Author's Note Sa lahat po ng aking mga readers. Please 🙏 leave a comment po every episode para po makahelp sa akin. Asahan nyo po na mas sisikapin ko pa pong pagandahin ang story nila Miguel and Serenity.
Serenity’s POV “Kinakabahan ako babe” sabi ko kaya naman hinawakan nya agad ang kamay ko para pakalmahin ako. “Don't worry baby, andito lang ako. Hindi ka dapat mag-worry,” sabi naman nya. Napabuntong hininga nalang ako sabay tingin sa bintana at tinignan ang ulap mula sa loob ng eroplano. Papunta kasi kami ngayon sa England para bisitahin ang dad niya at ipakilala na rin ako. Pero bago nya ako ipakilala gusto nyang ikasal daw muna kami sa England since dual citizen sya doon. Ayaw na kasi nya ng masyadong madramang pagpapakilala kaya gusto nya wala ng magagawa ang dad nya once na ipinakilala ako sa kaniya. Nang makarating na kami sa England nagtungo na agad kami sa isang hotel sa England para idaos dun aming secret wedding. Patiuna ng inutusan ni Miguel ang magta-taunang nya na ayusin ang papeles namin sa kasal para madaling mairehistro ito sa embassy at maging legal agad ang kasal namin. Wala kaming ibang pinagsabihan tungkol sa kasal namin dahil gusto naming ikasal uli sa Pilipina
Kumuha siya ng wine at dalawang baso. Ibinuhos niya sa baso ang wine at iniabot sa akin ang isa. "Cheers,” sabi niya. “Cheers.” Nang maubos na ang wine, sa baso namin lumapit si Miguel sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nakatitig siya sa akin, at parang nagbabasa ng lahat ng nararamdaman ko. "Baby, you’re so beautiful,” bulong niya. “Mahal na mahal kita.” Hinalikan niya ako ng malambing. At hindi ko na napigilan ang aking sarili na tumugon sa halik niya. Nang maghiwalay ang aming mga labi, napatitig kami sa isa’t isa. “I love you too, babe.” Sabi ko. Lumapit siya ulit sa akin, hinawakan ang beywang ko, at hinila ako palapit sa kanya. “You are worth waiting for” sabi nya kaya napangiti ako at tumingkayad ako at hinalikan sya sa labi. Hinalikan niya ulit ako, mas malalim at mas mapusok. Pakiramdam ko lumulutang ako. Hinaplos niya ang aking likod, bumaba ang kamay niya sa aking baywang, at hinapit ako palapit sa kanya. “Napakaganda mo,” bulong niya. “Mahal na mahal kita.” “Ma
Miguel’s POV Sa mga sumunod na araw, dinala ko siya sa mga sikat na lugar tulad ng Stonehenge, ang mga magagandang tanawin sa Cotswolds, at ang mga museo sa London. “Babe, ang ganda ng London. Sobrang ganda ng mga lugar,” sabi niya. “Ang dami kong natutunan tungkol sa kasaysayan at kultura dito.” “Oo nga eh. Maraming matututunan dito sa London. Ang ganda rin ng mga tao dito.” Kahit sa simpleng mga bagay, ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. Nag-aayos ako ng mga surprise dates, binibili ko siya ng mga chocolates, at lagi kong sinisigurado na masaya siya. Minsan, dinala ko siya sa isang park para mag-picnic. Napakaganda ng panahon at sobrang saya naming dalawa. “Babe, ang saya-saya ko,” sabi niya. “Sobrang nag-enjoy ako sa paglalakad sa park kasama ka.” “Ako rin babe. Ang saya ko rin na kasama kita.” Sa bawat araw na lumilipas, lalo kong nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Isang araw, habang naglalakad kami sa mga gard
Serenity’s POV 3 weeks din kaming nag stay sa London at umuwi na kami sa Pilipinas. Hindi muna namin sinabi sa iba na kasal na kami dahil gusto naming ituloy pa rin ang kasal namin sa Pilipinas. Excited pa rin ako na isuot ang trahe de boda ko at lumakad sa isle. Hinatid muna ako ni Miguel sa bahay. “Pwde bang iuwi nalang kita baby?” sabi ni Miguel habang nasa harap kami ng gate. “Ikaw talaga malapit naman na ang kasal natin kaya kunting tiis nalang araw araw na tayong magkakasama,” sabi ko. Hinalikan niya ang mga labi ko nagyakapan kami. Nang makaalis na si Miguel, papasok na sana ako sa loob ng may humawak sa braso ko. Nang lumingon ako, si Kaiser pala. “Kaiser? Anong ginagawa mo dito?” Sabi ko pero amoy alak siya at namumula ang mukha niya. Bigla niya akong niyakap. “Serenity, love bumalik ka na sa akin. Wag mong ituloy ang kasal kay Uncle please.” Sabi niya. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin anupat parang di na ako makahinga. “Ano ba Kaiser, bitawan mo ako!” Nagpumilit a
Serenity’s POV Araw na ng kasal namin ni Miguel. Kinakabahan ako pero mas malakas pa rin ang excitement. Parang panaginip lang ang lahat. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ikakasal na kami at masasaksihan yun ng maraming fao. At ang mas maganda pa, may surprise ako para kay Miguel. Excited na akong sabihin sa kanya ang good news na magkaka-baby na kami. Nasa loob na ako ng kotse at naghihintay na makarating sa venue ng kasal. Nang biglang nagsalita ang driver. “Napakaganda mo talaga Serenity l,” sabi niya. Nagulat ako dahil naka-mask siya at hindi ko nakita ang mukha niya. “Uhm… salamat po,” sabi ko. Nang bigla siyang tumawa, naramdaman kong parang may kakaiba sa boses niya. Parang kilala ko. “Serenity,” sabi niya sabay tanggal ng mask. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko. Si Kaiser pala ito. “Kaiser? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko, pero nanginig ang boses ko. “Hindi ka dapat ikasal kay Miguel, Serenity. Akin ka lang Serenity, akin ka lang,” sabi niya. “Kaiser, tigila
Kaiser’s POV “Hindi ka makakatakas sa akin, Serenity!” Sigaw niya. Mas binilisan ko ang takbo. Pero biglang nakita ko si Miguel na nakamotor. “Miguel!” Sigaw ko, at nakaramdam ako ng ginhawa. Dali dali syang bumaba sa motor at tumakbo papunta sa akin. “Babe,” sabi ko habang bigay todo ang pagtakbo ko papunta sa kanya. Kaya ng makalapit ako sa kanya parang nanghina ang mga tuhod ko kung kaya muntik na akong matumba pero sinalo nya ako. “Baby, are you okay?” sabi nya at niyakap nya akong. Takot na takot ako pero nawala yun dahil nasa bisig na nya ako. “AHHH!” Sigaw ko ng biglang matamaan ako ng pinto ng sasakyan dahil sinipa ito ni Serenity. Natumba ako at nandilim ang paningin ko. Di ko namalayang nakalabas na ng sasakyan si Serenity at dali-daling tumakbo palayo. Nakaramdam ako ng galit at pang-gagalaiti. Nang makarecover ang mata ko at naramdaman kong okay na ako, tumingin ako sa kinaroroonan ni Serenity pero nang makita kong tumatakbo si Serenity patungo kay Miguel, bigla a
Kaiser’s POV Nasa ospital ako ngayon at binabantayan ko si Serenity. Wala pa rin syang malay matapos ko syang dalhin rito. Nag aalala na ako pero hindi ko pa rin pinapaalam sa kanila Uncle Azriel at Uncle Miguel kung nasaan kami. Wala na akong pakialam sa kanila hinding hindi ko na ibabalik si Serenity dahil akin lang sya. Maya-maya ay lumapit sa akin ang doktor. “They are both okay and safe kaya wag ka ng mag alala sa mag ina mo.” Napakunot ang noo ko ng sinabi nyang mag ina. “Mag ina?” pagtataka ko. “Hindi mo ba alam your wife is 3 weeks pregnant and you're lucky dahil makapit ang bata kung sa iba ay baka nakunan na sya. Hintayin mo nalang at magigising na ang asawa mo.” he said saka sya umalis. “So buntis sya?” sabi ko sa sarili. Maya-maya ay nakatanggap ako ng text mula kay tita Cassy. From Cassy: Kaiser, asaan ka ba? Si Kuya Miguel nasa ospital sya comatose sya. “So ibig sabihin hindi nila alam na ako ang kumuha kay Serenity?” sabi ko sa sarili. Nagtungo na agad ako kay
Miguel’s POV Isang card, ng buksan ko ito. “Dear Uncle, Sorry if ngayon lang ako nakapag sulat sa inyo. Gusto ko lang sabihin na okay lang ako. May sarili na akong pamilya. Nahihiya ako sa inyo kaya hindi na ako nagpakita. Pakiusap wag nyo na akong hanapin.” -Serenity. Kasama ng sulat ang isang litrato. Si Serenity nakangiti siya at may kasama syang lalaki at batang Lalaki sa picture parehong may blurred ang mukha. “Hindi totoo yan, fake yan! Hindi ako pwdeng iwan ni Serenity! Kasal na kami!” sabi ko. “ Kuya, hindi nga natuloy ang kasal nyo” sabi naman ni Cassy. “No Cassy, we got married in London. Alam ni Dad yun. Kaya hindi ako naniniwala dyan. Minsan na akong naloko dahil sa sulat hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun. Hahanapin ko ang asawa ko.” “Kuya, magpahinga ka muna. Wala na tayong magagawa,” sabi ni Cassy. “Tama na ang pag-iisip. Hayaan mo muna ang katawan mo na magpagaling.” Pero hindi ako mapakali. Hindi ako matigil sa pag-iisip. Kailangan kong makita si Sereni
Serenity's POV Unang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals. “Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha. “Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis. “I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala. Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila. “Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel. “Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa. “Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya. “Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede nam
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat