Sorry for the late update everyone. May sad news lang na dumating and I don’t think kaya ko sumulat ng marami pasensya na. 😞 Namatayan ng isang matalik na kaibigan.
=Elvira’s Point Of View= Dahil sa kalasingan ni Zian ay pinatuloy siya sa guest room. Hindi ako makapaniwalang pagkahiga niya ay nakatulog siya kaagad matapos niya akong landiin noong kaming dalawa na lang. Kaya naman pinilit kong tumuloy na sa kwarto ko upang makapagpahinga. Kinabukasan ay sabay kaming umalis ni Zian sa bahay. Dumeretso kami sa condo niya at pagkarating sa condo niya humiga kaagad siya sa kanyang sofa. “Elle… Can you get my cheque in my room?” pakiusap ni Zian kaya naman lumabi ako. “Kung ‘yon yung inutang ni papa, huwag na. Baka lasing lang siya no’n—” “It must be serious, c’mon take it.” Wala akong magawa kundi sundin siya. Nang makabalik ay sinulatan niya ang mahalagang papel na iyon at pinirmahan bago inabot sa akin. Inabot niya sa akin ang cheque, at hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. Limang milyon. Sa isang piraso ng papel na kayang-kaya niyang iabot nang ganun lang, katumbas na ng halaga na halos di ko kayang maisip. “Elle, ayaw m
Well, he’s known as a player. Girls are his toys. Anong aasahan ko sa kanya? Na titino siya because of me? His maid? I doubt.If that happens, then maybe it’s the end of the world. That’s what it means when Zian took a girl seriously.Pero nakuha niya na ako, bakit pa niya gagawin ‘yon? What does satisfy him? Seeing a girl being heartbroken because of him?Hanggang sa makauwi ay ‘yon ang iniisip ko.Pagdating namin sa condo, tahimik lang akong bumaba sa sasakyan at sinundan ko si Zian papasok. Parang may kung anong bigat ang bumabalot sa isip ko, at habang sinusundan ko siya, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang plano niya. Kung para lang ba talaga ako sa mga sandaling ganito—isang fling na kayang isantabi kapag nagsawa na siya.Pagkapasok sa loob, dumiretso siya sa kusina at naglabas ng dalawang baso ng wine. “Elle, halika dito,” tawag niya habang nakangiti, parang walang inaalalang problema.Nilapitan ko siya at umupo sa counter habang siya naman ay nagbubu
=Elvira’s Point Of View= Kinabukasan ay napapikit ako ng mariin ng mapatunayan na hindi panaginip ang lahat ng ‘yon. ‘Baliw na nga siguro ako… Kung gagawin kong maniwala sa mapaglarong si Zian, p-pero parang seryoso kasi siya…’ Bagay na nakakabahala pero nakakakuha ng loob ang mga salita niya. Habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kagabi. Bawat salita niya, bawat tingin, at ang yakap niya—parang lahat iyon ay nag-iwan ng marka sa isip ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang ganoong side ni Zian. Lagi siyang maloko, madalas ay pilyo, pero kagabi… iba ang pakiramdam ko. May bigat sa mga sinabi niya, na parang may tunay na damdaming nakatago sa likod ng mapang-asar niyang ngiti. Napabuntong-hininga ako at tumayo. Kailangan ko na sigurong itigil ang overthinking at bumangon na lang, kahit papaano ay may mga kailangan akong asikasuhin sa araw na ito. Pero kahit pilitin kong ibaon sa limot ang mga nangyari, hindi maalis sa isip ko an
Bawat araw na magkasama kami, tila hindi niya sinayang ang pagkakataon na patunayan ang sarili niya. Hindi ko alam kung iniisip niya talaga ang mga kilos niya o natural lang talaga ito sa kanya, pero unti-unti akong nahuhulog sa mga bagay na ginagawa niya. Halimbawa, isang araw habang abala ako sa trabaho sa opisina, bigla siyang dumating na may dalang kape at paborito kong pastry.“Delivery for Miss Elvira,” malandi niyang sabi habang inilalapag ang mga iyon sa desk ko. Halos lahat ng katrabaho ko ay napalingon sa amin, lalo na’t si Zian ang kilalang playboy sa opisina.“Zian, ano na naman ’to?” bulong ko, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.“Wala lang, naisip ko lang na baka pagod ka at gusto mo ng pahinga. And, of course, gusto ko lang makita kung namimiss mo na ako,” nakangisi niyang sagot.Napailing na lang ako at binulungan siya. “Pwede ba? Umalis ka na at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao dito.”Ngunit bago pa siya tumalikod, yumuko siya at bumulong sa akin, “Don’t w
=Elvira’s Point Of View=After a few months… Excited akong gumayak para lang puntahan si Zian sa new project niya sa work. Napaghiwalay kasi kami ng projects.Dala ko ang lunch box niya ay bumyahe ako papunta sa kanya. Maayos naman kaming dalawa ni Zian mula nang maging kaming dalawa, officially.Pagkarating sa site ay nakangiti akong pumasok. “Engr. Monteverde!” bati ng isang lalaki na kaklase namin. Ngumiti ako dito at tinanguan siya.“Where’s Zian?” I asked.“Ah nasa loob yata ng office sa site, check mo na lang!” masayang sabi niya kaya ngumiti ako.Pagkapunta sa site sa office ay napahinto ako nang pagkasilip ko ay kasabay ng pagbuga ng malamig na hangin ng aircon ang panlalamig ng palad kong nakahawak sa door knob.May kausap siyang babae at parehas silang tumatawa. Napalunok ako…‘S-Sino ‘yon?’Tila dinamba ang puso ko at maingat na naisarado ang pinto. Kumatok ako at nagpanggap na walang nakita.Ngumiti ako. “I brought you some lunch,” nakangiting aniya ko at lumapit.“Oh, tha
=Elvira’s Point Of View= “Uhm Zian, babalik na rin ako sa project ko..” mahinahon na paalam ko sa kanya, tumikhin siya matapos uminom ng tubig. “Let me drop you off, in return honey,” he sweetly said before putting down his tumbler. “Hindi na, ako na lang. Malapit lang naman—” “Exactly, malapit lang. Let me drop you off,” sabi niya at sinigurado ako ng matamis na ngiti. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang ihatid ako. Nang sandaling magkasama kami ay hindi ko naisip ang babae na si Stephanie. Ngunit nang makaalis na siya ay napalunok ako nang makaramdam ng bahagyang pagkabalisa. ‘Wala naman siguro ‘yon, I have to trust him more…’ Itinuon ko ang atensyon sa trabaho. Hanggang sa matapos iyon ay lumabas na ako. Pagkalabas sa site ng project ko ay natanaw ko kaagad ang sasakyan ni Zian. Napansin kong naka-iglip siya sa kanyang sasakyan. Kanina pa siguro siya? Nakangiti akong lumapit at kinalabit siya. Naalimpungatan siya kaya napangiti ako lalo. “Kanina ka pa?” “H
=Ian Zachary’s Point Of View=Napansin ko ang kakaibang asta ni Elvira. Para siyang may problema. Maayos naman ang relasyon naming dalawa. At sa ngayon alam kong sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Maybe my love for her was subtle— or maybe I was attracted for a short of time.Ang kinaibahan niya sa ibang mga babae… Hindi ko maipaliwanag. Nawala ang interes ko sa ibang babae mula nang gabing may maganap sa amin.“Honey—”“Ay!” gulat niyang sigaw.“OA…” natatawang sabi ko at niyakap siya.“Are you going home tomorrow? Can’t you stay?” malambing na sabi ko at dinampian ng halik ang kanyang balikat na nakalantad dahil sa manipis na sando niyang suot.Pinilit niya akong lingunin. “Kailangan ako sa bahay hon, maybe next time?” pabulong niyang sabi.“Hmm?”“How about you sleep in my room tonight honey?” malanding bulong ko sa kanyang tainga bago dinampian ng halik iyon.Naramdaman kong nakiliti siya dahil bahagyang pumilig ang kanyang ulo. “Ayan ka na naman sa kalandian mo. Pigil-pigilan m
=Elvira’s Point Of View= “Thank you sa paghatid!” masayang sabi ko kay Zian at mabilis na inabot ang kanyang pisngi upang bigyan ng mabilis na hàlik. Ngumiti siya at bago pa man ako makababa ay napahinto ako nang may i-abot siyang white envelope. “Allowance ng honey ko, have fun!” Napalunok ako at dahil sa sinabi niya ay hindi ko nagawang umiling at ibalik iyon. “It’s on the contract honey,” paalala niya ng mapansin na nawala ang ngiti ko. Pinilit ko ang sarili. “Thank you…” Dahil doon ay pumasok na ako. Ngunit ang bungad sa akin ni mama ay hindi maganda. “Pautangin mo na lang daw ang tita mo, babayaran niya sa katapusan. Kinse mil, tuition naman iyon ng pamangkin mo—” “Ma naman…” “Para kinse mil lang!” galit na angil ni mama kaya nasapo ko ang noo. “Sige ma, ibibigay ko pero paano naman ang gamot niyo at check up? Ma— 50 thousand agad nagagastos natin—” “Huwag mo na problemahin. Binigay na ni Zian ‘yon sa bangko,” mahinang aniya ni mama na ikinahinto ko. “Ma hind
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka