Leana’s POV “Leana! We’re running out of time!” Napatalon ako sa gulat dahil sa napakalakas na sigaw ni Nico habang nag-aayos ako ng bag. Galit na siya. Dahan-dahan akong napatingala at ang sama sama na talaga ng tingin niya. “Eto na! Ano ka ba!” Tumakbo ako palapit sa kanya at inis naman niyang pinaggigilan ang hawak hawak niya. Napanguso ako at napatigil pa dahil mabibitawan ko na ang hawak hawak ko. “Ano ba kasing sinabi ko? Pumunta ka rito on time! Magre-ready ka pa! Wala na tayong oras! Ako ang mapapagalitan ng nagha-handle sa 'yo!” Sigaw na naman niya. “Sorry na kasi! Wala nga kasing tricycle kanina!” “Whatever. Give me that,” inagaw niya ang mga hawak ko at dere-deretsong naglakad papunta sa classroom namin. “Leana ang tagal niyo!” Nalukot ang mukha ko dahil sa panibagong bulyaw na natanggap ko. “Bakit ako nadamay? Siya ang may kasalanan,” sabat ni Nico sa president namin. Ako kasi ang representative ng Grade level namin para sa Trashion Show. “Huwag na kayong mag-aw
Nico's POV "You're home," bungad sa akin ni daddy pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Ngumiti ako ng tipid at tumango. Bakit nandito siya ngayon? Hindi ba't mas importante sa kanya ang trabaho? "Why are you here? Don't you have work?" "It's Ace's birthday. Nakalimutan mo?" kunot noo niya akong tinignan. "Of course not. Hindi ko lang inaasahan na hindi ka pumasok ngayon dad." "Ace is still not here. Bakit hindi kayo nagsabay umuwi?" Tumaas ang kilay ko at gusto kong suminghal. "Dad, alam mo naman kung gaano kami hindi magkasundo diba?" "Nico naman, tatlo na nga lang kayong magkakapatid puro pa kayo away. Sort it out okay?" He calmly said. "I've tried dad. At anong nangyari? Wala. Sa mga ibang tao lang sila mabait. They're hypocrites. You can't see my effort trying to get close to them because you always have work," mariing saad ko at natigilan naman siya. "You used to be so close. What happened?" he asked as if he were too concerned. "I don't know. Ask mom. Maybe she ca
Leana’s POV Kung kailan sinapian ng kabaitan ‘tong kapatid ko, saka naman maglalambing ang parents namin. Ayaw kaming papuntahin sa mall! Eh sabi ng kapatid ko ililibre niya ako. “Mama! Please!” Sigaw ko mula sa sala pero wala akong natanggap na tugon. Maya-maya ay bumalik na sila ni papa na may hawak hawak na pasta na niluto niya sakto pagdating namin. “Bakit pa kayo lalabas kung pwede naman tayong lahat na lang ang mag celebrate dito sa loob ng bahay?” Nakangiting aniya. Masama ang loob na sumandal ako sa sofa at nilingon si Chance na parang hindi man lang affected. Umusog ako palapit sa kanya at inilapit ang mukha sa tenga niya. “Tulungan mo naman ako.” “Alam mo ate, malaki ang feeling ko na hindi talaga tayo mapapayagan.” Sininghalan ko siya at tinignan si papa at ngumiti ng matamis. “Papa-” “Hindi.” Napapadyak ako dahil sa inis. “Bakit kasi? Pinapayagan niyo naman kami madalas ah!” “Para kompleto tayo. Alangan namang kami lang dalawa dito ng mama niyo? Eh ngayon lang
Leana’s POV “Nico! Good morning!” Nginitian ko siya ng malapad at hindi nag-alinlangang ikaway ang dalawang kamay dahil kaming dalawa pa lang naman ang nandito. Agad niya akong nilingon at ngumiti ng tipid. Shet, magkaibigan na talaga kami. Nginingitian na niya ako ng madalas! May improvement talaga. Nilagay ko muna ang bag ko sa upuan ko bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Sinilip ko ang pinapanood niya. Bumilog ang bibig ko. Finding Nemo again huh? I know he always watches this movie when he’s either having a fight with his parents or he wants some affection from his parents. What happened? “You look happy,” aniya. Tumango ako. “Syempre naman. Kailan ba ako hindi naging masaya?” Sininghalan niya lang ako at itinigil ang panonood. Nagtaka naman ako dahil sa paninitig niya sa akin kaya kinaway ko ang kamay ko sa mukha niya. “Kung makatitig ‘to akala mo naman kung ano ang naging kasalanan ko. So what’s up? Musta naman buhay mo? Kaya pa ba?” “Kaya ko pa naman.” Tina
Leana’s POV “Binully ka rin ni Lara?!” Agad siyang napaiwas mula sa akin marahil dahil sa boses ko. “Oo nga. Leana, nasa harapan mo lang ako,” nanlulumong aniya at sinimangutan ko naman siya. Lagi siyang nagrereklamo sa lakas ng boses ko eh kapag tahimik naman ako, hindi siya tumitigil sa pagtatanong kung nilalagnat ba ako, kung okay lang ako o nagugutom ba ako! Ano ba talaga Nicolo?! “Eh sa ganito nga kasi ako! Anong magagawa ko diba?! Eh natitiis mo naman ako! Kapag tahimik ako, hindi ka mapakali tapos kapag maingay naman ako, gusto mo akong patahimikin. Ano ba talaga?” Inis na talagang saad ko sa pagmumukha niya. Bumuntong hininga pa siya na tila ubos na ubos na ang pasensya bago hinablot ang hawak kong mga materyales para sa project namin. “Okay. I’m sorry. Lower down your voice at least,” saad niya at napangisi naman ako. "So, ikwento mo sa akin kung bakit ka niya binully noon.” “We were in grade 6 at that time. Lagi niya akong nilalait at napaka loser ko raw dahil ako l
Leana's POV "You want me to play the electric guitar?" tanong niya sa akin habang nakaturo ang hintuturo sa mukha. Nakangiti akong tumango at kumunot naman ang noo niya. "All of a sudden? What's up?" "Wala. Gusto ko lang marinig." Ngumiwi siya at umiirap na sumandal sa sofa nila. "Sige na. Nasa bahay niyo naman na tayo." Sinamahan ko ang kapatid kong pumunta rito dahil may gagawin daw sila ni Ace na project. At sakto namang wala ang mga parents nila kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ako madalas dito sa bahay dahil nakaka-intimade ang awra ng mama niya. Ramdam ang yaman nila sa tindig at kilos pa lang niya. Pati sa pananalita! Nahihiya ako. Ang papa niya naman, mabait. Parang si Nico lang. Malumanay at kalmado sa paraan ng pananalita at pagkilos. Ang kuya niya ang nakakuha sa ugali ng mama nila at si Nico naman ay sa papa niya. Si Ace, hyper. Parang si Chance. "Mabait naman pala si Ace," ani ko. "He is." Napangiti ako. One thing that I like about Nico. Even though he's no
Nico’s POV Back then, I thought you can only experience heartbreak if the person you love broke up with you. Now, I realized that it’s not because parents can give you a damn heartbreak too. “Nico, anak kakain na,” pagtawag sa akin ni mommy. Nilingon ko siya at nakangiti siya sa akin. What a fake. “I’m going somewhere, mom.” “Where?” “To Leana’s house,” saad ko. “Again? What if you spend time with your family today? Mas madalas ka na roon kaysa rito.” Masaktan ka ngayon mom. Masaktan kayong lahat. “But I can’t afford to not go there. May usapan kami.” Napatingin ako kay kuya na naglalakad papunta sa direksyon namin. “Then go there after eating lunch.” “Bakit kayo namimilit?” inis na tanong ko. “Para makompleto naman tayo Nico. Madalas kang hindi sumasama sa amin.” “Dad come on, walang isyu sa inyo kapag hindi ko kayo nakakasabay sa pag kain noon. Can you stop doing this? It’s annoying.” “We just want to spend time with you kuya.” Kahit pagtulungan niyo pa ako. Hindi n
Leana’s POV At dahil matigas ang ulo ko, hindi ko ginawa ‘yung sinabi niya na ipatanggal ang pangalan niya sa listahan ng mga magau-audition. At nag-away talaga kami. For the very first time, he shouted at me with anger. Real anger. Hindi ‘yung simpleng inis lang kundi galit talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya! Confident naman ako para sa kanya. Talaga namang magaling siya. Nagkapikunan kami at parehas kaming masama ang loob sa isa’t-isa panigurado. Alam kong galit siya dahil sa ginawa ko at galit naman ako dahil sa medyo masakit ang mga sinabi niya. Tinutulungan ko lang naman siya eh! Pero alam ko naman kasing mali na isali sya na wala siyang permiso pero ‘yun lang ang alam kong paraan para mapapayag siya. I mean, marupok siya. Madaling mapipilit lalo na kapag malapit ka sa kanya. At nag take advantage ako roon. Ang sama ko! Pinag-isipan ko naman mabuti eh. Mababa ang confidence niya. Pero kailangan niyang ma-expose para masanay. May talent siya kaya isin