Share

Danger Ahead

Ton's POV:

Lumipas na nga ang mga araw, at dumating na ang pasukan ng school. Kaba, saya basta halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Di na rin nawala sa isip ko si Jess, "Ano ba naman yan, bakit naman iniisip ko na naman yung babaeng yun. Di ko sya kaya, di kami bagay." yan yung laging sinasabi ko sa sarili ko, ayokong tuluyang mahulog kay Jess, ayoko ng nararamdaman ko.

Matapos kong maka pag ayos ay sumakay na ako ng tricycle papasok ng unibersidad. Nag paantay nalang ako kina Gab at Ken sa tindahan ni aling Nena.

Naka dating ako sa tindahan makalipas ang sandaling byahe lang sa tricycle. Pero kanino yung magarang kotse na naka parada sa harapan ng tindahan at kausap pa nina Gab. Bumaba ako at nag bayad sa driver, nag lakad ako palapit ng tindahan. "Anak naman ng tokwa oh, si Jess. Napaka ganda nya lalo sa uniporme namin. Napaka ganda ng ngiti nya. Bumilis ang tibok ng puso ko, bakit kusang gumuguhit ang ngiti sa mga labi ko? Ano ba naman yan Ton? Gumising ka, hindi kayo bagay." mga sinasabi ng isipan ko sakin. "Hi Ton! Welcome to the University." wika ni Jess sakin. "Ha hi Jess, salamat." munting tugon ko sa kanya. Bigla akong nag ka roon ng hiya ng makita ko si Gab at Ken na naka tingin lang samin, pati na rin si Aling Nena. "Pag ka nga naman swineswerte ka iho, may nobya ka agad sa Unibersidad." pabirong wika ni Aling Nena sakin, nakita ko naman si Gab na tila naka simangot, ano naman kayang problema netong kaibigan ko? Pinag sa walang bahala ko nalang. "Hey Ton? Why are you not wearing the shoes i just gave you ha?" pasungit na tanong ni Jess sakin. "Ahh ehh kasi sa mga espesyal na okasyon ko nalang isosoot yun, sayang naman." naging tugon ko sa kanya. "Ohw really, okay." wika ni Jess na may matamis na ngiti. "Guys! Lets go na sa loob, sakay na kayo samin papasok." pag aalok ni Jess samin. "Okay Jess, tara na mga tol sakay na tayo. Kesa mag lakad tayo." tugon ni Ken. Kaya wala na kaming nagawa ni Gab kundi sumakay nalang.

Sa pag pasok namin sa campus, dito namin nakita ang mga estudyanteng nag aaral sa marangyang paaralan. Nag park ang kotse sa tapat ng isang building sa loob ng campus at bumaba na kaming lahat. Iba ang tingin sakin ng mga estudyanteng nandoon. Dahil ba naka white tshirt lang ako at maong na pantalon at mumurahing sapatos? Ramdam ba agad nila na hindi nila ako kasing yaman? Napansin siguro ako ni Jess kaya "Hey Ton, come here." wika ni Jess sabay ang pag angkla ng kanyang mga braso sa aking braso. "Don't think too much Ton, every one here will get the same education as you do. Lets go." dagdag pa nito. Wala akong magawa, ni hindi ako maka galaw palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. "Jejess wait lang. Di ako maka kilos, nasasangga ko yung. Ahh never mind nalang pala." wika ko sa kanya. "Anong nasasangga mo? Ikaw ha? Are you taking advantage of me?" wika ni Jess sa akin. "Ahh ehh hindi, ehh kasi ikaw nagulat lang ako." sagot ko sa kanya. Tiningnan lang ako ng masama nito at bumitaw, pero ngumiti din naman ulit. "Guys, can i borrow Ton after your class?" tanong ni Jess kay Gab at Ken. "Ahh okay lang Jess, sige lang. Tol, ikaw sabay ka nalang kay Jess pag uwi." wika ni Ken, habang tanging pag tango nalang ang naisagot ni Gab.

Habang kami ay nag lalakad, papunta sa sari sarili naming class room, naka salubong namin ang mga lalakeng nambugbog samin nung nag enrol kami. "Aba aba aba, tingnan mo nga naman ang pag kakataon. Alam nyo bang muntik na kaming hindi na papasukin dito dahil sa inyo? Buti nalang malakas si Daddy dito sa school. Eh kayo? Anong lakas nyo?" wika ng lalaki na kalaunan ay nalaman kong Greg pala ang pangalan. Kasama nito yung girlfriend nyang si Kristine pala ang pangalan at tatlo pang mga kalalakihan. "Di kami nag hahanap ng gulo mga brad. Makikidaan lang kami." wika ko sa mahinahon na boses. "Let's go na guys, wala tayong oras sa mga yan." dagdag pa ni Jess. "Aba! Loko kang babae ka ah! Di ko gusto ang tabas ng dila mo! Pasalamat ka maganda at sexy ka kung hindi nako! Masasampal kita." wika ng isa sa mga kasama ni Greg. "Why don't you try?!" sagot ni Jess sa pambabastos sa kanya. Agad na umamba na sasampalin nito si Jess, pero humarang ako at sinalag ang sampal. Nahawakan ko ang braso nito upang mapiit, binaba nya ito at tinulak ako ng malakas. Sa sobrang lakas ay napa upo ako sa lapag at tumama ang likod ko sa pader. Para akong super hero nun pero sobrang sakit talaga ng likod ko, "Pakialamero! May araw din kayo. Tara na nga, wala tayong mapupura sa mga yan." wika ni Greg. Agad naman akong nilapitan ni Jess sa aking pag kakaupo. "Ton, you silly thing. Why did you do that? Why try and save me? You stupid stupid Ton." wika nito. "Stupid daw? Ehh niligtas ko na nga sya. Malamang ayoko syang masaktan." wika ng aking isipan. "Likod ko, masakit." yan nalang naging tugon ko sa kanya. "Tol, okay ka lang ba?" tanong ni Gab sakin. "Tol! Nako kung mabilis lang sana mag lakad tong si Gab, natulungan na kita dun sa mga gagong yun. Sumosobra na sila." wika naman ni Ken. Nakita ko si Jess na medyo nanggigilid na ang luha, "Jess, alam ko ako nasaktan. Bakit ka iiyak?" tanong ko ng pabiro sa kanya habang naka ngiti. "Because that was stupid thing to do. And nasaktan ka dahil sakin." sagot nito habang naka lasbi. "Gabre ang cute nya kahit ganyan ang itsura." wika ng aking isipan. "Okay na ako sa thank you." wika ko kay Jess habang naka ngiti. "Thank you Ton, that was the first time some one stood up for me." naka ngiting pasasalamat ni Jess.

Tumayo na ako at nag tungo na sa aming class room, naka hiwalay lang si Jess kasi iba ang kanyang kusro. Medicine kasi kinukuha nya, habang kami namang tatlo ay I.T naman. Ayaw din kasi naming mag hiwa hiwalay, pero habang nasa klase kami ay di mawala ang Mukha ni Jess sa isipan ko. "Nako, naloko na. Nahuhulog na nga yata ako." wika ko sa aking sarili.

To be Continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status