Share

Loving a Player
Loving a Player
Author: Rubye GT

Prologue

Author: Rubye GT
last update Last Updated: 2021-04-08 02:45:01

09961234321

Hi.

Crushie

Uh... hi! who's this?

09961234321

Your secret admirer.

Crushie

Yeah, right. Brenda, pwede ba, tantanan mo na ako?

09961234321

Sorry, but i'm not Brenda. Is she the girl from the school's cheering squad?

Crushie

Yes, you are. And please, stop pestering me! I told you, we're over.

09961234321

Kulit lang, hindi nga po ako yun.

Crushie

Fine. Who are you, then?

09961234321

Nahihiya akong magpakilala.

Crushie

And why is that?

09961234321

Hindi ako kasing ganda ni Brenda, and all of those girls na nakapaligid sa iyo.

Crushie

Tsk. why did you text me, then? Kung hindi ka rin naman pala magpapakilala?

09961234321

Wala lang. Gusto ko lang maramdaman iyong feeling na katext ang ultimate crush ko. 

Crushie

Sorry, miss secret admirer, kung hindi ka magpapakilala, hindi na kita rereplayan.

09961234321

Okay lang. At least, kahit once, nakatext kita.

Crushie

Tss. Ang babaw... sige na, bye!

09961234321

Thanks for the time.

KASALUKUYANG nakayukyok si Dawn sa table/armrest ng upuan niya nang bigla na lamang siyang hatakin ni Andrea at igiya papuntang pintuan ng classroom nila.

Puyat kasi siya ng nagdaang gabi, hindi siya halos nakatulog sa kilig nang makatext niya ang ultimate crush niya.

Magdamag yata siyang nakatingin lang sa text conversation nila, na tila kinakabisa ang lahat ng napag-usapan nila, kahit wala namang parte niyon ang kakilig-kilig.

Hindi pa siya nakuntento. Isinulat niya pa iyon sa likod ng journal niya. Baka kasi mag-reformat ang phone niya at aksidente iyong mabura.

"Hey, Andrea.. bakit ba?" nagtataka at pupungas-pungas niyang tanong dito.

"Basta, bilisan mo." anito at patuloy lang sa paghila sa kanya.

Dahil mabilis ang paghatak nito sa kanya, at bigla siya nitong binitiwan pagdating sa pinto, hindi niya naiwasan ang pagbangga sa isang estudyante ring padaan sa harapan ng classroom nila.

"Andrea, ayan tu-lo-y.. sor-ry..." nauutal na sabi niya sabay lunok nang pag-angat niya ng paningin, ay makita niya kung kaninong katawan siya bumangga.

Isa pa uling lunok ang ginawa niya nang alisin nito ang suot na shades at yumuko sa kanya.

"Miss, next time, huwag kayong nag-haharutan sa daan. Oh,  scratch that, next time huwag kayong naghaharutan. Kung wala ako rito, nakipaghalikan ka sana sa semento." may concern naman siyang naramdaman sa sinabi nito, ngunit hindi niyon naitago ang pagka-arogante ng binata.

"Y-yeah. S-sorry u-ulit.." nauutal pa ring sabi niyang lalong na-intimidate dito. Hindi na ito kumibo at naiiling na lamang na nagpatuloy sa paglakad.

Nakatulala pa rin siya at nakatingin dito nang tapikin ni Andrea ang braso niya. Tila siya natauhan sa tapik na iyon. Pagtingin niya sa kaibigan ay nakakaloko ang ngiti nito sa kanya. 

"Ano ka ba, Andrea? Nakakahiya kaya, nagmukha pa akong lampa at maharot sa ginawa mo eh." naiinis na sabi niya at pumasok na uli sa loob ng classroom.

Si Andrea lamang ang naging kaibigan niya mula nang mag-high school siya.

First year pa lamang ay magkaklase na sila.

Dahil magkasunod ang apelyido nilang Samonte at Samson, ay lagi silang magkatabi sa seatplan. Kaya lalo silang naging malapit sa isa't-isa.

Ito lamang din ang nakaka-alam ng tungkol sa pagkaka-crush niya kay Art. Hindi niya iyon ipinagmamaka-ingay, sapagkat tiyak na maraming mambu-bully sa kanya kapag nalaman iyon ng marami.

Mahigit yata sa kalahati ng female population ng eskuwelahan nila ay may gusto rito.

Hindi naman niya masisisi ang mga ito, bukod sa gwapo si Art ay matalino rin ito. Star player din ito ng basketball team nila. Madalas din itong ipadala sa iba't-ibang district upang ipanlaban sa iba't-ibang academic contest. Pati nga Mr. University, pinatulan pa nito. At huwag ka, sapagkat naipanalo niya rin ang larangang iyon. 

Ganoon itong ka-active sa school.

Hindi niya alam kung paano nito napagsa-sabay-sabay ang mga iyon.

Complete package, 'ika nga nila.

At siyempre pa, ay ang pambababae nito.

Wala naman ito, kahit kailan na ipinakilalang girlfriend, ngunit hindi lingid sa lahat na hindi ito nababakante pagdating sa babae. Kung gaano ito ka-active sa school ay ganoon din ka-active ang sex life nito.

Yes. Sex life.

Dahil iyon lang ang gusto nito sa isang babae.

Sex.

Usap-usapan ng mga kababaihan sa school na kapag natikman na raw nito ang isang babae ay hindi na raw nito iyon muling tinitikman.

Ayaw daw umano nito ng commitment.

At kapag humigit na sa isang beses ang tikiman ay nag-a-assume na ang babae at natututo nang mag-demand.

"Sorry naman, na-excite lang naman ako noong nakita ko siyang parating." apologetic ang ngiti nito at nag-peace sign pa sa kanya.

Padaskol na tinanggal niya ang headband niya, gayundin ang ipit sa buhok, at sinuklay lang ng daliri ang hanggang baywang niyang buhok, bago ibinalik ang pagkaka-ipit at inilagay muli ang headband.

"Grabe, nakakahiya. Anong hitsura ko kanina noong nagka-bungguan kami? Hindi ba ako masyadong obvious?" aniyang pinunasan ng panyo ang sa palagay niya'y naglalangis niyang mukha.

Sa edad niyang kinse anyos ay masuwerte nang makatikim ng pulbos ang mukha niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman masyado. Medyo natulala ka lang." nakangiti pa ring sagot nito.

"Nakakainis ka talaga... nakakahiya. Alam mo ba'ng katext ko 'yon kagabi?"

"Really?!" nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. 

Tumango muna siya bago sumagot. "Medyo suplado lang..." aniyang sinundan ng buntong-hininga.

"Girl, subukan mo kayang mag-ayos? I mean, maganda ka naman, kaya lang kailangan mo ng... konti lang naman na make-over." anitong ipinagdikit pa ang hinlalaki at hintuturo nang idiin ang salitang 'konti'.

Pairap na tininggan niya lang ang kaibigan.

"Hmm... I think, kailangan mong paputulan ng bongga itong buhok mo," anitong hinawakan ang nakapusod niyang buhok. "ang ganda kaya ng shape ng mukha mo, try mong magpa-igsi ng buhok. Then, try mo rin mag-pulbos paminsan-minsan, nang hindi ka naman palaging oily, if you want, try mo rin some lip gloss, para 'di dry 'yang lips mo."

"Hoy, Andrea Marie, huwag mong pagtripan itong buhok ko, ha. Saka ang init-init, kung magpupulbos ako nang magpupulbos, lilibagin lang ako, 'no. And please, ayoko kaya nang parang may sebo itong bibig ko ng dahil sa lip gloss, natural naman itong mapula, 'no, dry nga lang minsan." aniya at muli itong inirapan.

"Tss." At pina-ikot pa nito ang mga mata. "Kung gusto mong makipag-sabayan sa mga girls na nakapalibot kay Art, kailangan mong makinig sa sinasabi ko, 'no."

"Shh... ang ingay mo naman." aniyang inilagay pa ang hintuturo sa tapat ng labi at luminga-linga. "Wala naman akong balak na makipag-sabayan sa kanila, no. Alam ko naman na wala akong panama."

"Loka, meron kaya. Tamang make-over lang at mas maganda ka pa sa kanila, 'no, trust me." 

"Tama na nga. At baka maniwala na ako niyan."

"Bahala ka, ayaw mong maniwala."

Ipinagkibit na lamang niya ng balikat ang sinabi nito.

ART'S POV

Limang minuto na lamang ay late na siya sa unang klase niya.

Dangan kasi at hindi niya napansing wala na palang battery ang alarm clock niya bago siya natulog kagabi.

Mabuti na lamang at nasanay na siyang laging maagang gumigising, kaya't tila awtomatiko na siyang nagising ng maaga, iyon nga lang ay medyo late ng treinta minutos sa dapat sana ay gising niya upang malaki pa ang oras niya para makapaghanda.

Sa pagmamadali niya ay nabunggo niya pa ang isang dalagang galing naman sa kabilang bahagi ng building, buti na nga lamang at maagap na naalalayan niya ito kaya't hindi ito bumagsak sa lakas ng pagka-bangga nito sa kanya, gayon pa man ay nagkalatan sa sahig ang mga dala nitong aklat. "Shi...t, sorry miss... wait... ikaw na naman?"

Ito rin ang babaeng nakabunggo niya noong isang araw.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito nang mag-angat ito ng tingin mula sa pagpulot ng mga aklat.

"A-ahm... sorry ulit. Nagmamadali kasi ako." napansin niyang namula pa ang mukha nito bago nagyukong muli ng ulo at ipinagpatuloy ang pagpulot sa mga nagkalat na gamit.

"Next time, mag-iingat ka miss. Ang lampa mo pa naman." nakatunghay lamang siya rito kaya't napansin niyang hindi ito magkandatuto sa pagpulot.

"Miss, okay ka lang?" tumango lamang ito ngunit aligaga pa rin.

Naiiling na lamang na tumiyad din siya ng upo sa harapan nito at tinulungan ito.

Inabot niya rito ang mga hawak niya at inalalayan ito sa pagtayo.

Agad naman nitong kinuha ang mga aklat sa kanya at tila napasong lumayo.

"Sa-salamat... hrmp... u-una na 'ko." anitong dali-daling naglakad palayo sa kanya na animo'y may humahabol dito.

"Tss. Weirdo." nailing na lamang siya sa inakto nito.

Muli na sana niyang ipagpapatuloy ang pagpunta sa klase niya nang mahagip ng tingin niya ang isang tila notebook na maliit na may mukha ni Tweety Bird sa ibabaw.

Natitiyak niyang pag-aari iyon ng babaeng nakabangga niya, kaya't nilapitan niya iyon at dinampot, medyo malayo kasi ang kinatalsikan nito kaya't hindi nila iyon napansin kanina. 

Sinipat-sipat niya ang notebook at hahabulin sana ang babae nang maalala niyang late na nga pala siya.

"Mamaya na lang siguro, siguro naman may pangalan 'to sa loob." sa isip-isip niya at ipinagpatuloy na ang paglalakad habang tinatapik-tapik pa ng kanang kamay niya sa kaliwang palad niya ang hawak na maliit na notebook.

NANG i-anunsyo ng kanilang guro ang dismissal, ay kanya-kanya nang tayo ang mga kaklase niya at labas ng pintuan.

Patamad na nag-inat pa siya bago tumayo, isinukbit ang backpack niya sa isang balikat at lalabas na rin sana nang maalala niya ang notebook na napulot niya kanina, isasauli niya pa nga pala iyon sa may-ari.

Muli niyang kinalas ang backpack sa katawan at binuksan upang makita iyon at tingnan kung may pangalan ng may-ari.

Binuklat niya iyon at nakita nga ang pangalan nito sa unang pahina ng notebook.

Cassandra Dawn Samonte

Saint John Academy

III-Emerald

At may nakita siyang note sa ibaba, 

"Just in case, this journal got lost, and you found it, please return to the owner."

WARNING : Do not read the contents, please!

Wala sa loob na natawa siya sa nakalagay na warning.

Hindi niya naman ugaling makialam ng hindi sa kanya, alam niya naman ang word na privacy. Hindi niya lang talaga maiwasang ma-curious dahil sa warning na nakita niya.

Muli niyang binuklat-buklat iyon at wala naman siyang kakaibang nakita. Tipikal na talaan lamang ito ng mga schedules ng may-ari, mga to do's, dislikes, at kung anu-ano pang mga girl stuffs.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at titigilan na sana ang pakikialam sa notebook nang mapadako siya sa likod na pahina nito.

Bahagyang nangunot ang noo niya sa nabasa.

Naiiling na muli niyang isinara ang notebook at ipinagpatuloy ang paglabas.

Malapit na siya sa classroom ng dalaga nang may tumawag sa kanya.

"Art...!"

Nang lingunin niya iyon ay nakita niya ang kaibigan at ka-teammate sa basketball na si Toby. 

Agad itong lumapit sa kanya at nakangising nagtanong. "Brad, sino na naman ang dadalawin mo sa bahaging ito ng building?"

"Sira-ulo! Isasauli ko lang 'to sa may-ari." nakangisi ring sagot niya sabay taas ng notebook na hawak niya pa rin at ipinag-patuloy ang paglakad, nakasunod naman ito sa kanya.

Pagdating niya sa classroom ng section na nakalagay sa notebook ay sumilip muna siya sa pinto at iginala ang paningin sa loob niyon.

Walang teacher ang mga ito, baka kalalabas lang din.

Nang makita ang pakay ay walang pakialam na basta siya pumasok at lumapit dito, hindi niya pinansin ang pagsinghap ng mga kaklase nitong babae at halos lahat ay nanlalaki ang mga matang sinusundan siya ng tingin habang papasok.

Dahil abala ang dalaga sa paghahalungkat sa loob ng bag ay hindi siya nito napansin.

Ang katabi nito na nanlalaki ang mga matang nakatingin din sa kanya at bumaba ang tingin sa hawak niya ay bahagyang tinatagtag ang balikat ng dalaga, ngunit pumiksi lamang ito. 

"Ano ba, Andrea? My Gosh, saan ko ba nailagay, 'yon?" anitong ni hindi nag-angat ng tingin at patuloy lang sa paghahalungkat. "Imposible namang naiwan ko sa bahay, e, tandang-tanda ko may isinulat pa ako doon kanina sa library. Ano ba? Huwag ka ngang--" nang tila makulitan ito sa katabi ay inis na nag-angat ito ng tingin.

Agad itong natigil sa pagsasalita pagka-kita sa kanya.

Nakita niya rin ang pagkawala ng kulay ng mukha nito at pagsinghap nang mapadako ang tingin nito sa hawak niya.

Napalunok ito nang muling bumalik sa mga mata niya ang tingin nito. "Cassandra.."

DAWN'S POV

KANINA niya pa hinahanap ang journal niya.

Alam niyang dala niya iyon sapagkat ginamit niya pa iyon kanina. Pero kahit anong hanap niya sa bag niya ay talagang wala roon.

Naramdaman niya ang pagtagtag ni Andrea sa balikat niya ngunit pumiksi lamang siya at hindi ito pinansin.

Importante sa kanya ang journal na iyon sapagkat regalo iyon sa kanya ng kapatid niyang si Toni noong nakaraang birthday niya. Alam niyang pinag-ipunan iyon ng kapatid mula sa baon nito, personalized din ang design niyon na ang kapatid niya mismo ang gumawa.

Paborito raw nitong cartoon character si Tweety Bird kaya't iyon ang inilagay nito sa journal niya. Natawa na lamang siya sa sinabi nito.

At ngayon nga ay nawawala iyon. Alam niyang ikalulungkot iyon ng kapatid niya.

"Ano ba, Andrea? My gosh, saan ko ba nailagay 'yon?" aniyang ni hindi nag-angat ng tingin. "Imposible namang naiwan ko sa bahay e, tandang-tanda 'ko, may isinulat pa 'ko dun kanina sa library. Ano ba? Huwag ka ngang--" agad siyang huminto sa pagsasalita nang mag-angat siya ng tingin at makita kung sino ang nasa harapan niya.

Nang mapadako ang tingin niya sa hawak nito, pakiramdam niya ay nawalan ng kulay ang mukha niya.

Nang muling umangat ang tingin niya sa mukha nito ay napalunok siya nang magtagpo ang paningin nila.

"Cassandra.."

"Hrmp.." nanuyo yata ang lalamunan niya sa kaba.

"Kasama 'to kanina sa mga nalaglag na gamit mo, 'di lang natin nakita dahil napalayo ang talsik." anitong inabot na sa kanya ang journal.

Nangangalog ang mga tuhod na pinilit niyang tumayo at sa nanginginig na  kamay ay tinanggap niya iyon na nakatingin pa rin sa tila nanghihipnotismong mga mata nito.

"S-salamat..." wala sa loob na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya at napa-singhap nang lumapit ito sa kanya, pigil niya ang paghinga nang akala niya ay hahalikan siya nito sapagkat bahagya itong dumukwang palapit.  

Kanya-kanyang singhapan ang mga nakapaligid sa kanila, kabilang na si Andrea, samantala ay napasipol naman at ngising-ngisi ang lalaking kasama nito.

"So, you are Miss Secret Admirer, huh?" anas nito sa tapat ng tainga niya.

Lalo siyang nanigas sa pagkakatayo. Isa pa uling lunok ang ginawa niya.

Sa ganoong posisyon ay langhap na langhap niya ang swabeng amoy nito na pinagsamang amoy ng pawis at ng cologne na ginamit nito.

Pakiramdam niya ay nangingilo siya sa emosyon at hindi siya makahinga. "Uh... uhm... i'm sorry." aniyang nagyuko ng ulo.

"Gamit na gamit ang i'm sorry sa'yo, Cassandra." anas nitong muli na hindi pa rin lumalayo sa kanya. "Pahiram ha, i'm sorry, Miss Secret Admirer, but, you'll never be on my list." malupit nitong sabi na lalong ikinangisi ng kasama nito, na ewan niya kung paano nito narinig gayong ibinulong lamang sa kanya.

Unti -unting namuo ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Naramdaman niya ang may simpatyang hagod ni Andrea sa likod niya. Pakiramdam niya ay nagkalasog-lasog ang batang puso niya sa sinabi nito.

Wala naman siyang planong makisali sa sinasabi nitong listahan, alam niya naman na wala siyang K.

Bakit pa kailangang isampal sa mukha niya?

Bahagya na itong lumayo sa kanya at may nakita siyang emosyon na nakiraan sa mga mata nito ngunit agad ding nawala. "Again, Cassandra, i'm sorry. But really, you will never fit in, to my world. I don't want you to." iyon lang at tumalikod na ito.

Nakangisi pa ring lumapit sa kanya ang kasama nito at may ibinulong. "Sorry, Miss Cassandra. Hindi siya pumapatol sa hindi kagandahan." pilyo ang pagkakangising sabi nito. Hinampas ito ni Andrea sa braso at pinadilatan ng mga mata.

"Toby!" napitlag pa siya nang marinig niya ang sigaw ni Art na huminto pala sa gitna ng classroom nila upang tawagin ang kaibigan.

Agad naman itong lumapit kay Art at umakbay pa rito. "Sayang naman, brad, lamang tiyan din yan." natatawang bulong nito, na narinig naman ng buong classroom.

Lalo lang siyang namula sa hiya.

Nakita niyang siniko ito ni Art at may sinabi na hindi naman niya naintindihan, pero sa lakas ng tawa ni Toby ay alam niyang hindi pabor sa kanya.

"Yeah right, Montez. Yeah, right..." narinig niya pang sagot nito.

Isa pang huling sulyap ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay tila hinang-hinang napaupo na lamang siyang muli.

"Huwag kang iiyak." narinig niyang bulong ni Andrea sa kanya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang mga kaklase niyang nakatingin sa kanya. Ang iba ay simpatya ang nakikita niya sa mga mata, habang panunuya naman ang sa iba. 

Iyon ang pumigil sa pagpatak sa mga luha niya.

Nang lingunin niya si Andrea ay nagpupuyos ito sa inis kay Art.

"That bastard. Ang kapal ng pagmumukha, hindi rin naman kagandahan ang mga nagiging babae niya, dinadaan lang sa sikip ng damit na ewan ko kung paano pa sila nakakahinga 'don, para lang magmukhang malalaki ang mga hinaharap nila at pakapalan ng make-up. Sabi ko naman kasi sa iyo pumayag ka nang i-make-over kita, e. Para makita niyang Art na 'yan na mas maganda ka pa kaysa sa mga babae niya."

"Pumapayag na ako." mahina niyang sabi, ngunit alam niyang malinaw na narinig ng kaibigan sapagkat agad niyang nakita ang kislap sa mga mata nito.

"That's my girl! After ng class sasamahan kita sa salon, akong bahala sa'yo, friend." nakangiti nang sabi nito. "Oh my God, Dawn, excited na 'ko." tila kinikilig pang sabi nito.

Malungkot na hinawakan niya ang buhok niya at hinawi pasampa sa balikat niya.

"Ooops... wala nang bawian, ha! 'Wag mo nang paghinayangan 'yang buhok mo, hahaba pa naman 'yan, no!"

Pagkatapos nga ng klase nila ay sinamahan siya nito sa salon.

Napapikit pa siya nang makita niya sa salamin na pinutol ng hairdresser ang malaking bahagi ng buhok niya. Maya-maya pa ay abala na ito sa pag-style niyon.

Nang matapos ito sa buhok niya ay make-up artist naman ang hinanap ni Andrea.

Itinuro nito sa kanya kung papaano mag-apply ng pressed powder na naaayon lamang sa edad niya. Gayundin ang tamang shade ng lipstick o lip gloss, pati na rin ang mga brand na hindi gaanong matapang para sa mura pa niyang balat.

Nang matapos ang make-over ay hindi na niya makilala ang sarili niya. Totoo ngang lumabas ang tunay niyang ganda.

Natawa pa siya nang pag-uwi niya sa bahay ay nanlaki ang mga mata ng mga magulang niya sa laki ng ipinagbago ng hitsura niya. Pati na rin ang kapatid niya na hindi maiwasang sulyap-sulyapan siya habang kumakain sila ng hapunan.

KINABUKASAN sa school ay nailang pa siya nang habang naglalakad siya ay hindi maiwasan ng mga schoolmate niyang lalaki na hindi lumingon kapag dumaraan siya, mayroon pang isang naglakas ng loob na lumapit.

"Hi, miss. Bago ka rito?"

Hindi niya ito sinagot at ngumiti lang bago niya ito nilagpasan.

Mula ng araw na iyon ay iniwasan na niyang mag-krus ang landas nila ni Art.

Aaminin niyang crush niya pa rin ito, at malaking bahagi ito kung bakit niya ginustong magbago ng hitsura. Ngunit ayaw niyang malaman nito iyon at lalong ikalaki ng ulo.

Palihim niya pa rin itong sinusubaybayan at tinitingnan.

Sa tingin niya naman ay walang halaga, nagbago man ang hitsura niya.

Maaaring gumanda nga siya, ngunit bakit sa tingin niya ay pagwapo ito nang pagwapo habang lumilipas ang mga araw?

Kaya't alam niyang hindi pa rin siya nito mapapansin.

"Huy, bakit hindi ka magparamdam? Ipakita mo na hindi na ikaw iyong dating Dawn na tinanggihan niya. Show him what you've got and what he lose." ani Andrea nang minsang makita nitong nakatingin na naman siya kay Art mula sa malayo.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.

"Kinalimutan ko na iyon. Well, malaking part naman talaga siya kung bakit ginusto kong gumanda kahit na kaunti lang. Pero hindi siya totally ang reason. Ayoko nang maranasan uli iyong ginawa niya sa akin. Ayoko nang may mangmaliit uli sa pagkatao ko nang dahil lang hindi ako kagandahan. Wala akong balak na gantihan siya, or whatsoever, gusto ko lang maging belong, hindi sa kanya kundi sa mundong ginagalawan ko." mahina niyang sabi na nakatingin pa rin kay Art.

"Wow, friend... ilang taon ka na nga? Ang lalim ng hugot mo, ah. Parang pang-twenty five years old. Ang bitter lang."

"Sira. 'Lika na nga, baka makita pa tayo."

Ewan niya kung paano niya nagawang makatapos ng high school nang hindi man lang sila nagkaka-salubong ni Art.

Pagtuntong niya ng college ay lalong lumabas ang kagandahan niya.

Lalo siyang natutong mag-ayos sapagkat kailangan niyang makisabay sa mga nasa paligid niya.

Ewan niya kung pinaglalaruan ba siya ng tadhana, sapagkat isa sa mga naging malapit sa kanya na si Greg, ay bestfriend pala ni Art.

Hindi niya alam kung maiinsulto siya, o, ipagpapasalamat niya na hindi na siya nakilala nito. Ibang-iba na kasi talaga ang hitsura niya mula nang huli silang magkaharap.

Wala pa rin itong ipinagbago, papalit-palit pa rin ang mga babae nito.

Hindi naman niya ito masisisi, sapagkat babae nga ang lumalapit dito. Sa tingin niya ay mas lalo pa nga itong gumuwapo ngayon, nag-matured ang aura nito.

Sa pagtataka nito at ni Greg ay palagi niya itong sinusupladahan. Ayaw niya kasing makipag-close rito, at ayaw niyang makilala siya nito. Kaya't ginawa niya ang lahat upang iwasan ito.

Sa buong college life niya, ay dalawa lang yata ang pinaka-iiwasan niya. Ang bumagsak sa mga subjects niya.

At ang mapalapit kay Art.

At pareho niya iyong napagtagumpayan.   

Thank You, for reading!

Related chapters

  • Loving a Player   Chapter 1

    KANINA pa hindi mapakali si Dawn. Katatanggap lang niya ng list of entourage para sa church wedding ng kapatid na si Toni sa kaibigang si Greg.Nagprisinta kasi siyang siya na ang magdadala niyon sa gagawa ng invitation, alam niyang sobrang abala ngayon ang mag-asawa sa kabi-kabilang appointments at preparasyon para sa kasal.Alam na niyang siya ang maid of honor, katulad ng napag-usapan nila ng kapatid, ang hindi niya lang napag-handaan ay ang bestman.Wala na bang ibang kaibigan si Greg na maaaring maging bestman nito? Hindi pa nga siya nakaka-move on sa una nilang encounter ni Art, heto at ang binata pa ang kukuning bestman?FLASHBACK"Saan tayo?" nakangiting tanong nito pagka-upo pa lamang sa driver's seat."Ewan ko sa'yo. Nagprisinta kang maghatid diyan, hindi mo naman pala alam kung saan mo ako ihahatid." sagot niyang may kasamang irap dito at naka-halukipkip na tumingin sa labas ng bintana.Bago iyon ay naki

    Last Updated : 2021-04-08
  • Loving a Player   Chapter 2

    "Hi, Honey.""Hi. Where are you?""Uh... honey, I'm sorry, I had to say this over the phone, but Dad doesn't gave me a choice.""Huh? What about?""I'll be away for two months.""What?! Why?""Business call. I'm really sorry, but you know I can't say no to Dad. I am still proving myself to him." Natatarantang paliwanag ng kasintahan."Okay. I understand, business naman 'yan, eh.""Thank you, honey. Ang swerte ko talaga sa'yo.""I know, right!" at binuntutan niya ng tawa."Uh... oh... conceited girlfriend, here." anito sa nagbibirong tinig."Sira." aniyang tumatawa pa rin. "Anyway, kailan nga pala ang alis mo?""Hmm... what will you say if I tell you that, I am leaving now?" alanganin ang boses na tanong nito. "I'm already here at the airport, waiting for my flight.""What?! As in?!""Y-yes. As in." anito sa nagpapa-umanhing tinig. "I'm so sorry, honey, nagulat din ako. Kanina ko lang di

    Last Updated : 2021-04-08
  • Loving a Player   Chapter 3

    "Cassandra.."Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pangalang binanggit nito.Ito lamang ang gumagamit ng pangalang iyon sa kanya."Why didn't you tell me?""Tell you, what?" aniyang nag-iwas ng tingin."You know what I mean, damn it!"Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Actually, Art, I don't really see the point why we're having this conversation, as if I cheated on you." aniya at akmang tatalikuran na ito ngunit hinawakan nito ang braso niya at isinandal siya sa pader.Ang isang braso nito kung saan hawak nito ang imbitasyon ay nakatiklop na nakatukod sa pader, habang ang isa naman ay nakapasok sa bulsa nito."Actually, Dawn... you did." halos paanas na sabi nito.Bahagya niyang itinulak ang dibdib nito sapagkat napakalapit ng mukha nito sa kanya. Tila may bumalik sa ala-ala niya sa tagpong iyon."E-excuse me? I don't owe you any explanation, okay? Now, let me go, at babalik na ako sa table." aniyang

    Last Updated : 2021-04-08
  • Loving a Player   Chapter 4

    "CASSANDRA, sara mo 'yan, may nakita ako'ng langaw na paikot-ikot d'yan kanina." nakangising sabi nito na sinundan ng nakakalokong kindat."Hrmp... p-pa'no ka nakapasok dito?" aniya nang makabawi, pasimple niyang isinara ang bibig at lumunok, agad niyang iniiwas ang nagkakasala niyang paningin dito.Sino ba naman ang hindi mapapanganga, kung may aabutan ka'ng ganito kaguwapong nilalang na nakikialam sa kusina mo, habang hubad-baro ito at tanging apron niya lamang ang suot?Hindi man lamang nakabawas sa masculinity nito ang kulay pink niyang apron, na may malaking sunflower na design sa harap. It only made him more sexy and delicious!"Gosh, Dawn saan galing 'yon?" napapikit siya at napatapik sa noo sa naisip."Okay ka lang?" tila nakakaloko pa'ng sabi nito."Hrmp.. y-yeah. Nag--kape ka na ba?" alanganin siyang bumaling dito pero hindi tumitingin sa mga mata."Yeah. Kanina, bago ako umalis ng condo ko." tila relax namang sabi nito haba

    Last Updated : 2021-04-08
  • Loving a Player   Chapter 5

    Dahil maaga siyang nagsara ng flower shop ay naisip ni Dawn na mag-ikot-ikot muna sa mall.Wala naman siyang gagawin sa bahay at wala rin naman siyang daratnan doon.Mula nang mag-asawa ang kapatid ay solo niya na ang bahay na dati ay inoukupa nila. Hindi pumayag si Greg na ito ang makisukob ng bahay sa kanila. Ayon dito, ito ang lalaki at kaya niya namang mag-provide ng bahay para sa pamilyang balak nilang buuin.Tama naman ito sa kabilang banda, minsan lang ay hindi rin niya maiwasang malungkot. Nasanay na kasi siya na kasama niya ang kapatid.Nang mapadaan siya sa isang window kung saan naka-display ang iba't-ibang mga gamit pang-baby, mula sa damit, feeding bottles, mga laruan, at kung anu-ano pa. Naalala niya ang kapatid.Natutuwa siya at sa wakas ay buo na ang pamilya nito. Ilang buwan na lamang ay makikita na nila ang magiging anak nito at ni Greg. Hindi pa man ay excited na siya sa pamangkin.Wala sa loob na dinala siya ng mga hakban

    Last Updated : 2021-04-08
  • Loving a Player   Chapter 6

    "SIS, ready na ba kayo sa pagsundo kila Mommy mamaya?""Sorry, ate, pero baka hindi ako makasama. Si Greg na lang. Sama talaga ng pakiramdam ko. Ito na yata 'yung sinasabi nilang morning sickness."Bakas sa tinig ni Toni ang pananamlay sanhi ng sama ng pakiramdam na nagdulot ng labis na pag-aalala kay Dawn."Are you okay? Nasaan si Greg?" nag-aalalang tanong niya rito.Sabi niya na nga ba at hindi magandang ideya na ilihim nito sa asawa nito ng pagbubuntis nito."Nasa kitchen, ate... nagluluto ng soup. Para raw mainitan sikmura ko.""You're crazy, sis. Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa asawa mo, eh. Mamaya n'yan may mangyari pang masama sa inyo ng baby mo, walang kamalay-malay 'yang asawa mo." sermon niya rito sa malumanay na tinig.Ayaw niya nang dagdagan pa ang stress ng kapatid."Please, ate... ilang araw na lang naman, eh, kasal na namin.""Loka-loka ka talaga. Bahala ka. Just take care, okay? And, ako na lang ang su

    Last Updated : 2021-04-11
  • Loving a Player   Chapter 7

    AFTER the unexpected kiss, hayun sila at parang walang nangyari. Niyaya siya nito pabalik sa loob upang makihalubilo sa mga kaibigan niya, na halos ay kilala rin naman ni Art, through Greg."So, Art, kumusta? Kumusta naman ang super gwapo at always available na bestfriend ni Greg?" nakangiting tanong ni Carol na malagkit na nakatingin kay Art."Heto, gwapo pa rin." at sinundan iyon ng signature smile nito na siyang dahilan ng pagkahumaling dito ng mga kalahi ni Eba."OMG. That confident, huh?" naka-angat ang kilay na sabi nito ngunit naroon ang pilyang ngiti sa labi.She's obviously flirting with Art. Lihim na umikot ang mga mata niya."Your word, not mine." kibit-balikat na sagot naman ng malanding katabi niya."And... still available?"Kibit-balikat lang ang isinagot ni Art."I knew it." nakangiti pa ring ani Carol."Carol, stop interogating. Napaghahalata ka." nakangising tukso ni Xandrea, isa din sa m

    Last Updated : 2021-04-12
  • Loving a Player   Chapter 8

    "HI, Sweetheart." bungad agad ni Greg sa asawa nang iabot ni Dawn ang cellphone sa kapatid dahil sa pakiusap niya."Hi, how are you? Kumain ka na?""Yeah. Don't worry about me, okay lang ako." sagot ni Greg. "Ikaw, anong ginagawa mo?""Eto, mag-beauty rest daw ako, sabi ni ate." kwento niya sa asawa. "I don't really see the point of this set-up," maktol niya pa rito. "I mean, we're already married, you know? Bakit kailangan pang magkahiwalay tayo, the night before our church wedding?""Sweetheart, pagbigyan mo na ang parents mo. We owe this to them. Hayaan na natin na sila naman ang masunod this time." pagpapaunawa ni Greg sa asawa. "After all, sabi mo nga, we're already married. Isang gabi lang naman, then we're back in each other's arms again, forever.""Sweetheart, ang cheesy mo!" doon lamang bumalik ngiti sa mga labi ni Toni."I love you!""I love you, too!" abot ang ngiti niyang sagot. "Pero nami-miss na talaga kita."

    Last Updated : 2021-04-14

Latest chapter

  • Loving a Player   Special Chapter

    "DARLING, are you ready?" bungad ni Art nang pumasok ito sa nursery room kung saan binibihisan ni Dawn si baby Martina.Ngayong araw na ito nakatakda ang binyag ng tatlong buwang gulang nilang anak."Yes, daddy... we're ready." nakangiti namang baling niya rito.Naramdaman niyang pumulupot ang mga braso nito mula sa likuran niya."I really like it, everytime you're calling me daddy." anas nito sabay halik sa punong-tainga niya, pagapang sa leeg niya."Uh-oh, stop that. Binyag ni baby Martina today, ayaw mo naman sigurong mahuli tayo sa simbahan, right?" saway niya rito. Kahit pa nga nararamdaman niya na ang unti-unting kiliting gumagapang sa kaibuturan niya sa ginagawa ng asawa.This man is really insatiable! Halos mag-u-umaga na nang patulugin siya nito kanina. They made love the whole night.They are always like that. Hindi ito natutulog hangga't hindi sila nagniniig. Kahit simpleng make-out lang, kung talagang pagod ito sa opisina.

  • Loving a Player   FINALE

    "CASSANDRA DAWN SAMONTE, will you give me the honor to be your husband and father, to our child?" bahagya nang nabasag ang tinig nito. "Will you marry me?" ani Art at binuksan sa harap niya ang hawak nitong kahita na naglalaman ng isang napakagandang engagement ring.Panay ang agos ng mga luha ni Dawn, ngunit nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya.Hindi niya akalain na darating pa ang pagkakataong ito. Akala niya ay pagiging tatay na lamang ng anak niya ang magiging papel nito sa buhay niya.Hindi na para maging asawa niya."Yes!"Doon na pumatak ang kanina pa pinipigilang mga luha ni Art. Agad itong tumayo at dali-daling lumapit sa kanya. Nanginginig pa ang kamay nitong inabot ang kamay niya at isinuot doon ang singsing. Matapos ay hinalikan nito ang likod ng palad niya kung nasaan ang singsing bago siya mahigpit na niyakap.Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa paligid nila."Thank you." anas ni Art sa tainga niya habang yaka

  • Loving a Player   Chapter 23

    "I WANT HER... I want to marry her and fathered our child."Lumuluhang umiling-iling siya.Paano siyang pakakasalan nito kung may itinatago itong babaeng buntis sa condo nito."You want her now, 'cause she's pregnant?" tila nananantyang tanong ng judge."I love her." madamdaming sagot ng binata.Muli ay lumuluhang umiling-iling siya habang nakayuko."Please, darling, believe me. I love you. I know you have doubt, and I know why. But I am willing to prove to you that I love you... ONLY YOU." anito na binigyan ng emphasis ang huling sinabi.Bumaling ito sa ama at..."Judge, I want to represent to you my witness. The person behind all this trouble."Naguguluhang nag-angat siya ng tingin dito.Nginitian lang siya nito ng matamis at tumingin sa gawi ng pinto. Nang bumukas iyon ay nakita niyang inaalalayan ng isang naka-barong na lalaki ang babaeng nakapagkit na yata sa kanyang is

  • Loving a Player   Chapter 22

    NAGPUPUYOS ang kalooban na muling pumasok sa loob ng bahay si Dawn at kinuha ang cellphone niya upang magtext dito.CASSANDRADamn you, Art! What is this?ART NICKOLOWhat is it, Cassandra?CASSANDRAStop acting innocent,alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko!ART NICKOLOOh, that?CASSANDRAYes, this! Bakit mo ako pinadalhan ng subpoena? Nasisiraan ka na ba? Wala akong kasalanan sa'yo!ART NICKOLOWala ka bang sasabihin sa'kin?CASSANDRAWALA!ART NICKOLOSee you in court, then.PAGTAPAK pa lamang ni Dawn sa entrance ng Court of Justice ay ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung

  • Loving a Player   Chapter 21

    WALA pang kinse minutos ay nakarating na siya sa lugar na pinag-usapan nila ni Angelo. Iginala niya ang paningin sa loob ng restaurant at nakita niya itong prenteng nagkakape habang nakatingin sa cellphone at mukhang may ka-text."DAMMIT! Si Cassandra kaya ang kausap nito?" nagtagis ang bagang niya at kuyom ang kamaong lumapit dito.Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hey.""Pare, upo." anitong tumayo pa at inilahad sa kanya ang kamay.Kahit pa mas gusto niyang sapakin ito kaysa nakipagkamay dito, ay tinanggap pa rin niya ang kamay nito bago naupo. Ilang segundong tila nagsukatan lang sila ng tingin, hanggang si Angelo ang unang bumasag ng katahimikan."So, sinabi sa'kin ni Dawn na nagkaroon daw kayo ng... 'short affair'? walang masasalaming emosyon sa mukha nito na idiniin ang salitang, short affair."Lalong nagtagis ang mga bagang ni Art sa sinabi nito. Nag-iigtingan ang mga ugat niya sa kamao sa dii

  • Loving a Player   Chapter 20

    "SAAN ka ba galing, Art?" salubong agad ni Cynthia kay Art nang pagbuksan siya nito ng pintuan. "Wait... are you drunk?" kunot ang noo pa nitong tanong habang nakabuntot sa kanya."Not now, Cynth. Not in the mood." balewala niyang sagot at deretso nang naglakad papunta sa kwarto niya.Ngunit katulad ng pagkakakilala niya rito ay makulit talaga ito. Nakasunod pa rin ito sa kanya hanggang sa loob ng silid.Kumuha siya ng bihisan at tumuloy sa cr upang maligo.Kauuwi niya lang mula sa pagsunod niya sa sasakyan ni Angelo para ihatid si Cassandra sa bahay nito. Balak niya sana ay kausapin ang dalaga kapag nakaalis na si Angelo. Pero isang oras na siya sa loob ng sasakyan niya ay hindi pa rin lumalabas ang binatamula sa bahay ni Cassandra."Tsk!" naiiling na tumingala siya at pumikit, hinayaan niyang bumagsak ang tubig mula sa shower papunta sa mukha niya, habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa tiled wall.Ano

  • Loving a Player   Chapter 19

    FLASHBACKPAGDATING niya sa pinag-usapang restaurant ay inilibot niya ang paningin sa paligid at agad niyang nakita ang hinahanap.Aubrey.Kilala niya ang dalaga sapagkat minsan na niya itong nakita nang isama siya ni Angelo sa isang pagtitipon sa bahay ng mga magulang nito. Agad siyang lumapit dito."Hi, sorry i'm late, may dumating kasing client sa shop, hindi ko naiwan agad." alanganin ang ngiting bungad niya rito."It's okay. Kadarating ko lang din." katulad niya ay hindi rin nito alam kung ano ang ikikilos, malikot ang mga mata nito. "Have a sit. Gusto mo nang mag-order?"Matipid niya itong nginitian pagka-upo. "No, thanks, busog pa 'ko. Anyway, ano ngang pag-uusapan natin tungkol kay Angelo?"Muli ay umilap ang mga mata nito. Ilang beses pa muna itong tumikhim bago naapuhap ang boses."I love him, Dawn." anitong sinalubong ang tingin niya. "We're here because I wanna try my

  • Loving a Player   Chapter 18

    "CONGRATULATIONS, misis, you're six weeks pregnant..." tila nag-e-echo pa sa pandinig niya ang sinabi ng OB-GYNE sa kanya kanina.Kahit halos inaasahan niya na ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mayanig sa sinabi ng doktor nang magpa-check up siya kanina.Pagkagaling niya sa ophthalmologist ay pinuntahan niya kaagad ang OB-GYNE na inerekomenda sa kanya upang makumpirma ang hinala nito.Tulala siyang naka-upo ngayon sa opisina niya at iniisip ang kinasadlakang sitwasyon.Ano na ngayon ang gagawin niya? Ano ang magiging reaksyon ni Art kapag sinabi niyang magkaka-anak na sila? Wala naman silang malinaw na relasyon. Paano kung hindi pa pala ito handang maging ama?Wala sa loob na nahaplos niya ang pipis pang puson. Agad siyang nakaramdam ng affection para sa buhay na pumipintig ngayon sa sinapupunan niya."Don't worry baby, mommy loves you, so much. I don't know yet, how to tell daddy about your existance, but I know,

  • Loving a Player   Chapter 17

    NAGISING si Dawn sa tunog ng doorbell. Wala pa sana siyang balak na bumangon dahil masama ang pakiramdam niya. Pero sadyang makulit ang bisita niya at ayaw talagang tumigil.Ilang sandali pa ay tumigil na ito, akala niya ay maitutuloy niya na ang tulog niya, nang tumunog naman ang cellphone niya. Pakapa-kapang kinuha niya iyon sa nightstand at nakapikit pang inilapit sa tainga niya."Hello..." paos pang sagot niya sa telepono."Cassandra, are you okay? Dumaan ako sa shop mo, hindi ka raw pumasok, kanina pa ako nagdo-doorbell sa bahay mo, pero hindi mo binubuksan ang gate. Where are you? At, bakit ganyan ang boses mo?" sunud-sunod na tanong na bungad agad ni Art, mababakas sa tinig ang pag-aalala."I'm just here, nakatulog ako uli.""Come on, darling, open up." malambing nang sabi nito."Art, pwede bang bumalik ka na lang some other time? I'm not feeling well," nakapikit pa rin siya.Hilong-hilo talaga siya.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status