Home / Romance / Lover ko si Bespren / Chapter Hundred Fifty-Three 

Share

Chapter Hundred Fifty-Three 

Author: Maria Angela Gonzales
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

TYPE ni Regine si Silver pero hindi naman siya ang tipo na ipagpipilitan ang sarili sa lalaking hindi naman siya gusto. Hindi siya bale, ano. Saka tama naman ito eh, mukha siyang pera at iyon ang importante sa kanya. 

Sa gagawin niya ay maaari siyang kumita ng dalawang daang libong piso. Oh God, kahit na magpa-tumbling-tumbling siya maghapon ay hindi niya iyon kikitain. Kaya, kailangan na niyang sunggaban ang oportunidad na iyon. Medyo natigilan lang siya nang marinig niya ang pinaplanong gawin ni Silver. 

"Kaya mo namang gawin ang ipinagagawa ko sa'yo, hindi ba?" Marahang tanong nito na para bang hindi maniniwala sa kanya kung sasagot siya ng hindi. Kaya naman nakataas pa ang kilay nito habang hinihintay ang kanyang isasagot. 

"Para mo na ring tinraydor ang pinsan mo," hindi niya napigilang sabihin pero bigla siyang natigilan. 

Ano bang pakialam niya sa pinsan ni Silver? Natatawa niyang tanong sa sarili. Sa oportunidad na kumakatok sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Four 

    DAHIL sa ayaw muna maisip ni Gray si Hannah, pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Silver na pumunta siya sa condo ito para maipakilala nito ang girlfriend."Gray," wika niya sa babaeng parang tuko na nakakapit sa kanyang pinsan.Para tuloy gusto niyang mangiti dahil parang ayaw na nitong pawalan pa ang kanyang pinsan kung makayakap ito. Hindi tuloy niya napigilang tingnan ng may panunudyo si Silver. At nang makita nitong nakatingin siya ay para pang sinadya nito na ipulupot ang kamay sa baywang ng babae.“Regine,” wika naman ng babae na naunang maglahad ng kamay sa kanya.Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kamay nito. Siyempre hindi naman niya puwedeng tanggihan iyon dahil mapapahiya ito. Saka ayaw din naman niyang sumama ang loob sa kanya ni Silver.“Nice meeting you,”wika niyang nawala na ang ngiti dahil sa pinisil nito ang kanyang kamay pagkaraan. Bigla kasi niyang naalala

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Five 

    MAHAL na mahal man ni Gray si Hannah hanggang ngayon, pakiwari ni Silver ay hindi siya dapat ma-guilty sa paghihirap na nararamdaman ni Gray. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang iyon ang nararamdaman ng kanyang pinsan. Saka, kung nasasaktan man ito ngayon, hindi niya kasalanan iyon. Si Hannah mismo ang may gusto na lumayo na muna kay Gray.Muna? Mariin pa niyang tanong sa sarili. Ang gusto rin naman kasi ni Hannah ay malaman ni Gray na buhay siya kapag nahuli na si Blue. Ngunit, gumagawa nga ba ng paraan para malaman kung sino si Blue?Napangisi siya sa kaisipan na iyon. Siya kasi ay hindi na interesado kay Blue. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay nasa piling niya si Hannah. Ang kailangan lang niyang gawin ay protektahan ito sa anumang kapahamakan.Kahit pa kay Gray.Maaari ngang nagmamahalan ang mga ito pero tulad nga ng sinabi ni Hannah, hindi ito magiging ligtas at si Gray kung magkasama ang mga ito. Tiyak kasing lahat din ng paraa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Six 

    EWAN ni Gray kung bakit parang may ibig sabihin ang tanong ni Silver sa kanyang Sigurado ka bang hindi mo alam kung gaano ako kademonyo?Bigla tuloy niyang naalala na noong mga bata sila ay gusto nito palaging nakukuha ang gusto. Kahit na mayroong nagmamay-ari sa anumang bagay na magustuhan nito, pipilitin pa rin nitong agawin. Kaya madalas umiiyak si Blue dito.May pagkakataon na ipinagtatanggol niya si Blue kaya naman kinukuha niya kay Silver ang mga bagay na dapat naman talagang para kay Blue. Alam niyang nagagalit din sa kanya si Silver pero wala na lamang itong magawa kundi titigan siya ng masama. Para kasi rito, siya ang pinsan nitong hinding-hindi nito aawayin."Naging mabait ka na naman, hindi ba?" Tanong niya rito pero parang gusto niyang magduda habang pinagmamasdan niya ito. Para kasing may itinatago it

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Seven  

    "KAMUSTA na kaya ang Daddy mo," marahang tanong ni Hannah sa tiyan niyang maumbok na. Lagpas limang buwan na rin naman kasi iyon kaya ang lungkot lungkot na niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita at nakakasama si GB. Kaya, miss na miss na niya ito. Kung hindi lang niya inaalala na maaapektuhan ang kanyang dinadalaý siguradong wala siyang ibang gagawin kundi ang umiyak.Ito ang pinakamatagal na panahon na nagkahiwalay sila ni GB kaya ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang may bakal ngang nakadagan sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Gayunman, kailangan niyang huminga nang maayos dahil siya rin naman ang nagdesisyon na lumayo rito. Kahit mahal na mahal niya ang kanyang asawa, kailangan niyang magsakripisyo para sa kaligtasan nito.Alam kasi niyang hindi titigil si Blue hanggang sa hindi siya nito nakukuha. Kaysa naman gumamit pa i

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Eight 

    SI GB ay may ka-sex na iba? Ang una siyempre niyang impresyon ay nasaktan siya. Talaga naman kasing iyon ang dapat niyang maramdaman dahil siya itong asawa pero may iba na itong kinakalantari.Hindi pala dahil kitang-kita sa video na ang babae lamang ang nagtatrabaho. At dahil nakamasid siyang maigi ay alam niyang natutulog si Gray dahil wala naman itong karea-reaksyon. Iyon ang rason kung bakit anggulo lang ng babae ang nakikita.Kaya, parang ibig niyang humagalpak sa kakatawa. Minsan na siyang nagduda sa katapatan ni Gray at hindi na niya uulitin pa iyon.Kung ang ibang lalaki ay madaling makapagmu-move on kapag nawala na ang kanilang partner. Alam niyang hindi iyon basta-basta magagawa ni Gray lalo na't ilang dekada sila naging mag-bestfriends nito bago naging m

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter Hundred Fifty-Nine 

    HINDI man alam ni Gray kung saan siya naroroon ngayon, hindi siya nakaramdam ng takot. Kahit pa madilim ang paligid ay hindi siya nangambang baka bigla na lamang may nilalang na sumulpot sa kanyang harapan at kukunin siya para madala sa kaharian nito.Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang asawa. Sabi niya sa sarili, tatanggapin lang niya na wala na ito sa kanyang buhay kung magpapakita ito sa kanyang panaginip at sasabihin ngang wala na ito."Damuho kang lalaki ka," wika ng boses na kilalang-kilala niya, kahit ilang taon na niyang di naririnig."Lola Salome…" nasisiyahan niyang sabi dito. Ang plano niya ay yakapin ito pero bigla siyang nitong sinampal. Ang ipinagtataka lang niya, hindi naman lumapat sa kanyang mukha ang palad nito pero hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng sakit.Natigilan tuloy siya. Para kasing nayanig ang buo niyang pagkatao."Huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko kundi'y ako ang iyong ma

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty 

    NAPABALIKWAS nang bangon si Hannah nang biglang bumukas ang pinto. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Silver. Nakaramdam siya kasi ng takot lalo na’t alam niyang in-lock niya kanyang pinto. Hindi nga lang niya naikabit ang double lock.“Anong ginagawa mo rito?” nagpa-panic niyang tanong saka niya mabilis na ibinalot sa kanyang sarili ang kumot. Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng kanyang puso. Ngunit, alam niyang hindi iyon dahil sa pag-ibig kundi sa matinding kaba.Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay ang pinagdaanan ni Nicole sa kamay ni Blue at ang ginawa ni Blue sa kapatid nitong si Abi. Kahit naman ang alam lang niya ay kinidnap ni Blue si Abi, tiyak niyang ginawan din ito ng kahalayan sa nakababatang kapatid ni Nicole.Kahit naman ang alam niya'y magkaibang tao sina Silver at Blue, hindi pa rin siya nakasisigurado kung anong kayang gawin ni Silver. After all, iisang dugo lang naman ang nananalaytay sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty One  

    PROMISES are made to be broken. Ito ang motto na hindi binabalewala ni Hannah dahil talaga namang mahirap na umasa ka na lang sa pangako gayung hindi ka nakasisiguro kung tutuparin ba ito ng taong nangako.Kahit pinsan ni GB si Silver ayaw niya itong pagkatiwalaan ng labis. Tingin kasi niya, kahit tinutulungan siya nito, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pagkatiwalaan niya ito ng husto.Paano naman kasi, alam niyang may iba itong motibo. Ayaw man niyang maging mapagduda pero alam niyang may gusto ito sa kanya at gagawin nito ang lahat para maghiwalay sila ni GB.Kung hindi lang siya buntis ay parang gusto na niyang umalis sa poder nito ngunit kailangan din niyang maging ligtas at alam niyang dahil may pagmamahal sa kanya si Silver, hindi siya nito pababayaan.Kaya, kaysa ma

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Four

    NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Three 

    INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Two

    MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-One

    DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy 

    KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Nine 

    "ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Eight 

    SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Seven

    AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Six 

    MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&

DMCA.com Protection Status