Binitawan ni Seb ang kamay nito, nang makarating sila sa garden ng kanyang ina. Seryoso niyang tiningnan ang babae, na nakangiti naman sa kanya."Seb, don't look at me like that. You know, how much I miss you. Pumunta pa talaga ako dito para magkaayos tayo. Patawarin mo ako sa nagawa ko saiyo, alam kong mahal na mahal mo pa rin ako. Please, forgive me?" malambing na sabi nito at muling yumakap sa bewang ni Seb."I thought, we already talk about that. We already parted ways, because that's what you want and also mine. Why are you still after me?" kuno't noo'ng sabi ni Seb at inihiwalay sa kanya ang babae."I know that, but, I realized that I still want you. I still love you, Seb. I want us to comeback together," pagsusumamo nito sa kanya.Napapailing na lang si Seb sa sinasabi nito. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito o inuulit lang nito ang pagsisinungaling nito. She was his girlfriend for almost 3 years. Ito lamang ang nagtagal sa kanya na naging karelasyon niy
Inihatid ni Seb si Allyana sa bahay nila ng hapong iyon. Gusto pa man ni Seb na makasama pa si Allyana ay hindi na muna pwedi. Samantala, si Dion naman ang naghatid kay Ailee, sa kung saan man ito tumutuloy. Nais nitong sumabay kina Seb, pero inutusan lang ni Seb si Dion na ihatid si Ailee, saka sila umalis. Hindi na nakahirit pa si Ailee, dahil agad na umalis ang dalawa. Habang papauwi sila ay pinaliwanag ni Seb kung anong mayroon sa kanila ni Ailee at kung paano natapos ang relasyon ng dalawa. Hindi man nagtanong si Allyana pero sinabi pa rin iyon ni Seb sa kanya at natutuwa siya dahil sinabi lahat ni Seb sa kanya."I still have a work to do. Take care of yourself and see you tomorrow," nakangiting sabi ni Seb sa kanya habang nasa kotse sila at nasa tapat ng gate, ng mansion nina Allyana."Yeah, you too," nakangiting tugon niya dito.Tumango si Seb at hinalikan ang labi ni Allyana. Saglit lang iyon bilang pagpaalam nito. " I will call you later," dagdag nito."Okay, I have to go,"
Tahimik parin silang dalawa, habang nagkatitigan. Mayamaya ay biglang tumawa si Keane at napangiti naman ni Allyana. "Haha! C'mon, bes! Ano bang sinasabi mo? Ako? Si Dylan? May relasyon? Oh no, no, that can't be happen," napapailing na sabi ni Keane habang natatawang nakatingin kay Keane.Muling nagsalin ng wine si Allyana at sinalinan naman niya si Keane."It's funny right? Yeah, I want to laugh too, because that was so unbelievable. Like, I treat you as a sister and I love Dylan so much. That's told me about it. But, I still can't believe that ,you two will betray," nakangiting sabi ni Allyana.Nakita naman niya kung paano unti-unting nawala ang tawa ni Keane, lalo na at makitang seryoso siya sa kanyang sinasabi kahit na nakangiti siya dito."Are you serious? Did you really believe what Chelsea said?" seryoso nitong sabi.Napangisi naman si Allyana at bahagyang ginalaw-galaw ang baso, saka muling tumingin kay Keane na kuno't noo'ng nakatingin sa kanya."Of course, I believe he
Nakangising nakatingin si Keane sa nakahandusay na si Allyana. Nakikita niya ang dugong umaagos mula sa ulo nito.Mayamaya ay nilapitan siya ng kanyang tauhan."Ma'am, may paparating at sa tingin ko at grupo nina Dion iyon," sabi nito.Natigilan naman siya. Imbes na may plano pa siya kay Allyana ay bigla namang pagdating ng grupo ni Dion, kaya nalito siya sa kung anong gagawin. Kaya naman umatras siya at hinagis ang susi ng sasakyan dito."Drive my car, don't let them chase you and if they do, kill yourself!" saad ni Keane at mabilis na tumakbo paalis sa lugar, lalo na at nakita niya ang papalapit na mga sasakyan sa gawi nila. Samantala, habang nakasakay sina Seb at Dion sa kotse papalapit sa lugar na alam nilang posibleng puntahan nina Allyana at Keane ay natigilan sila pareho, nang makita ang isang babaeng nakahandusay sa kalsada, maging ang pagharurot ng isang sasakyan paalis sa lugar.Agad na inihinto ni Dion ang kotse saka lumabas. Bumaling siya sa tauhan nila sa li
Naging maayos ang kalagayan ni Allyana, matapos siyang asikasuhin ng kaibigang doktor nina Seb. Ngunit, hindi pa rin nagigising si Allyana at habang ganoon pa rin ang kalagayan nito ay kumikilos naman sina Seb at Dion.Inalam nilang mabuti kung may kinalaman nga ba si Keane sa nangyari kay Allyana. Sinuri nila ang mga ebedensiya na nakuha ng tauhan nila. Nakita nila ang pouch ni Keane sa kotse, maging ang ilang I.D's nito. Nakalagay din sa pangalan niya ang kotse. Tiningnan rin nila ang CCTV na nakalagay sa katabing kanto, kung saan nakita nila kung anong ginawa kay Allyana. Halos manggalaiti naman si Seb, habang nakatingin sa CCTV, lalo na kung paano nito sagasaan si Allyana. Nakita nila ang babaeng bumaba sa sasakyan at nakita nilang si Keane iyon. Kinuha nila ang kuha ng CCTV at hindi nila hinayaang may makakuha pang iba nito. Matapos nilang matipon ang mga ebedensiya ay tinawagan naman nina Dion ang kilala nilang abogado para ibigay ang mga ebedensiyang iyon. Hindi alam ni All
Hindi alam ni Seb kung ano ang nakikita niya ngayon kay Allyana. Bigla siyang nanibago sa aura nito, lalo na nang inalis lang nito ang tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.Hindi ito nagsalita o tumugon sa kanya.Naglakad siya palapit dito at tumabi sa pagkakatayo."I'm glad that you're awake. How's your feeling?" sabi niya dito.Hindi nagsalita si Allyana at nanatili pa rin nakatingin sa malayo. Wala namang magawa si Seb, kundi hayaan ito."Alright, I will give you a time to talk. You can talk to me or my mom or Dion. I will leave you for now," mayamaya ay sabi ni Seb at bahagyang tumalikod.Ngunit, hindi pa siya nakakalayo dito, nang marinig niyang magsalita ito."Sebastian Mcdavid.." tawag nito sa kanyang pangalan.Kaya naman ay dahan-dahan siyang napalingon kay Allyana, na ngayon ay dahan-dahan ring lumingon sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi alam ni Seb kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya masabi kung bumalik na ba ang alaala nito o walang naging d
Bumaba mula sa sasakyan si Allyana, kung saan si Seb ang nagmamaneho. Napatingin pa siya sa labas ng kanilang mansion at tila bumalik ang masasayang alaala niya dito, na minsang nawala sa kanya. Ngayon, pakiramdam niya ay napaka-komportable ng paligid para sa kanya. May nakita siyang nakaparadang kotse at nakilala niya iyon. Naging seryoso siyang nakatingin sa kotse ni Dylan at talagang pumunta ito sa bahay nila. Sabagay, iyon naman talaga ang gusto niya."Let's go?" anyaya ni Seb at iniabot ang kamay dito.Napatingin si Allyana dito, saka tumango at naglakad sila papasok sa loob. Pinagbuksan siya ng gate, nang kanilang gwardiya na nginitian lang niya.Tumawag na sa kanila si Dion at sinabing nasa mansion na nila sina Keane. Hindi niya alam kung paano napapayag ni Dion si Keane na pumunta ngayon sa mansion, pero mabuti na lang iyon para sa kanya... para magkaharap-harap sila.Nang nasa pinto na sila ay bahagya silang nagkatinginan ni Seb at sabay na napatango. Naglakad sila pap
Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga