Share

Kabanata 6

Stephanie 

Nanghihina ang katawan ko ng magising, masakit din ang ulo ko at para akong naka inom ng alak. Umiikot ikot pa ang panangin ko ng buksan ko ang mata kaya pumikit muna ako saglit at hinayaan na kumalma ang hilo ko saka ako nag mulat ng mata 

Ganon na lamang ang panlalaki ng aking mata at pagkataka ng makita ang hindi pamilyar na kwarto, halatang yayamanin ang may ari ng kwartong iyon dahil sa mabangong amoy ng paligid at sa mga gamit nito dito 

Dahan dahan akong bumaba ng kama habang pinagmamasdan ang paligid, nakahawak ako sa aking ulo dahil ramdam ko padin ang kirot nito. Madami akong tanong sa aking isipan kung bakit at paano ako napunta rito

Ang pagkakatanda ko ay------ may kumidnap saakin!

Agad nanlaki ang aking mata ng mapagtanto ko iyon, mabilis na bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Hinanap ng aking mata ang pintuan at ng makita iyon ay tinakbo ko ito agad at mabilis na lumabas sa kwartong iyon

"Shit" mahina kong bulong ng makita ang itsura ng labas sa kwarto, madaming hallway pero nakita ko ang isang mukhang open veranda kaya tinungo ko ang hallway na iyon

Ang mabilis na paglalakad ko ay unti unting bumagal ng makita ng tuluyan kung ano ang eksena sa labas

Halos mapa atras ako ng makita ang napakalawak na tubig na nakapaligid sa kung saan ako narito ngayon, sa isang yacht!

Kitang kita ko kung paano maghampasan ang mga alon sa isat isa at kung paano umihip ang malamig na hangin sa aking balat

Shit! 

"You like what you see?"

Nanigas ang aking buong katawan ng marinig ang pamilyar na boses, pinagpawisan ang aking katawan kahit na mahangin naman sa aking pwesto 

Hindi puwedeng magkamali ako sa aking rinig dahil kilalang kilala ko ang boses na iyon kahit nuong gabing iyon ko lang siya nakausap, unti unti akong humarap sa aking likuran at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala 

Tuamambad sa aking harapan ang lalaking dapat ay hindi ko makita. Ramdam ko ang pagsisitayuan ng aking mga balahibo habang pinagmamasdan siyang nakatayo sa aking harapan, naka suot siya ng shorts at fitted na gray shirts kaya't kitang kita ko kung gaano kalaki ang kaniyang katawan

Nag-angat ako ng tingin sa guwapo niyang mukha at napansin ang pagmamasid ng kaniyang mata sa akin, hindi din nakatakas sa aking paningin kung paano niya sulyapan ng kakaibang tingin ang aking katawan 

Hindi ko alam kung ano ang gumalaw sa sikmura ko kaya gumalaw bigla ang aking mga paa at tumakbo palayo sa kaniya, nagbabakasakali nalang ako na mayroon akong madadaanan palayo sa kaniya at para makatakas ako rito 

Nakita ko ang isang pintuan sa kusina kaya't dali dali ko iyong tinakbo dahil alam kong may labasan ito, pagbukas ko palang ng pintuan ay isang makisig na kamay agad ang humila saaking katawan palayo roon 

Malakas akong napasigaw dahil sa bilis ng pangyayari, naabutan ko nalang ang sarili na nakasandal sa pader habang siya ay nasa aking harapan

"Trying to escape again?" tanong niya na nakangisi ngunit ramdam ko ang lamig ng kaniyang boses 

Bigla ko tuloy naalala ang pangyayari nuong gabing iyon, agad na nag-init ang aking pisngi ng mapagtanto ang mga iniisip 

Agad akong humarap sa gilid habang iniiwasan ang kaniyang mata

"N-nasaan a-ako?S-saan mo ako dinala?" Tanong ko 

Nanlaki ang aking mga mata ng biglang lumapit ang kaniyang katawan saakin, ramdam ko kung paano humaplos ang katawan niya sa akin, mas lalo ding dumagdag ang kaba ko ng bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha sa aking leeg

I can feel his hot breath on my skin and with that i found myself reacting to his hot breath, ramdam ko kung paano mag init ang katawan ko

"I search for you fvcking everywhere" bulong niya

"H-hindi ko alam ang s-sinsabi mo" wala sa sariling sagot ko

He chuckled and gently place a kiss on my neck, muntik na akong mapa ungol sa kaniyang ginawa ngunit pinigilan ko ang aking sarili

"Oh baby you don't need to know everything, you just need to focus on me right now dahil simula ngayon, i will never let you escape from me again" he whispered those words with possessiveness in his tone

Kumuyom ang aking kamao ng maramdaman ang paghaplos ng kamay niya sa aking bewang kasabay non ang unti unting paghalik niya sa aking leeg papunta sa aking labi

Para akong

Just as he was about to kiss me on my lips, a sudden noise came out from somewhere

Napagtanto kong ang cellphone niya ang nagiingay at mukhang may tumatawag sa kaniya

"Fvck" he grunted, halatang iritado siya sa istorbo ng cellphone

Natauhan lamang ako sa nangyayari ng lumayo siya ng kaunti saakin ngunit nasa harapan ko padin siya

Sinagot niya ang tawag habang kunot ang nuo

"What?" Iritado niyang sagot sa cellphone

Sumisingaw ang mabango niyang pabango habang tindig siyang nakatayo sa aking harapan, ng sulyapan ko siya ay naabutan kong nasa akin padin ang kaniyang mga mata

Kinagat ko ang aking labi at sumunod naman ang mata niya sa ginawa ko, nakita ko kung paano dumilim ang mga mata niya. Agad kong iniwas ang aking mata, tumikhim naman siya at lumayo saakin kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makawala 

Dahan dahan akong gumalaw at binuksan ang pintuan sa aking likuran habang nasa kaniya ang aking titig, nakatalikod siya saakin at mukhang galit sa kaniyang kausap

Tuluyan akong nakatakas sa loob, hinarap ko ang likuran ko at halos mahulog ang panga ko ng mapagtanto na nasa dagat kami. Linapitan ko ang railings at sinubukang maghanap ng isla na malapit saamin pero iisa lang ang nakita ko pero alam kong aabutin ako ng dalawang araw kapag susubukin kong languyin iyon 

Isa pa hindi ako marunong lumangoy kaya hindi din ako makakatakas dito

Shit

Mas lalo akong nabahala, paano ako uuwi sa kambal nito? Paano kung may nangyaring masama din sa kanila? O kaya naman pinakidnap din sila ni Lucian? 

Andaming tumatakbo sa isipan ko sa pagkakataong iyon  at hindi na alam ang gagawin lalo na dahil nasa dagat kami at ang kasama ko lang ay si Lucian na ama ng kambal ko 

Napasulyap ako sa kanan pero hindi ko sinasadyang madapuan ng tingin ang padaan na ipis at papalapit saakin, nagulat ako dahil mabilis itong gumagapang papalapit sa kinaroroonan ko kaya umatras ako ng umatras dahil baka gumapang ito saakin 

Hindi ko namalayan ang pag atras atras ako at napasinghap nalang ng maramdaman ang pagkabangga ko sa isang bagay dahilan para mahulog ako mula sa yate papunta sa tubig, napasigaw ako sa pagbagsak ko sa tubig kasunod ang malakas na boses ni Lucian 

"Stephanie"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status