Author's Note Sa lahat po ng aking mga readers. Please 🙏 leave a comment po every episode para po makahelp sa akin. Asahan nyo po na mas sisikapin ko pa pong pagandahin ang story nila Miguel and Serenity.
Kaiser’s POV Nang makita ko si Serenity na papalapit sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko. Halos isang dekada ko siyang hinintay at ngayon narito na siya sa harap ko. Kahit na hindi na siya ang dating Serenity na nakilala ko— yung dating nagmamahal sa akin ng sobra— alam kong sa huli, ako pa rin ang pipiliin niya. Inilahad ko ang pulang rosas na hawak ko, at nginitian ko siya ng matamis. “Serenity, for you.” Alam kong nagulat siya ng makita ako. Napakaganda niya pa rin, mas lalo pang gumanda. Hindi ako sigurado kung may boyfriend na siya, pero wala akong pakialam alam kong wala siyang ibang mamahalin kundi ako. Ako lang ang nakakaalam ng tunay na halaga niya. “Maupo ka, teka oorder lang ako,” sabi ko. Pero bago pa man siya maka-upo, sinabi niya na hindi siya para kumain. “Kaiser, I’m not here para kumain, actually gusto ko lang makapag-usap tayo para magkaroon tayo ng proper closure at para marinig ko na din yung dahilan mo kung bakit ka umalis,” she said. Alam ko na ang sasabih
Kaiser’s POV Napakunot ang noo ko. Napatingin ako kung sino yun. Si Uncle Miguel pala. Bakit ba siya nandito? “Ako ng bahala sa kaniya,” sabi niya at kinuha si Serenity kay Dylan. Tapos, dire-diretso siyang lumabas ng restaurant at sumakay sa sasakyan niya. Nakatulala lang ako. Hindi ko makapaniwala na kukunin niya si Serenity sa akin. Bakit ba siya nakikialam? Si Serenity ang para sa akin. Siya ang mahal ko. Bigla akong na-realize na kailangan ko siyang sundan. Pero bago pa man ako makalakad, hinawakan ni Kuya Dylan ang balikat ko. “Can we talk?” Malumanay niyang tanong. Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi ako makakatakas sa usapan na ito. Alam kong kailangan kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ni Dylan. Naupo kami sa table ni Kuya at umorder na din siya ng kape. “Kuya, hindi ko maintindihan bakit sinama ni uncle si Serenity? At bakit sumama si Serenity kay uncle?” pagtataka ko. “Miguel is Serenity’s boyfriend,” sabi ni Kuya Dylan. Natigilan ako sa sinabi niya. P
Miguel’s POV “Babe, gusto ko ding maging honest ka sa akin. Sinabi ni Kaiser ang tungkol sa deal nyo ng dad mo,” sabi ni Serenity na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahan na tatanungin nya yun. Nakaramdam ako ng takot, takot na baka pag nalaman nya ang totoo magalit sya sa akin at iwan nya ako at piliin nya si Kaiser. “Baby, I'm sorry.” Sabi ko at hinawakan kong mabuti ang kamay nya at hinalikan ito habang nakahiga sya sa kama ng ospital. “ Tell me babe, ano bang nangyari?” mahinahon nyang sabi. “ Nung nalaman ko na kayo na ni Kaiser, I decided na mag- hire ng magbibigay ng information tungkol sayo. Kilala ko si Kaiser, playboy sya at self-centered na tao kaya alam kong masasaktan ka lang sa kanya kaya naman gusto kong protektahan ka. Lumipas ang mga taon at wala naman akong nalaman na nambabae sya or niloloko ka nya pero nalaman ko na iba ang pakikitungo nya sayo na napakaselfish nya at nalaman ko kung paano ka nya itrato kaya ayoko ng makitang nahihirapan o nasasaktan ka. Hindi mo d
Kaiser’s POV Nagkulong ako sa kwarto at hindi ko sila pinansin. Makalipas ang ilang oras ng pagmumukmok, biglang pumasok uli si Tita Cassy. “Andyan si Kuya Miguel sa baba. Gusto ka niyang makausap,” sabi niya. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan niya. Gusto ko siyang sugurin ngayon pero sa kabilang banda, andun pa rin yung respeto ko sa kaniya. “Ayoko.” Bago ko pa masabi ang sasabihin ko, naputol na iyon nang makita ko ang presensya niya sa likod ni ate Cassy. “Mag-uusap muna kami,” sabi ni Uncle, pero mababanayad ang mukha ni ate Cassy na parang ayaw nyang umalis dahil nag-aalala siya. “Kuya, please lang be matured…” paalala niya sa kuya niya then umalis na siya. Pumasok naman sa kwarto si uncle at naupo sa kama ko habang nasa may study table naman ako. “Kai, let’s talk,” sabi niya nang kalmado. “Bakit uncle! Paano mo na nagawa sa akin ito! Sa lahat ikaw pa? Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko lahat kayo tinraydor ako!!!” P
Lumapit si Cassy sa akin at naupo sa isang bed habang nasa sahig ako at nag aayos ng gamit. “Serenity, can we talk?” Sabi nya kaya naman tumayo ako naupo sa kabilang bed para makapag usap kami ng maayos. “Sure” sabi ko. “Alam kong mahal ka ng kuya ko and mahal ka rin ng pamangkin ko. Kaya pasensya na kung naiinis ako sayo kasi pakiramdam ko ikaw ang dahilan kung bakit sila nag aaway at hindi nagkikibuan. Pero alam kong hindi mo naman ginusto ang mga nangyayari. Pasensya na kung sumama ako at isinama ko sila Kaiser at Ava sa Outing nyo. Actually, nakiusap sa akin si Kaiser na sumama dito kasi gusto nyang maging okay ulit kayo bilang magkaibigan. Tanggap na nya na wala na talaga kayo pero sana bigyan mo rin sya ng chance na maging okay kayo para maging okay uli sila ni Kuya.” Saad niya. “Ayos lang naman sa akin, pero iniisip ko lang yung mararamdaman ni Miguel kung malalaman nyang nakikipag kaibigan ako kay Kaiser. Kahit bali-baliktarin kasi mag ex kami kaya ayokong bigyan ng reas
Serenity’s POV “Kinakabahan ako babe” sabi ko kaya naman hinawakan nya agad ang kamay ko para pakalmahin ako. “Don't worry baby, andito lang ako. Hindi ka dapat mag-worry,” sabi naman nya. Napabuntong hininga nalang ako sabay tingin sa bintana at tinignan ang ulap mula sa loob ng eroplano. Papunta kasi kami ngayon sa England para bisitahin ang dad niya at ipakilala na rin ako. Pero bago nya ako ipakilala gusto nyang ikasal daw muna kami sa England since dual citizen sya doon. Ayaw na kasi nya ng masyadong madramang pagpapakilala kaya gusto nya wala ng magagawa ang dad nya once na ipinakilala ako sa kaniya. Nang makarating na kami sa England nagtungo na agad kami sa isang hotel sa England para idaos dun aming secret wedding. Patiuna ng inutusan ni Miguel ang magta-taunang nya na ayusin ang papeles namin sa kasal para madaling mairehistro ito sa embassy at maging legal agad ang kasal namin. Wala kaming ibang pinagsabihan tungkol sa kasal namin dahil gusto naming ikasal uli sa Pilipina
Kumuha siya ng wine at dalawang baso. Ibinuhos niya sa baso ang wine at iniabot sa akin ang isa. "Cheers,” sabi niya. “Cheers.” Nang maubos na ang wine, sa baso namin lumapit si Miguel sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nakatitig siya sa akin, at parang nagbabasa ng lahat ng nararamdaman ko. "Baby, you’re so beautiful,” bulong niya. “Mahal na mahal kita.” Hinalikan niya ako ng malambing. At hindi ko na napigilan ang aking sarili na tumugon sa halik niya. Nang maghiwalay ang aming mga labi, napatitig kami sa isa’t isa. “I love you too, babe.” Sabi ko. Lumapit siya ulit sa akin, hinawakan ang beywang ko, at hinila ako palapit sa kanya. “You are worth waiting for” sabi nya kaya napangiti ako at tumingkayad ako at hinalikan sya sa labi. Hinalikan niya ulit ako, mas malalim at mas mapusok. Pakiramdam ko lumulutang ako. Hinaplos niya ang aking likod, bumaba ang kamay niya sa aking baywang, at hinapit ako palapit sa kanya. “Napakaganda mo,” bulong niya. “Mahal na mahal kita.” “Ma
Miguel’s POV Sa mga sumunod na araw, dinala ko siya sa mga sikat na lugar tulad ng Stonehenge, ang mga magagandang tanawin sa Cotswolds, at ang mga museo sa London. “Babe, ang ganda ng London. Sobrang ganda ng mga lugar,” sabi niya. “Ang dami kong natutunan tungkol sa kasaysayan at kultura dito.” “Oo nga eh. Maraming matututunan dito sa London. Ang ganda rin ng mga tao dito.” Kahit sa simpleng mga bagay, ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. Nag-aayos ako ng mga surprise dates, binibili ko siya ng mga chocolates, at lagi kong sinisigurado na masaya siya. Minsan, dinala ko siya sa isang park para mag-picnic. Napakaganda ng panahon at sobrang saya naming dalawa. “Babe, ang saya-saya ko,” sabi niya. “Sobrang nag-enjoy ako sa paglalakad sa park kasama ka.” “Ako rin babe. Ang saya ko rin na kasama kita.” Sa bawat araw na lumilipas, lalo kong nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Isang araw, habang naglalakad kami sa mga gard
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat