My lips parted and my mind went black because of what he did.
Mabilis na gumalaw ang kamay ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ay kaagad na dumapo ang palad ko sa kan'yang mukha. He winced. I looked at him angrily as he touch his face.
"Bastos!" Galit kong sigaw. My hands formed a fist because of my anger. I couldn't believe it! He's a f-cking maniac!
Napalunok ito bago niya ibaling saakin ang kan'yang mukha. Namumula ang pisngi nitong sinampal ko pero wala akong pakialam!
"I thought you need money," he coldly said.
I bit my lower lip when I remember where I need to use that money. But what he did is not right! He disrespected me and take advantage of me!
"You don't have the right to touch me, lalo na't halikan ako sa leeg Mr. Villegas!" Sigaw ko sakan'yang mukha. He gritted his teeth as he look at me angrily.
"How dare you touch my face, woman?!" Galit nitong sigaw dahilan para mapaatras ako. Tikom ang bibig nitong tumitig saakin.
"You deserve it!" Sigaw ko pabalik. Nalukot ang mukha nito dahil sa galit.
"You will pay for this! Call Doctor Lawton!" Utos nito. Habol ko parin ang hininga ko nang ituro niya ang pinto. Wala akong inaksayang oras at mabilis siyang tinalikuran. I was about to open the door when someone opened it.
"G-Good day, Mrs. and Mr. Villegas," bati ko nang iniluwa rito ang Ina at ama ni Mr. Villegas.
"What's happening, here son?" Tanong ng ginang dahilan para kabahan ako. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa higaan ni Mr. Villegas.
Paano kapag nagsumbong siya?
"That woman just slapped me," seryosong saad nito kaya napalunok ako.
Mrs. Villegas looked at me, surprised.
"You really did that?" She asked. I slowly nodded.
"I-I'm sorry Mrs. Villegas," I said as my heart raced faster than normal.
Paano kung ipatanggal nila ako sa trabaho? Nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa naisip. I need money! Kailangan na kailangan ko ng pera ngayon. Bakit ngayon pa 'to nangyari?
"Oh, it's actually good. Nakahanap ka rin ng katapat mo, Kington," saad nito at tumawa.
My eyes widened as I heard her laughs. S-She's laughing! Anong ibig niyang sabihin?
"Mom!" He shouted!
"By the way Doctor Verzosa," Mr. Villegas get my attention. Napatingin ako dito na prente na ngayong nakaupo sa upuan sa tabi ng higaan ng anak nila. "Doctor Lawton said you already accepted our offer. With that, we'll give you five hundred thousand in advance," he added.
Nanlaki ang mga mata ko sa kan'yang sinabi. Ang perang kailangan ko!
"P-Po?"
"We'll give it to you once we got home," he added.
"Thankyou so much, sir!" I said.
Wala na akong panahon pa para mag dalawang-isip na sumama para tuluyang tanggapin ang offer. Kung tutuusin ay p'wede pa naman akong mag back out dahil wala pa saakin ang pera pero kailangan na kailangan ko ang perang 'yun. I will do everything for my family.
"Ang s'werte mo naman gurl! Sa dami ng doctor sa hospital nito aba'y ikaw talaga ang napiling kuning private doctor ni Mr. Villegas! Haba ng hair! Nag-ahit ka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Prince sa bandang dulo.
"Stop spitting nonsense, Prince," saad ko habang kinukuha ang mga gamit ko sa locker.
"Princess nga! Ang kulit nito!" Irap nito saakin. "Anyway! Goodluck to your new journey, Doc! Kiss mo si fafa Kington para saakin, fleece! Sobrang gwapo talaga ni, sir! Baka mahimatay ako kapag nakita siya sa malapitan!" Kinikilig nitong ani kaya napailing nalang ako.
"He's not that handsome tho,"
"Anong hindi?! Aba'y kulang na nga lang e maghuhad ang mga babaeng nurses at doctors sa harapan nito kapag nakausap siya, e!" Depensa nito dito. I sighed as I close my locker dahil tapos na akong magligpit.
"Kung alam mo lang ang ginawa nung h-yop na 'yun saakin," I said, almost whispered.
"Anong sabi mo, Doc?"
"Ah, wala. Aalis na'ko, ingat ka rito!" Paalam ko sakan'ya saka mabilis na lumabas ng hospital.
"They're waiting for you," Doctor Lawton said. Napatingin ako sa sasakyang nakaparada sa labas ng hospital. Sobrang ganda at sobrang mahal ng sasakyan na 'yun sa pagkakaalam ko kaya nagdalawang-isip ako bigla na sumama.
"Get in, Doctor Verzosa!" Mrs. Villegas called. Napalunok ako ng ilang beses bago humarap kay Dr. Lawton.
"They're not dangerous people, are they?" I asked.
He sighed and tap my shoulder. "Take care, Dr. Verzosa," he said as he head back inside the hospital.
Huminga ako ng malalim bago mabilis na sumakay sa sasakyan. Mr. Villegas is driving the car while Mrs. Villegas is on the front seat. Katabi ko si Kington sa likuran kaya naman ay hindi ako komportable.
Tahimik lang ito habang nakatingin sa labas ng bintana. He was observing and watching the busy people in the market and in the street.
"My hand hurts," he said as he gazed me. Kaagad akong umiwas ng tingin saka inayos ang posisyon ng kaliwa niyang kamay para hindi ito malagyan ng pressure.
"Does it still hurt?" I asked. He shook his head as he look at me coldly. Napalunok ako.
"Thanks," he said.
Thanks? Marunong din palang mag sorry ang isang manyakol na katulad niya!
Hindi naman mas'yadong malayo ang bahay nila mula sa hospital. Ilang minuto pa ay narating din namin kaagad ang bahay nila. Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang laki at ganda nito! Wow! Nasa labas pa nga lamang kami ngunit kitang-kita na ang kaayusan at kagandahan ng bahay.
May fountain sa labas ng bahay at may malaking garden sa tabi at doon papunta ang tubig galing sa fountain.
Wow! What a view!
Ipinasok na ni Mr. Villegas ang sasakyan sa loob ng gate. Med'yo malayo pa ang bahay nila dahil sobrang lawak ng loob dahil sa malaking garden, sa fountain, at sa kanilang garahe. Pati na rin ang swimming pool na hindi ko napansin kanina. Grabe! Mansiyon na ata itong bahay nila sa sobrang laki. Color puti ito at sa pagkakaalam ko ay this is known to be the biggest white house in their town.
"Let's go, Doctor Verzosa," Mrs. Villegas smiled at me as she then get out or the car. Napalunok ako bago tumingin kay Mr. Villegas sa tabi ko.
"Let's go," I said and offered to help him. Hindi naman ito nagreklamo kaya kaagad akong bumaba ng sasakyan para ma alalayan siya.
"Careful," I said as he put his arms on my shoulder. May mga sugat ring natamo ang kan'yang mga paa kaya iika-ika itong maglakad nang makalabas ito ng sasakyan.
"Mr. V!"
Sabay kaming napatingin sa gate nang may tumawag mula rito. Mr. V?
Are they calling the son of Villegas or the father?
Nagulat ako nang hindi lang pala ito iisa, dalawa, o tatlo. Kundi isang batalyon ng mga lalaki! Kung bibilangin ko pa isa-isa ay baka mapagod lang ako.
They are like 200 people in here! Who are they?
"We're glad that you're home already, Mr. V!" Sigaw ng isa sa unahan at mabilis na lumuhod.
Lumuhod?
"Welcome back, sir!" Sigaw ng lahat nang makarating sila sa harapan namin at sabay na lumuhod sa harapan namin.
Napaatras ako dahil sa pagkagulat. Kita ko ang paglingon ni Mr. Villegas sa tabi ko kaya napayuko ako.
Why do I feel like I shouldn't be in this place right now?
Bakit pakiramdam ko'y hindi tama itong pinasok ko? Para bang lugar na hindi dapat pinupuntahan ng isang katulad ko.
"Face them," bulong nito dahilan para mapalingon ako sakan'ya. Napalunok ako nang sobrang lapit ng mukha namin kaya kaagad akong umiwas. Dahan-dahan akong humarap sa kanila at ganoon parin ang posisyon nila. Nakaluhod pa rin silang lahat habang nakayuko sa harapan namin.
My forehead knotted. Who are you Mr. Villegas? Why do they have to kneel and bow down infront of you?
"They are my people," he said with his baritone voice. Naramdaman kong humarap ito saakin pero hindi ko siya nilingon. Nanatili ang mga mata ko sa mga nakaluhod sa harapan namin dahil sa pagtataka.
Parehas sila ng suot lahat at klarong-klaro ang letrang V na nakasulat sa likuran nito. They're like an organization.
"Introduce yourself,"
"Ha?"
Namangha ako nang sabay-sabay silang lahat bigla na tumayo ng tuwid sa aming harapan. They're like an army officer!
"Are you deaf?" Tanong nito kaya napatikhim ako.
Hindi niya naman kasi sinabi in advance na may introduce yourself palang magaganap, e. Edi sana nakapag chat GPT ako!
"I'm Doctor Verzos-"
"Full name," he whispered. I bit my lower lip before bringing myself to smile infront of them.
"I'm doctor Zarieah Verzosa, working at Buenavista Memorial Hospital. Mr. Villegas' Private Doctor," I shortly introduced.
Tumango silang lahat saka ngumiti ng matamis. Hilaw akong ngumiti. I still don't know if they're safe to interact with. Pero tauhan daw naman sila ni Mr. Villegas kaya baka harmless naman ang mga ito.
"May boyfriend na po ba kayo, Doctora?" Nagtaas ng kamay ang isang nasa unahan nakatayo.
"T-That's personal-"
"They only accept yes or no as an answer," sabat ng nasa tabi ko kaya lihim akong napairap.
"Yes, I'm single," sagot ko nalang.
"Good," he commented again.
"Ilang taon na po kayo, Doctora?" Tanong ng isa sa may likuran.
Nasa interview ba ako ngayon? Bakit andaming tanong?!
"25," maikli kong sagot.
"Kailan n'yo po balak mag-asawa, Doctor?" Tanong ng isa pa kaya nangunot ang noo ko.
"That's for me to decide," sabat ni Kington kaya napabaling ako sakanya.
"What?!"
"Let's head inside," sagot nito saka mabilis na humakbang patalikod para pumasok na sa bahay.
Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko kaya taas kilay itong tumingin saakin.
"Will you help me go inside my house, my Private Doctor?"