Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG. MAY MGA PANGYAYARI O EKSENA NA MAAARING HINDI NANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY. ANG MGA NAKASULAT DITO AY GALING SA MAKULIT NA IMAHINASYON NI AUTHOR HAHAHA! PUWEDE NIYO PO AKO I-BASH HAHAHAHA! THANK YOU PO! MIREYA'S POV "Mom, dad. Tell me the truth." umiiyak na sabi ko sa kanila. "Anak, I'm sorry. Patawarin mo kami kung kailangan naming itago sa 'yo ang lahat." Umiiyak na sagot sa akin ni mommy. "So, totoo nga? Anak ko nga si Alec?" Tanong ko ulit sa kanila. "Oo, anak mo siya. Hindi rin kami makapaniwala na siya ang nawawala mong anak. Inamin sa amin ni Xandro ang lahat. Inamin niya ang mga ginawa niya noon." "Ano po bang nangyari sa akin? Bakit po wala akong maalala?" Umiiyak na tanong ko sa kanila. “Dahil hindi ko na kayang makita na malungkot ka, anak. Hindi ko kaya anak, alam ko na hindi namin maitatago sa ‘yo ang lahat. Pero ayoko na makita kang nahihirapan.” umiiyak na sagot sa akin ni mommy. “Pero bakit nilihim niyo pa rin sa
THIRD PERSON POV“Puwede ka ng lumabas diyan. Nakaalis na siya,” saad ng Ginang kay Divina. Dahil buong araw siyang nagtago kahapon. Dahil nasa mansyon si Xandro at ayaw niyang malaman nito na tinatago siya nito."Bakit kasama niya si Mireya dito? Nagkabalikan na ba sila? Kahit kailan ay salot talaga sa buhay ko ang babae 'yan!" Sigaw ni Divina sa sobrang galit niya."Hindi pa siguro, sa tingin ko ay kinukuha pa ulit ni Gavin ang loob niya. Isa pa 'yan hindi na talaga sumusunod sa akin." "Hinayaan lang niya akong maging kawawa kay Mireya. Sa buong buhay ko ay siya lang ang gumawa sa akin ng ganun. At hindi ko kayang tanggapin na maging masaya sila. Babawiin ko ang lahat. Ang lahat ng akin." Galit na bulalas ni Divina."Hindi tayo papayag na maging masaya sila. Iisa-isahin natin sila. Hindi sila dapat maging masaya habang tayo ay miserable sa buhay natin." Saad naman ng Senyora."Roland, sirain niyo ang clinic ni Mireya dito. Gawin niyo na ngayon din. Walang kahit na sinong buntis ang
XANDRO’S POV“Anong ginagawa mo dito? Ikaw ang traydor?” naguguluhan na tanong ko sa kapatid ko na si Axel.“Traydor? Ako? Paano naman ako naging traydor? Baka ikaw, you betrayed us nang dahil lang sa babaeng ‘yun.” sarcastic na tanong niya sa akin kaya biglang uminit ang ulo ko.Mabilis akong lumapit sa kanya at sinuntok ko siya.“Alam mo ang totoo. Kaya bakit ka ganyan? Tarantado ka!” galit na sigaw ko sa kanya.“Kinukuha ko lang ang para sa akin.” sagot pa niya sa akin.“Kinukuha mo? Bakit? Anong bang ginawa mo? Akin ang kumpanyang ito. Binigay ko na sa ‘yo ang Santillan kahit wala ka namang karapatan!” sigaw ko sa kanya.“Anong sinasabi mo na walang karapatan?!” sigaw niya sa akin.“Hindi ka anak ng daddy ko. Kaya wala kang karapatan sa kahit na ano na meron kami.” sagot ko sa kanya.Hindi ko siya kapatid dahil ampon lang siya. Pero sa aming lahat ay siya ang gusto ni mommy. Mas mahal siya ni mommy. Pero hindi nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit na minsan ay naiinggit ako sa
MIREYA’S POV Maayos kaming nakalipat sa bahay ni Xandro. Unang gabi pa lang namin ay tuwang-tuwa si Miracle. “Mommy, gusto ko po dito. Ang ganda po ng house ni daddy.” sabi niya sa akin. “Talaga ba?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Opo, mas maganda po sa house nila lola.” huma-hagikgik na sagot niya sa akin. “Gustong-gusto mo talaga si Xandro na maging daddy mo?” “Opo, gustong-gusto ko po.” “Bakit mo gusto?” tanong ko sa kanya. “Handsome po siya at kind po. Comfortable po ako kapag kasama ko siya.” Sagot niya sa akin. Dahil sa naging sagot sa akin ng anak ko ay nagdesisyon na ako. Hahayaan ko na lang siya na tawagin si Xandro na daddy. Walang problema sa akin as long as payag si Xandro. Mas pipiliin ko na lang na maging masaya ang anak ko dahil alam ko sa sarili ko na wala pa rin naman akong takas kay Xandro lalo na may Alec kami. Sinusubukan kong maging maayos ang meron kami ngayon ni Xandro. Kahit na gaano ako ka-busy sa trabaho ay pinipilit ko na ipagluto sila ng dinner
WARNING: MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!! (R18+) MIREYA'S POV Sa tingin ko ay wala talaga akong takas kay Xandro. Lalo na ngayon na hinihila na niya ako papasok sa silid namin. Talagang pinabilis niya ang takbo ng kabayo para lang makarating na kami kaagad sa kubo. "Hoy, tumigil ka nga. Kailangan pa natin bumalik sa Maynila." Sabi ko sa kanya. “Isa lang, love.” pabulong na sabi niya sa akin. “Tumigil ka nga. Nakakahiya sa mga bata. Masyado mong sineseryoso ang mga sinasabi ko sa 'yo.” Sabi ko sa kanya. “Ang sakit naman ng ginawa mo sa akin. Pinapaasa mo ako,” parang bata na sabi niya sa akin. “Bahala ka nga diyan.” Sabi ko sa kanya dahil hinihintay na kami ni Zio. Habang nasa biyahe kami ay hindi niya ako kinakausap. Ayaw rin niyang tumingin sa akin. Kaya hindi ko na rin siya pinapansin. Alam ko naman na masakit ang puson niya. Pero kasi ayoko naman na gawin namin ‘yun habang gising pa ang mga bata at ayaw ko na maghintay n
XANDRO’S POVPakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Masaya ako dahil naging maayos na kami ni Mireya. Kinakausap na niya ako ng mahinahon. Pero may pangamba pa rin akong nararamdaman. Natatakot ako na baka ginagawa lang niya ito dahil naawa siya sa akin. Na kaya niya ako pinapasaya dahil sa awa lang. Sa lahat ng hindi magandang nangyari sa akin ay si Mireya lang ang nais ko. Na kahit na gaano kahirap sa akin basta kasama ko siya ay kaya kong maka-survive. Gustuhin ko man na makilala ang tunay kong ina pero alam ko na malabo na itong mangyari. Lalo na ang sabi ng kinilala kong ina ay patay na ito.Pananagutin ko siya sa lahat ng ginawa niya sa pamilya ko. Lalo na ginawa niya sa akin. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya ginawa ko na muna ang trabaho ko para pagbalik ko sa Maynila ay maayos ko na ang gusot sa kumpanya ko. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Axel. At wala rin naman akong pakialam kung saan pa siya dahil kapag nakita ko siya ulit ay hindi ako magdadalawang isip na ipa
MIREYA'S POVNaramdaman ko nang umalis si Xandro pero dahil antok na antok pa ako ay natulog ako ulit. Ginising ako ng mga anak ko dahil kailangan na daw naming kumain ng lunch.“Mom, ‘wag ka na lang po kayang bumangon. Mukha pong masama ang pakiramdam mo.” sabi sa akin ng panganay ko.“Opo, sorry anak.” sabi ko sa kanya.Sobrang sakit kasi talaga ng buo kong katawan. Para kasing hindi napapagod si Xandro. Tapos ngayon ay nasa trabaho pa siya. Alam ko na kaunti lang ang tulog niya. Pinilit kong bumangon at nagbabad ako ng ilang minuto sa bathtub. Naging okay ang pakiramdam ko sa maligamgam na tubig. Nang tumingin ako sa salamin ay nagulat ako. Hindi ko inaasahan na ang daming mapa sa leeg at dibdib ko. Siraulo talaga siya talagang pinapak ang leeg ko. May bampira na naman na nahumaling sa akin.Bukas pa naman ang opening ng clinic. Mukhang mahihirapan ako na takpan ito. Sandamakmak na naman na concealer ang ilalagay ko dito. Kukutusan ko talaga ‘yun mamaya. Alam ko na pauwi na siya nga
MIREYA’S POV Nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi niya pa kinuha sa amin si mama. Aware ako sa sakit ni Mama pero ang hindi ko alam ay mas lumalala na pala ang kondisyon niya. Ipinadadasal ko na sana ay tumagal pa siya. Ngayon pa lang siya makakasama ni Xandro. Marami pa silang kailangan malaman sa isa’t-isa. Hindi ko iniwan si Xandro, gusto ko siyang samahan. Ayoko na maramdaman niya na mag-isa siya. Dahil nandito ako, handa akong maging balikat niya at hindi ko na hahayaan na mag-isa siyang muli. “Kumain na muna tayo, love.” sabi ko sa kanya. Nasa loob ng ICU si Mama ngayon. At nandito pa rin kami sa labas. “Busog pa ako, love.” malungkot na sagot niya sa akin. “Sige, sabihan mo na lang ako kapag nagugutom ka na.” malumanay na sabi ko sa kanya. “Thank you, love.” sabi niya sa akin at hinalikan ang buhok ko. “I love you, kaya natin ito.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “I love you so much,” sabi niya sa akin kaya hinalikan ko siya sa labi. “Malakas si mama. Makakasama