It took a few more convincing before dad finally agreed to see our family doctor. He was as stubborn as me so now I understood where did I get this attitude of mine.Kung hindi ko pa siya in-assure na walang mangyayari sa company ay hindi pa siya papayag. Although aki mismo ay natatakot din na baka hindi ko maisalba ang business natin. Napag-alaman ko na may isang contractor na gumamit ng substandard materials sa isang project ng company. Nagnananakaw siya ng pera at nalagay sa alanganin ang project. Luckily, nahuli kaagad siya bago pa tuluyang maubos ang funds ng company namin.Iyon nga lang, nadungisan ang reputasyon ng kompanya. Iyong ibang investors nawalan kaagad ng tiwala sa amin. Of course, kapag nagkaroon ng mantsa ang malinis mong pangalan, marami na ang magdududang magtiwala sa ‘yo.“Please, Mr. Torrente, I can assure you that this kind of problem won't happen again. I will talk to all of our contractors and staff. I will make them submit all the documents to make sure that
I wasn't really expecting something when I came back here. I really didn't want to see him again. I wasn't planning on reconnecting with him. But then, this happened. Dahil sa mga sinabi ni lola, gusto ko siyang kausapin ulit. Gusto ko lang intindihin kung bakit nagawa niyang iwan ang mga magulang na nag-ampon sa kanya.Ilang taon siyang kinupkop. Binigyan ng magandang buhay at minahal. Tapos basta-basta niya lang itatapon ‘yon.But then even though I have so many questions in mind, all of those vanished when I saw him. With the person I never expected him to be with. Sa harap ng bahay niya ay nag-uusap sila ni Gretta. Yes, si Gretta. Pero hindi na siya iyong Gretta na katulad noon. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon.She looked...mature. The way she dressed? Sobrang galing niya ng magdala ng damit ngayon. At hindi na rin siya naka-glasses. Ang buhok niya ay tuwid at nakalugay. At mas mukha siyang confident ngayon.She really glowed up a lot. Those five years have changed her so we
“I was never a Dela Vega. And I will never want to be a Dela Vega.” Hindi ako nakakibo. Ramdam ko ang pait sa sinabi niya. Para bang sobrang tindi ng galit niya at sama ng kanyang loob sa pagiging Dela Vega. I scoffed. “Why? Dahil nalaman mong mas mayaman ang family mo? Dahil sa pera? Akala ko ba hindi ka interesadong makilala sila?”“People changed, Savrinna. Like you, right? Pumunta ka sa bahay kahapon pero tinakbuhan mo si Bella.”Natigilan ako sa sinabi niya. So, nakita niya pala talaga ako? Pero hindi naman siya sumunod sa akin. At bakit naman siya susunod? Kasama niya nga pala si Gretta kaya malamang hindi niya ako susundan.At bakit ako nadidismaya? Wala akong pakialam. “So what? Napadaan lang ako doon dahil naglibot-libot ako sa lugar,” pagdadahilan ko.Ngumisi siya. “Napadaan? But you stood in front of my gate for almost ten minutes. Sumisilip ka pa sa loob. Minamanmanan mo ba ang bahay ko o may hinahanap ka?”I was too stunned to speak. Then I realized, he must have seen
Hindi ko alam kung ilang beses pa ba akong magugulat sa pagbabalik ko dito. Mula noong nalaman kong nagpalit ng apelyido si Markus, hanggang dito sa pagbabago ni Gretta, nagugulat ako.Bakit gano'n? Paano nauwi sa ganito ang lahat?“He used me. Do you think he can't do that to you as well? He’s a user. And for sure, gagamitin ka lang din niya,” mariin kong sambit.She stared at me for a while then she shook her head. “You’re saying that because you're still hurting. Bitter ka pa sa nangyari. He used you because of your father, right? But then, if he wants to use me, I will let him.”I was stunned again. She was so fierce. So confident. Sigurado siya sa bawat salitang binigkas niya. “You like him that much?” I asked.She nodded. “Yes. And I can do everything for him. Iyong mga bagay na hindi mo kayang gawin dahil duwag ka.”I gritted my teeth even more. She was getting in to my nerves real quick. “Leave,” I muttered. Bahagya siyang natawa. “Pikon ka? Sorry. Nagsasabi lang ako ng tot
Days passed by like a blur and just when I thought that I everything was finally falling into place, I was hit by a sudden realization. I really couldn't do this alone. Hindi ko pala talaga kayang isalba ang business namin. Siguro kung pinagtuunan ko ng pansin ito mula pa noong bata ako, baka mas marami akong nalaman ngayon. Pero kahit business major graduate ako, hindi naman ako nagseryoso sa pag-aaral ko. I admit, I just took business major just to please my parents. I never took it seriously. Yes, I passed all my exams but...my heart was really into arts.Kaya ngayong may kinakaharap na problema ang company namin, hirap na hirap akong mag-come up ng mga plano. Am I weak? Yes. Napanghihinaan talaga ako ng loob. Idagdag pa na may sakit si dad at palagi ko siyang inaalala. Nakaharap ako sa laptop ko ngayon kahit wala naman akong ginagawa. Kanina pa tapos ang meeting ko kasama ang members ng board pero hindi pa ako lumalabas ng meeting room. Pakiramdam ko natutuyo ang utak ko. Na
“May I have this dance, love?”Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at iginiya niya ako patayo. Inilagay niya sa kanyang balikat ang mga kamay ko habang nasa beywang ko ang mga kamay niya.We danced slowly through the slow rhythm of the music. My heart felt at peace. Para bang mabagal at tama ang nangyayari sa paligid ko. Hindi ko alam kung paano pero sobrang kalmado ng lahat.“Love, I want you to close your eyes,” he said.Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Pero dahil may tiwala ako sa kanya ay ginawa ko pa rin. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin pero nanatili akong nakapikit.“Open your eyes now, baby.”Dahandahan akong dumilat at agad akong napasinghap nang makita ko siyang nakaluhod sa harapan ko. May hawak siyang maliit na box kung saan may kumikinang na singsing. Natutop ko ang aking bibig habang tinititigan siya. “Calvin..." I muttered his name.He smiled but his eyes were glistened with tears. “Baby, I love you and I hope you know that. I’ve been dreaming about
Habang mas iniisip ko ang desisyon ko, mas lalo akong naguguluhan. Mas lalo kong hindi maintindihan ang sarili ko. Kung tama pa ba ang ginawa kong desisyon o kung mali.I rejected his proposal. Because I wasn't ready yet. But then, is that really the only reason?Of course, that's the only reason. Wala na akong ibang dahilan. Hindi ko dapat pagdudahan ang sarili ko. That's it.Pilit kong itinatak sa isip ko na iyon ang nag-iisa kong dahilan. Pinilit kong paniwalain ang sarili ko. Dahil ayaw kong mag-isip pa ng ibang rason. Besides, sobrang daming mas importanteng bagay na dapat kong harapin ngayon. Ang company, specifically iyong mga investors and shareholders na ayaw magpapigil, at si dad. Ilang araw nawala sa isip ko ang tungkol sa proposal ni Calvin. Hindi na rin ulit nagtanong si mommy tungkol doon dahil si dad ang madalas naming pag-usapan kapag tumatawag siya. Today is the fourth day after Calvin proposed to me. And I haven't seen him since then. No calls, no messages. Ayaw
“Kung ayaw nila akong mag-set ng appointment, then pupunta ako doon para harapin ang CEO nila.”Nakita kong nagulat si Miss Chavit sa sinabi ko. Alam kong iniisip niyang padalos-dalos ako sa desisyon ko ngayon pero wala na talaga akong maisip na gagawin. “Pero po mahigpit sila sa pagpapapasok nang walang appointment, Miss Savrinna. Baka po hindi kayo papasukin do'n,” sabi niya.Natigilan ako saglit. Hindi ko alam ang tungkol doon. “I don't care. Pumunta din dito ang CEO nila nang walang appointment kaya babawi lang ako,” sagot ko kahit na ang totoo ay nagdadalawang-isip na ako ngayon.But then, I am Savrinna Dela Vega. A Dela Vega. Hindi nila ako pwedeng pagbawalan na kausapin ang amo nilang kinupkop ng pamilya ko. “Ano po bang gagawin mo do'n? ‘Di ba po pinaalis n'yo siya no'ng pumunta siya dito? Nagbago na po ba ang isip mo?”Tinitigan ko siya at pansin kong bahagya siyang natakot. Kaya bumuntonghininga ako. “I did a mistake. I underestimated the things that he could do to save