LIKE
(Laxus King pov) Hindi maalis ang tingin ko kay Rayana habang tulala itong nakatingin sa kawalan. Dalawang araw na itong tulala at nakatanaw lang sa kawalan. Damn. This is all my fault. Kung hindi ako naging gag0 ay hindi ito magkakaganito. Mukhang na-trauma ito sa ginawa kong paggalaw dito ng sapilitan. Tama si Kairo, pagsisisihan ko ang lahat kapag nalaman kong si Rayana nga ito. I try to hold her hands but she flinch, para itong kuting na takot na hawakan ng kahit sino. Maging sila manang Diday ay walang nagawa para pagaanin ang loob niya. Malinaw na galit ito sa akin. Wala itong takot na sinasalubong ang tingin ko, puno ng pagkasuklam ang tingin nito. “Mas mabuti pa siguro na iwanan na muna natin si Madam, Mr. King. Sa palagay ko ay hindi niya gusto na makasama ka sa iisang silid.” Sabi ni manang na nakayuko, hindi man nito tahasang sabihin, alam kong ako na naman ang sinisisi nito sa kalagayan ni Rayana ngayon. Ayaw ko man iwan ang asawa ko, napag-isip isip ko na tama
(Kiray pov) Wala na akong mailuha, napagod na ang mga mata ko. Tanging sakit, lungkot at galit ang naiwan sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang magulang ko. Magulang ko sila pero paano nila nagawa na gawin sa akin iyon? Ito ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko pero hanggang ngayon ay wala akong makuhang sagot. Siguro dahil masamang tao lang talaga sila. At malas ako dahil naging magulang ko sila. Hinawakan ko ang ulo ko. Naalala ko kung paano tawagin ni Laxus ang pangalan ng kaibigan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako nitong Rayana. Ano kaya ang nakain ng Kingkong na ‘yon? Uminit ang ulo ko ng maalala ang sapilitan nitong paghawak sa ulo ko. Dahil dito ay bumalik ang alaalang matagal ko ng binaon sa limot. Walang hiya talaga ang Kingkong na ‘yon! Ginawa ko ang lahat para iwasan na mahawakan nito. Wala kasi akong tiwala dito. Baka mamaya balak pala nitong pilipitin ang kamay ko. Tumingin ako sa pagkaing nasa bedside table. Dalawang araw na akong hind
“Naku gwapo lang ang meron yan… naku kung alam niyo lang ang ugali ni’yan.” Mahinang bulong ko. Nang makita kong nakatingin ito sa akin ay umakto ako na walang sinabi. Para makapagshopping ng normal, inisip ko nalang na isa sa mga bodyguards ko si Laxus. Mukhang hindi ko naman kasi ito mapapaalis. Pumasok ako sa section ng mga undergarments ng mga babae, bumili ng nga nigthies lingerie na gusto ko ang designs. Nanlaki ang mata ko ng makitang sumunod ito sa akin. Akala ko ay mahihiya itong sumunod at magpapaiwan. Dumampot ito ng pulang bra. “Here, take this. I’m sure this color and size will fit you.” Nagbukas-sara ang bibig ko. Gusto ko itong murahin at singahalan pero naalala ko bigla ang video at mga pictures nito sa cellphone ko. Wala akong karapatan na sabihan itong bast0s dahil may sikreto din ako. Namumula ang pisngi na hinablot ko sa kamay nito ang bra. “Alam ko. Lahat naman ng kulay ay bagay sa akin kasi maganda ako.” Ani ko sabay irap at iwan dito. Pero hin
(Kiray pov) Tahimik akong nakaupo sa harapan ni Laxus habang mataman itong nakatingin sa akin. Samantalang si manang naman ay may sinusupil na ngiti na parang kanina pa nagpipigil, habang ang asawa ko naman ay hindi maipinta ang mukha. ‘Pero wala naman masama sa ginawa ko. Nagmamalasakit lang naman ako.’ Isip-isip ko. Nabanggit ni Jigs kanina na dahil sa ginawa ko ay may na-trigger akong alarm. Kaya siguro galit ang asawa ko ngayon. Kaya pala mayamaya lang ay dumating ang mga tauhan ni Laxus dala ang kanilang mga baril. ‘Pero para saan naman ang alarm na ‘yon?’ Takang isip ko. Napapitlag ako ng tumayo si Laxus. Akala ko ay masasakal na ako sa galit nito. Pero laking gulat ko ng iluhod nito ang isang tuhod sa harap ko. Hindi lang ‘yon, hinawakan pa nito ang kamay ko, maingat na parang babasaging bagay ito. “Bakit mo ‘yon ginawa, Rayana? Sinabi ni manang sa akin na may inaalala ka kaya mo ‘to ginawa. Come on tell me para alam ko kung ano ang dapat kong ipagawa sa mga tauhan ko.”
(Kiray pov) Pinilig ko ang ulo ko. Kung ano-ano ang nakikita ko. Sigurado ako na namamalikmata lang ako. Kilala ko si Laxus, sa maikling panahon naming magkasama ay napagtanto ko na hindi nito mahal si Rayana. Hindi ko alam ang dahilan nito kung bakit nagsinungaling ito sa amin na nagmamahalan sila ni Laxus kahit ang totoo ay hindi naman yata ‘yon totoo. Siguro kinakahiya nito na one sided lang ang relasyon nilang dalawa. Nang makababa ako ng hagdan ay nilahad ni Laxus ang kamay niya sa akin. Dumaan ang pag aalinlangan sa mukha ko. May parte sa akin na gustong hawakan ito pero may parte din sa akin na gustong tumanggi. Siguro dahil sa ginawa nito sa akin kaya hindi ko makuha na magtiwala sa nakikita kong pagbabago nito. Mahirap kasing umasa tapos sa huli ay mali pala ako ng akala. Baka ang nakikita ko ay guniguni ko lang lahat. Hindi ko inaasahan na ito mismo ang kukuha sa kamay ko, mukhang nabasa nito na wala akong balak tanggapin ang kamay nito. Hindi ko rin inaasahan na
(Kiray pov) Nagpaalam ako na pupunta ng restroom. Pagdating ko dito ay naghilamos ako. Pero imbes na mahimasmasan, lalo pang kumabog ang dibdib ko. Mahina kong sinampal ang pisngi ko. “Ano ba’ng kinakatakot mo? Dapat nga magpasalamat ka dahil nasapian ng good spirit ang asawa mo. Dapat nga ay magsaya ka!” Kausap ko sa sarili ko. Tumingin ako sa kwintas at relong suot ko. Kulang-kulang isang bilyon ang presyo ng lahat ng ‘to. ‘Ginastusan ako ni Laxus ng ganito kamahal na bagay… nakakalula talaga ang presyo nito!’ Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Feeling ko magiging malaking kasalanan kapag nawala ko ito. Baka masakal ako ng asawa ko. “Rayana, my god! Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan!” Masayang bati sa akin ni Maureen. Yumakap ito sa akin pagkatapos bume-so. “Hindi mo ako nirereplyan, hmp, nagtatampo na ako sayo. Masyado ka yatang busy sa honeymoon niyo kaya hanggang ngayon ay hindi mo sinasagot ang mga messages ko.” Hindi ako nakareact agad ng makita ito. Naku nam
(Kiray pov) “Hindi ako makapaniwala na pati si Kuya Daniel ay makakalimutan mo.” Napaawang ang labi ko sa narinig ko. “D-Daniel?” Tumango ito. “Oo, si Kuya Daniel, iyon ang pangalan ng kuya ko. Hindi ba sumagi sa isip mo kahit isang beses ang pangalan niya?” Tanong nito. Hindi makapaniwala na umawang ang labi ko sa narinig ko. ‘Si Mayor at Rayana hindi lang sila basta magkakilala, magnobyo silang dalawa?! Naalala ko ang dahilan kaya nagpalinis ng Villa si mayor, may gaganapin daw na party rito, at magkakaro’n rin daw ng malaking announcement. Tapos naalala ko din ang sinabi ni Rayana sa amin noon tungkol sa nalalapit na pag-anunsyo ng fiancee nito sa kasal nila sa publiko. ‘Kaya pala naro’n sa plaza si Rayana no’ng araw na naro’n si Mayor kahit hindi naman ito tagaro’n,’ Kung gano’n ang tinutukoy ni Rayana na fiancee ay hindi si Laxus kundi si Mayor! Muli itong nagsalita. “Akala namin ay kinalimutan mo na si kuya kaya hindi ka nagpakita dahil ayaw mong masangkot ang pan
(Kiray pov) Pagkarating namin sa restaurant na nilipatan namin, nag order agad ako ng maraming pagkain. Nang dumating na ang order ko ay bumaha ang laway ko sa gutom. Pero hindi pa ako nagsisimulang kumain ng dumating ang asawa ko. ‘Teka. Ano ang ginagawa dito ng lalaking ‘to?’ Isip-isip ko ng makita ito. “Gutom na gutom ka yata?” Tumingin ito sa relong nasa bisig. “Mag aalauna na pero ngayon ka lang kakain? Gusto mo bang magkasakit?” May galit sa boses na tanong nito habang nakatingin sa akin. “May ginawa kasi ako kanina at kakatapos ko lang, hindi ko namalayan ang oras.” Dahilan ko. Natigilan ako at kunot ang noo na tumingin dito. “Teka, bakit parang galit ka? Hindi naman ikaw ang nagutom sa ating dalawa.” Mahinang bulong ko. ‘Pero bakit nga ba ito nagagalit? Ibig bang sabihin ay nag aalala ‘to sa akin?’ Lumalim ang kunot ng noo nito, mukhang narinig ang huling sinabi ko. “Wala bang karapatan na mag alala sa’yo ang asawa mo? Ayoko lang magkasakit ka at maging pabigat, dahil
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na
(Saddie pov) “Sigurado ka ba iha sa gusto mo?” Hinimas ko ang tiyan ko bago tumango kay mommy. “Oho, mommy. Napag usapan na namin ito ni Morgan.” Sagot ko rito. Nandito kami ngayon sa isang obgyne clinic para magpacheck up. Ngayon kasi ang schedule ko para magpatingin sa doktor. Dapat si Morgan ang kasama ko pero nagkaroon ito ng mahalagang lakad kasama si daddy Laxus papunta ng Italy. Kaya si mommy Kiray ang kasama ko ngayon magpacheck up. Gusto ko sana ni Morgan na hindi sumama sa daddy nito dahil gustong-gusto nito na samahan ako magpacheck up pero pinigilan ko ito. Alam ko kasi ang responsibilidad nito bilang panganay na anak. Kailangan nitong tumulong sa pamilya nito pagdating sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Saka may next time pa naman para sumama ito. Tumingin ako sa black and white na monitor kung nasaan ang imahe ng batang nasa sinapupunan ko. Napag usapan namin ni mommy Kiray kung kailan ko balak na magpa ultrasound. Pero wala sa plano namin ni Morgan na alamin a