=Elvira’s Point Of View=After a few months… Excited akong gumayak para lang puntahan si Zian sa new project niya sa work. Napaghiwalay kasi kami ng projects.Dala ko ang lunch box niya ay bumyahe ako papunta sa kanya. Maayos naman kaming dalawa ni Zian mula nang maging kaming dalawa, officially.Pagkarating sa site ay nakangiti akong pumasok. “Engr. Monteverde!” bati ng isang lalaki na kaklase namin. Ngumiti ako dito at tinanguan siya.“Where’s Zian?” I asked.“Ah nasa loob yata ng office sa site, check mo na lang!” masayang sabi niya kaya ngumiti ako.Pagkapunta sa site sa office ay napahinto ako nang pagkasilip ko ay kasabay ng pagbuga ng malamig na hangin ng aircon ang panlalamig ng palad kong nakahawak sa door knob.May kausap siyang babae at parehas silang tumatawa. Napalunok ako…‘S-Sino ‘yon?’Tila dinamba ang puso ko at maingat na naisarado ang pinto. Kumatok ako at nagpanggap na walang nakita.Ngumiti ako. “I brought you some lunch,” nakangiting aniya ko at lumapit.“Oh, tha
=Elvira’s Point Of View= “Uhm Zian, babalik na rin ako sa project ko..” mahinahon na paalam ko sa kanya, tumikhin siya matapos uminom ng tubig. “Let me drop you off, in return honey,” he sweetly said before putting down his tumbler. “Hindi na, ako na lang. Malapit lang naman—” “Exactly, malapit lang. Let me drop you off,” sabi niya at sinigurado ako ng matamis na ngiti. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang ihatid ako. Nang sandaling magkasama kami ay hindi ko naisip ang babae na si Stephanie. Ngunit nang makaalis na siya ay napalunok ako nang makaramdam ng bahagyang pagkabalisa. ‘Wala naman siguro ‘yon, I have to trust him more…’ Itinuon ko ang atensyon sa trabaho. Hanggang sa matapos iyon ay lumabas na ako. Pagkalabas sa site ng project ko ay natanaw ko kaagad ang sasakyan ni Zian. Napansin kong naka-iglip siya sa kanyang sasakyan. Kanina pa siguro siya? Nakangiti akong lumapit at kinalabit siya. Naalimpungatan siya kaya napangiti ako lalo. “Kanina ka pa?” “H
=Ian Zachary’s Point Of View=Napansin ko ang kakaibang asta ni Elvira. Para siyang may problema. Maayos naman ang relasyon naming dalawa. At sa ngayon alam kong sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Maybe my love for her was subtle— or maybe I was attracted for a short of time.Ang kinaibahan niya sa ibang mga babae… Hindi ko maipaliwanag. Nawala ang interes ko sa ibang babae mula nang gabing may maganap sa amin.“Honey—”“Ay!” gulat niyang sigaw.“OA…” natatawang sabi ko at niyakap siya.“Are you going home tomorrow? Can’t you stay?” malambing na sabi ko at dinampian ng halik ang kanyang balikat na nakalantad dahil sa manipis na sando niyang suot.Pinilit niya akong lingunin. “Kailangan ako sa bahay hon, maybe next time?” pabulong niyang sabi.“Hmm?”“How about you sleep in my room tonight honey?” malanding bulong ko sa kanyang tainga bago dinampian ng halik iyon.Naramdaman kong nakiliti siya dahil bahagyang pumilig ang kanyang ulo. “Ayan ka na naman sa kalandian mo. Pigil-pigilan m
=Elvira’s Point Of View= “Thank you sa paghatid!” masayang sabi ko kay Zian at mabilis na inabot ang kanyang pisngi upang bigyan ng mabilis na hàlik. Ngumiti siya at bago pa man ako makababa ay napahinto ako nang may i-abot siyang white envelope. “Allowance ng honey ko, have fun!” Napalunok ako at dahil sa sinabi niya ay hindi ko nagawang umiling at ibalik iyon. “It’s on the contract honey,” paalala niya ng mapansin na nawala ang ngiti ko. Pinilit ko ang sarili. “Thank you…” Dahil doon ay pumasok na ako. Ngunit ang bungad sa akin ni mama ay hindi maganda. “Pautangin mo na lang daw ang tita mo, babayaran niya sa katapusan. Kinse mil, tuition naman iyon ng pamangkin mo—” “Ma naman…” “Para kinse mil lang!” galit na angil ni mama kaya nasapo ko ang noo. “Sige ma, ibibigay ko pero paano naman ang gamot niyo at check up? Ma— 50 thousand agad nagagastos natin—” “Huwag mo na problemahin. Binigay na ni Zian ‘yon sa bangko,” mahinang aniya ni mama na ikinahinto ko. “Ma hind
=Elvira’s Point of View=Pag-upo ko sa sasakyan, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na kayang magsalita, hindi dahil sa wala akong sasabihin, pero dahil pakiramdam ko’y hindi ko naman kayang makipagtalo pa kay Zian. Ang lalim ng buntong-hininga ko habang pinipilit kong pigilan ang natitira kong luha. Ayoko nang makita niya akong ganito—durog, napapagod, at parang walang kwenta.“Elle…” Napukaw ako sa boses niya. Napalingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang hawak ang manibela. “Don’t overthink this, okay? I can handle it. Please don’t push yourself too hard.”Pinilit kong ngumiti, pero alam kong halatang pilit. “I’m fine,” sabi ko, kahit hindi totoo.Umiling siya at bumuntong-hininga. Hindi na niya ako pinilit magsalita pa. Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Gusto ko siyang kausapin, pero parang walang salitang tama. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula.Pagdating namin sa bahay, hindi k
=Elvira’s Point Of View=Kinabukasan, pagpasok ko sa site, pinilit kong burahin ang mga naiisip ko tungkol sa mga nangyari kahapon. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina sa harap ng mga katrabaho ko. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik-balik sa isip ko ang mukha ni Zian habang sinasabi niya ang mga salitang, “You’re not a burden. You’re my girlfriend, and I want to be here for you.”Parang ang hirap paniwalaan. Ang hirap tanggapin na may taong kayang tumanggap sa akin nang ganito. Lahat kasi ng tao sa paligid ko, tila inaasahan lang na ako ang mag-aalaga, ako ang magbibigay, ako ang magpapasan ng problema. Kaya’t nang may lumapit sa akin na ganito ka-intense ang pagmamahal at pag-aalaga, ang una kong reaksyon ay tanggihan ito. Pero… bakit ganon? Habang iniisip ko ‘yon, mas lalo kong nararamdaman na baka totoo ang sinasabi niya.Habang abala ako sa pagtutok sa plano ng site, napansin kong may papalapit sa likuran ko. Nang lingunin ko, si Zian pala. Nakatitig siya sa akin, seryoso ang ek
=Elvira’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang araw na tila normal lang ang lahat, isang gabi, napansin kong tahimik si Zian. Nasa condo niya kami, at habang nagluluto siya ng late dinner, parang nasa ibang mundo ang isip niya. Hindi niya ako masyadong kinakausap tulad ng dati. “Hey,” tawag ko habang naupo sa counter malapit sa kusina. “May problema ba? Parang tahimik ka ngayon.” Napalingon siya sa akin, pero hindi niya ako sinagot agad. Tinapos niya muna ang ginagawa niya bago siya humarap. Nakasalalay ang dalawang kamay niya sa gilid ng counter, malalim ang titig niya sa akin. “Elle, can I ask you something? And I want you to be honest.” Bigla akong kinabahan. “Ano ’yon?” tanong ko, pinipilit na panatilihing kalmado ang boses ko. “Do you really trust me?” diretsong tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin, sa lahat ng pinakita niyang suporta, nararapat lang na sagutin ko ng “oo.” Pero hindi ko kayang magsinung
=Elvira’s Point Of View= Pinilit ko na lang ngumiti. Kung lahat ng galaw niya para sa akin ay kaduda duda, paano na lang ang katahimikan na mayroon kami? Makalipas ang isang buwan ay maayos naman kami ni Zian. Tahimik bukod sa pamilya kong maingay. Pinuntahan na lang ako ni Clayn sa condominium ni Zian dahil alam niyang naririndi na ako kay mama. “Clayn, have some snacks. I’ll just go in my room para makapag-usap kayo.” Pagkukusa ni Zian at inilapag ang snacks sa center table. “Thanks kuya,” pasalamat ni Clayn at sinulyapan ang masarap na pagkain. Ngumiti lang si Zian at pumasok na. Later on… “Grabe ate, snacks lang ‘tong bilog na ham? Pampasko lang natin ‘tong hamonado ah?” bulong ni Clayn kaya mahina akong natawa. “How’s your enrollment going?” bungad ko. “I took the exam already ate, and I passed. Kailangan na lang po bayaran yung tuition f*e bukas. Tinanong ko si mama wala daw siyang pera,” ngiwi ni Clayn. “Oh saan napunta yung 50k na binigay ko sa kanya?” “Ayon pinautang
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= [2 Years Later…] “Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas. “Tsk, sandali kasi anak…” “Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako. “Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito. “Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay. Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?” “Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko. “Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako. ‘Seryoso ba?’ Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m