As in sobrang tahimik. "Nakakatakot naman yung jowa mo 'te. Medyo intimidating ang hitsura ngayon kasa ng nasa hub us.." Mahinang bulong ng katabi ko. "Oo muntik na ngang mamatay yung nabaril sa dami ng dugong naubos sa kaniya pero mabuti na lang nabuhay pa, nagtaka nga rin kami hindi man lang pinaimbestigahan ng nabaril yung bumaril sa kaniya." Kwento pa ng isa, alanganin akong ngumiti. "Kaya pala," wika ko. "Paano ka nakauwi?" Bulong ng isa. "Nakausap mo na nga ang Zai tanong tanong ka pang gurang ka," sumbat ng isang kasama ko kaya ngumuso ako at nasapo ang ulo. "Ang sakit ng ulo ko, sabi ko huwag niyo na akong yayain baka bumalik yung UTI ko." Reklamo ko. "Ay balahura nanisi pa," singhal nila. "Walang duty bebe mo? O pinagod mo kagabi?" Dahil malakas ang tanong na 'yon ay nanlaki ang mata mo. "Anong pinagod! Anong pinagod!" Singhal ko at hinampas ang kaibigan. "Ay defensive ka 'te! Pinagod mo kasi gaga ka pag lasing." Sumbat ng isa dahilan para sulyapan ko si Zai
Nang lumapit na ako sa dining ay naririnig ko ang mahinang pagkanta niya. "Switching into airplane mode again, when I'm alright but I pretend— why are you looking at me?" He questioned. "Kain na," anyaya ko. "Tch, fine.." Matipid na sabi niya at tsaka naupo sa harap ko. Habang kumakain ay nalingon ko ang cellphone dahil bigla rin itong nagring kaya nag-excuse ako at inabot 'yon. Nangunot ang noo ko ng makitang unknown number ang tumatawag. "Hello, who's this?" I questioned. "How dare you put him in a situation where is so dangerous!" Nangunot ang noo ko ng marinig si Shane. "He almost killed an innocent person! Because of you!" Umawang ang labi ko at sarkastikang tumawa. "You don't know what you are saying, innocent person? Do you think Zai will do that to an innocent person? Pwedeng huwag kang makialam sa problema namin? Ipis kang may lahing higad." Gigil na sabi ko at ibababa na sana ang tawag. "Kahit pa, labag sa batas ang ginawa ni Zai at ginawa niya 'yon para sa'
"Light make up is enough, maganda ka na." Pinapikit ako ni Ate Mia at dahil soon ay pinagkasya niya ang sampung minuto para ayusan ako at pati na ang buhok ko ay inayos niya rin."Tignan natin kung ma-lait ka pa niya." Ngising sabi ni Ate Mia dahilan para tignan ko ang sarili, ngunit dibdib ko talaga ang una kong napapansin dahil kulang na lang lumuwa na ito."Nag-breastfeed ka kay Sierah? Lusog ng dyoga ha." Nanlaki ang mata ko at mahinang napalo si Ate Mia sa braso dahilan para matawa siya.Nang makaayos ay may kumatok sa kwarto. "Baby, let's go." Nang bumukas ang pinto ay nandoon si Kuya Luke, ngumiti siya sa amin."Both of you look stunning," bati ni Kuya Luke at inakap ang asawa sa bewang dahilan para kiligin ako sa dalawa."Hindi naalis yung ka-sweetan niyo 'no," natatawang sabi ko."As a man hindi lang dapat sa una magaling, dapat sa una, gitna at huli ganoon pa din. Because if you changed during the process, it's a mission failed." Mahinahon na sabi ni Kuya Luke kaya napangiti
"Sorry for everything, I know that Zai cleared everything at the first place. Hindi ganoon kadali mag move on so I'll leave this hospital for a while, and then be back." Mahinahon niyang sabi kaya ngumiwi ako.Why is it so hard to believe this woman?"Okay." Sagot ko na lang at uminom."Mag-usap na muna kayo, I'll check on my daughter." Paalam ko at umalis na doon dala dala ang kupita, bahala sila I mean kung may pag-uusapan sila I'm sure Zai knows what to do in case.Habang naglalakad ay natigilan ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako papalayo sa gitna, "Wait, sino ka?" Tanong ko at pilit binabawi ang palad ko.Nang tumigil ay hinarap niya ako ngunit ganoon nangunot ang noo ko ng makita ang hindi kilalang tao. "Sino ka?" Tanong ko at bahagyang lumayo."Hindi magandang naiinvolve ka sa lalakaran ni Zai, Lauren Ramirez." Nangunot lalo ang noo ko."What?""Hindi ko naiintindihan okay? Sino ka ba?" Tanong ko."Lumayo na kayo kay Zai, isama mo yung anak mo." Natawa ako at sinamaan
Lauren's Point of View."Come with me," mahinahon na sabi ni Zai kaya naman napalunok ako at nilingon si Aji na tinanguan ako kaya naman sumunod ako kay Zai."Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya, tumigil siya at hinarap ako."Follow me," mahinahon lang siyang nagsasalita kaya naman tumango ako at sinundan lang siya. Nang mapansin na aakyat kami ay huminga ako ng malalim at nanatiling sumunod."We'll talk in private," he added and glanced at me bago niya inilahad ang kamay sa akin kaya tinanggap ko 'yon.Nang makarating sa kwarto ay tahimik siyang naupo sa dulo ng kama kaya naman nanatili akong nakatayo. "A-Anong sabi?" Tanong ko bigla, nacurious ako eh."What are you thinking huh? That it's actually my child?" Kwestyon niya kaya naman napalunok ako ngunit tumango ayokong magsinungaling."Bakit?" He questioned."Dahil ikaw mismo nagsabi na may kinakama kang iba, i-its not impossible." Bulong ko at pinigilang bumuntong hininga."It's not mine, alam ko kung magkaka-anak ako sa iba o hindi. H
"Magbihis ka na," aniya niya at uminom muli ng isang baso kaya nagmamadali akong tumungo sa kwarto sa closet, habang naghahanap ng masusuot ay bumukas ang pinto. "Are you done?" Tanong niya. "Not yet!" Malakas na sabi ko at kumuha ng pajamas at itim na sando dahil ayokong magbra ay itim na sando para hindi gaano pansin. Nang makapagbihis ay lumabas na ako ng closet nakita ko naman si Zai na may dalang baso ng tubig at inabot 'yon sa akin. "Thanks," wika ko. "Sure babe," malambing niyang sabi kaya pigil ngiti akong umiinom. Parang pati tubig tumatamis ah, sana all. After that I jumped on the bed and cover myself with comforter. "Are you cold?" Zai questioned while hopping in our bed. At dahil iisa lang ang kumot namin ay dumikit ang mainit niyang balat sa bandang tuhod ko kaya napalunok ako. "Goodnight." Nakangiting bati ko at nahihiyang tumalikod sa gawi niya habang yakap ko ang unan sa opposite side niya. "Goodnight, why are you so distant?" Tila inaantok niyang tanong.
After changing clothes, mas nauna siyang nagbihis kesa sa akin. Sinuyod kong muli ang suot niya ngunit nakagat ko ang ibabang labi at mabilis na nag-iwas tingin dahil masyadong fitted ang baggy jogging pants niyang gray. Tapos ay ang upper niya ay simpleng shirt lang na kulay puti dahilan para mas makita ang pinagmamalaki niya na braso at dibdib. "Come, let's go babe." Anyaya niya at kinuha ang kamay ko dahilan para makagat ko ang ibabang labi. First official date? Not bad, I'm excited dahil ito yung unang beses ko na lalabas kami at kami na mismo, ang saya. "Pwede ba tayong tumaas sa light house?" Itinuro ko ang tuktok nito dahil wala pa kami sa tuktok ay sobrang lakas na ng hangin, tinanaw niya 'yon habang hawak ang kamay ko. "You don't fear heights?" Tanong niya at muli akong nilingon dahilan para peke akong matawa. "Ako? Matatakot sa mataas?" Itinuro ko pa ang sarili at mayabang na tumawa. "Hindi." I answered. "You sure?" Sa tanong niya ay ngumiwi ako lalo. "Wala
"Kumain ka na," wika niya at ginupit ang dulo ng lobster tail at inilagay sa plato ko."Tatlo para I love you ulit," wika niya kaya parehas kaming natawa.Habang kumakain ay natigilan kami ng may tumawag sa amin kaya napalingon kami. "Mommy! Daddy! You didn't take me." Nakanguso si Sierah kaya naman ng tignan ko si Zai ay nakataas ang kilay nito."I bought you ice cream anak, sabi mo sosolohin ko muna ang mommy mo." Sagot ni Zai kaya mas natawa ako."E-Eh ubos na daddy dapat dalawa." Ipinakita pa nito ang dalawang daliri niya."Nagpumilit eh, dapat hindi mo sinabi ang location niyo sa kaniya." Natatawang sabi ni Kuya Luke."Okay lang, isasama na namin siya kuya. Saluhan mo na po kaya kami?" Anyaya ko."Sus, huwag na. Layas na." Itinaboy ni Zai si Kuya Luke kaya natawa kami ni Sierah pati si Kuya Luke ay natawa."Talaga 'to, ang kapal ng mukha mo. Nakiki-third wheel ka nga sa amin ni Mia noon ikaw pa mas nakakarami." Sa pagpapahiya ni Kuya Luke ay bumusangot si Zai."Ngayong kayo na, m