Share

Kabanata 21

Stephanie

Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mga mukha nila dahil pagkatapos ng usapan at sagutang iyon ay nanatili parin sila rito dahilan kung bakit inis na inis ako

"Nag-asawa ka lang ng mayaman ganiyan na ang tingin mo sa sarili mo, nag mamataas kana" pagpaparinig ng tatay ko habang magkatabi kami sa upuan

Kanina pa siya nagpaparinig kahit hindi ko naman kinakausap, dahil sa inis ay binalingan ko siya at nagsalita

"Wala kayong pake, bakit ba hindi nalang kayo magbulagbulagan sa nangyayari sa buhay ko tutal ganon din naman ang ginawa niyo nuon saakin" sagot ko at nilayasan siya roon, bastusan na kung bastusan pero ni isang respeto ay wala nang natitira para sa tatay ko. Simula ng iwan niya ako kay lola sinubukan ko siyang lapitan pero tinaboy niya ako

Nagtungo ako papunta sa bahay, kailangan kong lumayo sa mga pesteng mga tao tulad nila at magpahinga dahil baka sumabog ang ulo ko. Mabuti nalang at wala rito ngayon ang kambal, sinabihan ko silang mamayang gabi nalang pumunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status