nang mahigpit ni Mhel. Dalawang araw lang silang hindi nagkita pero pakiramdam ni Mhel ay isang taon na iyon."Mommy, I can't breathe." Reklamo ni Zach sa kanyang ina."I'm sorry baby, namiss ka lang po ni mommy." Nakangiting pahayag ni Mhel sa kanyang anak."Mommy, nandito na po si Mommita." Pahayag ni Zach."Nasaan si mommy?" Tanong ni Mhel sa kanyang anak. Inaasahan na rin kasi niya na nandito na ito ngayon."She's inside po," sagot naman ni Zach."Go to your daddy muna baby," utos ni Mhel sa kanyang anak dahil nais niyang makausap ang kanyang mommy. Hindi puwedeng marinig ni Zach ang pag-uusapan nila."Ako na ang bahala sa anak natin," sabi ni Simon kay Mhel."Thank you baby," pumasok si Mhel sa loob nang mansiyon nila Caye.Kaagad na sinalubong ni Sassy ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang sobrang higpit. Natatakot si Sassy na magalit sa kanya ang kanyang anak. Ayaw niyang iwan siya ni Samantha. Hindi niya