KABANATA 32
Katulad ng sinabi ni Chloe ay hindi nga nila hinayaang magtagpo ang landas namin ni Levi. Gumawa sila ng paraan para makalabas ako nang hindi natatagpuan ni Levi. Ayaw ko pa talagang makita si Levi. Ayaw ko talaga. Ayaw ko ring makinig sa kanya. Pakiramdam ko ay kahit anong sabihin niya hindi pa rin ako mapapanatag.
Bumuntong hininga si Hannah sa tabi ko. Nabili ng ice cream si Chloe kaya kami lang ni Hannah ang nasa table ngayon. Kitang kita ko ang pawis sa side bangs ni Hannah.
“Levi is really determined to talk to you. I saw him…searching for you,” Hannah said while watching me. Nakatulala lang ako sa mesa habang nag-iintay sa ice cream.
“Ayaw ko siyang makausap, Hannah. Paano kung makita kami ng mommy niya? Ng fiancee niya?” naiiling kong sinabi. I heard her sighed.
“I didn’t imagine that your problem is this complicated. I feel like…your life were planned to get entang
KABANATA 33Unang tingin pa lang sa kanyang mukha nangatog na ang tuhod ko. Nagkagulo na naman ang puso’t isip ko. Hindi ko maintindihan at hindi dapat ako magkaganito. ‘Wag kang magpapadala Astrid. Magalit ka sa kanya. Isipin mo lahat ng masasamang ugali niya. Lahat ng panloloko niya. Lahat ng ayaw mo sa kanya nang sa gayon ay matakluban ng galit ang pagmamahal na ito.“Astrid…” he called out my name and my heart immediately reacted but I have to stand on my decision. Whatever I am feeling I should get mad at him. I should stay away from him. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko siya. I saw his car near at the cemetery’s gate. Madilim na ang kalangitan.“Astrid…mag-usap tayo,” mariin ang kanyang boses habang sinusundan ako. I gritted my teeth. Why is he doing this? Was he guilty? Kaya ba hinahabol niya ako ngayon dahil guilty siya? This is bullshit!“Go home, Levi. Uuwi na ako
KABANATA 34Mali. Mali ang lahat ng ‘to. Sa lahat ng ginawa ko ito ang pinakamali. Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagkakatulog ni Levi sa tabi ko. I am now wearing back my dress while Levi fell asleep beside me. Tears rolled down my cheeks. I know it was wrong but…why do it still feels so good? Maybe I am a fool. I fell for him hard. And I was wrong for that. I wiped off the tears in my cheeks and silently open the door.Pinagbigyan ko lang ang sarili ko ngayon pero hindi ako pwedeng manatili. Maaaring nadala lang ako sa init na nangyari kanina at kasalanan kong nagpadala ako. Hindi dapat.Umiiyak akong umalis sa kanyang sasakyan, papalayo sa kanya. Mom and I have to leave as soon as possible. Kailangan naming lumayo. If we’ll stay here we will always get entangled with them and I don’t want that to happen. Nagpara ako ng taxi para doon sumakay at makauwi na. Tiningnan ko ang aking wrist watch sa nanlalabong mga mata dahil
KABANATA 35Hinila niya ako kung saan at patuloy naman ang pagpipilit kong pumiglas sa kanyang hawak. Halos masaktan na ako sa hawak niya. Mas lalo pang kumalabog ang puso ko nang buksan niya ang passenger ng sasakyan niya at bumaling sa akin ang kanyang madidilim na mga mata.“Pasok,” mariin niyang utos. Nakita ko pa ang pagtagis ng bagang niya. Umiling ako at pilit na pinatatag ang sarili. Kailangan mo ng umalis Astrid. Tama na ang pagpapakatanga. Hindi ko na dapat siya makita. Lalo na kapag naaalala ko ang galit na galit na mukha ng mommy niya.“Hindi ako sasama sayo, Levi.” Mariin kong sinabi at hinila ang kamay ko pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa akin. Mas dumilim ang titig niya sa akin. Kitang kita ko ang pinaghalong galit at kung ano-ano pa na hindi ko inakalang magsasama-sama sa mga mata niya.“Why? So you’d avoid me again?” tiim bagang niyang sinabi at mas pina-unti ang distan
KABANATA 36Maagap akong nagising para magluto ng almusal namin ni mama. Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako para maghanda. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasan ng isip kong lumipad na naman sa malayo. Rinig na rinig ko ang mga kuliglig sa paligid dahil sa likod lang namin ay ang gubatan.Hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa at saktong narinig ko ang alarm clock ni mama. Mabilis akong naghugas at nagpunas ng kamay bago ko pinasok ang kanyang kwarto. Nakita ko siyang sinusubukang tumayo pero agad akong nagtungo sa kanya para akayin siya sa wheelchair. Ginamit ko ang buo kong lakas para mailagay at maiupo siya doon.“Dahan-dahan, Ma…” bulong ko habang inaayos siya roon. Ngumiti siya sa akin at sumunod. Pagkatapos ay tinulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa lamesa at hinandaan siya ng pinggan na may nakalagay ng pagkain.“Salamat, anak…” mahina niyang sinabi. Hinalikan ko siya sa kanyang noo
KABANATA 37Mabilis akong nag-out sa trabaho at dumiretso sa restaurant na tinutukoy ni Adelaide. Nakita ko nga ‘yung apat do’n na nagkakagulo na sa cellphone ni Adel. Mabilis akong umupo sa tabi ni Akari at inagaw ang phone at pinatay ‘yon. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ‘yon dahil alam ko na kung anong nakalay doon. They all smirked when they looked at me.“Hindi mo naman sinabi na ang yaman at ang hot ng ex mo, Astrid!” kinikilig na sinabi ni Estella. Umirap ako at inagawan si Akari ng juice. Matalim niya akong tiningnan pero binalewala ko ‘yon at sumimsim muna ng juice bago umimik.“Hindi na ako interesado sa taong ‘yon. Kinwento ko lang ‘yon kagabi sa inyo para na rin sa ikakatahimik ng kalooban ko. Wala akong balak na makipagkita pa sa kanya o kahit sa pamilya niya,” paliwanag ko.“Kahit ako naman Astrid! Siguradong mamaliitin ka lang ulit ng mommy no’n
KABANATA 38Nagpatuloy ako sa trabaho hanggang sa mag break time na naman. Sa totoo lang ay wala akong ka close sa mga katrabaho ko. Nagkakaroon lang ako ng kausap kapag bibisita dito sina Adelaide, kapag wala ay tahimik lang din ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kasi kahit mabait naman sa akin ang iba ay pinag-uusap pa rin nila ako behind my back at masama ‘yon sa pakiramdam.Kaya naman imbes na mapaaway ay umiiwas na lang ako. Isa pa mahalaga ang trabaho na ‘to sa akin dahil gusto kong mag-ipon. Ang plano ko kasi ay mangibang bansa pagkatapos makaipon. Sa tingin ko kasi ay doon ako makakakita ng malaki. Ang kaso malaki rin ang magagastos para makarating sa ibang bansa, lalo na’t America ang gusto ko.Habang kumakain ng libreng pa-lunch ng hotel ay nakatanaw ako sa bulkang mayon na tanaw dito mula sa restaurant ng hotel. Ito talaga ang dinadayo sa hotel na ito kaya marami ang nagchecheck-in. Bukod pa doon ay
KABANATA 39Maraming inutusan si Manager para ayusin ang zipper pero hindi kaagad ito maaayos dahil kailangan itong palitan ng zipper at dahil mamahaling brand hihirapin kaming makakita ng tugma rito.“I assigned this task to you and your group, Astrid para maging maayos ang trabaho pero nagkamali yata ako that I entrusted this to you!” sermon na naman ni manager. Nakatungo lang ako the whole time. Bumuntong hininga ako at napatitig sa luggage.“M-Manager…baka po pwedeng pakiusapan yung may-ari? Ako na lang po ang magpapaliwanag,” sabi ko habang iniisip kung paano ako luluhod sa harapan ng bisita para lang hindi kami mapagalitan dito. Kapag nalaman ito ng CEO patay na talaga ako. Lalo pa’t hindi basta-basta ang bisita.“Paano kung hindi mapakiusapan? Anong gagawin mo?” tanong ni manager. Bumuntong hininga ako at malungkot na tumingin sa kanya. Masakit man ang katotohanan pero kailangan kong ta
KABANATA 40Titig na titig ako sa ceiling ng kwarto ko habang rinig na rinig ko ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan na mabilis na tumatakbo ngayong gabi. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina sa trabaho. Nalaman ko na ang guest ay si Levi at Cathlyn. Sila ang mahalagang bisita at apat na araw silang mag-s-stay sa lugar na ‘to.Ano ng gagawin ko? Hindi ko na alam. Magulo ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay sinumpa ako para maranasan ang lahat ng ‘to. Marami na akong pinagdaanan sa buhay pero sa lahat ng ‘yon ito ang pinaka ayaw ko dahil pakiramdam ko sa puntong ito ay susuko ako. This is my downfall. Levi is my weakness. Hindi ko yata kayang magharap pa kaming muli.What should I do? Resign? Pero…sigurado ba akong makakakuha ako ng trabaho agad-agad? Hindi dapat ako magpadalos-dalos dahil kailangan ko ng pera. Pagkatapos ng lahat ng ‘to ay aalis ako ng Pilipinas, isasama ko