MAHAL na mahal man ni Gray si Hannah hanggang ngayon, pakiwari ni Silver ay hindi siya dapat ma-guilty sa paghihirap na nararamdaman ni Gray. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang iyon ang nararamdaman ng kanyang pinsan. Saka, kung nasasaktan man ito ngayon, hindi niya kasalanan iyon. Si Hannah mismo ang may gusto na lumayo na muna kay Gray.
Muna? Mariin pa niyang tanong sa sarili. Ang gusto rin naman kasi ni Hannah ay malaman ni Gray na buhay siya kapag nahuli na si Blue. Ngunit, gumagawa nga ba ng paraan para malaman kung sino si Blue?
Napangisi siya sa kaisipan na iyon. Siya kasi ay hindi na interesado kay Blue. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay nasa piling niya si Hannah. Ang kailangan lang niyang gawin ay protektahan ito sa anumang kapahamakan.
Kahit pa kay Gray.
Maaari ngang nagmamahalan ang mga ito pero tulad nga ng sinabi ni Hannah, hindi ito magiging ligtas at si Gray kung magkasama ang mga ito. Tiyak kasing lahat din ng paraa
EWAN ni Gray kung bakit parang may ibig sabihin ang tanong ni Silver sa kanyang Sigurado ka bang hindi mo alam kung gaano ako kademonyo?Bigla tuloy niyang naalala na noong mga bata sila ay gusto nito palaging nakukuha ang gusto. Kahit na mayroong nagmamay-ari sa anumang bagay na magustuhan nito, pipilitin pa rin nitong agawin. Kaya madalas umiiyak si Blue dito.May pagkakataon na ipinagtatanggol niya si Blue kaya naman kinukuha niya kay Silver ang mga bagay na dapat naman talagang para kay Blue. Alam niyang nagagalit din sa kanya si Silver pero wala na lamang itong magawa kundi titigan siya ng masama. Para kasi rito, siya ang pinsan nitong hinding-hindi nito aawayin."Naging mabait ka na naman, hindi ba?" Tanong niya rito pero parang gusto niyang magduda habang pinagmamasdan niya ito. Para kasing may itinatago it
"KAMUSTA na kaya ang Daddy mo," marahang tanong ni Hannah sa tiyan niyang maumbok na. Lagpas limang buwan na rin naman kasi iyon kaya ang lungkot lungkot na niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita at nakakasama si GB. Kaya, miss na miss na niya ito. Kung hindi lang niya inaalala na maaapektuhan ang kanyang dinadalaý siguradong wala siyang ibang gagawin kundi ang umiyak.Ito ang pinakamatagal na panahon na nagkahiwalay sila ni GB kaya ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang may bakal ngang nakadagan sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Gayunman, kailangan niyang huminga nang maayos dahil siya rin naman ang nagdesisyon na lumayo rito. Kahit mahal na mahal niya ang kanyang asawa, kailangan niyang magsakripisyo para sa kaligtasan nito.Alam kasi niyang hindi titigil si Blue hanggang sa hindi siya nito nakukuha. Kaysa naman gumamit pa i
SI GB ay may ka-sex na iba? Ang una siyempre niyang impresyon ay nasaktan siya. Talaga naman kasing iyon ang dapat niyang maramdaman dahil siya itong asawa pero may iba na itong kinakalantari.Hindi pala dahil kitang-kita sa video na ang babae lamang ang nagtatrabaho. At dahil nakamasid siyang maigi ay alam niyang natutulog si Gray dahil wala naman itong karea-reaksyon. Iyon ang rason kung bakit anggulo lang ng babae ang nakikita.Kaya, parang ibig niyang humagalpak sa kakatawa. Minsan na siyang nagduda sa katapatan ni Gray at hindi na niya uulitin pa iyon.Kung ang ibang lalaki ay madaling makapagmu-move on kapag nawala na ang kanilang partner. Alam niyang hindi iyon basta-basta magagawa ni Gray lalo na't ilang dekada sila naging mag-bestfriends nito bago naging m
HINDI man alam ni Gray kung saan siya naroroon ngayon, hindi siya nakaramdam ng takot. Kahit pa madilim ang paligid ay hindi siya nangambang baka bigla na lamang may nilalang na sumulpot sa kanyang harapan at kukunin siya para madala sa kaharian nito.Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang asawa. Sabi niya sa sarili, tatanggapin lang niya na wala na ito sa kanyang buhay kung magpapakita ito sa kanyang panaginip at sasabihin ngang wala na ito."Damuho kang lalaki ka," wika ng boses na kilalang-kilala niya, kahit ilang taon na niyang di naririnig."Lola Salome…" nasisiyahan niyang sabi dito. Ang plano niya ay yakapin ito pero bigla siyang nitong sinampal. Ang ipinagtataka lang niya, hindi naman lumapat sa kanyang mukha ang palad nito pero hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng sakit.Natigilan tuloy siya. Para kasing nayanig ang buo niyang pagkatao."Huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko kundi'y ako ang iyong ma
NAPABALIKWAS nang bangon si Hannah nang biglang bumukas ang pinto. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Silver. Nakaramdam siya kasi ng takot lalo na’t alam niyang in-lock niya kanyang pinto. Hindi nga lang niya naikabit ang double lock.“Anong ginagawa mo rito?” nagpa-panic niyang tanong saka niya mabilis na ibinalot sa kanyang sarili ang kumot. Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng kanyang puso. Ngunit, alam niyang hindi iyon dahil sa pag-ibig kundi sa matinding kaba.Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay ang pinagdaanan ni Nicole sa kamay ni Blue at ang ginawa ni Blue sa kapatid nitong si Abi. Kahit naman ang alam lang niya ay kinidnap ni Blue si Abi, tiyak niyang ginawan din ito ng kahalayan sa nakababatang kapatid ni Nicole.Kahit naman ang alam niya'y magkaibang tao sina Silver at Blue, hindi pa rin siya nakasisigurado kung anong kayang gawin ni Silver. After all, iisang dugo lang naman ang nananalaytay sa
PROMISES are made to be broken. Ito ang motto na hindi binabalewala ni Hannah dahil talaga namang mahirap na umasa ka na lang sa pangako gayung hindi ka nakasisiguro kung tutuparin ba ito ng taong nangako.Kahit pinsan ni GB si Silver ayaw niya itong pagkatiwalaan ng labis. Tingin kasi niya, kahit tinutulungan siya nito, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pagkatiwalaan niya ito ng husto.Paano naman kasi, alam niyang may iba itong motibo. Ayaw man niyang maging mapagduda pero alam niyang may gusto ito sa kanya at gagawin nito ang lahat para maghiwalay sila ni GB.Kung hindi lang siya buntis ay parang gusto na niyang umalis sa poder nito ngunit kailangan din niyang maging ligtas at alam niyang dahil may pagmamahal sa kanya si Silver, hindi siya nito pababayaan.Kaya, kaysa ma
“BAKIT ba lagi na lang ninyo akong pinupuna?” nagmamaktol na tanong ni Gelli sa kanyang mga kapatid. Pinaglipat-lipat pa niya sa kanyang Ate Abi at Ate Mimi ang kanyang tingin. Ngunit, hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga ito sa kanya. Matatalim ang tingin sa kanya ng kanyang mga ate, parang gusto siyang sakalin.What’s new? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Talaga naman kasing parating mainit ang dugo sa kanya ng mga kapatid.Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Inakala niya kasi dati kapag walang Kat-Kat ay maibabaling na sa kanya ang atensyon ng mga kapatid. Well, nangyari naman iyon pero hindi niya makuhang magsaya ngayon. Hindi naman kasi nabaling ang atensyon ng mga ate niya sa kanya dahil binubusog siya ng mga ito sa pagmamahal. Sa halip, pinaliliguan kasi siya ng mga ito ng sermon.“Anong oras na ba?” nakapameywang na tanong ng kanyang Ate Mimi.Matabang niya itong sinagot. &l
"DAMN," inis na bulalas ni Silver. Kahit kasi may importanteng tinatalakay sa quarterly meeting ng kanilang kumpanya Madrigal Sweets ay wala roon ang kanyang atensyon. lumilipad pabalik sa kanyang resthouse, kung saan naroroon si Hannah.Kung hindi lang siya nag-aalala na hagilapin siya ng mga magulang at matuklasan ng mga ito na kasama niya si Hannah, hindi siya susunod. Ngunit, kilala niya ang mga magulang kapag nay ginustong gawin ang mga ito. May pagkakataon nga na walang pakialam ang mga ito kung makapanakit ng iba. Ang mahalaga sa mga ito ay ang perang maaaring makuha ng mga ito.Masakit mang tanggapin pero mukhang pera ang kanyang mga magulang. Iyon nga ang dahilan kung bakit nagawa ng mga itong agawin kina Blue at sa ina nito ang mana na dapat ay para sa mga ito.Kaya, importante talagang walang dapat na makaalam ng tungkol kay Hannah. Dahil baka maging dahilan pa iyon para tuluyan itong mawala sa kanyang buhay.Hah, hindi