Kahit anong paninira ni dad kay Markus, hindi ako maniniwala. May tiwala ako kay Markus. Hindi niya ako basta ginamit lang. Naramdaman ko ang pag-aalala niya sa akin. Kaya nga ako...nahulog sa kanya.Nagkulong ako sa kwarto ko hanggang kinabukasan. Hindi na talaga ako nagpapilit na kumain o lumabas. Wala si dad dahil nasa business trip siya kaya si mommy lang ang nangungulit sa akin. Pero hindi katulad ni dad ay mas mabilis sumuko si mommy.Bukas na ang flight ko papuntang states. Wala pa rin akong ibang plano kundi ang tumakas dito sa bahay. Pero paano ako makakarating sa probinsya? Wala akong pera at for sure malalaman kaagad nila dad kapag ginamit ko ang cards ko.I sighed. I grabbed my laptop and opened my social media accounts. Hindi kami madalas mag-usap ni Markus sa chat dahil hindi siya active dito. Pero susubukan ko pa rin. Hopefully, mabasa niya agad.To Markus:I want to see you. Let’s meet. Puntahan mo ‘ko, please. Bukas na ang flight ko papuntang states.I hit send and
I was awakened when I smell a familiar aroma of coffee. My eyes slowly opened and I was greeted by the handsome man in front of me. He was smiling from ear to ear while showing me the cup of coffee in his hand. “I couldn't wake you up so I just bought a coffee and let it do its job,” he said.Hindi ko naman mapigilang matawa. Alam na alam niyang magigising talaga ako sa amoy ng kape. Iyon lang ang paraan para magising ako nang hindi sumasama ang loob ko.I could never say no to a coffee. Whenever I’m in a bad mood, it can always make me feel better. “Thank you,” I told him.Inilapag niya sa mesa ang hawak niyang tasa bago naupo sa tabi ko. Ako naman ay nagpatuloy sa binabasa kong reviewer dahil final exams na namin next week. I took a sip of coffee and sighed. It tasted good.“How's your day? You should take a rest for a while,” he said.Sumandal ako sa balikat niya at agad siyang umakbay sa akin. Napangisi ako. It was like a mannerism for us. Whenever I'm leaning on his shoulder,
“Congratulations, anak! We're so proud of you!” mommy greeted me.Lumipad siya papunta dito sa states para sa graduation ko. Kahit sobrang busy nila sa work, palagi silang uma-attend sa mga important event ko dito. And that's more than enough.However, hindi nakasama si dad dahil may inaasikaso raw sa company. Actually hindi ko pa nasasabi sa kanila na balak kong bumalik sa Pilipinas. Kami pa lang ni Calvin ang nakakaalam ng plano na ‘yon.“Thank you, mommy. Sayang po wala si dad,” sabi ko. Pansin ko ang pagbabago ng reaksyon ni mommy. Alam ko kaagad na may matindi talagang problema. “Mom, may hindi ka po ba sinasabi sa ‘kin?” tanong ko. Ngumiti si mommy bago umiling. “Next time na lang, Savrinna. I don't want to ruin your graduation day. Nasa'n nga pala si Calvin? Hindi ba siya pupunta?”Alam kong sinasadyang baguhin ang usapan kaya hindi na muna ako namilit pa. Sakto namang dumating din si Calvin at may dala na naman siyang bulaklak.“Hi, love. Congratulations!” he greeted me.I
It took a few more convincing before dad finally agreed to see our family doctor. He was as stubborn as me so now I understood where did I get this attitude of mine.Kung hindi ko pa siya in-assure na walang mangyayari sa company ay hindi pa siya papayag. Although aki mismo ay natatakot din na baka hindi ko maisalba ang business natin. Napag-alaman ko na may isang contractor na gumamit ng substandard materials sa isang project ng company. Nagnananakaw siya ng pera at nalagay sa alanganin ang project. Luckily, nahuli kaagad siya bago pa tuluyang maubos ang funds ng company namin.Iyon nga lang, nadungisan ang reputasyon ng kompanya. Iyong ibang investors nawalan kaagad ng tiwala sa amin. Of course, kapag nagkaroon ng mantsa ang malinis mong pangalan, marami na ang magdududang magtiwala sa ‘yo.“Please, Mr. Torrente, I can assure you that this kind of problem won't happen again. I will talk to all of our contractors and staff. I will make them submit all the documents to make sure that
I wasn't really expecting something when I came back here. I really didn't want to see him again. I wasn't planning on reconnecting with him. But then, this happened. Dahil sa mga sinabi ni lola, gusto ko siyang kausapin ulit. Gusto ko lang intindihin kung bakit nagawa niyang iwan ang mga magulang na nag-ampon sa kanya.Ilang taon siyang kinupkop. Binigyan ng magandang buhay at minahal. Tapos basta-basta niya lang itatapon ‘yon.But then even though I have so many questions in mind, all of those vanished when I saw him. With the person I never expected him to be with. Sa harap ng bahay niya ay nag-uusap sila ni Gretta. Yes, si Gretta. Pero hindi na siya iyong Gretta na katulad noon. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon.She looked...mature. The way she dressed? Sobrang galing niya ng magdala ng damit ngayon. At hindi na rin siya naka-glasses. Ang buhok niya ay tuwid at nakalugay. At mas mukha siyang confident ngayon.She really glowed up a lot. Those five years have changed her so we
“I was never a Dela Vega. And I will never want to be a Dela Vega.” Hindi ako nakakibo. Ramdam ko ang pait sa sinabi niya. Para bang sobrang tindi ng galit niya at sama ng kanyang loob sa pagiging Dela Vega. I scoffed. “Why? Dahil nalaman mong mas mayaman ang family mo? Dahil sa pera? Akala ko ba hindi ka interesadong makilala sila?”“People changed, Savrinna. Like you, right? Pumunta ka sa bahay kahapon pero tinakbuhan mo si Bella.”Natigilan ako sa sinabi niya. So, nakita niya pala talaga ako? Pero hindi naman siya sumunod sa akin. At bakit naman siya susunod? Kasama niya nga pala si Gretta kaya malamang hindi niya ako susundan.At bakit ako nadidismaya? Wala akong pakialam. “So what? Napadaan lang ako doon dahil naglibot-libot ako sa lugar,” pagdadahilan ko.Ngumisi siya. “Napadaan? But you stood in front of my gate for almost ten minutes. Sumisilip ka pa sa loob. Minamanmanan mo ba ang bahay ko o may hinahanap ka?”I was too stunned to speak. Then I realized, he must have seen
Hindi ko alam kung ilang beses pa ba akong magugulat sa pagbabalik ko dito. Mula noong nalaman kong nagpalit ng apelyido si Markus, hanggang dito sa pagbabago ni Gretta, nagugulat ako.Bakit gano'n? Paano nauwi sa ganito ang lahat?“He used me. Do you think he can't do that to you as well? He’s a user. And for sure, gagamitin ka lang din niya,” mariin kong sambit.She stared at me for a while then she shook her head. “You’re saying that because you're still hurting. Bitter ka pa sa nangyari. He used you because of your father, right? But then, if he wants to use me, I will let him.”I was stunned again. She was so fierce. So confident. Sigurado siya sa bawat salitang binigkas niya. “You like him that much?” I asked.She nodded. “Yes. And I can do everything for him. Iyong mga bagay na hindi mo kayang gawin dahil duwag ka.”I gritted my teeth even more. She was getting in to my nerves real quick. “Leave,” I muttered. Bahagya siyang natawa. “Pikon ka? Sorry. Nagsasabi lang ako ng tot
Days passed by like a blur and just when I thought that I everything was finally falling into place, I was hit by a sudden realization. I really couldn't do this alone. Hindi ko pala talaga kayang isalba ang business namin. Siguro kung pinagtuunan ko ng pansin ito mula pa noong bata ako, baka mas marami akong nalaman ngayon. Pero kahit business major graduate ako, hindi naman ako nagseryoso sa pag-aaral ko. I admit, I just took business major just to please my parents. I never took it seriously. Yes, I passed all my exams but...my heart was really into arts.Kaya ngayong may kinakaharap na problema ang company namin, hirap na hirap akong mag-come up ng mga plano. Am I weak? Yes. Napanghihinaan talaga ako ng loob. Idagdag pa na may sakit si dad at palagi ko siyang inaalala. Nakaharap ako sa laptop ko ngayon kahit wala naman akong ginagawa. Kanina pa tapos ang meeting ko kasama ang members ng board pero hindi pa ako lumalabas ng meeting room. Pakiramdam ko natutuyo ang utak ko. Na