Share

Kabanata 2

Stephanie

Nagising ako sa ingay ng cellphone at awtomatikong hinanap ng aking kamay ang nag-iingay na cellphone habang kalahati ng aking mga mata ay sarado pa

"Hmmm" mahina pa ang aking boses ng sagutin ang tawag

Ramdam ko ang kakaibang sakit sa buong katawan ko lalo na sa gitna ng aking hita, napatigil ako ng may mapagtanto. Agad na bumukas ang dalawa kong mata para silipin ang aking katawan, natigilan ako ng makitang wala ni isa akong saplot, naagaw din ng aking tingin ang kamay na nakapulupot sa aking bewang

K-kamay?

Sinundan ng aking tingin ang kamay na iyon at tuluyang nalaglag ang aking panga ng makita ang lalaki sa aking tabi

Shittt!

"S-stephanie n-nasaan kana?"

Natigilan ako ng marinig ang boses ni Gichelle sa kabilang linya

"H-huh--- an-- anong nangyari?" Sagot ko upang makabawi sa pagkabigla

Unti unti ding pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi

Nagumpisa sa bidding at nauwi ako sa ganito, napakagat ako ng ibabang labi ng maalala ang kababalaghang nagawa ko kagabi

Hindi ko akalain na isang lalaking hindi ko pa talaga kilala ang makakakuha sa pagkababae ko

"S-step-- a-ang lola" natigilan ako sa sinabi ni Gichelle at napaayos ng upo

"H-huh anong nangyari kay lola?" Natataranta kong tanong, dahan dahan kobg tinanggal ang kamay ng lalaki sa aking bewang at tahimik na umalis sa kama

Malakas ang dagundong ng aking puso habang hinahanap ang aking mga damit sa sahig

"S-si lola, s-sabi ng doctor m--- mataas daw ang tsansa na bawian na siya ng buhay lalo na at lumalala ang kondisyon niya... S-step s-si lola k-kailangan na natin s-siyang ipa opera" mangiyak ngiyak ang boses ng aking kaibigan habang sinasabi iyon

Bumagsak ang luha ko sa kaba, nanginginig din ang aking kamay habang pinapakinggan siya

Napatigil lamang ako ng may maalala, hindi ko pa maaring makuha ang perang sinuweldo ko mula kagabi pero kailangan ko na yun ngayon

Kailangan na kailangan!

"D-diyan ka l-lang, pupunta ako diyan" ani ko sa aking kaibigan at mabilis na binaba ang tawag

Sinuot ko lahat ng damit na maaring tumakip sa akong katawan para lang makalabas dito sa kwarto

Ng maayos na ang lahat ay hinanap ko agad ang pintuan at dere-deretsong naglakad papunta roon, napatigil ako ng may maalala

Sinulyapan ko ang lalaki sa kama, nakadapa siya ngayon at payapang natutulog. Kitang kita ang laki ng kaniyang katawan dahil sa pagkakadapa niya

Kinagat ko ang aking labi ng muling maalala ang nangyari kagabi

Ahhhh! Stephanie! Gumising ka, hindi ngayon ang tamang oras para diyan

Muli kong sinulyapan ang lalaki bago umalis sa kwartong iyon

Mabilis ang aking lakad kahit na ramdam ko ang hapdi sa gitna ng aking hita, dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating sa opisina ni

Agad kong binuksan ang pintuan at naabutan si Josh na nakaupo sa lamesa niya at mukhang tuwang tuwa

"Josh kailangan ko ng makuha ang suweldo ko, please nagmamakaawa ako sayo kailangan ng ma operahan ang lola ko ngayon" dere-deretsong ani ko sa kaniya

Mukhang nagulat siya sa pagpasok ko pero nakabawi din siya agad

"A-anon-- stephanie alam mo naman na may schedule ang pagkuha ng suwel---"hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sasabihin at agad na nagsalita

"Please J-josh , kailangan ko na talaga ngayon. K-kung k-kailangan kong mag resign na trabaho ko para makuha yung suweldo gagawin ko, kailangan ng lola ko ngayon " muli kong pagmamakaawa

Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ito lamang

Mukhang nabigla siya sa aking sinabi

"A-anong resign? H-hindi yun puwede no, ikaw kaya ang may pinakamalaking pera na nadali sa mga customer----- p-pero sige tutulungan kita, ibibigay ko sayo ngayon yung pera basta walang mag re-resign haa" aniya kaya nakahinga ako ng maluwag

Nanginginig ang aking kamay habang nasa labas ng operating room, nakatayo ako habang pabalik balik sa paglalakad, ilang oras na kaming naghihintay ni Gichelle dito sa labas at parehas kaming hindi mapakali dahil sa kaba

"Wala namang mangyayaring masama kay lola diba?" Biglang pagbasag sa katahimikan ni Gichelle

Bumuntong hininga ako at naupo sa kaniyang tabi

"Walang mangyayari kay lola, makakasama pa natin siya" aniko at hinayaan siyang sumandal sa aking balikat

Tumulo ang luha ko kahit na ang totoo ay hindi din sigurado sa sinabi, ilang minuto pa ang lumipas at ramdam kong tulog na si Gichelle

Iniwan ko muna siya pansamantala doon at lumabas para bumili ng makakakain namin, mag a-alas dose na na kasi at kanina pa kumukulo ang tiyan ko

Pumunta lang ako sa pinakamalapit na convenient store para bumili

Habang naglalakad pabalik sa hospital ay biglang nag-ingay ang aking cellphone, kinuha ko iyon at nakita ang pangalan ni

"Hello?" Sagot ko pagkasagot ng tawag

"Stephanie Gaga ka bakit mo naman iniwan si Mr. Montana doon!" Nagulat ako sa malakas niyang sigaw

"H-huh? B-bakit?" Wala sa sariling sagot ko

"Oh my G Stephanie!! Hinahanap ka ni Mr. Montana, galit na galit siya" sigaw niya na para bang siya ang nasa panganib

"Ano?" Tanong ko habang naguguluhan padin

"Baklang to, teleserye ba ang peg mo huh?" Muli nitong tanong na mas lalong nagpakunot ng aking nuo

"Ano bang sinasabi mo Josh? Hindi kita maintindihan, bakit niya ako hinahanap?" sagot ko

"Yung kumadyot sayong bakla ka ay walang iba kundi si Lucian Montana, kung hindi mo siya kilala pwes siya lang naman ang pinakamakapangyarihang tao dito sa lugar natin, alam mo ba may usap usapan na may pinapatakbo siyang organization sa ibang bansa kaya kumikita siya ng bilyon bilyon, lahat ng bumabangga sa kaniya pinapatumba niya"

Halos mabitawan ko ang dala dala ko sa narinig

"Tinanong niya kung nasaan ka kaya sinabi kong nandiyan ka ngayon sa hospital and guess what? Papunta na siya ngayon diyan!" Ani niya at sumigaw na parang excited

Mabilis akong napatakbo pabalik sa hospital at hindi na alintana ang nahulog na cellphone sa sahig, tanging nasa isipan ko lang ngayon ay si lola at Gichelle

Paano kung may gawin siyang masama sa kanila?

"Sorry po" paghingi ko ng tawad sa mga taong nabubunggo ko dahil sa pagmamadali ko

Halos mawalan na ako ng hininga ng makabalik sa hospital, nakita ko si Gichelle na nasa upuan padin at gising na habang naglalaro sa kaniyang cellphone

Akmang lalapitan ko na sana siya ng biglang maagaw ng pansin ko ang grupo ng mga lalaking naka itim at nasa gitna ang sinasabi ni Josh na Lucian Montana, yung lalaking iniwan ko sa kwarto kanina!

Shit

Agad akong nagtago dahil sa takot na baka makita nila ako, sinilip ko sila at nakitang papalapit ngayon sa operating room kung nasaan si lola!

Lumakas ang dagundong ng aking dibdib lalo na ng makita ang paglabas ng doctor mula sa operating room, nagtatakang tumayo naman si Gichelle habang sinusulyapan ang grupo ni Lucian

Umikot ang tingin ni Lucian sa paligid at halos hugutan ako ng hininga ng magtagpo ang mata namin, mabilis akong bumalik sa pagtatago at napakagat ng labi

Muli akong sumilip sa kanila at nakitang nag uumpisa ng kumalat ang mga lalaking naka itim sa buong paligid

Shitt!

Bakit ba siya nandito? Anong kailangan niya saakin? Ang akala ko ba ay isang gabi lang at hindi ko na siya makikita? Anong nantyayari? Papatayin niya ba ako?

Mabilis akong nanigas sa pinagtataguan ng marinig ang boses ng isa sa mga lalaking naka itim

"Tawagin mo yung iba at sabihing ikutan ang buong hospital, kailangang makuha natin yung babae, sabihin mo din huwag daw sasaktan yung babae kundi lagot tayo kay boss" ani nito at napatakip ako sa aking labi

Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na tumakbo papalayo sa kanila dahil sa takot.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Menorca leoven
Hahahaha ...Lagot ka na stephanie takbo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status