Habang mas iniisip ko ang desisyon ko, mas lalo akong naguguluhan. Mas lalo kong hindi maintindihan ang sarili ko. Kung tama pa ba ang ginawa kong desisyon o kung mali.I rejected his proposal. Because I wasn't ready yet. But then, is that really the only reason?Of course, that's the only reason. Wala na akong ibang dahilan. Hindi ko dapat pagdudahan ang sarili ko. That's it.Pilit kong itinatak sa isip ko na iyon ang nag-iisa kong dahilan. Pinilit kong paniwalain ang sarili ko. Dahil ayaw kong mag-isip pa ng ibang rason. Besides, sobrang daming mas importanteng bagay na dapat kong harapin ngayon. Ang company, specifically iyong mga investors and shareholders na ayaw magpapigil, at si dad. Ilang araw nawala sa isip ko ang tungkol sa proposal ni Calvin. Hindi na rin ulit nagtanong si mommy tungkol doon dahil si dad ang madalas naming pag-usapan kapag tumatawag siya. Today is the fourth day after Calvin proposed to me. And I haven't seen him since then. No calls, no messages. Ayaw
“Kung ayaw nila akong mag-set ng appointment, then pupunta ako doon para harapin ang CEO nila.”Nakita kong nagulat si Miss Chavit sa sinabi ko. Alam kong iniisip niyang padalos-dalos ako sa desisyon ko ngayon pero wala na talaga akong maisip na gagawin. “Pero po mahigpit sila sa pagpapapasok nang walang appointment, Miss Savrinna. Baka po hindi kayo papasukin do'n,” sabi niya.Natigilan ako saglit. Hindi ko alam ang tungkol doon. “I don't care. Pumunta din dito ang CEO nila nang walang appointment kaya babawi lang ako,” sagot ko kahit na ang totoo ay nagdadalawang-isip na ako ngayon.But then, I am Savrinna Dela Vega. A Dela Vega. Hindi nila ako pwedeng pagbawalan na kausapin ang amo nilang kinupkop ng pamilya ko. “Ano po bang gagawin mo do'n? ‘Di ba po pinaalis n'yo siya no'ng pumunta siya dito? Nagbago na po ba ang isip mo?”Tinitigan ko siya at pansin kong bahagya siyang natakot. Kaya bumuntonghininga ako. “I did a mistake. I underestimated the things that he could do to save
I could feel my heart beat drumming inside my chest. Habang nakatingin ako sa kanya, wala akong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko.Dahil siguro sa kahihiyan kaya ganito ako kabahan ngayon. “What are you doing here, Miss Dela Vega? Did you sneak inside our building? Maybe I should call the security—”“I need your help.”Natigilan siya nang magsalita ako. Unti-unting kumunot ang kanyang noo at pinanliitan ako ng mga mata.Ikinuyom ko ang mga palad ko na nag-uumpisa nang manginig. Nang banggitin ko ang apat na salitang ‘yon, bumagsak na agad ang dignidad ko.Siguro pinagtatawanan niya na ako sa isip niya ngayon. Ilang beses kong tinanggihan ang offer niya tapos ngayon...nilunok ko ang pride ko.This is embarrassing. Ngayon ko lang talagang napagtanto kung gaano nakakahiya ito. “What did you say?” he asked.I gulped. “I don't want to repeat what I said.”Halos mamatay na ako sa kahihiyan nang sabihin ko ‘yon tapos gusto niyang ulitin ko? Nananadya siya. Sinasadya niyang gawin ‘
Itinuon ko sa labas ang aking paningin para hindi na ako ma-distract pa sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami kakain at wala na rin akong balak na magtanong dahil ayaw ko siyang kausapin.“Where do you want to eat?”Muntik na akong mapairap nang marinig ang tanong niya. Ayaw ko ngang tanungin siya pero siya naman itong nagtanong.Gumagawa lang ba siya ng paraan para kausapin ako o sadyang gusto niya lang akong tanungin? “Ikaw na'ng bahala,” sabi ko nang hindi siya nililingon.“Okay. Let’s eat in my place.”Agad akong napalingon sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko naipitan pa ako ng ugat sa leeg dahil sa biglaang paglingon ko.Nakangisi pa siya at nakatuon sa kalsada ang atensyon. Mukhang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya ngayon. “What? No way. I’d rather starve myself to death than to go to your house,” I blurted out.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon. Pansin kong nawala ang ngisi sa labi niya. Pero wala na akong balak na bawiin ang sinabi ko.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Markus. Hindi ko na siya tiningnan ulit pero ramdam ko ang paninitig niya sa akin.Tinatantya niya ang emosyon ko. Or maybe he was trying to read my mind. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi mag-breakdown sa harap niya. Sobra-sobra na ang kahihiyan na inaabot ko ngayon. At kung iiyak pa ako, baka magpalamon na talaga ako sa lupa."I’m sorry,” he muttered.I gulped and sighed. “Let’s start talking about business. Masyado nang mahabang oras ang nasasayang.”Tumingin ako sa kanya at nakita kong gusto niya talagang magpaliwanag. Pero kalaunan ay tumango siya at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang resulta ng plano na ‘to. Napipilitan lang akong gawin ‘to pero kung makakatulong talaga siya sa kompanya namin, gagawin ko ang lahat. “So, anong plano mo? Paano mo tutulungan ang company namin?” seryoso kong tanong.He stared at me for a while. “Like what I said before, I will invest in your company. Magpapasok a
“Miss Sav, they are our new investors. Mukhang na-convince sila ni Mr. Policarpio na mag-invest dito sa company.”Napatitig ako kay Markus nang marinig ang sinabi ni Miss Chavit. Kahit naman nagkasundo kami at alam kong may plano na talaga siya ay nabigla pa rin ako. Hindi ko naman inaasahang maisasama niya agad ngayon dito ang tatlong investors. Gano’n kabilis? Pumayag ba sila agad? Paano niya naman nagawa ‘yon? Gano’n kalaki ang tiwala nila kay Markus? Hindi kaya...may ipinangako si Markus sa kanila na kapalit?“Miss Dela Vega, I would like you to meet Mr. Tamayo, Mr. Mahusay, and Mr. Severino,” Markus formally introduced them to me.Hindi pa rin ako makapaniwala. At kahit pa nagsimula na ang meeting namin ay para pa rin akong nagugulat sa mga nangyayari. I mean, sunod-sunod na nagsialisan ang mga dating investors na malaki ang tiwala kay dad. Pero sila...willing silang bumili ng shares kahit na nalulugi ang business namin. The meeting ended after an hour and I could feel myself
Four words. His message only consists of four words. But I don't know why it affects me so much.Hindi pa siguro ako masyadong magaling. Baka epekto pa ‘to ng itinurok sa akin sa hospital kanina. Tama, iyon nga siguro ang dahilan. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko pero nahirapan pa rin akong nakatulog pagsapit ng gabi. Kaya naman medyo puyat pa ako kinabukasan. Pero hindi naman na ako nanghihina tulad no’ng nakaraan. Mas kaya ko nang pumasok ngayon sa office.Pagdating sa opisina ay wala rin naman akong masyadong ginawa kaya parang nagpahinga lang din ako.Lumipas agad ang isang linggo at napansin ko na may pagbabago sa takbo ng kompanya namin. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa ngayon. Hindi katulad noong nakaraan na handa na akong sukuan ‘to.Masaya ako sa nangyayari ngayon pero...ilang araw ko na ring hindi nakakausap si Calvin. Ang huli niyang tawag sa akin ay noong nasa hospital pa ako. Wala nang sumunod. Iniisip ko na l
“Do you really want to end everything between us?” he asked.He asked me that question with hopeful eyes. Maybe, he was hoping that I would change my mind. He was hoping that I would give him a second chance.“That’s what I should do, right?” I asked him too.Napayuko pero kalaunan ay tumango na rin. Malamang ay naiintindihan niya na rin kung gaano kamali ang ginawa niya. Kahit pa anong rason niya, hindi dapat siya pumayag na ma-engage sa iba.I left their house with a wounded heart. I didn't know where to go at that moment. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko.Paano ko sasabihin kila mommy at daddy ang nangyari? They will be disappointed for sure. After contemplating about what to do, I decided to book for a hotel room. I am planning to stay for today then book a flight for tomorrow.Ayaw ko nang magtagal pa rito. Gusto ko nang bumalik agad sa Pilipinas. Nang makapag-check in ako ay hindi ko na ulit alam kung anong gagawin. Pabagsak akong humiga sa kama at tumulala sa kisame.