Anika's POV"10:15 PM."Malalim na ang gabi pero gising pa rin ako at naghihintay sa loob ng aking kuwarto. Matapos ng nangyari kanina, aaminin kong umaasa ako na pupuntahan ni Daryl at susuyuin.Ewan ko ba kung bakit iniisip kong gagawin niya iyon. He's a playboy, a womanizer, babaero. Pero kasi, sa ilang araw na magkasama kami, I felt truly happy. Ni hindi ko naramdaman ang ganito noon kay Stanley kahit siya pa ang first boyfriend ko.I only felt this with Daryl. Kaya kahit masakit sa akin ang mga sinabi niya, nandito pa rin ako, parang tanga na naghihintay sa kaniya.Natatawa na lang ako, iniwan ko pang nakabukas ang pinto ng silid ko para lang makapasok siya nang walang kahirap-hirap. Pero hanggang sa sumapit ang ala-una ng madaling araw, hindi siya dumating.Kanina pa ako pabaling-baling ng higa pero ayaw akong dalawin ng antok. Ayaw akong patahimikin ni Daryl. Bumangon na lang ako at tinitigan ang pinto.As pathetic as it is, nagdasal ako. Taimtim akong nagdasal na sana ay dumat
Anika's POVNAGDILIM bigla ang paningin ko habang nakatingin sa dalawa. Mabilis ko silang nilapitan, dinampot ang isa sa dalawang bote ng alak na nakita ko sa lupa at saka binuhos ang laman kay Daryl."What the fuck!"Galit na humarap siya sa akin pero nang makita niya ang naluluha kong mukha, natigilan siya."Anika?""Ano ba iyan! Sino ba iyang babaeng iyan!"Bumaling ako sa babaeng kahalikan niya, maarte nitong pinahid ang alak na tumalsik sa katawan nito. Lalong nag-init ang ulo ko nang makitang ito pa ang galit."Hindi mo kilala kung sino ako?" Hinila ko ito sa buhok at malakas na itinulak sa lupa. "Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking kinakalantari mo!"Natigilan ito sa narinig. Napakurap-kurap ito at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Daryl bago tumayo."I'm sorry, hindi ko alam na may girlfriend na si Daryl." Para itong napahiya nang piliin maglakad palayo sa amin.Muli kong binalingan si Daryl at paulit-ulit siyang pinagsusuntok sa dibdib."Anika, will you calm down!"
Anika's POVNATULALA na lang ako habang sinusundan ng tingin si Mama hanggang sa makatalon ito sa tubig. Dinaig pa niya ang dalaga sa ganda ng katawan niya kaya naman, maraming lalaki sa paligid ang napatitig dito. Kabilang na si Daryl.Ilang minuto rin siyang lumangoy sa ilalim ng tubig bago muling umahon. Sa edad na tatlumpu't pito, nagawang panatilihin ni Mama ang maganda niyang mukha at maalindog na katawan. Kaya nga maraming nagkakandarapa sa kaniya.Nang muli kong tingnan si Daryl ay nakasunod pa rin ang mga mata niya kay mama. Napalunok ako. Aaminin ko, nakaramdam ako ng pagseselos. Hindi ko kasi matukoy kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niyang iyon, pero nang sandaling lapitan ni Mama si Don Enrico, nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Daryl.I turned towards my mother and her new husband and saw them laughing while whispering to each other. Akala mo'y mga teenager kung kumilos at maglampungan.Naiinis na nag-iwas ako ng paningin. Nilapitan ko si Daryl at naupo sa t
Anika's POVISANG buong linggo na rin ang lumilipas mula nang sabihin sa akin ni Daryl na tapos na kami. Isang linggo na pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.Masyadong mabilis ang naging mga pangyayari. Paanong sa isang iglap, nagawa niyang tapusin ang lahat sa amin? Parang kailan lang, humihingi pa siya ng sorry. Kaya hindi ko magawang paniwalaan na lang nang basta ang gusto niyang mangyari.May dahilan, e. Alam kong may nangyari... o baka may kumausap sa kaniya at kinumbinsi siyang iwan ako.Sa nakalipas na isang linggo, walang ibang ginawa si Daryl kundi iwasan ako. Para akong tuta na habol nang habol sa kaniya, pero kung hindi busy, hindi ko siya mahagilap kahit saan lupalop ng Hacienda Altagrasia.Bumangon ako at tinitigan ang sarili sa salamin. Ang laki na ng ipinayat ko simula noong araw na iyon. Maputla na rin ang kulay ng balat ko at nangingitim ang gilid ng mga mata ko sa ilang gabing walag tulog.Sandali akong naghilamos at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay muli
Anika's POVILANG araw na ang lumilipas pero hindi na ako lumalabas ng kuwarto. Nakakandado lang ang pinto ko at hindi binibigyan pansin ang mga katok sa pinto. Nakatulala lang ako habang lumuluha.Minsan pa, si Mama ang kumakatok sa pinto at ang asawa niyang si Don Enrico, pinipilit nila akong lumabas. Pero nagbibingi-bingihan ako.Nanginginig ang mga kalamnan ko sa tuwing naririnig ang boses ni Mama sa labas. Siya ang baboy... napakababoy niya! Alam niyang may nangyayari sa amin, pero pinatulan niya si Daryl! Nakakadiri siya. Nakakadiri sila!"Magda, there's something wrong with your daughter. Hindi ka ba nag-aalala na baka... kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya?""Ganyan na talaga ang ugali niyan. Hayaan—"Natigilan sila sa pag-uusap nang buksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Matagal na natulala sa akin si Mama habang si Don Enrico ay umaliwalas ang mukha at nginitian ako."Hija, pinag-alala mo kami. Are you okay?" Lumapit si Don Enrico na puno ng pag-aalala ang mukha, pero wala
Anika's POV"Girl, hindi ka pa ba e-exit diyan? Niloloko ka na ng nanay at boylet mo! Huwag ka nang magpakatanga, bakla! Umalis ka na diyan!"Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko matapos marinig ang sinabi ni Adela sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kaibigan na sobrang lapit sa akin. Sa mga panahong nangangailangan ako ng kaibigan, lagi siyang nandiyan."Oo, aalis ako. Pero hindi ako aalis nang hindi nakakaganti.""Ha? At ano naman ang ibig mong sabihin? Anong plano mo?""Sisirain ko sila. Hindi sila magiging masaya."Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Adela. "Wait, wait, wait, okay? Ikaw pa ba iyan, Manika? Parang hindi ikaw ang barbie na kilala ko. Tahimik ka lang at hindi umiimik. Ngayon, binabalak mong sirain ang nanay at boylet mo?"Kumuyom ang mga kamao ko nang maalala ang ginawa nila sa akin. Ang mga nakita ko noong gabing iyon, ang mga sinabi ni Mama. Lalong nag-apoy sa galit ang dibdib ko."Kung inaakala nilang magiging masaya sila matapos nilang manloko ng mga t
Anika's POVNATIGILAN ang lahat nang pumasok ako sa dining para saluhan sila sa lunch. Nasa akin ang paningin nina Mama, Don Enrico, at Daryl, pero hindi ko sila binigyan ng pansin.Naupo ako sa upuang kaharap ni Mama at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng paningin o batiin man lang sila. I can't stand watching them act like a happy family, but something different is happening behind closed doors."Oh, hija, it's good to have you join us for lunch. We were actually talking about my birthday party na gaganapin na bukas ng gabi."Ngumiti lang ako sa sinabi ni Don Enrico. Pinipili ko pa ring hindi sila tingnan kahit sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko na sa akin nakatuon ang mga mata nila. Lalo na nina Mama at Daryl."Join us, okay? Nakahanda na ang mga damit na pagpipilian mong isuot para bukas ng gabi."This time, I raised my head and nodded at Don Enrico. Magpapatuloy sana ako sa pagkain, pero marahan na naglagay ng ulam si Mama sa plato
Anika's POVNAGSISIMULA pa lang sa pagtugtog ang bandang inimbitahan ng event planner para tumugtog ng musika, nasa labas na si Don Enrico at nakikipag-usap sa ilang guests.Nakaupo ako sa isang table na ako lang mag-isa. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko si Daryl sa mesa nila. Alam kong nakatuon ang paningin niya sa akin mula pa kanina.Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin, pero sa tuwing nagsasalubong ang aming paningin, iniirapan ko siya. Katulad ngayon, sumisimsim siya ng alak habang tutok na tutok ang mga mata niya sa gawi ko. Katakot-takot na irap ang ibinigay ko sa kaniya bago inubos ang alak sa baso ko.I need to drink this alcohol. Need ko ng pampalakas ng loob dahil baka umatras ako sa plano ko kapag nilamon ako ng kaba.Huminga ako nang malalim at sinuyod ng tingin ang paligid, wala si Mama. Nang muli kong balingan si Daryl, binabasa na nito ang papel na iniwan ko sa table nila. Maya-maya pa, pasimple na rin itong tumayo at pumasok sa mansion.Ngumiti ako. Naghinta