Stephanie Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mga mukha nila dahil pagkatapos ng usapan at sagutang iyon ay nanatili parin sila rito dahilan kung bakit inis na inis ako "Nag-asawa ka lang ng mayaman ganiyan na ang tingin mo sa sarili mo, nag mamataas kana" pagpaparinig ng tatay ko habang magkatabi kami sa upuan Kanina pa siya nagpaparinig kahit hindi ko naman kinakausap, dahil sa inis ay binalingan ko siya at nagsalita "Wala kayong pake, bakit ba hindi nalang kayo magbulagbulagan sa nangyayari sa buhay ko tutal ganon din naman ang ginawa niyo nuon saakin" sagot ko at nilayasan siya roon, bastusan na kung bastusan pero ni isang respeto ay wala nang natitira para sa tatay ko. Simula ng iwan niya ako kay lola sinubukan ko siyang lapitan pero tinaboy niya ako Nagtungo ako papunta sa bahay, kailangan kong lumayo sa mga pesteng mga tao tulad nila at magpahinga dahil baka sumabog ang ulo ko. Mabuti nalang at wala rito ngayon ang kambal, sinabihan ko silang mamayang gabi nalang pumunta
Stephanie "Bea" tawag ko sa kaniya at agad siyang lumingon ng makita ako"M-ma'am, nagpupumilit po siyang pumasok pero wala po siyang permission ni sir Lucian" pagpapaliwanag ng babaeng empleyado at tumabi ng makalapit ako sa kanila"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sa kaniya at pinagmasdan ang suot niya Napakaiksi at hapit na hapit ang damit niya, halos nakikita ko na ang dibdib niya dahil sa suot niya "W-wala, b-bibisitahin ko lang naman sana ang asawa ng step-sister ko, bakit bawal ba? Hindi naman ikaw ang may-ari ng kompanya diba?" Mapang-insulto niyang ani habang nakataas ang kilay, siya pa talaga ang makapal ang mukha at base sa suot niya mukhang balak niyang landiin ang asawa ko "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang inasawa ng asawa mo, mas sexy naman ako sayo" bulong pa niya at ngumisi Ngumisi din ako ng nakakaloko, humakbang ako papalapit sa kaniya at inayos ang suot niya para takpan ang kaniyang nakalantad na dibdib "Hindi mo alam kung gaano baliw na baliw ang a
Stephanie Dumaan ang mga araw at unti unting bumalik sa dati ang lahat, hindi na nagpakita pa muli si Bea saakin pagkatapos ng pangyayari. Ang nagbago lang sa mga nakaraang araw ay ang walang tigil na pag contact at pag message saakin ng tatay ko, hindi ko siya sinagot dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi niya Imbes na pagtuonan sila ng pansin ay mas nag pokus ako sa aking panilya lalo na sa kambal, dahil alam kong magtatagal kami dito ay ine-enroll ko na sila sa school. Gaya ng dati ay tinutulungan ako ni Gichelle sa kambal kaya nakakapasok ng maayos ang mga anak ko sa school, binibisita ko sila araw araw at minsan ako na ang nagsusundo sa kanilang dalawa kapag marami akong oras. Nakagawian ko na ring bisitahin si Lucian sa trabaho niya at minsan ay dinadalhan ko siya ng pagkain mula sa labas dahil hindi naman ako mahilig sa pagluluto Everything was peaceful and quiet not until one dayKasalukuyan akong nasa labas ng school ng kambal habang hinihintay silang lumabas dahil mal
Stephanie Ngumiti ako at kumaway pabalik kila Ally at Abby habang pinapanood silang sumakay sa taxi kasama si Gichelle. Ng makasakay sila ay agad na umandar papalayo ang sasakyanaBumuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa sahig. Kasalukuyan kaming nasa labas ng school ngayon at hinihintay ang mga pulis na dumating. Nakatali si James sa isang upuan at wala paring malay "Tinawagan kona si Lucian" biglang pagbasag ni Kai sa katahimikan, nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Tinawagan niya si Lucian? Ibig sabihin ay sinabi niya ang lahat ng nangyari?"Don't worry I didn't mention the twins" dagdag niya ng makitang nabalisa ako sa huli niyang sinabi"S-salamat" aniko at bumuntong hininga, hindi ko alam ang gagawin kapag binanggit niya pa ang tungkol sa kambal"So, would you mind explaining everything?" Tanong ni Kai sa aking tabi Nakasandal kami sa kaniyang kotse ngayon habang pinagmamasdan ang kotseng paapalis mula saamin na sakay sakay ang kambal. Tinawagan ko na kanina si G
Stephanie Dalawang araw akong pinagpahinga ni Lucian sa bahay at ayaw akong palabasin lalo na dahil hindi pa natatapos ang kaso ni James, paulit ulit na tawag ang natanggap ko kila papa at kay Miriam. Alam kong nalaman na nila ang nangyari sa lalaki pero wala akong pakialam, kasalanan niya yon dahil siya ang nagsamantala saakin Hanggang sa napilit ko din si Lucian na lumabas dahil gusto ko ng makita ang mga anak ko, dalawang araw ko silang hindi nakita at sa tawag lang kami nagkaka usapHinayaan niya akong magpunta kila Gichelle pero may bodyguard ng kasama. Ang sabi niya ay mas mapapanatag daw siya kung may kasama ako para hindi na maulit ang nangyari nuong nakaraan Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang lalaking bodyguard na binigay saakin ni Lucian, hindi maitatangging may itsura ang lalaki at matipuno ang katawan pero ni isang emosyon ay wala kang makikita sa mukha niya. Ang pangalan niya raw ay Liam Kasalukuyan kaming papunta sa school ng mga bata ngayon at hindi nama
Lucian I stared at my phone and sigh. Kakadating ko lang sa trabaho pero iba na agad ang iniisip ko. She was so persistent this morning and said she wanted to go out with her friend, I don't want to lock her up on the house just to secure her safety so I made a decision. I hired my trusted men Liam to be her bodyguard, hindi ako mapapanatag na lalabas siyang mag-isa kaya ginawa ko iyon That bastard James was still in a coma and he deserve it, kailangan ko lang padaliin ang kaso niya para kapag nagising ang gunggong ay deretso siya agad sa kulungan"Damn" I whispered and pick up the document on my table, tambak ang trabaho ko and I don't have the mood to do these all but I don't have a choice. I need to finish this early so I can go home earlier for herI spend the remaining hours signing the documents that I need to sign, karamihan roon ay mga upcoming projects. Napatigil lamang ako sa ginagawa ng marinig ang pag-iingay ng cellphoneAng akala ko ay si Stephanie ang tumatawag kaya ag
Stephanie Nagising ako kinaumagahan ng maramdaman ang halik ni Lucian sa aking balikat, ganun na din ang kamay niyang nasa aking bewang at pinipisil-pisil ito Agad akong napangiti dahil sa kaniyang ginagawa, nag-inat ako ng katawan at agad namang tumaas ang halik niya sa aking mukha "Good morning baby" bati niya saakin at niyakap ako ng mahigpit bago hinalikan ang aking labi, natawa ako ng gumulong siya habang yakap ako sa kama dahilan para mapa-ibabaw ako sa kaniya "Good morning" bati ko pabalik at hinalikan din ang kaniyang labi "I'm sorry last night I didn't mean not to answer your call----" hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sasabihin at agad na sinapo ang kaniyang panga bago hinalikan ang kaniyang mamula mulang labi "Alam ko, narinig kita kagabi" aniko at ngumiti, pinagmasdan ko ang itsura niya lalo na dahil unti unting nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay "Aren't you asleep last night?" Nagtataka niyang tanong kaya napangiti ako, hindi ko alam na ganon pala ako kag
Stephanie Dahil sa pagod ay nakatulog ulit ako pagkatapos akong pagpahingain ni Lucian, nagising din naman ako ng mga 11:00 at malapit ng magtanghali pero hindi pa ako nakakakain. Kababangon ko sa kama pero agad na nag-ingay ang tiyan ko dahil kagabi pa ako hindi kumakain sa paghihintay kay Lucian. Nag-unat ako ng katawan at napatingin sa suot ko, suot suot ko ang shorts at ang t-shirt ni Lucian. Napangiti ako at tumayo mula sa kama, ramdam ko ang pagod ng katawan dahil sa bakbakkan na ginawa namin ni Lucian pero hindi ko mapigilang maging masaya Lumabas ako ng kwarto at agad kong naamoy ang mabangong aroma ng pagkain na nanggaling sa kusina, nagtungo ako roon habang hinahanap si Lucian. Hindi ko alam kung nasaan siya pero alam kong nandito lang siya dahil sinabi naman niyang hindi siya papasok ngayon sa trabaho niya Binati ako ng mga katulong ng makasalubong ko sila, gusto ko sana silang tanungin tungkol kung nasaan ba si Lucian pero hindi ko na tinanong at napagdesisyunang hanapi
Eto na po yung end of the story, sana po ay na enjoy ninyo ____________________________________________________________________Ang simbahan ay puno ng puting mga bulaklak at mahahabang ribbons na kumikislap sa liwanag. Ang hangin ay tahimik at puno ng kaligayahan, at ang mga bisita ay dahan-dahang pumapasok. Ang mga bintana ng simbahan ay may makulay na salamin na naglalabas ng malambot na liwanag, parang isang eksena mula sa panaginip. Ngayon na ang araw na matagal nang pinakahintay nina Abby at Rafael—ang araw ng kanilang kasal.Si Abby ay nakatayo sa gilid ng altar, ang puso niyang mabilis ang tibok. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaligayahan na nararamdaman. Matapos ang lahat ng nangyari—ang mga pagsubok at sakit—narito siya, nakatayo, at handa na pakasalan ang lalaking hindi iniwan siya, si Rafael.Ang puting gown ni Abby ay kumikislap sa liwanag, tamang-tama sa katawan niya. Ang buhok niya ay nakaayos nang maayos, at ang simpleng belo na bumabagsak sa kanyang likod ay nagbiga
Abby’s POVBumangon ako mula sa pagkakahiga, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa katawan ko, pero mas magaan na ang pakiramdam kumpara sa mga unang araw ng aking paggaling. Nakaharap ako sa bintana ng kwarto, ang liwanag ng araw ay tila nagpapasigla sa aking puso. Nasa tabi ko si Rafael, tahimik na nag-aalaga at tumutulong sa lahat ng kailangan ko. Minsan, tinatanggal niya ang mga ulap ng takot at pangarap ko, pinapalitan ito ng mga pangako ng pagmamahal at proteksyon.“Puwede na akong maglakad, Rafael,” sabi ko habang nagbabalik-loob sa sarili kong lakas. “Hindi na ako laging nakahiga.”Tumingin siya sa akin ng may alalahanin sa mata, pero ngumiti rin. "Are you sure?." Ngunit nang makita niyang tumayo ako nang maayos, wala siyang magawa kundi ngumiti at magbigay ng suporta. "Baby you still need to rest"Kahit na may kahirapan, unti-unti kong natutunan kung paano maglakad ng mag-isa, at sa bawat hakbang, mas naramdaman ko ang kagalakan na muling magpatuloy sa buhay. Sa tuwing ako’y nag
Abby’s POVAng bigat ng talukap ng mga mata ko, parang hinihila ako pabalik sa dilim. Pero sa likod ng kadiliman, may naririnig akong boses. Isang pamilyar na tinig—malalim, puno ng emosyon, at pilit na pinipigil ang paghinga.“Abby... please... gising ka na...”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa una, malabo ang paligid, pero unti-unting luminaw ang kwarto. Ang puting kisame, ang ilaw sa gilid ng kama, at ang mukha ni Rafael—halos hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya.“Rafael...” mahina kong sambit, halos isang bulong lang.Parang biglang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pagbabago sa mukha niya. Ang takot, pagod, at bigat na kanina’y nakaukit sa kanyang mga mata, napalitan ng matinding pagluwag. Agad siyang yumuko, hinawakan ang kamay ko nang mahigpit na para bang natatakot siyang mawala ulit ako.“Abby...” boses niya’y nanginginig. “You’re awake... you’re okay...”Ngumiti ako nang mahina. “Buhay pa ako, Rafael. Hindi mo ako basta-basta matatalo.”Bigla siyang napabun
Habang nakaupo sa waiting area ng ospital, hindi mapakali si Rafael. Palakad-lakad siya, paulit-ulit na kinukusot ang kanyang mga palad habang ang malamig na pawis ay bumalot sa kanyang noo. Sa bawat segundo na lumilipas, tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Ang imahe ni Abby na duguan at walang malay ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na tinamaan din ng baril ni Dana si Abby kanina, ang akala niya ay napigilan nila ito pero nahuli sila“Abby… please be okay,” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig ng sino man sa paligid.Nang biglang bumukas ang pinto, tumambad si Lucian, mabilis na pumasok sa waiting area. Nasa likuran niya si Stephanie at Ally, parehong halata ang kaba at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Subalit si Lucian ang pinakamapanganib sa itsura. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit habang ang kanyang mga kamao ay nakatikom, halatang puno ng hinanakit.“You promised me, Rafael,” ani Lucian, malalim at puno ng galit ang boses.
Habang binubuhos ang malamig na tubig sa kanyang ulo, ramdam ni Abby ang panghihina ng kanyang katawan. Nanginginig siya sa lamig, at ang sakit sa kanyang mga binti ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa kabila nito, patuloy niyang pinipilit na manatiling mulat. Para kay Biah.“Dana, tama na... gawin mo na lahat sa akin, pero huwag mo nang idamay ang anak ko,” bulong ni Abby, halos hindi marinig sa kahinaan ng kanyang boses.Ngunit tila bingi si Dana. Lumapit ito kay Abby at hinila ang kanyang mukha para magkatitigan sila. “Nakakainis, Abby. Kahit na anong gawin ko, para kang laging martir. Naiinis ako sa tapang mo, sa pagmamahal mo sa anak mo! Pero tignan natin kung hanggang saan mo kaya.”Muling iniabot ni Dana ang timba, pero biglang nagsalita si Biah, halos pasigaw. “Please po! Tama na po! Tita Dana, huwag mo nang saktan si Mommy! Ako na lang po ulit!”Napatingin si Abby sa anak. Sa kabila ng takot sa mga mata nito, kitang-kita niya ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kany
Habang abala sina Rafael at ang team ng ama ni Abby sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Biah, biglang tumunog ang cellphone ni Abby. Nasa gitna siya ng sala, nakatitig sa isang blangkong pader habang pinipilit kontrolin ang kaba sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang telepono at binasa ang natanggap na mensahe.“Kung gusto mong makita ang anak mo, pumunta ka sa address na ito. Mag-isa ka lang. Kapag may sumama sa’yo, papatayin namin siya.”Parang natuluyan nang nagdilim ang mundo ni Abby. Ang mga kamay niya’y nanginginig habang hawak ang telepono. Ramdam niya ang bigat ng banta. Hindi siya makapagsalita. Niyakap niya ang sarili, pilit na nilalabanan ang takot."Abby, anong nangyari?" tanong ni Rafael, napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Lumapit ito, halatang nag-aalala.“Wala… wala,” mabilis na sagot ni Abby, pilit na pinapakalma ang boses niya. Tumayo siya, mabilis na nilihis ang tingin para maitago ang lungkot at kaba. “Kailangan ko lang umakyat sa kwarto. Sa
Pagkarating nila Rafael at Abby sa bahay, umaasa si Abby na magkakaroon sila ng isang tahimik na lunch kasama si Biah. Ngunit pagkapasok nila sa pinto, isang hindi inaasahang tanawin ang sumalubong sa kanila—ang mga kasambahay na karaniwang kalmado ay kitang-kitang nag-aalala, ang mga mata nila'y puno ng takot."Ano'ng nangyari?" tanong ni Rafael, ang boses ay matalim, puno ng utos.Nagmadaling lumapit ang head maid, kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha. "Sir, Ma'am... Si Biah... nawawala po siya. Nandiyan lang siya kanina, pero nung marinig namin ang sigaw niya, tinanong namin siya... at wala na siya. Isang sasakyan po ang dumaan at... at tinangay siya bago pa kami makarating."Ang mundo ni Abby ay biglang nabulabog. Ang mga salitang iyon ay parang dagok sa kanyang dibdib. Nawawala si Biah? Parang ang lahat ng hangin ay nawala sa kanyang katawan. Lahat ng kanyang mga pandama ay parang huminto. Hindi makapaniwala na mangyayari ito sa kanila. Ang kanilang anak, ang kanilang prinsesa,
Habang nag-aalala si Abby kung anong gagawin, lumapit si David at nagtanong, "May kailangan ka po ba?" Tiningnan siya ni Abby, at hindi niya maiwasang mag-isip kung anong klaseng galit ang maaaring ipadama ng mga tao sa paligid ni Rafael sa kanya. Alam niyang busy siya at hindi siya nais makialam sa trabaho ni Rafael, kaya nagdesisyon na lang siyang ipasa na lang kay David ang lunch na dala niya para kay Rafael."Ah, kung okay lang , maaari niyo na lang pong dalhin ang packed lunch kay Rafael," sabi ni Abby, medyo nahihiya pa. "Siguro masyadong busy siya sa trabaho at ayokong mag-abala."David, na may malumanay na ngiti, ay tumango. "Walang problema. I’m sure he’ll appreciate it." Tumingin siya kay Abby, at nagtanong ng hindi inaasahan, "I just have to ask, what’s your relationship with Mr. Rafael?"Sumabog ang katahimikan sa tanong na iyon, at si Abby ay medyo nagulat. Hindi niya naisip na magiging ganito kabilis ang pagtatanong ni David tungkol kay Rafael, ngunit nagdesisyon siyang
Nagising si Abby sa malumanay na halik sa kanyang pisngi at leeg. Hindi pa siya makapagmulat ng mata, ngunit naramdaman niyang nakayakap si Rafael sa kanya. Habang binabati siya ng mahinang, "Baby, I'm going to work now. I know you're still asleep, but I want to kiss you before I go," unti-unting nawala ang antok ni Abby at ngumiti sa nararamdaman niyang pagmamahal. "Love you," sabi ni Rafael bago siya lumabas ng kwarto. Si Abby ay bumalik sa pagtulog, at dahil sa pagod, ilang oras pa bago siya muling magising. Pagkagising niya, agad niyang narinig ang ingay mula sa sala, at sa tunog ng mga tawa at boses ni Biah, agad niyang naisip kung ano ang nangyayari. Nagtungo siya sa banyo at nag-ayos, ngunit hindi siya makapaniwala nang makita ang dami ng mga sling bags na nakakalat sa sala. "Ate, saan galing ang mga 'to?" tanong ni Abby, nakatingin sa mga sling bags na abot sa mga daliri ng anak niya. Ang mga ito ay puno ng kulay at mukhang para kay Biah. Tinatantiya niyang nasa dalawampu't p