Thank you so much po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
MIREYA'S POVNakahiga lang ako at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kanina pa ako nakaupo dito sa kama. Paulit-ulit kong pinag-iisipan ang alok sa akin ni Xandro. Nilalaro ko ang mga daliri ko. Pero nang marinig ko ang pagtunog ng lock ng pinto ay mabilis akong humiga para magpanggap na tulog.Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko ay alam ko kung sino ang dumating. Nalalanghap ko ang pabango niya na kilalang-kilala ko. Napa-tanong ako sa sarili ko. Bakit siya nandito ng ganitong oras? At bakit siya humiga sa tabi ko?Nagtataka man ay hinayaan ko siya. Kailangan kong pangatawanan ang pagpapanggap ko. Pero napsinghap ako bigla dahil niyakap niya ako. Hindi ako kumilos kahit na ang totoo ay para akong mauubusan ng hangin. Nang masigurado ko na tulog na siya ay humarap ako sa kanya.Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Kahit sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal at galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin pala talaga kaya. Dahil mahal ko pa
MIREYA’S POV Nakatingin lang ako kay Alec na patuloy na umiiyak. Hanggang sa lumapit na ako sa kanya at binuhat ko siya. Hindi ko rin kasi kaya na makita ang isang inosenteng bata na umiiyak. Inosente nga ba? Biglang tanong ko sa sarili. “Hush… Baby, don’t cry na.” Pagpapatahan ko sa kanya.“Okay lang po ba kayo?” Tanong niya sa akin.“Okay lang naman po ako. Kaya stop crying na, sige ka kapag umiyak ka pa ay papangit ka.” Saad ko sa kanya.“Are you sure po ba na okay ka lang. Masakit po ba dito?” Tanong niya sa akin sabay hawak sa pisngi ko.“Okay na okay po ako.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi. Kaya tumingin ako sa kanya. He is a younger version of Xandro. Halos lahat ng features ng mukha niya ay namana niya kay Xandro. Kay sigurado ako na kapag lumaki siya ay magiging kamukha rin niya ang daddy niya.“Bakit umiiyak ang anak ko?” Galit na tanong ni Xandro sa Nanny ng anak niya.“Nakita po kasi niya na sinaktan ni Senyora ang asawa
MIREYA POV“Ang ganda po dito, mommy diba?” Biglang tanong sa akin ni Alec habang nakatanaw kami sa mga bulaklak. “Oo, baby.” Sagot ko na lang sa kanya.“Mommy, kung maganda dito. Hindi mo ba ako iiwan?” Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Baby, what are you talking about?”“Gusto ko po na dito kana sa amin ni daddy. Hindi man po kayang ipakita sa ‘yo ni daddy pero mahal ka po niya.”“Mahal?” Tanong ko sa sarili ko.“Mahal niyo rin po ba siya?” Dagdag pa niyang tanong sa akin.“Baby, how old are you na?” Tanong ko sa kanya.“Six years old po,” nakangiti na sagot niya sa akin.Parang hindi six years old ang kausap ko. Dahil ang matured niyang mag-isip. Kung hindi ako pinahirapan at niloko ng daddy mo ay kaya kitang sagutin na mahal ko rin siya. Pero kailangan kong p*tayin ang damdamin na meron ako para sa kanya. Dahil alam ko na hindi na maghihilom ang sugat dito sa puso ko. Gustong-gusto kong isagot kay Alec pero alam ko na hindi niya pa ako maiintindihan. “Mommy, sana po ‘wag niy
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK!! MIREYA'S POV "Natatakot ka ba na akitin ko ang kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. "W–What? What did you say?" Tanong niya sa akin. "Takot ka ba na magustuhan ko siya? Sa tingin ko kasi mabait naman siy—" "Shut up! Hindi ka puwedeng magka-gusto sa kanya dahil akin ka lang." Ramdam ko sa boses niya ang galit. "Paano kung magkagusto ako?" Tanong ko pa ulit sa kanya dahil gusto ko talaga siya inisin. "Fvck! Ginagalit mo ba ako?" Tanong niya sa akin at mas pinabilis niya ang takbo ng kabayo niya. "Nagtatanong lang naman ako. Honestly, mas gwapo siya at mas malapit ang edad namin. Higit sa lahat wala siyang anak." Dagdag ko pa na sabi sa kanya. Nagulat na lang ako dahil bigla niyang pinatigil sa pagtakbo ang kabayo. "Hindi mo ba ako kayang mahalin dahil may anak ako?" Biglang tanong niya sa akin. "Hindi kita kayang mahalin dahil sinasaktan mo ako. Dahil masama kang tao." Wala sa sariling sagot ko sa kanya. "Tingin mo ba ay mabuti si A
MIREYA’S POV“Gavin, ihiwalay mo na lang ng bahay ang babaeng ito. Hindi ko siya kayang makasama sa pamamahay ko.” Sabi ng mommy ni Xandro.“Okay lang naman po sa akin kung ililipat niyo ako.” Biglang sabi ko.“Ahm, Axel, may sarili ka bang bahay? Puwede ba na doon na lang ako tumi—”“Mer–”“No! You, stay here,” matigas na saad ni Xandro sa akin.“Pero ayaw sa akin ng mommy mo.” Kunwari ay malungkot na sabi ko.“You’ll stay here,” seryoso na sabi ulit sa akin ni Xandro.“Pero–”“No more buts, Mireya.” May pagbabanta na sabi niya sa akin.“Okay,” yumuko ako pero lihim akong napangiti. Dahil alam ko na lalong magagalit sa akin ang matanda.“Mommy, don’t be sad. Nandito naman po ako at gusto po kita kasama.” Saad sa akin ni Alec.“Gavin, pagsabihan mo ang anak mo," saad ng ginang sa anak niya.Tahimik lang si Xandro at hindi siya sumagot. Tumayo naman ako dahil nawalan na ako ng gana kumain. Akmang aalis na ako pero biglang hinawakan ni Alec ang kamay ko."Mommy, saan ka po pupunta?" Tan
MIREYA'S POVNang bumaba ako ay biglang lumiwanag ang buong paligid. Para akong nasa isang panaginip na para rin akong nasa isang fairytale.Nakita ko si Xandro na nakatayo habang may hawak na bulaklak. Nakatingin lang siya sa akin."Happy Birthday, love." Basa ko sa nakasulat sa likuran niya. Biglang bumilis ang t*bok ng puso ko. Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung bakit ba niya ito ginagawa? Kung nasa ibang sitwasyon kami ay tatakbo ako at yayakapin ko siya ng mahigpit pero tuwing naalala ko ang ginawa niya sa akin ay hindi ko kayang maging masaya. Hindi kayang maging masaya ng puso ko.Nagsimula na siyang maglakad palapit sa akin. Seryoso lang siya habang nakatingin sa akin. And I do the same, I look at him. Seryoso lang rin ang ekspresyon ng mukha ko."Happy birthday," mahina na sabi niya sa akin sabay abot ng hawak niyang bulaklak."Why are you doing this? Stop acting this way kasi hindi bagay sa 'yo." Sabi ko sa kanya at hindi ko tinanggap ang bulaklak.“Love,” kahit mahina
MIREYA’S POV“S–Senyorito,” nauutal na sabi nila.Hindi ko inaasahan na babalikan ako ni Xandro. May hawak siyang baril at nakatutok ito sa tatlong lalaki. Nakita ko ang takot sa mga mata nila lalo na kakaiba ang awra ni Xandro. Ibang-iba siya ngayon at talagang hindi mo mababasa ang nasa isipan niya. Dahil anytime ay maaari niyang kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak niya.“Anong ginawa niyo sa asawa ko?!” Galit na tanong ni Xandro.“A–Asawa?” Nauutal na sabi ng isa sa kanila at tumingin ito sa akin.“Senyorita, patawarin mo po kami. Hindi po namin alam na ikaw ang asawa ni Senyorito Gavin.” Lumuhod pa sila sa harapan ko nang ma-realize nila na asawa ako ni Xandro. “Don’t you dare touch my wife!” Nagulat ako dahil bigla na lang nagpaputok ulit si Xandro ng baril. Hahawakan kasi sana ng isa sa kanila ang kamay ko. Parang tumalon rin ang puso ko sa gulat. “Umuwi na kayo at huwag niyo na itong uulitin pa. Uminom kayo na kaya niyo lang,” mahinahon na utos ko sa kanila.“Opo, Senyorit
MIREYA'S POV"Baby, kain na tayo." Masayang yaya ko kay Alec dahil tapos na akong magluto ng breakfast."Thank you po, mommy." Nakangiti na sagot niya sa akin."Eat ka ng marami," sabi ko sa kanya."Opo, mommy." Kumain kaming tatlo nila Dahlia. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng mga plato. "Ate, okay lang ba na dito muna si Alec?" Tanong sa akin ni Dahlia."Oo naman. Ahmm.. Dahlia," tawag ko sa kanya."Yes, ate?""Puwede ba kaming mag-ikot ni Alec sa hacienda?" Tanong ko sa kanya."Oo naman, ate. Safe naman po dito kaya mag-enjoy kayo ni Alec." Sagot niya sa akin.Nang makaalis na si Dahlia ay kami na lang ni Alec ang naiwan dito sa bahay. Hinayaan ko lang siya sa living room at tinapos ko muna ang ginagawa ko. "Baby, okay ka lang ba dito? Shower lang ako," tanong ko sa kanya."Opo, mommy. Okay na okay lang po ako." Nakangiti na sagot niya sa akin.Napangiti naman ako bago ako pumasok sa banyo. Napapatanong tuloy ako kung sino ba ang nakatira dito? Kasi kumpleto ang mga gam
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay