Good morning! 💞
=Elvira’s Point Of View= Dumating ang araw ng family gathering, at ramdam ko ang bigat ng mga mata ni Zian sa akin habang nasa kotse kami, papunta sa bahay ng pamilya niya. Panay ang tingin niya sa akin, sinisipat ako mula ulo hanggang paa, habang hindi ko rin maiwasang tingnan ang sarili sa salamin para siguraduhing maayos ang suot kong simpleng puting dress na pinilit niya akong isuot. “Relax ka lang, babe,” sabi niya, halos pabulong habang nakangisi, pero may lambing sa tono. “You look perfect.” Napairap ako, pero pilit kong pinakalma ang sarili. “Sana lang talaga, Zian, hindi tayo mabuking,” bulong ko, sinabayan ng isang mahinang buntong-hininga. Nang makarating kami sa malawak na mansyon ng pamilya niya, agad akong napatitig sa laki ng bahay at sa mga magagara at mamahaling sasakyang nakaparada. Sa totoo lang, parang gusto ko nang tumakbo palayo, pero bago pa ako makakilos, hinawakan na ni Zian ang kamay ko at ngumiti. “Hey,” bulong niya, bahagyang pinisil ang kamay
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa dining area, ramdam ko agad ang bigat ng mga tingin ng pamilya ni Zian na nakatuon sa amin. Hindi ko maiwasang kabahan lalo’t alam kong masusi nila kaming inoobserbahan. Naramdaman ko ang kamay ni Zian na humigpit ang hawak sa akin, na para bang sinasabing huwag akong mag-alala. “Elvira, tamang-tama ang dating niyo,” sabi ni Ma’am Lauren, nakangiti pero may kakaibang kislap ang mga mata, na parang sinusuri ang bawat galaw namin. “So, how long have you been together?” Bigla akong natigilan sa tanong na iyon, pero mabilis na sumalo si Zian. “Mag-iisang taon na po, Mom,” sagot niya, sobrang casual ng tono na parang totoo talaga. Napalunok ako at pilit na ngumiti. Nagpatuloy ang hapunan, at habang abala sa mga kwento ang ibang kamag-anak ni Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang tingin ng ilan sa kanila—kumbinsido at halatang naiintriga, pero may ilan na parang nagdududa pa rin. Maya-maya, biglang may tumayo sa lamesa at nag-toast. “Cong
=Elvira’s Point Of View= Pagkapasok ko sa munting bahay namin ay halos bumagsak ako sa sofa habang hinihingal, hindi dahil sa pagod kundi sa hindi mawala-walang kilig na iniwan ni Zian. Sino ba kasing lalaki ang gagawa ng ganito—bumibili ng babae pero parang… hindi lang ‘yun ang habol? Pinipilit kong alisin siya sa isip ko, pero hindi ko maiwasang maalala ang bawat sulyap, ngiti, at yakap niya ngayong gabi. Habang nakasandal ako sa sofa, biglang tumunog ang cellphone ko. Napataas ang kilay ko nang makita kong si Zian ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag, kunwaring hindi apektado. “Ano na naman?” “Namimiss mo na agad ako, ano?” tanong niya, at ramdam ko ang pagngiwi ko sa kapilyuhan ng boses niya. Para bang sinasadya niyang asarin ako. “Zian, gusto ko na sanang matulog,” sagot ko, pero bago pa ako makapagsalita nang diretso, mabilis siyang sumingit. “Gusto ko lang makasiguro na hindi mo ako iniiyakan d’yan, babe,” sagot niya, at halos marinig ko ang
=Elvira’s Point Of View= “Nandidiri ka ba sa pamamahay namin?” pandidirekta ko na ikinahinto niya. Binitiwan ni Zian ang kamay ko, at tinitigan niya ako nang masinsinan, seryoso at tila may kaunting inis sa mata niya. “Alam mo, Elvira, hindi ko alam kung bakit ang tagal mo pang tumanggi,” nagsimula siya, may bahid ng pagkapikon sa tono niya. “Kung hindi ko pa sasabihin nang direkta, hahayaan mo lang na doon pa rin kayo tumira, sa bahay na parang isang pitik lang, magigiba na.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o talagang iniinsulto niya ang estado ng bahay namin, pero masakit pakinggan. “Ano bang problema sa bahay namin, ha?” sagot ko, pilit na itinatago ang kirot na nararamdaman. “Sanay na kami sa ganun, Zian. Hindi lahat ng tao tulad mo, hindi lahat mayaman at pihikan.” Napailing siya at tumingin sa ibang direksyon, parang hindi siya kuntento sa sagot ko. “Kasi nga, Elvira, hindi lang ikaw ang iniisip ko dito. Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na isipin
=Elvira’s Point Of View= Matapos ang trabaho ay hindi pa rin ako pinapansin ni Zian kaya naisipan kong umuwi mag-isa. Sumakay lang ako sa tricycle at dumeretso sa condo niya. Kailangan ko pa maglinis. Sinuot ko na ang uniporme ko bilang katulong, sakto namang nagkukuskos ako ng marmol sa sink niya nang bumukas ang pinto ng condo niya. Nakauwi na siguro siya. “Elvira!” malakas na tawag niya, mabilis naman akong sumilip. Ngunit nang matanaw ko siya ay salubong na ang kanyang kilay. “Why did you go home alone?” inis na kwestyon niya at ibinaba ang bag sa carpet sa entertainment area niya at lumapit sa akin. “Wala ka naman sinabi na sabay tayo uuwi, isa pa hindi mo ako kinakausap—” “If mom came here by any chance and she saw you wearing that uniform, hindi na siya maniniwala na girlfriend kita. Hindi ka na naman nag-iisip,” singhal niya. “Change.” Sa mabilis niyang utos ay sumunod ako kaagad. Oo nga pala, nawala sa isip ko. “I’m relocating your family,” sabi niya ag
=Elvira’s Point Of View= Kinabukasan ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang sandaling tawagan ako ni Clayn. “Ate! Ate! P-Pinagiba po yung bahay natin! Pinapalayas na po kami ate! A-Ano pong gagawin namin?!” natatarantang tanong ng kapatid ko. Napapikit ako ng mariin. Sinulyapan ko si Zian na nakatitig sa akin habang kumakain ng toast bread. “Tignan mo si mama, pupunta ako diyan mamaya.” Pinatay ko kaagad ang tawag bago ko sinugod si Zian. “You know you’re out of the line right?!” galit na sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon. “Sumagot ka!” sigaw ko pa. Huminga siya ng malalim. “Chill… I’m the type of person who gets what I want, Elle…” naluluha ko siyang tinignan. “K-Kaya umabot ka sa punto na ipinasira mo ang b-bahay namin huh?” gigil na gigil kong usal. Hindi siya nakasagot. “K-Kahit anong gamit walang nakuha sila mama, Zian! Kahit yung gamot ni mama hindi nakuha! Basta-basta mo na lang pina-demolish yung bahay namin!
=Elvira’s Point Of View= Alas diyes na ng gabi at nababalisa ako. Hindi ako sanay na may utang, kahit utang na loob pa ‘yan. N-Natuto na ako. Sariling pamilya nga namin ay pinahiya kami dahil lang sa utang namin na pera sa kanila noong nalugi sa negosyo si papa. Nagsuot ako ng bathrobe matapos maligo. Tanging panty at bra lang ang suot ko. Pumasok ako sa kwarto ni Zian na ikinatigil niya. “What are you doing here?” kwestyon niya agad at pinagkrus ang kanyang braso. Binuksan ko ang tali ng bathrobe dahilan para manlaki ang mata niya nang lumantad sa kanyang harapan ang katawan ko. Umawang ang labi niya at mabilis na iniiwas ang mata sa aking katawan. “What the hell are you doing?” gulat na gulat niyang tanong. “Use my body as payment,” mariing sabi ko. Umawang lalo ang labi niya at napahilot sa sintido. “Putangina.” Rinig kong bulong niya sa sarili at napayuko. “I said I don’t need any payment for it—” “I’m offering you my body! Huwag mo na lang ako ipahiya at tanggihan pa!” g
=Elvira’s Point Of View= Kinaumagahan ay nagising akong masakit ang katawan. Naramdaman ko naman ang bahagyang init na nakapatong sa aking paa. Nangunot ang noo kong nayakap ang sarili nang maalala ang nangyari sa pagitan namin ni Zian kagabi. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakikisamahan at kakausapin. Sobrang ingat kong umalis sa kama at mabilis na dinampot ang bathrobe ko at itinakip sa katawan. Maagap akong lumabas ng kwarto at pagkapasok ko sa banyo ay sinalubong ako ng maligamgam na tubig sa shower. Hinayaan ko iyong tumulo sa buong katawan ko, baka sakali na makabawas iyon sa sakit ng katawan ko. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng pampasok sa OJT namin. Inabot yata ako ng isang oras sa sobrang bagal ko kumilos dahil hindi pa ako sanay. Parang nawasak ang pagkababae ko dahil sa laki ng sandata ni Zian. Ang hapdi! Paglabas ko ng kwarto ay napahinto kaagad ako nang tingin ni Zian ang sumalubong sa akin. Umiwas tingin agad ako. “Sumabay ka na sa akin,” mahina
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka