The flashback of Zai’s POV.
Nang hanapin niya sa akin ang cellphone niya ng madaling araw ay kinaumagahan inayos ko kaagad, parehas kami ng cellphone type at dahil nga may laman raw ang bank account niya noon through online ay inayos ko na rin 'yon. Nang magising siya ay inabot ko sa kaniya 'yon. Nag-ayos naman na siya ngunit halos madulas ako sa sariling paa ng bumalik siya sa banyo nagmamadali, hindi ko napigilan ang sariling sumunod. "What's wrong?" Halos napahiya ako ng mautal pa, gulat niya naman ako na tinignan. "Morning sickness.." She answered that made me swallow hard, I diverted my gaze and left the bathroom. Calm down Zai, you're being too obvious. As she change clothes, Nag-alala ako kaagad dahil sobrang tagal niya. "What?" Kwestyon ko at tsaka ko inabot ang relos na napili bago isinuot 'yon sa sarili ko. At dahil nga wala siyang maisuot ay ngumiwi ako at dumampot sa part ng closet ko at inabot sa kaniya ang shirt. "Wear that first." Itinuro ko pa ang hawak niya bago ko siya tinalikuran at
After operation, dumeretso ako sa isang skin dermatologist dito sa ospital then I asked for her advice for chapped palms. "Do you prefer local brands or imported brands? If your wife loves flowery fragrances go to imported brands. If citrus local," she suggested that gave me hard time to think. "She likes everything that's a gift, but she's pregnant." Mahinahon na sabi ko, napaisip ang dermatologist at tsaka siya tumayo at pumunta siya sa cabinets where a lot of boxes was there and she came back with the two. "Pregnants love flower fragrances so I advice you to take this, safe and effective." Matipid akong ngumiti at tinignan 'yon. "Thanks doc." I stated before handing over my card and she handed me the paper bag, it was so plain that I don't like it. So after that I decided to go outside to find stationary so I could find beautiful paper bag. As I bought one, sinundo ko na din si Sierah sa bahay nila Luke at sabay kaming bumalik sa hotel. "Is that for mommy daddy?" Tanong
Zai's Point of View. Tahimik akong lumabas ng kwarto ngunit nanlaki ang mata ko ng makitang kakain na ng papaya si Lauren and I was carried away, "Are you stupid huh?" Galit na tanong ko at bahagyang tumaas ang boses ngunit ang tibok ng puso ko ay sobrang bilis. "O hindi ka talaga nag-iisip Lauren?" Hindi ko mapigilan ang sarili. Halata namang natakot siya but I was so worried. "Kumain ka na ba nito?" Pinaghawak niya ang kamay at napayuko, "yung totoo." Mariing sabi ko, nang sumagot siya ay nakahinga ako ng maluwag. "Wash your hands, and get inside the room." Gusto kong sapuin ang noo, "Now." I added and she immediately followed me kung kaya't nakahinga ako ng maluwag at napahilamos sa sariling mukha. It can make her baby away, at kung hindi ko man anak 'yung bata na 'yon? It's fine pero hindi ako mamamatay tao. Anak niya 'yon at kahit hindi galing sa akin nag-aalala ako. Naglakad na ako patungo sa kwarto at hindi siya kumibo, galit siya sa akin panigurado. Madamdamin
Everything went well, it's our calmest conversation this day. Nang makauwi ay sinabihan rin ako ni Shane kaya naman ng makaalis siya ay nilingon ko si Lauren. Sinabi ko sa kaniya na mawawala ako next week, at isang linggo rin. Dumating na ang araw ng pagpunta ko sa city hospital, I was about to enter the hospital but then I felt something off. Papasok na sana ako ngunit wala pa man ay naramdaman ko ang pagtama ng matulis na bagay sa leeg ko hanggang sa maramdaman ko ang sariling hilo. Naalimpungatan ako ng marinig ang mala-demonyong tawa dahilan para magmulat ako, I was about to move but I am tied. "What do you need?" Walang ano ano ay iyon kaagad ang itinanong ko. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan ka? O hindi kaya bakit ka namin ginawang dakipin sa pinakamalalang paraan?" Nagbibirong sabi ng lalake kaya ngumiwi ako. "Wala akong oras, what do you want?" Inis na sabi ko. "You know that I can escape in this situation right? If you want my life, you should take i
They turned on the music but to my surprise, David Cook Always be my baby ang tumunog, maganda talaga yung kanta, natutuwa ako na naririnig ko siya pero hindi ako natutuwa na inaasar ako ni Luke dahil hindi ko mapigilang ngumiti. "Kita mo nga naman—" "Tumahimik ka na lang, ang daldal mo gago." Inis na sabi ko dahilan para matawa siya. Nang marinig kong kantahin 'yon sa mahinang paraan ni Lauren ay gusto kong pumikit upang mas marinig ko pa siya, of course we're always one babe. After the teasing game, bumaba na rin kami dahil malapit na. Maganda nga yung site, worth the money dahil maganda din ang view na makikita mo. Habang busy akong tinitignan ang site ay nagulat ako ng biglang pasigaw na tawagin ni Lauren ang pangalan ko. Nilingon ko siya kaagad ngunit nakita ko ang isang hulma ng lalake sa kalayuan, nang mapansin ang baril ay hihilain ko na sana si Lauren ngunit mabilis na humarang si Traise. No, hindi dapat! Napakurap ako ng tumama na ang bala sa katawan niya
"Wala man lang peklat ang balat mo 'no? Nasaan na yung mga tama ng baril noon sa katawan mo?" Malakas na loob na tanong nito kaya ngumiwi ako. "Naalis na, hindi na muli akong tinamaan pa ng bala ng baril." Pagsasabi ko ng totoo. "Subukan natin?" Ngumisi ako sa hamon niya. "Bakit hindi mo subukan?" Kwestyon ko. "Hindi pwede, baka gusto mong simutin ka ni boss?" Bulong ng isa, nagpapaalala. Kaya naman ng simulan na nila ang bugbog sa akin ay daing daing na lang ang ginawa ko, nakakapanghina. "Gusto ko sanang bigyang ukit ang likod mo pwede ba?" Paalam pa lang niya ngunit bumaon na ang blade sa balat ko dahilan para mahina at pasimple akong dumaing. "Ah!" Sigaw ko ng mabilis na guhit ang ginawa niya. Maluha luha ko silang tinignan, tangina. Hanggang kailan ba nila gagawin 'to? Nang maligayahan sila ay ibinagsak nila ako sa sofa kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang missed call ni Lauren sa akin, kahit masakit ang katawan ay tumayo ako at
"S-Si Luke, medyo tanggap ko pa eh kasi nauna talaga si Mia. Sa tingin ko mas nagkagusto nga ako kay Luke pero ikaw, ikaw ang hirap mong kalimutan." Huminga ako ng malalim, naiintindihan ko naman ang tinutukoy niya. Naiintindihan ko talaga kung saan siya nanggagaling. Nagkagusto rin ako kay Mia na mas matagal kong kilala at matagal kong nakasama pero mas masakit pa rin yung pag-alis ni Lauren noon, kesa sa pag tanggap ko noon kay Mia. It's not about being who's first, it's not measurable, kung mahal mo masasaktan at masasaktan ka sa kahit anong paraan pa man 'yan. "Akala ko makaka-move on ako sa'yo dahil hindi naman ikaw yung lalakeng una kong ginusto, hindi lang ikaw pero ito ilang buwan na akong nawala gusto pa rin kita." Huminga ako ng malalim ngunit halos mapadaing ako ng sumabit siya sa akin at halikan ako sa labi. Hindi ko siya nagawang itulak agad dahil sa natamo ng katawan ko, sobrang sakit para akong lalagnatin. Bago pa man ay naitulak ko na siya at ilang minuto ay
Nang lumuha siya ay wala talaga ako sa sarili, wala akong naiintindihan sa lahat. Dahil siguro hindi ako ang nagtakbo sa kaniya rito sa ospital. "Lauren, I'm sorry." Bulong ko. "Manganganak akong mag-isa, hindi kita kailangan." Malamig niyang sabi dahilan para manlumo ako, sa susunod na baby wala pa rin ako sa tabi niya. Ngunit ang pakiusap ko ay hindi nangyari kaya lumabas na lang ako ng labor room dahil ayoko na ma-stress pa siya dahil sa akin, I stayed with Luke that is glaring at me. Habang nakatayo ay lumabas si Mia upang sabihin na nasa delivery room na si Lauren na nagbigay mg kakaibang kaba sa dibdib ko, pinahid ko ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko ngunit ng hawakan ni Luke ang pulsuhan ko ay natigilan ako. "Bakit ka may pasa rito? Saan ka ba talaga galing? Anong hindi ka makalakad?" Naitikom ko ang bibig at tinitigan si Luke, umiling ako at binawi ang pulso ko. "A little accident, hindi naman malala. N-Nahulog ako sa hagdan kasi late na ako," wika ko.
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “