Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
XANDRO’S POV“Anong ginagawa mo dito? Ikaw ang traydor?” naguguluhan na tanong ko sa kapatid ko na si Axel.“Traydor? Ako? Paano naman ako naging traydor? Baka ikaw, you betrayed us nang dahil lang sa babaeng ‘yun.” sarcastic na tanong niya sa akin kaya biglang uminit ang ulo ko.Mabilis akong lumapit sa kanya at sinuntok ko siya.“Alam mo ang totoo. Kaya bakit ka ganyan? Tarantado ka!” galit na sigaw ko sa kanya.“Kinukuha ko lang ang para sa akin.” sagot pa niya sa akin.“Kinukuha mo? Bakit? Anong bang ginawa mo? Akin ang kumpanyang ito. Binigay ko na sa ‘yo ang Santillan kahit wala ka namang karapatan!” sigaw ko sa kanya.“Anong sinasabi mo na walang karapatan?!” sigaw niya sa akin.“Hindi ka anak ng daddy ko. Kaya wala kang karapatan sa kahit na ano na meron kami.” sagot ko sa kanya.Hindi ko siya kapatid dahil ampon lang siya. Pero sa aming lahat ay siya ang gusto ni mommy. Mas mahal siya ni mommy. Pero hindi nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit na minsan ay naiinggit ako sa
MIREYA’S POV Maayos kaming nakalipat sa bahay ni Xandro. Unang gabi pa lang namin ay tuwang-tuwa si Miracle. “Mommy, gusto ko po dito. Ang ganda po ng house ni daddy.” sabi niya sa akin. “Talaga ba?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Opo, mas maganda po sa house nila lola.” huma-hagikgik na sagot niya sa akin. “Gustong-gusto mo talaga si Xandro na maging daddy mo?” “Opo, gustong-gusto ko po.” “Bakit mo gusto?” tanong ko sa kanya. “Handsome po siya at kind po. Comfortable po ako kapag kasama ko siya.” Sagot niya sa akin. Dahil sa naging sagot sa akin ng anak ko ay nagdesisyon na ako. Hahayaan ko na lang siya na tawagin si Xandro na daddy. Walang problema sa akin as long as payag si Xandro. Mas pipiliin ko na lang na maging masaya ang anak ko dahil alam ko sa sarili ko na wala pa rin naman akong takas kay Xandro lalo na may Alec kami. Sinusubukan kong maging maayos ang meron kami ngayon ni Xandro. Kahit na gaano ako ka-busy sa trabaho ay pinipilit ko na ipagluto sila ng dinner
WARNING: MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!! (R18+) MIREYA'S POV Sa tingin ko ay wala talaga akong takas kay Xandro. Lalo na ngayon na hinihila na niya ako papasok sa silid namin. Talagang pinabilis niya ang takbo ng kabayo para lang makarating na kami kaagad sa kubo. "Hoy, tumigil ka nga. Kailangan pa natin bumalik sa Maynila." Sabi ko sa kanya. “Isa lang, love.” pabulong na sabi niya sa akin. “Tumigil ka nga. Nakakahiya sa mga bata. Masyado mong sineseryoso ang mga sinasabi ko sa 'yo.” Sabi ko sa kanya. “Ang sakit naman ng ginawa mo sa akin. Pinapaasa mo ako,” parang bata na sabi niya sa akin. “Bahala ka nga diyan.” Sabi ko sa kanya dahil hinihintay na kami ni Zio. Habang nasa biyahe kami ay hindi niya ako kinakausap. Ayaw rin niyang tumingin sa akin. Kaya hindi ko na rin siya pinapansin. Alam ko naman na masakit ang puson niya. Pero kasi ayoko naman na gawin namin ‘yun habang gising pa ang mga bata at ayaw ko na maghintay n
XANDRO’S POVPakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Masaya ako dahil naging maayos na kami ni Mireya. Kinakausap na niya ako ng mahinahon. Pero may pangamba pa rin akong nararamdaman. Natatakot ako na baka ginagawa lang niya ito dahil naawa siya sa akin. Na kaya niya ako pinapasaya dahil sa awa lang. Sa lahat ng hindi magandang nangyari sa akin ay si Mireya lang ang nais ko. Na kahit na gaano kahirap sa akin basta kasama ko siya ay kaya kong maka-survive. Gustuhin ko man na makilala ang tunay kong ina pero alam ko na malabo na itong mangyari. Lalo na ang sabi ng kinilala kong ina ay patay na ito.Pananagutin ko siya sa lahat ng ginawa niya sa pamilya ko. Lalo na ginawa niya sa akin. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya ginawa ko na muna ang trabaho ko para pagbalik ko sa Maynila ay maayos ko na ang gusot sa kumpanya ko. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Axel. At wala rin naman akong pakialam kung saan pa siya dahil kapag nakita ko siya ulit ay hindi ako magdadalawang isip na ipa
MIREYA'S POVNaramdaman ko nang umalis si Xandro pero dahil antok na antok pa ako ay natulog ako ulit. Ginising ako ng mga anak ko dahil kailangan na daw naming kumain ng lunch.“Mom, ‘wag ka na lang po kayang bumangon. Mukha pong masama ang pakiramdam mo.” sabi sa akin ng panganay ko.“Opo, sorry anak.” sabi ko sa kanya.Sobrang sakit kasi talaga ng buo kong katawan. Para kasing hindi napapagod si Xandro. Tapos ngayon ay nasa trabaho pa siya. Alam ko na kaunti lang ang tulog niya. Pinilit kong bumangon at nagbabad ako ng ilang minuto sa bathtub. Naging okay ang pakiramdam ko sa maligamgam na tubig. Nang tumingin ako sa salamin ay nagulat ako. Hindi ko inaasahan na ang daming mapa sa leeg at dibdib ko. Siraulo talaga siya talagang pinapak ang leeg ko. May bampira na naman na nahumaling sa akin.Bukas pa naman ang opening ng clinic. Mukhang mahihirapan ako na takpan ito. Sandamakmak na naman na concealer ang ilalagay ko dito. Kukutusan ko talaga ‘yun mamaya. Alam ko na pauwi na siya nga
MIREYA’S POV Nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi niya pa kinuha sa amin si mama. Aware ako sa sakit ni Mama pero ang hindi ko alam ay mas lumalala na pala ang kondisyon niya. Ipinadadasal ko na sana ay tumagal pa siya. Ngayon pa lang siya makakasama ni Xandro. Marami pa silang kailangan malaman sa isa’t-isa. Hindi ko iniwan si Xandro, gusto ko siyang samahan. Ayoko na maramdaman niya na mag-isa siya. Dahil nandito ako, handa akong maging balikat niya at hindi ko na hahayaan na mag-isa siyang muli. “Kumain na muna tayo, love.” sabi ko sa kanya. Nasa loob ng ICU si Mama ngayon. At nandito pa rin kami sa labas. “Busog pa ako, love.” malungkot na sagot niya sa akin. “Sige, sabihan mo na lang ako kapag nagugutom ka na.” malumanay na sabi ko sa kanya. “Thank you, love.” sabi niya sa akin at hinalikan ang buhok ko. “I love you, kaya natin ito.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “I love you so much,” sabi niya sa akin kaya hinalikan ko siya sa labi. “Malakas si mama. Makakasama
MIREYA’S POVHindi ko maigalaw ang katawan ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga walang malay kong mga anak. Nakatali kaming tatlo at hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. May busal rin ang bibig ko kaya hindi ko magawang sumigaw para humingi ng tulong.Ang huling naalala ko ay naglalakad ako papunta sa kumpanya ni Xandro para maglunch na kaming dalawa. Gumalaw ako at pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko ngunit masyado itong mahigpit. At hindi ko kayang alisin.Hanggang sa nakita ko si Axel at Dahlia. Naisip ko na mas mabuting tulog ang mga anak ko para hindi nila makita at marinig ang mga nangyayari ngayon. Si Divina at ang masamang matanda ang nagpadukot sa amin. Narinig ko na sumigaw si Dahlia.Nagulat ako sa putok ng baril. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang sikreto na matutuklasan ko. Si Tita Cathy ay pinatay niya at hindi talaga ito nagpakamatay. Sobrang sakit ng puso ko ngayon. Ibig sabihin ay hindi pa talaga nais ni tita na wakasan ang buhay niya.
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay