Share

Kabanata 4

Stephanie

"Salamat po auntie" paghingi ko ng pasasalamat kay auntie Jenny pagkatapos ng pag iimpake namin

"Mag-ingat kayo sa syudad, huwag mo ding papabayaan yang katawan mo sa pagbabantay sa kambal" paalala niya saakin habang hinahaplos ang likuran ko

"Opo" aniko at ngumiti

Natapos ang pag uusap namin kaya nilapitan ko ang kambal na nasa gilid at nakikipagyakapan kay June

"Mami-miss ko kayo mga putok" ani ni June habang yakap yakap ang kambal ko na kunwaring naiiyak pa

Napangiwi ako sa sinabi niya

"We will mis you din po tito Olats" sabay na ani ng aking kambal

"Basta huwag niyo kalimutan, kapag may amoy putok ano tawag sa kanila?" Tanong nito bigla at kumalas sa yakap

"Putok putok putoks" sabay na sagot ng aking kambal

"very good, good job pagbalik niyo tuturuan ko pa kayo ng new english words arasso?" ani nito

Hindi ko na napigilan at nilapitan siya, hinila ko ang tenga ni June dahilan para mapaimpit ito ng hiyaw

"Ikaw kung ano ano ang tinuturo mo sa kambal, mamaya ikapahamak pa nila yang mga pinagtuturo mo sa kanila" aniko habang pingot pingot ang kaniyang tenga

"A-ahh ano ba masa-k-kit ate s-step" nahihirapan nitong ani dahil sa sakit kaya binitawan ko nalang ang tenga niya

Hinarap ko sila Abby at Ally na inosenteng nakatitig saamin

"Mag bye na kayo kila auntie at tito ninyo at aalis na tayo" aniko at hinaplos ang kanilang mga buhok

Pagkatapos ng mahaba-habang pag papaalam na umabot ng halos 30 minutes nakarating din kami sa barko kung saan kami sasakay, madaming tao ang naroon din bilang mga pasahero kaya mahigpit ang kapit ko sa aking kambal kahit na madami din akong hawak na mga bagahe

"Abby hawakan mo ang kamay ni Ally, huwag bibitaw okay?" bilin ko sa panganay ng magsimula kaming pumasok sa malaking barko

"Arasseo mom" sagot nito saakin

Napailing nalang ako dahil alam kong kay June na naman niya nakuha ang salitang iyon

Pahirapan pa bago kami makahanap ng puwestong pagpapahingaan dahil sa dami ng tao pero mabuti nalang at nakahanap din kami kalaunan, hinayaan ko ang kambal na magkulit kulit sa kanilang upuan upang hindi na sila mag gala gala sa paligid

"Ally i smell putok kanina, this is a dangerous place" rinig kong bulong ni Abby sa kapatid nito

Bulong paba yun, anlakas eh!

"What to do ate?" Tanong naman ni Ally kaya sinulyapan ko sila

Nagulat ako ng makita ang deodorant spray sa kamay ni Abby

"Here take this, bigay ni tito Olats he said kapag na smell natin ang putok we will fire them with that" ani ni Abby at tumawa na parang masama ang binabalak

Napailing nalang ako sa kanilang pag uusap, kailangan kong itago ang deodorant spray na yan mamaya baka ma i spray nila sa mata ng ibang tao dito

"Kambal sleep na muna kayo, matagal pa ang biyahe natin" utos ko sa dalawa at sabay silang ngumuso pero sumunod din

"Okay mom" si Ally

"Arraseo eomma" si Abby

Halos apat na oras din ang naging biyahe namin at hindi ko hinayaan ang sarili kona matulog dahil sa pag iintindi sa dalawa kong anak, natatakot kasi ako na baka paggising ko ay wala na sila sa tabi ko

Madali kasing mauto ang mga ito, pakitaan mo lang ng chocolate oh kahit anong sweet na pagkain ay agad lalapit yan sayo kahit hindi ka kilala. ilang beses ko na silang binalaan tungkol da paglapit nila sa mga taong hindi nila kilala pero mukhang mas malaki padin ang epekto ng sweets na pagkain sa kanila

"Wowwwwww"

Paglabas palang namin sa barko ay nanlalaki na agad ang mga mata ng kambal, hindi maalis sa mga mata nila ang pagka mangha habang pinagmamasdan ang naglalakihang gusali sa paligid

Akala ko ay magiging tahimik sila dahil sa pagmamasid nila sa paligid pero nagkamali ako lalo na ng makasakay kami sa taxi

"Mom look at that may malaking dragon sa air ahhh" malakas na sigaw ni Abby habang nakasilip sa bintana ng taxi

Agad akong humingi ng paumanhin sa driver

"Mom is that Pine tree?" Tanong naman ni Ally sa aking kanan na nakasilip din sa kabilang bintana pero mas kalmado

Sinilip ko ang tinuturo niya at nakita ang puno na tinuturo niya, hindi na ako nagtaka dahil madaming libro ang binabasa ni Ally tungkol sa ibat ibang bagay kaya tama lang na maging kuryoso siya sa ganitong nga bagay

"Yes it is anak" sagot ko sa kaniya

"Maaa look anlaki ng hotdog ohh, tito olats said mas malaki daw ang hotdog niya but i think mas malaki yan ohh" sigaw ni Abby habang tinuturo ang billboard ng footlong na may hotdog

Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan ang driver na mukhang tuwang tuwa sa nangyayari

Ilang minuto din inabot ang biyahe hanggang sa makarating kami sa destination na kailangan kong puntahan

Pagpasok sa loob ng hospital ay naglilikot padin ang dalawa pero hinayaan ko nalang muna sila hanggang sa ini-assist kami ng isang nurse papunta sa opisina ng doctor

"So i heard she has an asthma right?" Tanong ng doctor habang pinagmamasdan ang information ni Abby

"Opo, yun po ang sabi ng doctora na gumamot sa kaniya" aniko at binalingan ang kambal na lumalamon na naman ng ice cream kaya tahimik sila

"Hmm in most cases asthma can be prevented by using inhaler pero ang sabi mo ay hindi tumatalab iyon ganon ba?" Tanong muli nito at tumango ako

May mga tinanong pang iba ang doctor tungkol kay Abby at sa mga kondisyon niya hanggang sa nanghingi ng tubig ang dalawa sa akin kaya napilitan akong iwan sila sa opisina ng doctor at lumabas muna upang bumili ng tubig

Binuksan ko ang pintuan upang sana lumabas sa hospital ng bigla kong makasalubong ang taong hindi ko inaasahan

"Gichelle?" Tawag ko sa pangalan nito dahil sa pagkabigla

Nagtagpo ang mga mata namin at agad na lumuha ito, nagulat pa ako ng dambahin niya ako ng yakap

"S-stepp" tawag nito sa pangalan ko at umiyak

Hindi ko napigilan ang sarili at niyakap din siya pabalik habang lumuluha na

Ilang minuto lang ay natagpuan namin ang sarili na naglalakad sa kung saan

Kwinento ko sa kaniya ang buong pangyayari upang maliwanagan siya mula umpisa kung saan sumali ako sa bidding at binenta ang sarili

"Ilang beses kong sinubukan na tawagan ka pero mukhang nagbago ka na ng number" pagkwento ko habang naglalakad kami

"Hindi mo alam kung gaano ako natakot noon lalo na ng malaman ko na hinahanap ka nung Lucian, ang akala ko pa nuong una ay Boyfriend mo pero mukhang may masamang binabalak kaya nagpalit ako ng number para hindi ka na makatawag saakin dahil kung sakali man na tumawag ka saakin alam kong malalaman niya yun" ani nito

"Kamusta ang lola?" Tanong ko sa mahinang boses

"Ok parin naman siya, nilipat ni Lucian sa mas mamahaling hospital si lola, nagbabakasali yun na baka bibisitahin mo si lola para mahuli ka niya kaya ganon. Mabuti nalang at hinahayaan niya akong dalawin si Lola kahit kailan" pagkwento din nito

"Ikaw kamusta ang buhay mo sa probinsya?" Tanong nito at saka ko naalala ang mga anak ko

Ngumiti ako at hinila siya papunta sa opisina ng doctor kung saan naroon ang kambal

"May kambal na ako" aniko at pinagmasdan ang mukha niya

"Hahhahaha, alam kong gustong gusto mong magka anak nuon pa man pero hindi mo ako maloloko" ani nito kaya natawa ako at natigilan siya doon

"Huy masama ang magbiro Stephanie, baka mamaya magkatotoo" ani nito

Imbes na sagutin ay hinila ko siya sa may pintuan at binuksan iyun, agad na lumingon ang kambal ng makita kami

"Mommy" sigaw nilang dalawa at ngumiti

Nagulat ako ng biglang matumba sa harapan ko si Gichelle.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Menorca leoven
khit kailan ka tlga puro ka kalukohan 0lats ka....hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status