Thank you po sa inyong lahat.... Ingat po kayo palagi <3 <3
THIRD PERSON POV "Mabuti na lang at inuwi na si Mireya ng pamilya niya, mommy." Masayang saad ni Divina sa kanyang biyenan. Masaya siya dahil sa wakas ay wala ng sagabal sa kanila ni Gavin. Sa totoo lang ay kating-kati na siyang mapaalis ito sa Hacienda. Lalo na mahal na ito ng mga tao sa Hacienda. "Huwag ka munang magsaya, iha. Iba ang pakiramdam ko sa pagiging kalmado ni Carlos. Makapangyarihan ang mga Ballarta at hindi sila basta-bastang kalaban. Baka magulat na lang tayo pinakulong na niya ako o si Gavin. Wala siyang sinasanto dahil kahit sarili niyang kapatid ay kinalaban niya para kay Liya.” Saad ng ginang kay Divina. “I think wala na silang gagawin lalo na ngayon na naiuwi na nila ang anak niya. Isa lang naman ang agresibo sa kanila at ‘yun ang bunsong kapatid ni Mireya.” saad naman niya. “So, tuloy na tuloy na talaga ang kasal niyo?” Nakangiti na tanong nito sa kanya. “Yeah, mommy. Ang problema ko na lang ngayon ay si Gavin. Iniisip ko kung paano ko ba siya kakausapin da
XANDRO’S POV (PRESENT TIME) (SA SPECIAL CHAPTERS PO ANG MGA UNTOLD STORY NI XANDRO, THANK YOU PO!) “Kuya, magpapakasal ka ba dalaga sa Divina na ‘yun?” Tanong sa akin ni Dahlia. “I need to do this,” sagot ko sa kanya. “Sa gagawin mo mas lalo mo lang binibigyan ng dahilan si ate na magalit sa ‘yo.” aniya pa sa akin. Alam ko na naiinis sa akin si Dahlia pero kailangan kong gawin ito. Hindi ko naman talaga papakasalan si Divina. Gusto ko lang siyang mapahiya at ako mismo ang maghahatid sa kanya sa mga pulis. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang p*tayin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may anak ako at babawiin ko pa ang asawa ko. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil naglihim ako, na nagsinungaling ako sa kanya. Pero ginawa ko ‘yun dahil gusto ko na magsimula kami ulit. Balak ko siyang alokin ulit ng kasal. Dahil mahal na mahal ko siya. Alam ko na marami akong naging kasalanan sa kanya pero ang hindi kailan man magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Ginawa ko ang
THIRD PERSON POV“Daddy, ilabas niyo ako dito.” Umiiyak na sabi ni Divina sa kanyang ama.“Ilalabas kita dito, anak.”“I want it now! Ngayon niyo na ako ilabas dito! Hindi ako matutulog sa lugar na puno ng mga kriminal.” Sumisigaw na sabi nito.“Anak, gagawin ko ang lahat para makalaya ka sa kulungan na ito. Kasalanan ito lahat ni Gavin.” Galit na saad nang ama niya.“No, Daddy. Walang kinalaman dito si Gavin. Si Mireya, siya ang nagpakulong sa akin. Sigurado ako na siniraan niya ako kay Gavin kaya hindi natuloy ang kasal namin. Kailangan kong makausap si Gavin. Magpapaliwanag ako sa kanya.” Umiiyak na sabi ni Divina.“Sisiguraduhin ko na magbabayad sila sa ginawa nilang ito. Kapag nakalabas ka dito ay layuan mo na ang Santillan na ‘yun. Hindi ko na siya gusto para sa ‘yo.” Sabi pa nang ama niya.“Hindi ko siya lalayuan, hindi ko siya ibibigay kay Mireya. Gagawin ko ang lahat maging akin lang si Gavin, daddy.” “Pero, anak—”“Hayaan niyo ako, daddy. Magpap*kamatay ako kapag inilayo niy
THIRD PERSON POVLumabas ang warden at silang dalawa na lang ang naiwan sa silid."Tigilan mo ako dahil matagal na tayong tapos." Galit na saad ni Divina sa lalaking nasa harapan niya.Hindi siya makapaniwala na makikita niya ito ulit. Ang lalaking kinasusuklaman niya ng sobra."Hindi pa tayo tapos, my wife." Nakangisi na sabi nito sa kanya."We're done. At alam mo na lasing ako noon." Galit na saad niya sa lalaki."Hindi pa nga annul ang kasal natin. Magpapakasal ka na ulit sa kanya." Saad pa nito habang nakangisi."Kasal lang tayo sa papel at hindi naman kita mahal. Lasing ako at wala ako sa tamang pag-iisip." Sabi nito."Wala nga ba? Pero bakit pangalan ko ang binibigkas mo noong nagses*x tayong dalawa?" Nakangisi pa na sabi nito."Kung wala ka ng ibang sasabihin ay makakaalis kana." Malamig na saad ni Divina.1"Dadalawin ulit kita, my wife." Nakangisi na sabi nito."Huwag ka ng bumalik dito. Dahil kapag nakalabas ako dito ay agad akong magpa-file ng annulment natin." Galit na saad
MIREYA’S POV“Kumusta?” masayang bungad sa akin ni Tita Prexie. Pagpasok ko pa lang sa loob ng tinutuluyan namin.“I made it! Natanggap ako!” tumitili na sagot ko sa kanya. Masaya lang ako dahil natanggap ako sa trabaho na in-applyan ko.“Really?! I’m so happy for you pamangkin.” natutuwa na sabi niya sa akin. At kinurot-kurot pa ang pisngi ko.“Akala ko nga hindi ako matatanggap. Pero thank God dahil pilipino rin ang secretary niya na nag-interview sa akin. Ang I told him na doctor sa Pilipinas.” Masaya na sagot ko sa kanya.“Him?” Nakangiti na tanong niya sa akin.“Oo, him. Masungit siya pero keri naman.” Natatawa na sabi ko kay Tita Prexie.“Pero bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang pagiging doktor mo dito? Diba pangarap mo ‘yun? Bata pa lang tayo ay ‘yun na ang gusto mo.” Tanong niya sa akin.“Hindi ko kaya, Tita. Natatakot na akong maging doktor. Takot na akong mangibabaw ang inggit sa puso ko. Masakit mawalan ng anak at ayaw ko na maranasan ‘yun ng iba sa mga kamay ko. Hindi ko
MIREYA’S POVSa ilang buwan ko na pananatili dito sa Canada ay nasanay na talaga ako sa pamumuhay dito. Masasabi ko na may peace of mind na talaga ako. Masaya na ako ulit. Hindi man katulad nang dati kong saya pero masasabi ko na masaya. At lalong masaya ako dahil magkasundo na kami ni Madam Aleha. Mataray lang siya pero mabait naman. Parang kailan lang at mag-isang taon na ako dito. Sobrang bilis ng mga araw at hindi ko man lang namalayan. “Iha, sigurado ka ba sa gusto mong gawin?” Tanong niya sa akin.“Opo, dadalawin ko pa rin naman kayo. Malapit lang naman ang apartment namin dito.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“Bakit hindi na lang kayo lumipat dito sa bahay? Malaki naman ito at maraming silid na puwede niyo tuluyan.” Sabi niya sa akin.“Mama, ayoko po na maging pabigat sa inyo.” mabilis na sagot ko sa kanya dahil 'yon ang pakiramdam ko.“Pero kailan man hindi ka magiging pabigat sa akin.” Sagot pa niya.Alam ko na napalapit na talaga kami sa isa’t-isa. Mama rin ang tawag ko sa k
AFTER 6 YEARSTHIRD PERSON POVIto na ang araw ng paglaya ni Divina. Masaya ito dahil sa wakas ay makakalaya na siya sa impreynong kulungan na iyon. Marami siyang naging hirap sa loob ng anim na taon.“Sa wakas laya kana, madam.” Nakangisi na sabi ng mga kasamahan niya na naging mga tauhan niya. Sa loob ng anim na taon ay marami na ang nagbago. Ginamit niya ang pera niya para maging kumportable siya sa loob ng kulungan. Hindi man dumadalaw ang parents niya pero hindi ito nakakalimot na ibigay ang mga pangangailangan niya."Sige, mauna na ako sa inyo. Magpakabait kayo dito. Don't worry dahil magpapadala ako ng mga kailangan niyo dito." Saad niya sa mga naging tagasunod niya.Ang buong akala ni Divina ay sasalubungin siya ng mga magulang niya. Pero ibang tao ang unang sumalubong sa kanya sa paglabas niya."How's your vacation?" Nakangisi na tanong ni Mireya sa kanya."Ikaw, ikaw ba ang nagpakulong sa akin? How dare you?" Galit na tanong niya kay Mireya."At bakit naman hindi. Kung ako l
XANDRO'S POV Sa loob ng anim na taon ay sobrang dami na ng nagbago. Malaki na si Alec at nagbibinata na ito. Sa loob rin ng anim na taon ay naging malungkot ang bahay namin. Pero kahit mahirap ay pinipilit kong maging matatag para sa anak ko. Sobrang hirap na tuwing gigising ako ay mag-isa pa rin ako sa kama namin. Ang pangarap ko noon na kasama siya ay naging bula na lang. At tanging sa panaginip ko na lang siya nakakasama. "Son, sasama ka ba sa akin sa hacienda?" Tanong ko kay Alec. "No, dad. May lakad kami ng mga friends ko." Sagot niya sa akin. "Okay, basta 'wag mong kakalimutan ang sinabi ko sa 'yo. Be responsible." Saad ko sa kanya. "I know, dad." Sagot niya sa akin at mabilis na umakyat sa room niya. Naiwan naman akong mag-isa dito sa hapagkainan namin. Inubos ko na lang ang kape ko at umakyat ako pabalik sa room namin ni Mireya. Pero bago ako pumasok ay napatingin muna ako sa room ni Alec. Napabuntong hininga na lang ako dahil sobrang laki ng pinagbago niya. Hinahayaan
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay