Share

Chapter Hundred Fifty-Four 

DAHIL sa ayaw muna maisip ni Gray si Hannah, pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Silver na pumunta siya sa condo ito para maipakilala nito ang girlfriend. 

"Gray," wika niya sa babaeng parang tuko na nakakapit sa kanyang pinsan. 

Para tuloy gusto niyang mangiti dahil parang ayaw na nitong pawalan pa ang kanyang pinsan kung makayakap ito. Hindi tuloy niya napigilang tingnan ng may panunudyo si Silver. At nang makita nitong nakatingin siya ay para pang sinadya nito na ipulupot ang kamay sa baywang ng babae. 

“Regine,” wika naman ng babae na naunang maglahad ng kamay sa kanya. 

Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kamay nito. Siyempre hindi naman niya puwedeng tanggihan iyon dahil mapapahiya ito. Saka ayaw din naman niyang sumama ang loob sa kanya ni Silver. 

“Nice meeting you,”wika niyang nawala na ang ngiti dahil sa pinisil nito ang kanyang kamay pagkaraan. Bigla kasi niyang naalala

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status