HAHAHHAHA! Thank you po sa inyong lahat....
MIREYA’S POV “Miss, puwede mo ba kaming iwanan saglit?” tanong ko sa babae. “Ayoko,” mabilis na sagot niya sa akin. “Kung ayaw mo na masira ang buo mong mukha ay lumabas kana ngayon din. Don’t worry dahil hindi ko aagawin sa ‘yo. Mag-uusap lang kami.” kalmado pero kaunti na lang ang natitira sa pasensya ko. “Bakit mo ba ako pinapalabas?” mataray na sabi niya sa akin. “Bingi ka ba? Mag-uusap lang kami,” sagot ko sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko na magalit sa kanya. “Hindi nga puwede. Alam mo move-on kana, matagal na kayong tapo–” Hindi ko na siya hinayaan na magsalita at mabilis akong lumabas sa silid nila. Galit na galit ako pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ako puwedeng manakit na lang. Habang naglalakad ako ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko pero mabilis ko rin itong pinunasan. Mabilis akong pumasok sa room ko para kunin ang susi ng kotse ko. Pinapakalma ko ang sarili ko bago ako lumabas. Naglakad ako papunta sa kotse ko. Mabilis ko itong
MIREYA’S POV“Bakit ikaw ang nagmamaneho? Nasaan ang totoong driver?” Tanong ko kay Xandro pero hindi niya ako pinapansin. Kaya para akong sasabog sa galit dahil nakikita ko na naman siya.“Xandro!”“Magsalita ka nga! Hoy!” “Ano ba?! Hindi ka ba talaga magsasalita?!” Sigaw ko sa kanya.“Okay, fine. Kung ayaw mong magsalita ay ihatid mo ako sa bahay namin.” sabi ko sa kanya. Dahil alam ko na wala akong aasahan sa kanya. Kung ayaw niya akong kausapin ay walang problema sa akin. Sa tingin ba niya ay kakausapin ko rin siya. Bwisit siya pagkatapos niya akong sungitan kanina ay ganito ang gagawin niya sa akin. Talagang iniwan pa niya ang girlfriend niya at naging driver ko siya ngayon.Naiinip ako at hindi ako mapakali sa pagiging tahimik niya kaya mabilis akong lumapit sa kanya. At hinila ko ang buhok niya.“Ouch!” hiyaw niya dahil sinabunutan ko na naman siya.“Ano ba talaga ang balak mo sa akin?!” sigaw ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang buhok.“Bitiwan mo ang buhok ko. Hindi ka na
MIREYA’S POV “A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko sa kanya. “I–Ikaw.” “Ikaw ang..” “Xandro!” sigaw ko sa kanya dahil naiinis na ako. “Ikaw ang tunay na ina ni Alec,” sagot pa niya ulit sa akin. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?!” Sigaw ko sa kanya. “Nagsasabi ako ng totoo,” umiiyak na sagot niya sa akin. Nalilito akong tumingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin. Kung bakit ba niya sinasabi sa akin ang mga kalokohan na ito. Ano bang trip niya? Pinagloloko ba niya ako? “Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Bakit?!” Sigaw ko sa kanya. Pero nanatili lang siyang nakayuko at hindi siya nagsasalita. “Gagawin mo ba talaga ang lahat para lang manatili ako sa ‘yo? Sa tingin mo ba talaga maniniwala ako sa ‘yo! Sa tingin mo maniniwala ako sa mga kalokohan mo!” galit na galit na ako sa kanya dahil ginagamit niyang dahilan si Alec. Ginagamit niya ang kahinaan ko laban sa akin. “Alam ko na hindi ka naniniwala sa akin pero kung naalala m
XANDRO’S POVSa wakas ay nasabi ko rin sa kanya ang totoo. Pero natatakot ako sa posible niyang gawin. Alam ko na galit na galit na siya sa akin ngayon. Lumabas ako para hayaan siya. Pero hindi ko hahayaan na makaalis siya dito. Alam ko na mangyayari na ito kaya ihinanda ko na ang sarili ko.Nagmaneho ako papunta sa bahay. Habang nasa byahe ako ay kausap ko ang parents niya.“Hello, anak. Kumusta si Mireya?” tanong sa akin ng mommy niya.“Alam na po niya ang totoo.” parang iiyak na sagot ko sa kanya.“Alam ko na magagalit siya sa amin. At alam ko rin na hindi natin matatago sa kanya ang katotohanan. At habang buhay akong hihingi ng tawad sa anak ko.” ramdam ko ang lungkot sa boses niya.“Sorry po, alam ko na kasalanan ko ang lahat ng ito.” sabi ko sa kanya.“Sige, anak. Ikaw na ang bahala sa kanya. Alagaan mo siya, hihintayin namin siya ni Alec at Miracle. Mabubuo ang pamilya niyo, ‘wag ka lang susuko.” Sabi niya sa akin.“Salamat po,” ibinaba ko na ang tawag at sakto rin na nakarating
MIREYA'S POVNakatulog pala ako habang hinihintay ko siya. Paggising ko ay si Xandro agad ang nakita ko. Alam ko na umiiyak siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na kakagaling lang niya sa pag-iyak. Kaya pinigilan ko rin ang sarili ko. Pinagbantaan niya ako na kapag sa loob ng limang minuto ay wala pa ako ay ilalayo niya sa akin si Alec.Dahil sa sinabi niya ay umiyak na talaga ako. Palagi naman niyang nilalayo sa akin si Alec. Gustuhin ko man maaalala ang lahat pero wala. Hindi ko talaga maalala. Lalabas na sana ako pero biglang nakuha ang atensyon ko ng mga photo album na nasa side table. Wala sa sariling kinuha ko ito. Umupo ako sa kama."ALEC DAVID B. SANTILLAN" basa ko sa nakasulat sa labas ng album.Huminga ako ng malalim bago ko ito dahan-dahang binuksan. Unang tumambad sa akin ang mga larawan ko. Naming tatlo, isa-isa itong nakadikit sa album na para bang isang pamilya kami. Sa next page ay ang Baby Alec ko. Sa bawat paglipat ko sa Album ay parang sinas*ksak ang puso ko. Sobra
PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG. MAY MGA PANGYAYARI O EKSENA NA MAAARING HINDI NANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY. ANG MGA NAKASULAT DITO AY GALING SA MAKULIT NA IMAHINASYON NI AUTHOR HAHAHA! PUWEDE NIYO PO AKO I-BASH HAHAHAHA! THANK YOU PO! MIREYA'S POV "Mom, dad. Tell me the truth." umiiyak na sabi ko sa kanila. "Anak, I'm sorry. Patawarin mo kami kung kailangan naming itago sa 'yo ang lahat." Umiiyak na sagot sa akin ni mommy. "So, totoo nga? Anak ko nga si Alec?" Tanong ko ulit sa kanila. "Oo, anak mo siya. Hindi rin kami makapaniwala na siya ang nawawala mong anak. Inamin sa amin ni Xandro ang lahat. Inamin niya ang mga ginawa niya noon." "Ano po bang nangyari sa akin? Bakit po wala akong maalala?" Umiiyak na tanong ko sa kanila. “Dahil hindi ko na kayang makita na malungkot ka, anak. Hindi ko kaya anak, alam ko na hindi namin maitatago sa ‘yo ang lahat. Pero ayoko na makita kang nahihirapan.” umiiyak na sagot sa akin ni mommy. “Pero bakit nilihim niyo pa rin sa
THIRD PERSON POV“Puwede ka ng lumabas diyan. Nakaalis na siya,” saad ng Ginang kay Divina. Dahil buong araw siyang nagtago kahapon. Dahil nasa mansyon si Xandro at ayaw niyang malaman nito na tinatago siya nito."Bakit kasama niya si Mireya dito? Nagkabalikan na ba sila? Kahit kailan ay salot talaga sa buhay ko ang babae 'yan!" Sigaw ni Divina sa sobrang galit niya."Hindi pa siguro, sa tingin ko ay kinukuha pa ulit ni Gavin ang loob niya. Isa pa 'yan hindi na talaga sumusunod sa akin." "Hinayaan lang niya akong maging kawawa kay Mireya. Sa buong buhay ko ay siya lang ang gumawa sa akin ng ganun. At hindi ko kayang tanggapin na maging masaya sila. Babawiin ko ang lahat. Ang lahat ng akin." Galit na bulalas ni Divina."Hindi tayo papayag na maging masaya sila. Iisa-isahin natin sila. Hindi sila dapat maging masaya habang tayo ay miserable sa buhay natin." Saad naman ng Senyora."Roland, sirain niyo ang clinic ni Mireya dito. Gawin niyo na ngayon din. Walang kahit na sinong buntis ang
XANDRO’S POV“Anong ginagawa mo dito? Ikaw ang traydor?” naguguluhan na tanong ko sa kapatid ko na si Axel.“Traydor? Ako? Paano naman ako naging traydor? Baka ikaw, you betrayed us nang dahil lang sa babaeng ‘yun.” sarcastic na tanong niya sa akin kaya biglang uminit ang ulo ko.Mabilis akong lumapit sa kanya at sinuntok ko siya.“Alam mo ang totoo. Kaya bakit ka ganyan? Tarantado ka!” galit na sigaw ko sa kanya.“Kinukuha ko lang ang para sa akin.” sagot pa niya sa akin.“Kinukuha mo? Bakit? Anong bang ginawa mo? Akin ang kumpanyang ito. Binigay ko na sa ‘yo ang Santillan kahit wala ka namang karapatan!” sigaw ko sa kanya.“Anong sinasabi mo na walang karapatan?!” sigaw niya sa akin.“Hindi ka anak ng daddy ko. Kaya wala kang karapatan sa kahit na ano na meron kami.” sagot ko sa kanya.Hindi ko siya kapatid dahil ampon lang siya. Pero sa aming lahat ay siya ang gusto ni mommy. Mas mahal siya ni mommy. Pero hindi nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit na minsan ay naiinggit ako sa
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay