Happy reading. Zai’s POV po ‘yan, means pinakikita ko po sa inyo yung naramdaman, at nasa isip ng ating male lead na si Zai Garcia. Enjoy!
Everything went well, it's our calmest conversation this day. Nang makauwi ay sinabihan rin ako ni Shane kaya naman ng makaalis siya ay nilingon ko si Lauren. Sinabi ko sa kaniya na mawawala ako next week, at isang linggo rin. Dumating na ang araw ng pagpunta ko sa city hospital, I was about to enter the hospital but then I felt something off. Papasok na sana ako ngunit wala pa man ay naramdaman ko ang pagtama ng matulis na bagay sa leeg ko hanggang sa maramdaman ko ang sariling hilo. Naalimpungatan ako ng marinig ang mala-demonyong tawa dahilan para magmulat ako, I was about to move but I am tied. "What do you need?" Walang ano ano ay iyon kaagad ang itinanong ko. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan ka? O hindi kaya bakit ka namin ginawang dakipin sa pinakamalalang paraan?" Nagbibirong sabi ng lalake kaya ngumiwi ako. "Wala akong oras, what do you want?" Inis na sabi ko. "You know that I can escape in this situation right? If you want my life, you should take i
They turned on the music but to my surprise, David Cook Always be my baby ang tumunog, maganda talaga yung kanta, natutuwa ako na naririnig ko siya pero hindi ako natutuwa na inaasar ako ni Luke dahil hindi ko mapigilang ngumiti. "Kita mo nga naman—" "Tumahimik ka na lang, ang daldal mo gago." Inis na sabi ko dahilan para matawa siya. Nang marinig kong kantahin 'yon sa mahinang paraan ni Lauren ay gusto kong pumikit upang mas marinig ko pa siya, of course we're always one babe. After the teasing game, bumaba na rin kami dahil malapit na. Maganda nga yung site, worth the money dahil maganda din ang view na makikita mo. Habang busy akong tinitignan ang site ay nagulat ako ng biglang pasigaw na tawagin ni Lauren ang pangalan ko. Nilingon ko siya kaagad ngunit nakita ko ang isang hulma ng lalake sa kalayuan, nang mapansin ang baril ay hihilain ko na sana si Lauren ngunit mabilis na humarang si Traise. No, hindi dapat! Napakurap ako ng tumama na ang bala sa katawan niya
"Wala man lang peklat ang balat mo 'no? Nasaan na yung mga tama ng baril noon sa katawan mo?" Malakas na loob na tanong nito kaya ngumiwi ako. "Naalis na, hindi na muli akong tinamaan pa ng bala ng baril." Pagsasabi ko ng totoo. "Subukan natin?" Ngumisi ako sa hamon niya. "Bakit hindi mo subukan?" Kwestyon ko. "Hindi pwede, baka gusto mong simutin ka ni boss?" Bulong ng isa, nagpapaalala. Kaya naman ng simulan na nila ang bugbog sa akin ay daing daing na lang ang ginawa ko, nakakapanghina. "Gusto ko sanang bigyang ukit ang likod mo pwede ba?" Paalam pa lang niya ngunit bumaon na ang blade sa balat ko dahilan para mahina at pasimple akong dumaing. "Ah!" Sigaw ko ng mabilis na guhit ang ginawa niya. Maluha luha ko silang tinignan, tangina. Hanggang kailan ba nila gagawin 'to? Nang maligayahan sila ay ibinagsak nila ako sa sofa kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang missed call ni Lauren sa akin, kahit masakit ang katawan ay tumayo ako at
"S-Si Luke, medyo tanggap ko pa eh kasi nauna talaga si Mia. Sa tingin ko mas nagkagusto nga ako kay Luke pero ikaw, ikaw ang hirap mong kalimutan." Huminga ako ng malalim, naiintindihan ko naman ang tinutukoy niya. Naiintindihan ko talaga kung saan siya nanggagaling. Nagkagusto rin ako kay Mia na mas matagal kong kilala at matagal kong nakasama pero mas masakit pa rin yung pag-alis ni Lauren noon, kesa sa pag tanggap ko noon kay Mia. It's not about being who's first, it's not measurable, kung mahal mo masasaktan at masasaktan ka sa kahit anong paraan pa man 'yan. "Akala ko makaka-move on ako sa'yo dahil hindi naman ikaw yung lalakeng una kong ginusto, hindi lang ikaw pero ito ilang buwan na akong nawala gusto pa rin kita." Huminga ako ng malalim ngunit halos mapadaing ako ng sumabit siya sa akin at halikan ako sa labi. Hindi ko siya nagawang itulak agad dahil sa natamo ng katawan ko, sobrang sakit para akong lalagnatin. Bago pa man ay naitulak ko na siya at ilang minuto ay
Nang lumuha siya ay wala talaga ako sa sarili, wala akong naiintindihan sa lahat. Dahil siguro hindi ako ang nagtakbo sa kaniya rito sa ospital. "Lauren, I'm sorry." Bulong ko. "Manganganak akong mag-isa, hindi kita kailangan." Malamig niyang sabi dahilan para manlumo ako, sa susunod na baby wala pa rin ako sa tabi niya. Ngunit ang pakiusap ko ay hindi nangyari kaya lumabas na lang ako ng labor room dahil ayoko na ma-stress pa siya dahil sa akin, I stayed with Luke that is glaring at me. Habang nakatayo ay lumabas si Mia upang sabihin na nasa delivery room na si Lauren na nagbigay mg kakaibang kaba sa dibdib ko, pinahid ko ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko ngunit ng hawakan ni Luke ang pulsuhan ko ay natigilan ako. "Bakit ka may pasa rito? Saan ka ba talaga galing? Anong hindi ka makalakad?" Naitikom ko ang bibig at tinitigan si Luke, umiling ako at binawi ang pulso ko. "A little accident, hindi naman malala. N-Nahulog ako sa hagdan kasi late na ako," wika ko.
"Tangina, ang lala oh! Tapos patuloy pa rin nilang ginagawa? Tangina bro. Iisang libo ba akong mura para lang matauhan ka na mas nakakatakot ako kesa sa mga bobong 'yon?" Ngumiwi ako at nagsuot na ng damit. "All this time Lauren is thinking bad about you! Pero kapakanan niya ang iniisip mo, natiis mo 'yon?" Huminga ako ng malalim at napaiwas tingin. "Okay lang, ayos lang sa akin basta hindi siya mapasama. The sex scandal will ruin her career her dream career as a teacher." Natahimik aila ng maunawaan ang sinabi ko. Tumulong sila sa paghahanap sa mastermind at kung papaano maibabagsak ang video upang tuluyan na itong mawala. Hanggang sa dumaan ang limang buwan ay may number lang na tumawag sa akin. "I'll turn down the video, I'll help you hack it. So you could capture the rapist of your wife. I've done my part." Malamig na boses 'yon at magsasalita pa lang sana ako ngunit namatay na ang tawag. Sino 'yon? Bakit niya ako tutulungan? Bakit niya alam? Even though it's hard
Lauren's Point of View. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ng magulang ni Zai sa akin, I was so out of it hindi ko maintindihan. Sacrifice such as? Damn my thoughts are shattered, can't build it up. "I'm home anak— oh." Nagulat si Zai ng makita ako kaya naman umayos ako ng tayo. "I thought you're Sierah," umirap ako ng kumatok siya sa kwarto ng anak while holding a plastic on his right hand. "Daddy," bati ni Sierah. "For you," inabot niya 'yon at ng buklatin ng anak ko ay tuwang tuwa ito. "Thanks daddy!" Masayang sabi ni Sierah. "Kainin mo na habang malamig pa," utos ni Zai. Nang lumingon siya sa akin ay nangunot ang noo niya. "Akala ko ba hindi ka uuwi ngayong gabi?" Tanong ko. "Babalik rin ako sa ospital mamayang 10, don't worry." Bago pa man siya pumasok sa kwarto ay humarang ako doon. "I told you not to enter my room—" "Stop being childish, kwarto pa rin natin 'to." Mahinahon na sabi niya kaya umirap ako at napagilid ng pumasok siya, laki laking tao ta
"Is that my brother?" Nang sabihin niya 'yon ay napalunok ako at natigilan dahil sumaya ang mukha niya. "He's alive mommy? He's Ian Zachary?" Pasimple akong umiling. "It's Tito Traise nephew." Sagot ko. Ngumuso si Sierah at lumapit para tignan ang baby. "He's cute." Bulong ni Sierah. "I miss my baby brother," nakangusong sabi niya kaya napaiwas tingin ako at nilagay sa bibig ng bata ang maliit na bote dahilan para dedehan niya ito. "I'm sorry for bothering you guys, hindi ko talaga alam mag-alaga ng bata." Mahinahon na sabi ni Traise. "Ayos lang," sagot ko. The baby have little hairs na rin and his eye is open already. "What's his name?" Tanong ko. "Hindi ko rin alam sa totoo lang, tulog kasi ako ng iniwan ng pinsan ko sa kwarto parang timang kasi." Ngumisi ako at hinaplos ang ulo ng bata. Ngunit natigilan ako ng mangamoy bigla, "don't tell me hindi mo pa pinapalitan ang diaper niya?" Kwestyon ko. "Hindi ko alam," sagot niya kaya ngumiwi ako. "Nasaan an
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.