Share

Loving Jess is a Mess
Loving Jess is a Mess
Author: Popoy

Chapter I

"What if there is you and me?"

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang, ano mang pag kaka parehas ng pangalan ng tao o lugar ay hindi sinasadya o nag kataon lamang.

Ton's POV:

Araw ng Graduation, "Wooooohoo! Sa wakas mga tol tapos na tayo sa High School! Excited na akong mag kolehiyo! Ton, Gab! Sana sama sama pa din tayo sa papasukan natin ha? Dapat pareparehas pa din tayo ng course." masayang wika ng kaibigan kong si Ken, habang nag yayakapan nag iiyakan at nag pipicturan ang iba pa naming ka batch na nag tapos ng araw na yun. "Oo nga tol, di na din ako makapag antay. Sana naman mag ka girlfriend na tayo." wika ko naman sa kanila. "Nako! Nako! Nako! Mga lalake talaga kayong dalawa, kung ganyan lang din rason nyo sa pag pasok sa kolehiyo wag nalang kayong tumuloy!" inis na tugon ni Gab saming dalawa, si Gab lang kasi babae saming tatlo "One of the boys" ika nga. "ikaw naman Gab, napaka selosa mo naman masyado." wika naman ni Ken na may halong pang aasar. Talaga namang napaka saya ng araw na yun para samin, dahil dito nag bunga ang pag hihirap ng aming mga magulang.

Natapos ang lahat, nag uwian at nag hiwa hiwalay na kaming tatlo upang ipag diwang sa kanya kanyang pamilya ang naganap na pag tatapos. Pag uwi namin ni tatay sa bahay, ay natuwa ako dahil nandun lahat ng kaibigan, kamag anak, mga ninong at ninang ko. Si nanay naman ay halos mangiyak ngiyak na sumalubong at yumakap sakin. Talaga namang naramdaman ko ang pagiging proud sakin ng aking mga magulang. "Oh pano ba yan! Tama na iyakan! Kain na tayong lahat." wika ni tatay sa mga bisita at samin ni nanay. Makikita mo ang saya sa loob ng aming munting bakuran, may mga kumakain, nag iinuman at kumakanta sa video oke. Di naman ako sikat sa paaralan, sa totoo lang isa ako sa mga average students di gaanong matalino yung tipong makapasa lang ay okay na, kokonti din ang kaibigan si Gab at Ken nga lang lagi kong kasama sa School, patpatin din ako pero medyo matangkad naman. Pero bilib ako sa mga taong nakapaligid sakin dahil mahal na mahal nila ako. Natapos ang handaan at inuman sa bahay, nag pahinga na kaming lahat matapos mag ligpit ng mga ginamit sa handaan.

Kinabukasan, "Anak, may maganda akong balita sayo." wika sakin ni tatay. "Ano yun tay?" tanong ko sa kanya. "Anak eto kasing tatay mo eh nakausap ang boss nya." singit naman samin ni nanay. "Anak, kasi nakausap ko boss ko nung isang linggo pa. Napag usapan ka namin, eh nababaitan kasi sayo yun kaya inalok nya ako na sya mag papaaral sayo hanggang sa matapos ka sa kolehiyo, at gusto nya sa Saint John University ka mag aral." wika sakin ni tatay. "Talaga tay??! Wow! Sikat na School yun ah? Pang mayayaman?!" tugon ko sa kanya. "Ganyan din ang reaksyon ko nung ialok sakin yan anak. Di naman lahat mayaman ang pumapasok dun anak, yung iba scholar. Kaya anak pag butihin mo ha? Nakakahiya sa boss ko kung mag loloko ka lang dun." wika sakin ni tatay. "Aba oo naman tay, di ka mapapahiya sakin." tugon ko sa kanya.

Natapos ang usapan namin sa sala, agad kong nai paalam kay Gab at Ken ang napag usapan namin sa sala nina nanay at tatay. Eto convo namin sa gc.

Ako: Mga tol! Sa SJU ako papasok! May mag sponsor sakin.

Gab: OMG! ako din. Dun ako gusto ni Papa papasukin, nice!

Ken: Talaga tol! Sige ako din. Dun na din ako. Para sama sama tayong tatlo.

Ibang klase talaga ang mga to, sabagay saming tatlo ako lang yung medyo alam nyo na di nakaka angat. Di tatay kasi Mason lang sa isang Construction, si nanay nag bebenta lang ng ulam sa tapat ng bahay namin, may kapatid pa akong papasok na din ng high school. Kaya laking tulong samin ng pag papa aral sakin ng Boss ni tatay. Eh si Gab naman may kaya talaga sa buhay, ewan ko nga ba at sa public sya nag aral ng high school ehh may negosyo naman kasi mga magulang nya at nag iisa naman syang anak. Si Ken naman ganun din, may kaya sa buhay. Nasa abroad ang kanyang mga magulang, mag ka babata na talaga kami ni Ken kaya di na kami nag hiwalay ng pinapasukang School. Pero kahit ganun kalayo ang agwat ng pamumuhay nila sakin, andyan sila palagi para sakin. Kaya sinusuklian ko sila ng suporta sa kahit anong paraan na kaya ko.

Gab's POV:

Oh my! Mag kakasama na naman kami ni Ton sa isang School. Siguro ngayong college na kami eh mapag tatapat ko na sa kanya na gusto ko sya. Medyo matagal tagal ko na din tinatago tong pag tingin ko kay Ton, siguro simula palang nung Elementary days pa. Laking papasalamat ko nga kay mama at papa kasi sa Public School nila ako pinag aral, para daw pag dating ng College eh matatag na pag katao ko at syempre dito ko din nakilala ang dalawa kong pinaka malapit na kaibigan si Ken at si Ton. Hay nako Ton, di nya lang alam kung pano nya ako napapa saya pag nag kikita kami sa School at pag nabibisita ako sa bahay nila. Ahh basta aaminin ko na sa kanya pag okay na lahat.

To be continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status