Habang nasa iisang lugar sila ay paminsan-minsang nagkikita ng palihim si Allyana at Seb sa kompanya. Kahit na palihim silang nagkikita ay nakikita rin ni Dylan iyon, ngunit wala siyang boses upang magsalita sa kung anong ginagawa ng dalawa. Hindi rin nakaligtas kay Keane ang balitang isa sina Seb sa bagong investors ng kompanya nina Allyana at talagang hindi siya makapaniwala, na biglaan ang paglitaw nito kahit alam niyang posibleng makikita nila ito. Kaya naman, nasisiguro rin niya na alam na iyon ni Albert. Tatlong araw ang lumipas, ay naging tahimik ang mga buhay nila at naging abala sa trabaho. Si Chelsea ay pinabalik muna sa Canada ng kanyang ama upang asikasuhin ang trabaho na iniwan nito. Ngunit, babalik rin ito upang samahan si Allyana sa laban nito.Kahit nagtatrabaho sina Allyana, bukod sa palihim silang nagkikita sa opisina ay may pagkakataon rin na nagkikita sila sa labas ng sila lang dalawa.Kaya naman, nakikita rin sila ni Keane, na bahagyang sinusundan nito upan
Matapos ang nangyari kay Keane sa labas ng building ay nasa conference room sila, at seryosong nakatingin ang ama ni Allyana. Tahimik lang si Allyana, dahil nga wala siyang ediya sa nangyari—iyon ang nasa isip ng kanyang ama na katabi lang ito. Sila lang apat ang nasa loob, upang pag usapan ang kumakalat na balita sa magazine at maging sa T.V na agad lumabas."I can't believe that this is happening. What's the meaning of this? Answer me, Keane and Dylan," tawag nito sa kanila.Napayuko naman ang dalawa at hindi alam kung ano ang isasagot. Nakatingin lang si Allyana sa kanila."It's not true, dad," mayamaya ay sagot ni Dylan.Napaangat ang tingin ni Keane kay Dylan, matapos itong magsalita, ganoon rin si Allyana."Explain," seryoso nitong sabi."The picture was true. Yeah, we are been together, but, it's about those days that Allyana is missing. She just comfort me and we both hoping that she's alright. The picture you saw us holding our hands, that was the time when she accidental
Tahimik na binabaybay ni Keane ang daan paalis sa kompanya nina Allyana. Hindi mawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa nangyari sa kanya at siguradong hindi pa doon nagtatapos ang nangyari. Hindi niya alam kung aasa ba siya sa ama ni Allyana, na gagawan nito ng paraan upang maaalis ang iyon na may kinalaman sa pangalan nila. Hindi niya rin masabi kung sino ang naglabas no'n, hindi niya rin alam kung may kinalaman si Chelsea sa paglabas ng ganoong balita. Hindi nito ugali ang ganoon, mas lalong hindi rin si Allyana. "Allyana.." sambit niya sa pangalan nito at napakuno't noo.Nakita niya ang reaksyon ni Allyana kanina, na tila ba kalmado lang ito at tahimik. Bahagya niyang naikuyom ang kanyang kamay. Naisip niya, na kung hindi nawala ang alaala nito ay talagang hindi ito gagawin sa kanya. Ngunit ngayon ay wala itong maalala at iba rin ang kilos nito, na tila hinayaan lang ang mga bagay na nangyayari sa paligid nito. Napasinghal na lang si Keane at napapailing."Ibang klase ka rin
Dali-daling pumasok si Dylan sa bahay ni Keane, matapos itong tumawag sa kanya na galing ito sa Hasyenda ng mga Mondragon. Alam ni Dylan kung ano ang mangyayari kay Keane kapag galing ito sa Hasyenda. Isa pa, may kutob na siyang may mangyayari dito, dahil tumawag ang isa sa tauhan ni Albert at pinapakuha ang kotse ni Keane. Binuksan niya ang kwarto ni Keane at doon naabutan niyang nakadapa ito sa kama."Keane! Are you alright?" nag aalala niyang tanong dito.Lumapit siya dito at agad na inilapit ang kanyang kamay sa noo nito. Naramdaman niya ang init na nagmumula dito at nasisiguro siyang nilalagnat ito, dahil hindi normal ang init na naramdaman niya."Y-You really came," nakapikit na sabi ni Keane."Did he hurt you? Where?" nag aalalang niyang tanong at sinuro ang braso nito, nang masagi niya batok nito ay napadaing si Keane.Napakunot-noo si Dylan at dahan-dahang tiningnan ang batok nito. Doon, nakita niya ang namumulang marka ng bagay na ginamit nito.Hinawakan niya ang ku
Sa mga sumunod na araw ay naging abala sina Allyana sa pag aasikaso sa kanilang kompanya, ganoon rin sina Seb. Hindi rin sila halos nagkikita sa kompanya, dahil sa pagiging abala nila. Ngunit, napapansin ni Allyana ang laging pagmamadali ni Dylan sa pag alis. Noong una ay hindi niya ito pinapasin, ngunit, kalaunan ay nahalata na niya. Hindi na rin ito pumupunta sa bahay nila, nalalaman lang niya na hindi ito pumupunta dahil tinatanong siya ng kanyang mga magulang. Wala naman siyang maisagot, dahil wala siyang alam sa nangyayari dito. Maging si Keane ay hindi na rin niya nakikita, matapos ang araw kung saan dinumog ito ng media. Mabilis namang nawala ang issue nito, dahil na rin sa kanya. Sadyang pinalabas lang niya iyon, para ipatikim kay Keane. Isang hapon ay lumabas si Allyana sa kompanya, upang umuwi. Hindi niya nakita sina Seb at siguradong siyang may ginagawa pa ang mga ito. Habang naglalakad siya sa papunta sa parking lot ay may humintong kotse sa tapat niya. Binaba
Nanatili pa rin silang tahimik, lalo na si Allyana dahil sa kanyang narinig mula kay Albert. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa nalaman niyang hindi totoo ang kasal nila ni Dylan. Tumingin si Seb kay Dion at senenyasan na lumabas upang tingnan kung nakaalis na ba sila Albert. Sumunod naman si Dion at tinawag ang tauhan nila, saka lumabas. Naiwan silang dalawa ni Allyana, na hindi pa rin makapagsalita."Ijo!" Naagaw ang atensyon niya, nang tinawag siya ng kanyang ina.. na pababa ng hagdan. Lumapit ito sa kanila at agad siyang niyakap."Mabuti naman at dumating ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, dahil sa lalaking iyon," naiiyak na sabi ng ina ni Seb, habang kayakap siya. Saglit na tumingin si Seb kay Allyana, na deretso parin ang tingin."Yeah, I was thankful that your alright. Did he do or say something too you?" nag aalalang tanong niya dito, matapos humiwalay sa yakap."Nagtanong lang siya kung nasaan ka, at kinumusta lang ako. Ngunit, iyong kaba na nararam
Kinabukasan, nagising si Allyana, na may mabigat na kamay na nakayakap sa kanya. Napapikit-pikit siya at dahan-dahang inalis ang kamay na iyon, pero yumakap lang ito sa kanya."Later.." sabi ni Seb sa kanya na siyang nakayakap sa kanya.Napangiti na lang si Allyana at hinayaan ang gusto ni Seb. Nakaramdam siya nang tuwa, dahil kahit walang nangyari sa kanilang dalawa ay masarap pa rin sa pakiramdam na katabi niya ang lalaking nagpapahalaga sa kanya, na nasa tabi lang niya sa lahat ng oras.Kumilos siya at humarap dito, saka siya yumakap. Nakapikit pa si Sen at tila napaka-inosente ng mukha nito."What are we going to do now?" "Hmm? Let's stay like this until it's evening," tugon nito.Natawa naman si Allyana sa sinabi nito at bahagyang kinurot ang ilong."Ikaw talaga, sige na, bumangon na tayo. Gusto mo sabay tayo maligo?" saad ni Allyana.Dahan-dahan dumilat ang mga mata ni Seb, na agad niyang sinalubong ng halik sa ilong nito."You're too naughty, woman," nakangiting sabi ni S
Binitawan ni Seb ang kamay nito, nang makarating sila sa garden ng kanyang ina. Seryoso niyang tiningnan ang babae, na nakangiti naman sa kanya."Seb, don't look at me like that. You know, how much I miss you. Pumunta pa talaga ako dito para magkaayos tayo. Patawarin mo ako sa nagawa ko saiyo, alam kong mahal na mahal mo pa rin ako. Please, forgive me?" malambing na sabi nito at muling yumakap sa bewang ni Seb."I thought, we already talk about that. We already parted ways, because that's what you want and also mine. Why are you still after me?" kuno't noo'ng sabi ni Seb at inihiwalay sa kanya ang babae."I know that, but, I realized that I still want you. I still love you, Seb. I want us to comeback together," pagsusumamo nito sa kanya.Napapailing na lang si Seb sa sinasabi nito. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito o inuulit lang nito ang pagsisinungaling nito. She was his girlfriend for almost 3 years. Ito lamang ang nagtagal sa kanya na naging karelasyon niy