Leana’s POV “Binully ka rin ni Lara?!” Agad siyang napaiwas mula sa akin marahil dahil sa boses ko. “Oo nga. Leana, nasa harapan mo lang ako,” nanlulumong aniya at sinimangutan ko naman siya. Lagi siyang nagrereklamo sa lakas ng boses ko eh kapag tahimik naman ako, hindi siya tumitigil sa pagtatanong kung nilalagnat ba ako, kung okay lang ako o nagugutom ba ako! Ano ba talaga Nicolo?! “Eh sa ganito nga kasi ako! Anong magagawa ko diba?! Eh natitiis mo naman ako! Kapag tahimik ako, hindi ka mapakali tapos kapag maingay naman ako, gusto mo akong patahimikin. Ano ba talaga?” Inis na talagang saad ko sa pagmumukha niya. Bumuntong hininga pa siya na tila ubos na ubos na ang pasensya bago hinablot ang hawak kong mga materyales para sa project namin. “Okay. I’m sorry. Lower down your voice at least,” saad niya at napangisi naman ako. "So, ikwento mo sa akin kung bakit ka niya binully noon.” “We were in grade 6 at that time. Lagi niya akong nilalait at napaka loser ko raw dahil ako l
Leana's POV "You want me to play the electric guitar?" tanong niya sa akin habang nakaturo ang hintuturo sa mukha. Nakangiti akong tumango at kumunot naman ang noo niya. "All of a sudden? What's up?" "Wala. Gusto ko lang marinig." Ngumiwi siya at umiirap na sumandal sa sofa nila. "Sige na. Nasa bahay niyo naman na tayo." Sinamahan ko ang kapatid kong pumunta rito dahil may gagawin daw sila ni Ace na project. At sakto namang wala ang mga parents nila kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ako madalas dito sa bahay dahil nakaka-intimade ang awra ng mama niya. Ramdam ang yaman nila sa tindig at kilos pa lang niya. Pati sa pananalita! Nahihiya ako. Ang papa niya naman, mabait. Parang si Nico lang. Malumanay at kalmado sa paraan ng pananalita at pagkilos. Ang kuya niya ang nakakuha sa ugali ng mama nila at si Nico naman ay sa papa niya. Si Ace, hyper. Parang si Chance. "Mabait naman pala si Ace," ani ko. "He is." Napangiti ako. One thing that I like about Nico. Even though he's no
Nico’s POV Back then, I thought you can only experience heartbreak if the person you love broke up with you. Now, I realized that it’s not because parents can give you a damn heartbreak too. “Nico, anak kakain na,” pagtawag sa akin ni mommy. Nilingon ko siya at nakangiti siya sa akin. What a fake. “I’m going somewhere, mom.” “Where?” “To Leana’s house,” saad ko. “Again? What if you spend time with your family today? Mas madalas ka na roon kaysa rito.” Masaktan ka ngayon mom. Masaktan kayong lahat. “But I can’t afford to not go there. May usapan kami.” Napatingin ako kay kuya na naglalakad papunta sa direksyon namin. “Then go there after eating lunch.” “Bakit kayo namimilit?” inis na tanong ko. “Para makompleto naman tayo Nico. Madalas kang hindi sumasama sa amin.” “Dad come on, walang isyu sa inyo kapag hindi ko kayo nakakasabay sa pag kain noon. Can you stop doing this? It’s annoying.” “We just want to spend time with you kuya.” Kahit pagtulungan niyo pa ako. Hindi n
Leana’s POV At dahil matigas ang ulo ko, hindi ko ginawa ‘yung sinabi niya na ipatanggal ang pangalan niya sa listahan ng mga magau-audition. At nag-away talaga kami. For the very first time, he shouted at me with anger. Real anger. Hindi ‘yung simpleng inis lang kundi galit talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya! Confident naman ako para sa kanya. Talaga namang magaling siya. Nagkapikunan kami at parehas kaming masama ang loob sa isa’t-isa panigurado. Alam kong galit siya dahil sa ginawa ko at galit naman ako dahil sa medyo masakit ang mga sinabi niya. Tinutulungan ko lang naman siya eh! Pero alam ko naman kasing mali na isali sya na wala siyang permiso pero ‘yun lang ang alam kong paraan para mapapayag siya. I mean, marupok siya. Madaling mapipilit lalo na kapag malapit ka sa kanya. At nag take advantage ako roon. Ang sama ko! Pinag-isipan ko naman mabuti eh. Mababa ang confidence niya. Pero kailangan niyang ma-expose para masanay. May talent siya kaya isin
Leana’s POV “Napaka bad timing naman eh!” naghihimutok na sigaw ko habang nasa ilalim kami ng puno sa field. Napatingin ako kay Nico na kanina pa namumutla dahil mamaya na ang audition niya. “It’s your club’s meeting. Don’t tell me you’re going to ditch it? You’re going to be in trouble.” Inis akong sumandal sa puno at ngumawa roon na parang isang bata na hindi nabilhan ng laruan. “Gusto nga kitang panoorin! Wala kaming ginagawa noong nakaraang linggo bakit ngayon pa?! Naiinis ako! Gusto kong mapanood!” Natawa siya at yumuko sa harapan ko. “It’s not a competition. Neither a concert so get a hold of yourself and prepare for your meeting.” Matamis ang ngiti na binigay niya sa akin. Matamis ang ngiti niya palibhasa maganda ang mood niya kahit kinakabahan. Inis akong nag-iwas ng tingin. Eto ‘yung pinakahihintay ko eh! Tapos may gagawin ako?! Kung hindi lang sana importante ‘yung meeting eh hindi na ako pupunta. “It’s okay if you don’t watch. I’m sure students will come and watch
Ace’s POV Ngayon ko lang napagtanto ang mga epekto ng mindset na isniksik sa amin ni mom sa aming magkakapatid. Simula magka-isip ako ay lagi nang sinasabi ni mom na kailangan ay hindi ako magpapatalo sa mga kapatid ko. Na kahit bunso ako ay kayang-kaya ko silang malagpasan. At kapag mas best ako kaysa sa kanila, they promised that they would buy me everything I want. That she will be proud of me. Of course, as a child, I began to do everything she said just to make her proud and I succeeded. I am able to receive affection from my parents and I can have everything I want because of my achievements. I remember feeling so superior because her friends compared me to their kids. They always said that I was the best among kuya Ethan and kuya Nico. As a kid, who would not want to receive gifts? I was dumb to love the attention too much. I craved for more. I was not content to the point I became too competitive with everything. I treated my siblings as competitors. I am now aware that I w
Leana’s POV Inilagay ko sa sobre ang perang iniwan ko sa kwarto nina mama kaninang umaga. Para iyon sa tuition ko. Malapit na kasi ang exam at kailangan naming magbayad ng tuition dahil kung hindi ay hindi ako makakapag-exam. Nagkataon na naman na gipit kami. Napaka bad timing naman nito. May bawas naman ang tution ko dahil sa average ko pero hindi iyon malaki. Paano na lang sa college? Edi mas mahirap na naman? Nursing pa naman ang kukunin kong kurso. Bukod sa ayoko, mahal din iyon. Hindi ko ata kakayanin ang pagiging middle class. Napangiwi ako at ipinagpatuloy ang pagsasagot sa papel ko. Tanging ang boses lang ng teacher ang naririnig at halos lahat ay nakatungo sa mga kanya-kanyang mga papel nila. Friday pala ngayon. Pupunta si Nico sa club niya. Pero malas pa rin dahil may itu-tutor ako. Sinilip ko siya at kunot na kunot na naman ang noo niya. Natatawa akong napailing at hindi na siya muling sinulyapan dahil baka magpagkamalan akong nangongopya. Napatingin ako sa gilid ko at
Leana’s POV Napakaraming tao dahil maraming dumayo mula sa mga iba’t-ibang syudad sa loob ng probinsya. Madilim na at ang makukulay na ilaw na lang na nagmumula sa mga stalls ang mas nagpapaganda sa gabing ito. Isabay mo na ang mga masasarap sa tenga na tawanan at masasayang usapan ng mga tao. Kaya gustong-gusto ko ang mga piyesta. Nakakakita ako ng mga maraming tao, ramdam ko ang nag-uumapaw na saya na minsan lang sa isang taon mangyari. Malawak naman ang paligid kaya hindi masyadong masikip kapag dadaanan ka. Maraming nagtitinda ng kung ano-ano. May mga laruan para sa mga bata, pagkain, at souvenirs. Kahit saang sulok ay may nagbebenta. Napalingon ako kay Nico na abala lang sa paglilibot ng paningin sa paligid. Napansin ko na ang pinapanood niya ay hindi ang malaking stage sa harapan kundi ang mga taong nanonood. His gazes were soft. One thing that I rarely see. I love it when he looks like he’s appreciating his surroundings. Because when he appreciates his surroundings, his ey