Anika's POVNAGDILIM bigla ang paningin ko habang nakatingin sa dalawa. Mabilis ko silang nilapitan, dinampot ang isa sa dalawang bote ng alak na nakita ko sa lupa at saka binuhos ang laman kay Daryl."What the fuck!"Galit na humarap siya sa akin pero nang makita niya ang naluluha kong mukha, natigilan siya."Anika?""Ano ba iyan! Sino ba iyang babaeng iyan!"Bumaling ako sa babaeng kahalikan niya, maarte nitong pinahid ang alak na tumalsik sa katawan nito. Lalong nag-init ang ulo ko nang makitang ito pa ang galit."Hindi mo kilala kung sino ako?" Hinila ko ito sa buhok at malakas na itinulak sa lupa. "Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking kinakalantari mo!"Natigilan ito sa narinig. Napakurap-kurap ito at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Daryl bago tumayo."I'm sorry, hindi ko alam na may girlfriend na si Daryl." Para itong napahiya nang piliin maglakad palayo sa amin.Muli kong binalingan si Daryl at paulit-ulit siyang pinagsusuntok sa dibdib."Anika, will you calm down!"
Anika's POVNATULALA na lang ako habang sinusundan ng tingin si Mama hanggang sa makatalon ito sa tubig. Dinaig pa niya ang dalaga sa ganda ng katawan niya kaya naman, maraming lalaki sa paligid ang napatitig dito. Kabilang na si Daryl.Ilang minuto rin siyang lumangoy sa ilalim ng tubig bago muling umahon. Sa edad na tatlumpu't pito, nagawang panatilihin ni Mama ang maganda niyang mukha at maalindog na katawan. Kaya nga maraming nagkakandarapa sa kaniya.Nang muli kong tingnan si Daryl ay nakasunod pa rin ang mga mata niya kay mama. Napalunok ako. Aaminin ko, nakaramdam ako ng pagseselos. Hindi ko kasi matukoy kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niyang iyon, pero nang sandaling lapitan ni Mama si Don Enrico, nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Daryl.I turned towards my mother and her new husband and saw them laughing while whispering to each other. Akala mo'y mga teenager kung kumilos at maglampungan.Naiinis na nag-iwas ako ng paningin. Nilapitan ko si Daryl at naupo sa t
Anika's POVISANG buong linggo na rin ang lumilipas mula nang sabihin sa akin ni Daryl na tapos na kami. Isang linggo na pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.Masyadong mabilis ang naging mga pangyayari. Paanong sa isang iglap, nagawa niyang tapusin ang lahat sa amin? Parang kailan lang, humihingi pa siya ng sorry. Kaya hindi ko magawang paniwalaan na lang nang basta ang gusto niyang mangyari.May dahilan, e. Alam kong may nangyari... o baka may kumausap sa kaniya at kinumbinsi siyang iwan ako.Sa nakalipas na isang linggo, walang ibang ginawa si Daryl kundi iwasan ako. Para akong tuta na habol nang habol sa kaniya, pero kung hindi busy, hindi ko siya mahagilap kahit saan lupalop ng Hacienda Altagrasia.Bumangon ako at tinitigan ang sarili sa salamin. Ang laki na ng ipinayat ko simula noong araw na iyon. Maputla na rin ang kulay ng balat ko at nangingitim ang gilid ng mga mata ko sa ilang gabing walag tulog.Sandali akong naghilamos at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay muli
Anika's POVILANG araw na ang lumilipas pero hindi na ako lumalabas ng kuwarto. Nakakandado lang ang pinto ko at hindi binibigyan pansin ang mga katok sa pinto. Nakatulala lang ako habang lumuluha.Minsan pa, si Mama ang kumakatok sa pinto at ang asawa niyang si Don Enrico, pinipilit nila akong lumabas. Pero nagbibingi-bingihan ako.Nanginginig ang mga kalamnan ko sa tuwing naririnig ang boses ni Mama sa labas. Siya ang baboy... napakababoy niya! Alam niyang may nangyayari sa amin, pero pinatulan niya si Daryl! Nakakadiri siya. Nakakadiri sila!"Magda, there's something wrong with your daughter. Hindi ka ba nag-aalala na baka... kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya?""Ganyan na talaga ang ugali niyan. Hayaan—"Natigilan sila sa pag-uusap nang buksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Matagal na natulala sa akin si Mama habang si Don Enrico ay umaliwalas ang mukha at nginitian ako."Hija, pinag-alala mo kami. Are you okay?" Lumapit si Don Enrico na puno ng pag-aalala ang mukha, pero wala
Anika's POV"Girl, hindi ka pa ba e-exit diyan? Niloloko ka na ng nanay at boylet mo! Huwag ka nang magpakatanga, bakla! Umalis ka na diyan!"Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko matapos marinig ang sinabi ni Adela sa kabilang linya. Siya ang nag-iisang kaibigan na sobrang lapit sa akin. Sa mga panahong nangangailangan ako ng kaibigan, lagi siyang nandiyan."Oo, aalis ako. Pero hindi ako aalis nang hindi nakakaganti.""Ha? At ano naman ang ibig mong sabihin? Anong plano mo?""Sisirain ko sila. Hindi sila magiging masaya."Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Adela. "Wait, wait, wait, okay? Ikaw pa ba iyan, Manika? Parang hindi ikaw ang barbie na kilala ko. Tahimik ka lang at hindi umiimik. Ngayon, binabalak mong sirain ang nanay at boylet mo?"Kumuyom ang mga kamao ko nang maalala ang ginawa nila sa akin. Ang mga nakita ko noong gabing iyon, ang mga sinabi ni Mama. Lalong nag-apoy sa galit ang dibdib ko."Kung inaakala nilang magiging masaya sila matapos nilang manloko ng mga t
Anika's POVNATIGILAN ang lahat nang pumasok ako sa dining para saluhan sila sa lunch. Nasa akin ang paningin nina Mama, Don Enrico, at Daryl, pero hindi ko sila binigyan ng pansin.Naupo ako sa upuang kaharap ni Mama at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng paningin o batiin man lang sila. I can't stand watching them act like a happy family, but something different is happening behind closed doors."Oh, hija, it's good to have you join us for lunch. We were actually talking about my birthday party na gaganapin na bukas ng gabi."Ngumiti lang ako sa sinabi ni Don Enrico. Pinipili ko pa ring hindi sila tingnan kahit sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko na sa akin nakatuon ang mga mata nila. Lalo na nina Mama at Daryl."Join us, okay? Nakahanda na ang mga damit na pagpipilian mong isuot para bukas ng gabi."This time, I raised my head and nodded at Don Enrico. Magpapatuloy sana ako sa pagkain, pero marahan na naglagay ng ulam si Mama sa plato
Anika's POVNAGSISIMULA pa lang sa pagtugtog ang bandang inimbitahan ng event planner para tumugtog ng musika, nasa labas na si Don Enrico at nakikipag-usap sa ilang guests.Nakaupo ako sa isang table na ako lang mag-isa. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko si Daryl sa mesa nila. Alam kong nakatuon ang paningin niya sa akin mula pa kanina.Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin, pero sa tuwing nagsasalubong ang aming paningin, iniirapan ko siya. Katulad ngayon, sumisimsim siya ng alak habang tutok na tutok ang mga mata niya sa gawi ko. Katakot-takot na irap ang ibinigay ko sa kaniya bago inubos ang alak sa baso ko.I need to drink this alcohol. Need ko ng pampalakas ng loob dahil baka umatras ako sa plano ko kapag nilamon ako ng kaba.Huminga ako nang malalim at sinuyod ng tingin ang paligid, wala si Mama. Nang muli kong balingan si Daryl, binabasa na nito ang papel na iniwan ko sa table nila. Maya-maya pa, pasimple na rin itong tumayo at pumasok sa mansion.Ngumiti ako. Naghinta
Anika's POVNAKASANDAL ako sa malalaking pinto ng living room at tahimik na nakikinig sa nangyayari sa loob. Matapos ng nangyari kanina, nawalan na ng malay si Daryl. Pero pagbalik na pagbalik ng malay nito, dinala agad siya ng mga tauhan ni Don Enrico sa living room, kasama si Mama, family attorney nila at si Darius, ang nakatatandang kapatid ni Daryl.Huminga ako nang malalim. Bawat salita at pagmumurang lumalabas sa bibig ni Don Enrico ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa akin. Hindi ko inaasahan na ganito siya magalit."This bastard is fucking with my woman! How could you do this, Daryl! Paano mo nagawa sa akin ito?! Ikaw pa! Ikaw pa na anak ko ang sasaksak sa akin sa likod!""H-hon, Darling, huminahon ka—""Huwag kang sumabat!"Kamuntikan na akong mapaigtad nang muling magtaas ng boses si Don Enrico."Please, Enrico, tama na," pagmamakaawa ni Mama. Base sa boses niya, alam kong umiiyak siya."Hayop ka talaga!"Napapikit ako nang makarinig na naman ng gulo mula sa loob. Mukhang s
Magnus' POV"Good morning, sir!"Nginitian ko ang dalawang babaeng bumati sa akin nang makalabas ako ng elevator. Pinamulahan ang dalawa at kilig na humagikgik nang madaan ko sila."Good morning, Sir Magnus! Do you want your coffee or just a glass of tea?" tanong ng sekretarya ko. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa akin."No, thanks. I'm good, Elsa."Papasok na sana ako sa office ko nang matigilan ako at muli siyang harapin."Give me 10 minutes before you enter my office, okay?"She nodded at me, smiling from ear to ear. I winked at her before going inside my office. Hindi pa ako nakakalapit sa work desk ko nang marinig kong muling bumukas pinto."Magnus!"I turned and a smile formed on my lips when I saw a familiar face. "Darius? Kuya!""Bro!"Agad ko siyang nilapitan at niyakap. It's been what? 2 years since we last saw each other? Mula nang ihatid niya kami rito, iyon na rin ang huling beses na nagkita kami."To be honest, bro, I didn't think you'd survived. Sa lakas nang pagka
Magda's POVMARAHAN akong nagpahid ng face powder sa mukha ko para itago ang pasa na nakuha ko mula kay Enrico. Nang puntahan niya ako sa condo unit ni Daryl ay halos patayin na niya ako sa bugbog. Kung hindi pa siya napigilan ng mga tauhan niya.Huminga ako nang malalim. Matapos kulayan ng pula ang mga labi ko ay tumayo na ako at dinampot ang maliit na maleta kung saan nakasilid ang mga inimpake kong gamit."What is the meaning of this?"Huminto ako sa pagkilos nang marinig ang malalim na boses ni Enrico. Marahan ko siyang nilingon at nakita ang madilim pero nag-aalala niyang mukha."Aalis na ako."Nagmamadali niya akong nilapitan at isang sampal ang ibinigay sa akin. Napaatras ako sa lakas no'n, pero pinilit kong hindi matumba at saka matapang na sinalubong ang mata niya."Anong pinag-usapan n'yo ni Daryl no'ng araw na iyon? Na sasama ka na sa kaniya at iiwan ako?! Idiot! Walang pera ang anak ko! Wala kang mahihita sa kaniya!""Pumunta ako kay Daryl dahil gusto kong humingi ng tulon
Anika's POV"Ma?"Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako."Hanggang ngayon... hanggang ngayon pala... ""Anika, hindi. Walang ibig sabihin ito." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Mama tried to hold my hand but I refused. Umiwas ako sa kaniya na parang may pandidiri."I hate you! Hanggang sa kahuli-hulian, pinatunayan mo sa akin na hindi kita dapat ituring na magulang!"Mabilis na namasa ang gilid ng mga mata niya. "Anika, you don't understand.""Hindi mo na nga ako mabigyan ng kompletong pamilya, pati sarili kong pamilya, pilit mo pang sinisira! What did I do to deserve this? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!""Anika?"Natigilan kami at napalingon sa gawi ni Daryl. Gising na ito pero parang nahihirapan sa pagbangon dahil sa kalasingan.Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko sila nang masama bago patakbong umalis. Narinig ko pa ang boses ni Daryl na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon pa.***Da
Anika's POV"Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?"Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Adela na halata ang gulat sa mukha nang makita ang ginagawa ko."Aalis na.""Aalis? Bakit ka aalis?"Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Hiwalay na kami ni Daryl. Puwede ka nang lumipat dito kung gusto mo."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Mabilis niya akong nilapitan, pero ibinaling ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit."Ano? Ano naman ang ibig mong sabihin do'n, ha? At saka, saan ka pupunta? Buntis ka pero aalis ka dito? Saan ka titira?""May business trip ang boss ko na kailangan kong samahan. Isa pa, hinanapan na niya ako ng apartment na malilipatan.""Ang boss mo?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit ka niya kailangan hanapan ng malilipatan? May bahay ka naman.""This is not mine, Adela." Muli ko siyang binalingan. "Sa boyfriend mo ito.""Wait a minute, bakla! Galit ka ba sa akin?"Matalim ang mga matang tiningnan ko s
Anika's POV"Po?" iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang ire-react sa kaniya. Is he... for real?Tumayo siya at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. "I need to find a woman to marry, Anika.""Bakit? Naguguluhan po ako. Bakit naghahanap kayo ng babaeng pakakasalan? At ako... bakit ako? Alam n'yo naman po ang gulo ng buhay ko.""My father wants me to marry the daughter of his business partner. I don't want to marry her."Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. To be honest, I've never seen him this serious before."Pero assistant n'yo lang ho ako, Sir Isaac.""Yes, but I like you."Muli akong natigilan sa mga narinig. Pinag-initan ako ng mukha. "Sir Isaac, paano n'yo naman po ako magugustuhan? May sabit na po ako. Hindi pa ako hiwalay sa asawa at buntis pa ako. Puwede kayong maghanap ng dalaga at walang sabit.""Yeah, I know, but I don't like them, Anika. Mapili ako sa babae, ayaw kong basta magpakasal lalo sa hindi ko kilala.""Bakit n'yo po ako gusto?"Nagkibit
Anika's POV"Gawin mo kung anong gusto mo. Wala akong pakialam."Nanginginig ang mga tuhod na iniwan ko si Daryl at bumalik sa mall. Malapad na ngiti mula kay Adela ang sumalubong sa akin.Never in my life na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan kong si Adela. Isa siya sa kakaunting taong natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako noon. But now, I don't know. Nasasaktan ang puso ko kaya nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.Pumasok kami sa isang restaurant at kumain na muna. Kahit gusto ko nang umuwi ay nagpaunlak na lang ako. Ayaw kong isipin nila na sobrang affected ako sa dalawa."Here, try this," nakangiting sabi ni Adela at akmang susubuan si Daryl."No, it's okay," nakangiti rin nitong tanggi."Ano ka ba? Sige na. Masarap ito, parang ako."Sandaling natigilan si Daryl at tumingin sa akin. Nang makita niyang sa kanila nakatuon ang atensyon ko, titig na titig siya sa akin nang tanggapin niya ang isinusubo ni Adela.Umiwas ako ng tingin habang sunod-sunod sa paglunok. Bakit ba ako nag
Anika's POV"Ma'am! Kain po muna kayo? Nagluto ako ng sinangag at tuyo!"Tipid akong ngumiti sa katulong habang umiiling. "Hindi na. Wala akong gana, e.""Pero ma'am, hindi makabubuti sa bata ang hindi n'yo pagkain. Sige kayo, baka ipanganak n'yong malnourished ang baby n'yo.""Salamat, pero baka sa office na lang ako kumain."Sumakay ako sa taxing naghihintay sa akin sa labas. Pinaalis ko na ang driver na iniwan ni Daryl dahil hindi ako sanay na may naghihintay at nagsusundo sa akin.Pagdating ko sa office, hindi agad ako pumasok at sa halip, dumiretso sa pinakamalapit na restaurant. Gutom naman talaga ako pero ayaw ko lang kumain sa bahay dahil si Daryl na naman ang maaalala ko. Silang dalawa ni Adela.Kumuyom ang mga kamay ko habang nakaupo sa mesang malapit sa bintana at nakatanaw sa labas. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na hindi siya susuko, pero matapos halos mawala ang anak namin, nakikipagkita na agad siya sa ibang babae."Malandi," hindi ko mapigilang ibulong.Napukaw lang
Anika's POVMASAMA ang pakiramdam ko kinabukasan nang pumasok ako sa opisina. Hindi dahil sa nangyari sa akin noong nagdaang araw, kundi dahil sa puyat.Halos alas-tres na ako nakatulog kanina. Hindi naman puwedeng hindi ako matulog dahil makasasama sa dinadala ko. Kaya kahit maaga ang pasok ko sa trabaho, umidlip pa rin ako kahit dalawang oras lang.Binati ako ng mga kasamahan ko sa trabaho nang dumating ako. Ang secretary ni Sir Isaac na si Melba, agad na lumapit sa akin at kinamusta ako."Anika!"Natigilan kami sa pag-uusap nang pagbukas ko ng pinto ng office ni Sir Isaac, ang nag-aalala nitong mukha ang bumungad sa akin.Bumalik si Melba sa trabaho niya at ako naman ay lumapit sa table ni Sir. Nag-aalala siyang tumayo saka nilapitan ako."Are you okay? Is the baby... okay?" Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. "I heard about what happened. Hindi mo sinabing buntis ka.""I'm sorry, sir." Nagbaba ako ng paningin.Sinadya kong hindi sabihin na buntis ako dahil natatakot akong tangga
Daryl's POVHINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng kuwarto ni Anika. I couldn't bring myself to enter her room and see her, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.We almost lost our baby. According to the doctor, mahina ang kapit ng bata at sa susunod na ma-i-stress si Anika, baka tuluyang mawala sa amin ang anak namin."Daryl."Umangat ang paningin ko sa nagsalita. Gumaan ang loob ko nang makita kung sino ito."Darius. Kuya."Tumatango siyang lumapit sa akin at tinapik ako sa braso. "Kumusta si Anika?"I shook my head. "She's fine now, pero nagwawala siya kanina. The doctor needed to calm her down kaya tinurukan siya ng pampatulog."Sabay kaming bumuntonghininga bago humarap sa pinto ng kuwarto ni Anika."Ikaw, kumusta ka?""Takot. Takot na takot." Paulit-ulit akong umiling.Ayaw mawala sa isipan ko ang naluluhang mukha ni Anika habang umaagos ang dugo sa binti niya."Akala ko, mawawala na sa amin ang bata. That child is the only reason left for her to stay with me. Kapa