Share

Kabanata 5

Stephanie

"Stephanie mata lang ang nakuha ng mga bata sayo" bulong ni Gichelle habang pinagmamasdan ang kambal na lantakan ang panibagong ice cream na binili ni Gichelle para sa kanila

"Confirm 100 percent anak nga nung si Lucian, kahit hindi na kailangan ng DNA test isang tingin pa lang alam mo nang anak nga ni Lucian" pag iingay niya sa akin

"Huwag mong isigaw marinig ng mga bata" ani ko sa kaniya

Kasalukuyan kami ngayong narito sa isang karinderya para kumain ng pananghalian, hindi naman namin afford ang mamahaling restaurant lalo na at marami pa akong babayaran para sa mga gamot na kailangan ni Abby

"Hindi mo ba na ikwento sa mga anak mo ang tungkol sa tatay nila?" Tanong niya saakin kaya umiling ako habang nilalaro lamang ang pagkain sa pinggan

Ngayong pinag uusapan na namin ito, para akong nanghihina

"ANO?" bigla niyang sigaw dahilan para maagaw niya ang atensiyon ng lahat sa karinderya

Agad kong tinakpan ang bibig niya at nahihiyang sumulyap sa mga tao sa paligid

"Nahiya kapa hindi ka nalang nag microphone" sita ko sa kaniya habang masama ang tingin

"Tita Chelle why are you shouting po?" mahinahong tanong ni Ally na itinigil ang pagkain sa ice cream

"I think she smell putok somewhere" bulong na pasigaw naman ni Abby na nilalantakan naman ang oreo cookies na nasa ice cream cup, iniiwasan ko ang pakainin siya ng ice cream dahil sa asthma niya

"Sorry sorry, hindi na sisigaw si tita" paghingi nito ng paumanhin kaya bumalik sa paglantak sa pagkain ang dalawa

"Seryoso kaba? Hindi ka naa-awa sa mga anak mo lumaki silang walang tatay?" aniya kaya ngumuso ako

"Hindi mo ako naiintidihan, hindi ko kilala ng maayos ang tatay nila at isa pa alam mo naman na hindi tayo sigurado kung masamang tao yung Lucian na yo, paano kung may gawin siyang masama sa kambal kapag nalaman niya ang tungkol sa kanila" aniko at bumuntong hininga siya

"Tama ka naman, pero kasi kung ako ang nasa posisyon ng kambal hahanap at hahanapin ko ang tatay ko" ani nito kaya napakagat ako ng labi

"Kamusta pala ang lola?" pag-iiba ko ng usapan namin dahil lumalalim na ng lumalalim ang pinag uusapan namin

"Ayos naman siya, malaking tulong si Lucian sa paggaling ni lola kasi dinala niya sa mas maayos na hospital si lola kaya ngayon maayos parin ang kalagayan niya kahit na tumatanda na siya at nanghihina na din" pag-kwento nito saakin kaya nakahinga ako ng maluwag

"Mabuti naman at walang masamang ginawa sa inyo ang lalaking iyon" sagot ko

"Dalawang beses ko lang siya nakita pagkatapos nang pag-alis mo, hindi nga siya dumadalaw sa hospital ni lola eh basta siya lahat ang gumagastos ng mga bills sa hospital" ani nito kaya nagtaka ako

Bakit niya tinutulungan si lola sa paggaling niya? May koneksiyon ba siya kay lola o ano? Naguguluhan ako

"Nga pala, dapat ay bisitahin niyo rin si lola. Antagal niyo nang hindi nagkikita, para narin maipakilala mo sa kaniya ang kambal. Huwag kang mag-alala, wala naman roon si Lucian kaya ligtas kayo" pagsigurado saakin ni Gichelle kalaunan

Pagkatapos naming mananghalian ay tumuloy nga kamisa hospital kung saan naroon si Lola, malaki ang hospital at mukhang mga mayayaman lang talaga ang nakakapasok sa lugar na ito. Napalunok ako at sinulyapan ang paligid, tahimik ang kambal at may sarili silang mundo habang papasok kami sa loob ng hospital

"Nasaan ba ang kwarto ni Lola?" tanong ko kay Gichelle habang sinusulyapan ang paligid

"Nasa pinakataas na building, sa may VIP section ang lola" sagot nito at binuhat si Ally ng makitang nahihirapan na itong maglakad

Tumayo ang aking balahibo ng makarating kami sa lobby, ramdam na ramdam ko ang mga titig. Sinubukan kong lumingon sa paligid ngunit wala ni isa ang pumapansin saamin, pero hindi nakatakas sa akin ang kakaibang kilos ng mga gwardiyang naka itim na mga nasa sulok.

Hindi ko nakikitang pinagmamasdan nila ako ngunit kakaiba ang mga presensiya nila, parang may kakaiba

"I'm sorry ma'am pero hindi puwedeng pumasok ang hindi ka ano ano ng pasyente sa kwarto"

Napalingon ako sa mga staff ng hospital na kausap si Gichelle ngayon

"Pinsan ko ang babaeng ito at siya ang nag iisang apo ng pasyente sa kwartong iyon" pakikipag away ni Gichelle

"I'm sorry po ma'am pero ayun ang utos ni Mr---" hindi natapos sa pagsasalita ang babae ng may lumapit na lalaki

"What's the matter here?" tanong ng lalaki na naka suot ng Lab gown at mukhang isang doctor

"Doc, pinipilit po nilang magpa pasok ng ibang tao sa room ni Mrs. Sawit sa VIP room" sagot ng babae

Binalingan ako ng Lalaking doctor at pinagmasdan ako

"What's your name Miss?" tanong nito saakin

Nag dalawang isip pa akong sabihin sa kaniya ang pangalan ko pero baka mas lalo lang akong hindi papasukin kapag hindi ko sinagot ang kaniyang tanong

"S-stephanie Andres, ako ang apo ni Mrs. Sawit" sagot ko sa mahinang boses, pakiramdam ko kasi ay maraming mga tenga ang nakikinig saamin

Biglang ngumisi ang lalaki at tumango

"I'm sorry Ms. Andres but you're not allowed to enter the patient's room, pero puwede mong pakiusapan ang guardian ni Mrs. Sawir kapag nagkita na kayo" sagot nito saakin at umalis sa harapan ko, nakita ko pa kung paano niya ilagay sa tenga ang cellphone niya at mukhang may tinawagan

Lumakas ang kabog ng dibdib at ramdam kong may kakaiba talaga

Sa huli ay umalis na lang kami sa hospital, nagmamakatol ang dalawang mag tita habang si Ally at ako ay tahimik lamang

"Nakakainis, hindi niyo tuloy makikita ang lola ninyo" ani ni Gichelle habang nakanguso

"I will take revenge to them tita, don't worry. I will use my power and destroy them and everyone" sagot naman ni Abby habang naka pose pa ng pang spiderman

Minsan ay napapa isip ako kung siya ba talaga ang may asthma sa kanilang dalawa ng kambal niya dahil sa dami ng energy niya

Sa huli ay naisipan na din naming umuwi sa unit ni Gichelle para magpahinga pero nagpaiwan ako at pinauna na sila dahil bibili pa ako ng mga gamot ni Abby sa drug store

"Mag iingat kayo, Gichelle ikaw na ang bahala sa kanila. Susunod nalang ako sa inyo" paalam ko habang hinahalikan ang nuo ng kambal, naka yakap pa sa binti ko si Abby na akala mo ay spiderman talaga

"Mommy, don't worry i'll use my defense to protect tita Chellot and Ally, walang makakapigil saakin yeahhh" paglalaro nito sa hita ko

"Oo na bye na ingat kayo, Ally bye anak" pagpapaalam ko sa kanila at pinanood na sumakay sila sa taxi

Ng tuluyan silang makaalis ay saka ako bumuntong hininga, nilabas ko ang aking wallet at binilang ang natitira kong pera roon. Hindi ko alam kung magkakasya paba ito

Narinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa aking harapan kaya nagtataka akong nag-angat ng tingin at nakita ang isang itim na van, bigla itong bumukas at hinila ako ng isang lalaking naka itim

Sobrang bilis ng pangyayari at hindi agad ako nakapag react

"Sino kay--ghhhj" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa panyong tumakip sa aking ilong at mabilis akong nawalan ng malay ngunit bago ako tuluyang maka idlip ay narinig ko ang boses

"Sir, nakuha na po namin siya. Papunta na po kami ngayon diyan"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhing Solon Herrer
3 years ns hospital pa din Yun Lola ni Stephanie.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status