Last update... Siguro?
"Hoy hindi naman talaga, niloko ba kita ha? Niloko ba kita?" Ngumisi na lang ako at tumango dahilan para halos pitikin niya na naman ang noo niya pero sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi nga ako nangaliwa, kasi kung oo natural sa natural nasa lupa na ako." Isinenyas niya pa ang ibaba kaya tinignan ko 'yon, tumaas ang kilay ko. "Hindi ko naman tinatanong." Sagot ko, namimilosopo. "Anak ng— kailan ka pa naging pilosopo ng sobra ha? Sino nagturo sa'yo niyan, naghiwalay lang tayo lumala na 'yang attitude mo. Mas matanda ako—" "'Di mo sure—" "Huwag ka sanang magka-asawa." Napipikon na turan ni Zai kaya nakangisi akong kumain, ang crab na binigay niya ay kinain ko na rin dahil masarap naman talaga ito. "Mommy! Daddy!" Nalingon namin ng sabay ang panganay naming anak. "Hmm?" Tugon ko dahil may laman ang bibig ko. "Yes 'nak?" Tugon naman ni Zai. "I got a gift, trip to Disney park for family." Nangunot ang noo ko, ibig bang sabihin no'n makakasama ko si Zai na naman doon? Paano ako mak
"But to be honest Lauren, even if you respect that person so much you can still lie, and keep for their own good." Tumaas ang kilay ko. "Yeah?" "Obviously speaking, I respect you yet I lied and keep something from you so—" "Enough with the bluff Zai, let's finish this na 'cause I'm tired." Singhal ko na ikinatahimik niya. "Sometimes, learn when to listen." Dismayadong sabi niya, ang gilid ng labi ay bahagyang nakaangat kaya ngumisi ako. "Yes, but I'm already tired." Naupo ako sa kabilang dulo ng kama at pasimpleng nahiga. Pagkatapos no'n ay dumeretso na kami sa bahay nila Ate Mia, ngunit naabutan namin na tulog na ang mga bata dahil busog naman sila sa mga kinain kanina, itinabi namin ang maleta na dala at tsaka kami dumeretso sa sala. "Want to have some drink?" Anyaya ni Kuya Luke at inilapag sa gitna namin ang botelya ng alak, lumunok ako at tinitigan 'yon. "Sure," kumuha kaagad ng kupita si Zai at binuksan 'yon. "Apat lang tayo? Sama mo si Laze—" "Kingi
"Ang kulit, matulog ka na." Inalalayan niya akong muli pero ngumuso ako at inis na naupo sa unang palapag ng hagdan, pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib at tiningala siya na salubong ang kilay. "Oh?" Tugon niya. "Hindi mo na ako love.." Tumaas ang isang kilay niya at huminga ng malalim na para bang pikon na pikon siya sa sinasabi ko. "Sabi sa'yo, nakakasama ang alak. Kung ano anong inilalabas ng bibig mo na bukas ay ikahihiya mo." Sermon niya kaya naman ng alalayan niya ako ay sinamaan ko ng tingin si Kuya Luke at Ate Mia na pinagtatawanan ako. "Lumalabas ang katotohanan." Gitil nila. "Tseeeeee!" Maktol ko at isinabit ang braso ko sa balikat ni Zai dahilan para pwersahan siyang mapayuko dahil maliit ako. "Lauren. Huwag mo akong akbayan, hindi mo naman abo—" "Shh.." Isinenyas ko pa ang daliri sa bibig. "May sasabihin ako, tara dali." Nakangising sabi ko at akbay akbay pa rin siya. "Lauren, magiging kuba ako—" "Alam mo ba 'di ba noon? Naaalala mo?" Bulong k
Narinig namin ang announcement ng piloto, before take off. We waited until nasa air na kami, at pwede na mag-alis ng safety belts. "Mommy, do they have foods here?" Pabulong na tanong ni Sierah sa akin kaya lumunok ako at sinulyapan si Zai na vibe na vibe sa music niya. "Zai." Tawag ko. Pero hindi niya ako naririnig kaya napairap ako. Hanggang sa lumapit sa amin ang crew na may tulak tulak na trolley. "Good morning ma'am, do you need anything?" Magsasalita sana ako ngunit mukhang kaya na ng panganay kong anak. "May I ask if you have internet connection po or wifi that I can avail?" Nakangiting tanong ng anak ko. "Yes ma'am, here's the password. Anything else ma'am?" The crew asked. "What are the available foods I can eat po? Kasi I'm so hungry." Ngumuso pa si Sierah na ikinangiti ng crew. Pinagsilbihan si Sierah kaya tumayo ako para hanapin ang lavatory dito sa private jet. Pagkatapos gamitin 'yon ay lumabas na ako ngunit napaatras ako kaagad sa gulat ng nasa labas ng
Lauren's Point of View. M-May ibang ibig sabihin ba ang tinuran niya? O-O ako yung nagbibigay ng meaning? Papaano kung yung akala kong panaginip eh ginawa ko pala talaga?! Nakakahiya! Mabilis akong lumabas ng kwarto at sinubukan siyang sundan pero nagulat lang ang mga anak ko. "Kanina pa nakaalis ang daddy niyo?" Tanong ko ngunit si Zian na subo subo ang pacifier ay nakatingala lang sa akin. "Sierah?" "Yes mommy, about 2 minutes? Dad has long legs so I'm sure he's on his way down na po unlike you if—" "Enough." Sita ko ng laitin pa nito ang binti ko, akala ba niya mahaba ang binti niya? Tsk. Bumalik ako sa kwarto at naiiritang naupo sa kama, hindi tuloy ako mapakali. After 15 minutes ay bumalik na siya at mukhang giniginaw pa. "Daddy what did you buy?" Yumakap kaagad si Sierah sa legs ng tatay niya kaya napangiti ako. "Pikachu," wika ni Zai at naupo sa sofa katabi ang mga bata at isa isang ibinalandra ang mga toys, may Pikachu at mga kasama nito. "They are so cu
"Sabihin mo lang kung nanghihina ka.." Pasimple akong nang-aasar at mukhang kanina pa siya pikon na pikon sa akin. We did a few rounds around a city, Sierah and Zian bought what they want and they even remember their friends and cousin. "Mommy, give me your hand since your hand is free." Nangunot ang noo ko at sinunod si Sierah. Habang hawak niya ang kamay ko ay natigilan ako ng pagpalitin niya ang pwesto naming dalawa at itabi ako sa daddy niya, tumaas ang gilid ng labi ko noong sandaling ihawak niya ang kamay ko sa braso ng daddy niya at tsaka pa siya bahagyang lumayo upang tignan 'yon. "I always see Tita Mia, Lola Miyu and Tita Saji doing this to their partners every time I see them, it looks good on both of you mommy, daddy." Ngumiti siya at tsaka siya pumunta sa side ng daddy niya at humawak rito. "U-Uh hehehehe." "Anak hindi kasi namin kayo mababantayan gaano—" "Mommy, I am holding daddy so much I will not get lost and even if I will I have my phone mommy." Sago
Lauren's Point of View. Hindi ko nagawang gumalaw nang sandaling yumuko siya habang nakatitig sa labi ko, tila natuod ako ng magkalapit na ang mukha namin ngunit sa pagpikit ko ay agad akong napamulat ng bitiwan niya ang baba ko at napailing iling akong tinitigan. "Hindi na kita mahal tulad ng dati, Lauren." Biglang sabi niya, kaya napatitig ako sa kaniya. Hindi niya naman siguro kailangang saktan ako ng ganito ka-derekta. "Hindi ka na babalik?" Kwestyon ko. "I don't know." Sagot niya at naupo siya sa kama. "Ayoko ng magdesisyon ng bagay na paniguradong pagsisisihan nating dalawa," hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Iniintindi ko ngayon ang bawat sinasabi niya kahit na pagbuka ng bibig niya ay pinanonood ko. "Hindi ko na kayang makapanakit pa ulit, kasi may mga anak na tayo. Hindi tayo puwedeng magtalo sa harapan nila, hindi tayo pwedeng magsabi ng masasama sa isa't isa. Hindi na tayo, tayo lang kasi may kasama na tayong dalawa." Hindi ako nakasagot sa sinabi
Pigil luha ko siyang tiningala, "I-If you think it's funny that I'm swayed by you, no Zai. It's actually painful to be taken advantage since I'm in love with you." Masama na loob kong sabi. "Y-You're confusing me, you're m-making me think that I still have the chance to be like or love by you. But as I was thinking you're playing with me and it hurts.." Nagmatigas ako pero may tumulo na luha sa pisngi ko dahilan para pahidin ko 'yon kaagad habang siya ay gulat na nakatitig lang sa akin. "Natutuwa ako na ginagawa mo 'yon, pero pinaglalaruan mo 'ko. If only I have the guts to beg for your love, to beg for your attention I would. I would totally ask you to stay, I would totally ask you to just love me, pero hindi ako ganoong klase ng tao na ikukulong ka sa pangangalaga ko pero hindi kita mapasaya." Lumunok ako dahil ngayon nagagawa kong sabihin lahat ng gusto ko. "I wanted to yell at you, ask you why? Why are you like that, why did you give me hope for something that you can't co
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.